webnovel

Chapter 37: Our time

Ako ang unang nagising kinabukasan. Nung ako'y gumalaw at maupo ay ramdam ko ang sakit doon. Nang tingnan ko si Lance sa tabi ko ay nakadantay pa rin ang kamay nya sa may binti ko. Inalis ko iyon at inayos sa gilid nya. Nakadapa man sya ay kita pa rin gilid ng kanyang mukha kung paano sya kaperpektong hinulma. Ang noo nya'y mas makinis pa sa pisngi ko. Ang ilong nyang matulis ngunit hindi kaanong matangos. Ang labi nyang perpektong gawa ay para bang kinulayan at nilalagyan nya lagi ng pampapula. Ang kanyang baba ay ilang pulgada lamang ang pagitan sa kanyang labi. Sa kabuuan. Kahit anong anggulo mo sya tignan o titigan, gwapo pa rin. Artistahin kumbaga.

"Morning babe." he murmurs. Dumilat ang medyo singkitan nyang mata tapos pumikit muli.

"Good morning my baby babe.." matamia kong bati sa kanya. Mabilis syang bumalikwas at tumagilid sa gawi ko.

"Stop staring baby. Akala ko ba di ako gwapo?.." natatawa nitong biro.

"Bakit di ka kaya mag-artista?. Bagay sa'yo babe.." pilyo kong sabi. Tatayo na sana subalit hinigit nya ang braso ko kaya napabalik ako ng upo. Lalo ko tuloy naramdaman ang sakit. Damn it!!..

"No way! Anong talent na gagawin ko naman. Ayoko."

"Ngingiti ka lang naman sa camera. Tapos ayun may pera ka na. hahaha.."

"I have money." halos iungol nya ito.

"E di para dumami pa.." pinalobo ko ang bibig sa pagpipigil ng tawa.

"Tapos you are not with me?. No way!." buong puso yata syang umiling. Ang sarap lang nyang asarin. Biro ko lang naman ito. Titignan ko kung anong mga opinyon nya sa opinyon ko. And after knowing that he doesn't want to lose me despite of his having or might living his possession is so lit. That excites me to the point that I want to settle down with him from now on.

"Ayaw mo nun, magiging sikat ka na.."

"Aanhin ko ang kasikatan kung wala ka naman sa tabi ko habang tinatamasa ito. I'd rather sacrifice my career rather than losing you."

"What if yun nalang ang choice mo?." pilit ko. Doon na sya tamad na bumangon at sumandal sa may semento.

"Even so. I will never repeat my mistake again. Losing you is like losing my whole self. If that happens. My world will literally end.."

"Hahahaha.. ang oa naman. end talaga?."

Humaba ang kanyang nguso. Gumapang ako sa gawi nya't binigyan sya ng halik sa labi. "Losing you again is like living in hell for the rest of my life. I want you to know that, even before, you are my world and my sunshine everyday."

"Pakasal na tayo kung ganun?.." he hugged me and turn back my kisses.

"Ligawan mo muna ako boy. Ilang taon tayong di nagkita uy. Malay ko kung may nagbago na sa'yo.."

"If that's what you want, okay then. But can you assure to me that you'll gonna marry me?."

Di ko mapigilan ang matawa. Naniniguro na talaga sya. "Bibigyan pa ba kita ng second chance kung ayaw na kita?. Meaning, second chance is your last chance at kung mangyari ulit ang bagay na wala sa ating kagustuhan."

"Gumawa man ang tadhana ng bagay na wala sa ating kagustuhan. I'll hold your hand until my last breath."

"Pakilala mo muna ako sa pamilya mo kung ganun. Bamby already knew at gusto ko ring pormal na magpakilala sa kanila lalo na sa mga magulang nyo."

"Of course babe. Mangyayari yan pero sa ngayon, ienjoy muna natin to tutal andito naman na tayo.."

"Talagang nauna ang honeymoon huh?." pilyo kong biro. Natatawa rin syang tumango.

"Para mauna na rin ang anak kaysa sa kasal. hahaha.."

"So that's your purpose ha?. Ikaw talaga!.." pinalo ko ang dibdib nya. Ang tawa nya ay hindi nagbabago kanina pa. Mukhang, natutuwa nga ito sa mga nangyayari.

