webnovel

Chapter 19: Start

Ilang araw nga simula nang matulog kami sa bahay ng mga Eugenio ay lumipad na nga sila pabalik ng Australia. Mahirap pala talagang magdesisyon pagdating sa ating mga sarili. Tipong kailangan muna ng sakripisyo para matuto. Kailangan munang maghirap para mapagtagumpayan ang isang bagay. Kailangan mo munang, hayaan ang taong mahal mo na dumepende sa kanyang sarili upang matutuhan nitong magmahal ng buo. Ang sabi ko nga. Malaki ang tiwalang ibinigay ko sa kanya. Malaki rin naman ang ibinigay nya sa akin. Kaya kahit magkalayo pa kami, hindi ako natakot kailanman.

Ngayong mag-isa na nga ako. Walang masasabing pamilya na andyan upang umalalay. Mga kapatid na handang tumulong. Bigla akong nakaramdam ng takot. Paano ako kung wala sinuman sa kanila ang andito?. Natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi para sa kanila. Hindi ba naisip kung paano na ako rito?. Simula kasi nang umalis sila Papa pabalik ng Cagayan. Hindi na sya tumawag sakin. Di ko alam. Baka pinagbawalan sya o baka walang signal lang doon. Pero naisip kong hindi mawawalan ng signal ang probinsya ng Cagayan dahil nasa sentro sila ng syudad. Maraming mga gusali, fastfood at iba pa ang lugar kung kaya't impossible na hindi ako matawagan ni Papa. Gusto ko sana syang tawagan subalit malaki pa rin kung magtalo ang puso't isip ko. Na lagi nalang nanalo ang mapride kong utak. Tuloy hanggaang ngayon, wala pa akong balita sa kanila.

Sina Kuya Ryle at Rozen naman ay bihira kung mag-online. Si Kuya Ryle ay di ko alam kung nagdeactivate ba ng social media accounts nya o baka binlock nya ako. Hindi ko kasi mahanap name nya. Si Kuya Rozen naman ay laging online subalit wala man lang itong chat. Sinabi nya noon na hindi sya magbabago kapag nasa abroad na sya. Anong ibig sabihin na ng ginagawa nya ngayon? Hindi ba pagbabago na iyon?.

Bakit pakiramdam ko, may hindi ako alam tungkol sa kanilang lahat?. Para bang ipinagkanulo na nila ako. Binabalewala na lamang.

Masakit isipin ang ganito. But I guess. wala akong ibang mapagpilian kundi ang indahin nalang ito ng mag-isa.

Sinabi kong kaya ko ito kay Lance. Kaya dapat lang na kayanin ko to, kahit mag-isa pa ako.

Ilang araw bago nagsimula ang semester. Naghanap ako ng trabaho sa mga malls. Tinawagan ako ni Karen na sasamahan ako subalit matindi ko syang tinanggihan. Alam ko rin naman na abala ito sa kanila kaya hindi ko na pinayagan pa.

"I can handle this, Karen."

"Sure ka gurl?. Pag may problema. Tumawag ka lang ha?."

"Yes po."

"Yes ka ng yes dyan. Mamaya na naman, mababalitaan nalang namin na hindi ka na lumalabas sa inyo."

"Hindi na mauulit iyon. Trust me."

"Okay then. I trust you Joyce. Mag-ingat ka ha. Wag kalimutang kumain.." paalala pa nya. Sya at si Winly ang laging tumatawag sa akin every now and then. Laging nangangamusta o di kaya ay magpapaalala na dapat akong kumain, lumabas, ngumiti at gumala. Kung hindi dahil sa kanila, baka tuluyan na nga akong nabaliw.

Hanggang sa nagsimula na nga ang pasukan. Noong una, naging mahirap sa akin ang schedule ko dahil full load ako. Wala akong bakante kaya yung naghire sa akin ng trabaho ay naghanap muli ng kapalit ko dahil kailangan daw nila agad ng magtatrabaho. Nalungkot ako't nadismaya sa sarili. Kung sana dalawa ang katawan ko para kaya kong pagsabayin ang ginagawa ay baka matagal ko ng nagawa ito, subalit syempre, impossible iyon.

Mas lalo pang naging mahirap ng maubos ang ipon kong pera. Wala na ako kahit singkong kusing. Minsan, pa nga di na ako nakapasok dahil sa kawalan ng pamasahe. Nangutang lang ako sa isang bagong kakilala upang makapasok lang.

"Girl, ano na?. Diba sinabi ko na sayong tumawag ka lang kapag may kailangan ka?. Naku naman Joyce!.." nagdabog itong si Karen sa harapan ko. Hindi na naman ako nakapasok sa iskwelahan dahil nagkalagnat ako. Nilakad ko kasi ang ilang kanto mula iskwela hanggang dito sa apartment. Umaambon pa. Kaya heto ang inabot ko.

"You are torturing yourself alam mo ba yun?.."

"Oo nga naman girl. Kailan ka ba matutong hihingi ng tulong ha?. Hihintayin mo pa bang maghinalo ka para makahingi ng kapiranggot na tulong?. Joyce naman. Wag ganyan. Kinakawawa mo naman sarili mo eh."

"Wala bang pinapadala na pera sa'yo si Tito?.." lukot ang noo ni Karen ng tanungin nya ito. Nagkagat ako ng labi bago umiling. "Ang mga kuya mo?.." muli ay umiling ako.

Sabay silang napailing ni Winly. Dismayado. "Grabe! Wala ba silang pakialam sa'yo?."

