"She's mine?. Asa ka!." pangsusutil pa rin ni Aron, Poro at Deniss sa kanya.
"Kaya nga. Paano mo naman nasabi na sa'yo sya kung ni hindi mo nga maligawan?. hahahaha." humagalpak ng tawa itong si Bryan matapos sumimsim ng kanyang alak. Tanghali na pero heto pa rin ang lahat. Ayaw paawat alamin ang tungkol sa narinig nila.
He didn't even bother to answer him. Instead, he is just so confident on smirking at them.
"Ay kingwa pare! Si Lance ba kasama natin?. Bakit parang nasaniban ng ibang tao?. hahahah." natatawang ani Billy. itinuro pa nya ito. Lance is now leaning on the table. His head is on his hand while proudly watching me.
Errr!. Sa totoo lang. Hindi ko gusto ang ginagawa nya. Masyadong obvious na may meaning nga ang mga sinasabi nya. Tuloy, ang mga taong nasa loob ng grupo ay hindi kami tinatantanan. Kahit may iilan naman na, sa kanila ang totoong nakakaalam sa namagitan sa aming dalawa noon, heto sila't parang katulad ng iba. Tipong, walang alam sa lahat. Hay!. Nakakainis sila. Lalo na itong bakla na to! Panay ang hirit sa akin. "What about Joyce?. What can you say about what he have said?." kinindatan pa ako na parang ikinagagalak ko ang pinupunto nya. I know him. He loves annoying me lalo na pagdating kay Lance. And here he goes again. He's at it, clinging with them.
"Kumain nalang kayo para mabilis tayo. Marami pa tayong pupuntahan.." di ko sinagot ang naging tanong nya. Kaya nagpanggap itong naiinis at tinapunan ako ng tissueng kakagamit nya. Hinulma nya ito ng pabilog at binato ako.
Pero.
Ang di ko inasahan. Sinalo agad ni Lance iyon para di ako matamaan.
"Oh!.." halos lahat ay namangha sa kanyang ginawa. Pinagalitan pa nga si Winly. Binalewala lamang ni Win iyon at ginawa pa iyong dahilan para mas lalo kaming tuksuhin ng lahat.
"Guys, stop that. Wag nyong sagarin yang si Lance. Baka, mawalan bigla tayo ng tutulugan mamayang gabi. Sya pa naman sponsor natin sa lahat." kung hindi pa ipinaalala ni Bamby ito sa kanila. Hindi pa rin siguro titigil. And as what I'm saying. Yes. Sya lang naman po ang nag-accomodate saming lahat dito. May kung ano sa akin ang nagulat sa ibinalitang iyon ni Bamby subalit mas nananaig sa akin ang pagkalito. Bakit inako nya lahat kung lahat naman kami rito ay afford ang accomodation?. Anong rason nya?. Dahil ba sakin?. Impossible!. Pero pwede ring possible!.
Natapos ang tanghalian ng mga bandang ala una na. Bumalik ang lahat sa kanya kanyang kwarto. Syempre iba ang silid ng mga babae sa lalaki kahit may mga asawa na yung iba. They still choose to be in the same gender room para raw makabonding ang bawat isa. Ganun din sa mga lalaki. Oras raw ito para sa kanilang mga sarili na magpahinga at maki-pagkwentuhan sa iba. Not saying na di sila ganun when they're with their own specific family. Sadyang, iyon lang ang pinili at ipinaliwanag nila bago nagkaroon ng kwarto ang lahat. Sa isang silid. Anim ang kasya at may higit pa. Sa amin naman. Kaming apat lang ang nandito. Karen, Bamby and Winly. Gusto nya doon sa mga lalaki makitulog subalit hinila sya nung dalawa at dito dinala ang mga gamit nya. He throw tantrums at us. Lalo na dun sa dalawa. "Nakakainis kayo! Ngayon na nga lang to eh!." nguso nya. Pinagtawanan lang naman sya.
We take showers bago muling bumaba para sa pupuntahan naming lugar. Yung van na dating sinakyan namin ay iyon muli ang ginamit namin. As usual. Yung dating laman ng sasakyan. Ganun pa rin.
"Win, palit tayo." I asked him na makipagpalitan kasi eto na naman kami. Magkatabi subalit itong bakla naman. Sinimangutan lang ako't di na pinansin. Tuloy, wala akong magawa kundi umupo nalang sa tabi nya.