"I remember my little baby. Malaki na rin sana sya kung nabuhay lang sya." bigla ay binalot sya ng kalungkutan. Awtomatikong binalot ako ng bigat ng pakiramdam ng maalala ang sinapit ng aming munting Anghel. Hanggang ngayon, masakit pa rin sa part ko na di ko man lang masisilayan ang kanyang paglaki. Ang una nyang hakbang at lahat ng una nyang gagawin kasama kami. But then again. Para sa akin. Mabuti na ring nasa maayos na syang kalagayan kaysa sa magdusa pa sya sa kasalanan na wala syang kinalaman.

"Yeah.. she's our little angel now." may luhang pumatak saking kaliwang mata. Pupunasan ko palang to ng biglang dumampi ang mainit nyang labi sa pisngi ko.

"You're too beautiful to cry. She's our angel now and I really do believe that she's always with us, watching from above." after he kissed the tears on my cheeks. He gave me a tight hug.

It lasts more than half a minute. Hanggang sa nagdesisyon na akong maunang maligo.

Pagkatapos ko ay sya naman ang sumunod. Muli nya muna akong hinalikan sa noo bago pumasok ng banyo. Suot ko ang fitted blue jeans at white crop top. Itong flip flops lang din ang gusto kong isuot ngayong buong araw. Tinatamad akong magsapatos. After I combed and blow dry my hair. I took my phone and check it's time. It's already 10 in the morning at heto pa rin kami sa loob. Hindi pa nakapag-almusal.

"Babae ka!?." kakasagot palang ng bakla ay tili nya agad ang bumungad sa akin. Kingwa! Muntik nang masira ang eardrums ko.

"Bakla ka!?. Nasaan ka ha?." nanggagalaiti kong reklamo dito. Suminghap lang sya sa kabilang linya. It is a phonecall not a video call. Baka pag may video ay lalo nya akong asarin. Andyan pa naman si Lance. Magtataka ito pag nakitang magkasama kami. Pero teka. Ano lang kung makita nya diba?. Alam nya rin naman ang meron sa amin at alam nya rin lahat ng tungkol sa amin so anong pinag-aalala mo Joyce?.

Nothing. Maybe the thing is, I'm still not used to it.

"Secret, bakit ba?.."

"Sus naglihim pa!?. Iniwan na nga ako, masyado pang obvious gurl."

"Urgent bes. Pasensya na."

"Tsk.. bat di ka man lang nagtext?. Nag-alala ako sa inyo nila Bamby. Tinatawagan ko kayo kahapon pero lahat ng phone nyo out of coverage na. Tinakasan na nga ako, pinatayan pa. Ang astig mo talaga.."

"Gurl naman, sorry na. May kasama ka naman dyan eh."

"So pinlano nyo ring iwan sya rito?."

"Haha.. hinde noh. Sadyang tong Bamblebie kasi. Sinabihan ang lahat na may problema. Nabigla din kami girl sa desisyon kalaunan ng iba. Napasama ako kasi ayoko nang maging third wheel noh. Kay Bamby ka nalang magreklamo kung gusto, hindi sakin."

"Bakit daw?. Anong nangyari?."

"I don't know. Basta ang dinig ko kanina bago kami naghiwalay lahat. Dinala yata si Knoa sa ospital. Alam mo naman na ang buong tropa pagdating sa batang iyon. Lahat gusto syang ampunin."

"I see. Is he okay?." bibong bata kasi si Knoa at kahit na sino ay kagigiliwan sya.

"Aron replied na tonsillitis lang daw. Pero maayos naman na sya." Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ito sa kanya. Alam kaya ito ni Lance?. Nagpaalam na ako sa kanya ng lumabas na ang taong galing banyo. Mabuti nalang rin at may suot na itong matinong damit. Shorts at gaya kong puting malaking t-shirt din ang gamit nya.

I texted Bamby at tinanong ang kalagayan ni Knoa. Gaya ng sabi ni Winly ay ganun rin ang sabi nya. Pagkakataon ko na rin iyon para itanong kung bakit di nya kami ininform tungkol dito. At ang tanging sinabi nya lang ay, "I don't want to ruin your beautiful time up there. Also, I want you to clear all things up about your past and present. Ayokong malungkot kayong umuwi rito dahil lang sa may nangyari kay Knoa at maudlot ang kailangan nyong tapusin at umpisahan. And about the others. Ang sabi nila, may pasok na raw sila at mga hinahabol na mga trabaho kaya napauwi sila agad ng di oras. I hope you understand us kahit na iniwan ka namin dyan bes. See you soon."

"Let's go babe. Let's enjoy our time." ani Lance. Sinend ko na ang thank you kay Bamby saka na lumabas ng silid kasama sya.

Our time. At tama nga si Bamby. We need to enjoy this once in a lifetime moment.

Nächstes Kapitel