"Ganun ba ako kabaho para ayaw mo kong tabihan?." sa minuto palang yata na takbo ng sasakyan namin ay bigla nalang akong pinagpawisan kahit malamig ng dahil sa naging tanong nya.
"What?." sobrang hina ng boses ko. Parang kinain ito ng kaba sa dibdib ko.
"It seems like, you don't want me, near you?." napapaos pa nyang dagdag. Nakagat ko na lamang ang sariling labi sa kanyang sinambit. Then after that. Di na sya umimik the whole trip and travel. Kahit na maingay ang lahat sa pagkuha ng larawan ng bawat isa sa nakakalaglag pangang tanawin. Di sya nakisali o kahit ang lumapit sa amin.
"Come on Kuya!. Wag namang kill joy. Nasa paraiso tayo. Make it memorable." dinig ko sa malayo ang boses ni Bamby. Nakatanaw ako sa kulay berde at asul na tanawin sa malayo ay hindi pa rin matanggal sa isip ko ang presensya nya sa aking likod. I want to ask and accompany him to where he is standing pero nahihiya ako. I want to say sorry and apologize for what I did but my guts says not. It seems like, something inside of me knew that it's not yet the right time for that.
Bigla nalang. "Ikaw din. Ang kj nyo." hinablot ni Bamby ang kaliwang braso ko saka hinila sa malapit sa end of the cliff. "Dyan!. Tignan nyo nga yang mga mukha nyo. Obvious na obvious na pareho kayong hindi nag-eenjoy?. For what huh?." naiinis na siring samin ni Bamby. Sakin sya tumingin. Meaning, I need to answer her.
"Seeing this scenic view is enough for me, Bam."
"And you?." sa kapatid naman nya sya tumingin.
"The same as hers.." he just said this bluntly.
Sarkastiko itong tumawa sa aming harapan. Ngunit sandali lamang iyon at napalitan ng pagkayamot. "Psh!. The same as hers. Bagay nga kayo. Parehong may topak!." irap nya sa amin at duon na maingay na tinawag ang lahat. Inanunsyo nitong kuhanan kami ng larawan, kasama na pati ang iilan. Kaya ang nangyari, kahit maingay, pilit at awkward ang moment, naenjoy ko din naman.
"Walang mangyayari sa inyo kung hanggang ganyan nalang kayo. Parang walang buhay. Wake up lovesick birds." nakapamaywang na nyang sabi. Itinuturo na kami tapos ang tanawin sa aming likod.
Nagtawanan sina, Poro, Dennis at Aron sa likuran nya mismo. Andun lang din si Jaden, katabi si Kian sa likod ng tatlo.
"Don't push me into my limits Bamblebie!." banta nito sa kapatid. Isinabit ang kaliwang kamay sa kanyang baywang. Natatamaan na ako nito.
"Then, stop acting like some dumb asshole here. Make a move and grant my wishes." sagot nito sa kapatid.
I feel like. My mouth is now hanging on the cliff. Hindi ko iyon maisara.
"Gurl, isa pang click shot yung sweet naman.." hirit ni Winly ng sya ang kumuha sa amin. Pinagilid pa si Bamby para lang kunan kami ng magandang shot.
"Paanong sweet ba?." I'm young, dumb and broke. Don't ask why I asked this. Lol!
"Pogi, ano ba!?. Sweet nga diba?. Hapitin mo naman bewang nya, yung mahigpit." utos pa nya. Humagalpak ng tawa ang mga kalalakihan sa di kalayuan. Sa lakas ba naman ng boses nito. Naririnig na yata hanggang Taiwan na.
Di nagtagal. Ginawa nya nga ang inutos sa kanya. "Damn this. I can't afford not to smell you." bumulong pa sa likod ng aking tainga. "How can I grant my sister's wish if I don't have a lover?."
Eh?. Kilig yarn!
Talaga?.
"Yan, ganyan nga." ayan. Nakuntento rin! Marami silang kinuha na larawan naming dalawa bago kami nila Jaden at Bamby. Apat kami hanggang sa naging anim at lahat na.
Hanggang pagsakay at pagbalik ng van. Pinagtabi ulit kami. This time. Bamby, Jaden, Aron and Poro is with us. Nasa kabilang sasakyan naman ang iilan.
Kamakailan. Humikab ako't inaantok na talaga. Ipinikit ko ang aking mga mata saka na umidlip without thinking who's beside me.