"Di ko alam. Baka nga.." mahina kong sabi. Sakit ang dumaan sa lalamunan ko. Nag-init rin ang gilid ng mata ko kaya napabilis ang pagkurap ng mata ko.

"Jesus! Mga wala pala silang kwenta eh!." halos isigaw ito ni Winly dahil sa galit. "Biruin mo. Walang tawag o text man lang. Hindi ba nila alam na halos ikamatay mo na ang maiwan mag-isa rito?. Mga kingina!."

"It's okay Win.."

"Joyce, you are not okay, okay!?." tumaas ang timbre ng kanyang boses. Namula ang buong mukha nya saka namaywang at tumalikod sakin. "Nasasaktan ka girl. Wag mo laging sabihin na okay ka lang dahil ang totoo sa lahat, ay hinde." umiiyak na nyang sabi.

Agad nanlabo ang aking mga mata. I look away. Ayokong tumingin sa kanila habang ako'y naluluha. "Tignan mo ngayon ang nangyayari?. Nasaan ang magulang mo?. Sinabi mong ayos ka lang dito kahit iwan ka nila. Nasaan ang mga kapatid mo?. Alam ba nilang hindi mo talaga kaya ang mag-isa?. Masakit magsabi ng totoo Joyce pero kung iyon ang paraan para maging masaya ka. Magsabi ka. Anong kinakatakot mo?. Tao ka lang girl. Nasasaktan rin."

Wala akong masabi. Di ko alam bat nagagalit itong si Winly. Pero sabagay nga naman. Sinong hindi magagalit kung nakikita nilang nahihirapan ang kaibigan nila Joyce?. Tama nga si Winly. Anong kinakatakot ko?. Bakit hindi ko kayang magtanong ng bakit sa kanila?.

I just cried silently. Hinayaan lang nila ako ng ilang segundo hanggang sa sumali na rin sila sa akin. Sabay nila akong niyakap. Hinagod ni Karen ang buhok ko habang si Winly naman ay hawak ang braso ko. "I'm sorry." anya habang nagpupunas ng luha sa pisngi.

"No. Tama ka nga Win. Sinanay ko sila na okay lang ang lahat sa akin kahit na ang totoo ay hinde. Nasanay na siguro sila doon kaya ang alam nila ay hindi ko na kailangan ng tulong nila. Doon ko natanto na baka nga kaya hindi nagpaparamdam ang mga kapatid ko dahil ganun ang nasa iaip nila."

"Hindi sa sinisisi kita girl. Gusto ko lang magising ka. Masyado kang mabait. Kinakaya mo ang lahat kahit na dalawa o tatlo dapat ang pumasan ng dinadala mo."

Tumango lang ako.

"I already chatted your brother Rozen." ani Karen habang nakayakap na sa akin.

"Ha?. Anong sabi?." nagtataka kong tanong. Wala akong ideya sa ginawa nya.

"Hindi sya nagreply pero nabasa na nya yung message ko."

Kinabahan ako.

"Anong sinabi mo?." tanong ko. Umupo na si Winly ng maayos sa tabi ko habang si Karen naman ay tumayo parà sumimsim duon sa baso ng tubig na nakalapag sa may round table.

"Sinabi kong, iniwan ka ng Papa mo rito."

"Ano!?." Sinabi nya iyon?.

"At sinabi ko ring nagkasakit ka dahil nilakad mo ang school hanggang dito sa apartment mo."

"What!?." hindi ko mapigilan ang magulat.

"Hmm.. hindi mo kayang sabihin kaya ako na nagsabi." ngiti nya.

"Anong reply dun sa mga chat mo girl?.." ani Winly sa kanya.

"Seenzoned friend. But I have this guts na hindi lahat ng seen zone ay pangbabalewala. I can sense that he is mad right now. Ramdam ko ito."

"How can you be so sure?." paniniguro pa ni Winly.

"Basta. At kung sakali mang mali ang prediction ko about him. Si Denise na mismo ang tatawagan ko. Yung bruhang yun?.."

"Wag na.." agap ko.

"But why?.." halos sabay nilang tanong. I let out a deep sigh.

"Ako na nang bahala kung sakali mang walang aksyon ang mga kapatid ko."

"Wala na kaming tiwala dyan sa mga ako nang bahala mo girl. Mas magandang kami ng bahala rito. Maupo ka nalang dyan at magpahinga."

"Pero-?.."

"Hay naku! Wala nang pero pero kung ayaw mong makarating pa ito kay Papa Lance. Hmp?.."

"Ay yan ang wag na wag nyong gagawin.." banta ko. Pareho naman silang tumango.

"Alam naman namin iyon. Ngunit kung no choice na talaga kami. Iyon na."

"Basta. Please. Don't ever let him know about this."

"Pangako mo rin munang iingatan mo na ang sarili mo girl. Kami ang nag-aalala para sa'yo eh."

"I promise." itinaas ko ang kanang kamay para ipakitang sinsero akong mangako sa kanila.

"Nangangako ka bang simula ngayon, magiging matapang ka na?."

"Pangako." sagot ko kay Winly.

"Nangangako ka rin bang simula ngayon, hindi mo na sosolohin ang problema mo?."

"Pangako yan." kay Karen naman ako nangako.

"At nangangako ka rin bang, ipaglalaban ang bagay na sa iyo dapat?." dagdag pa ni Karen.

"Ano naman iyon?." nalilito kong tanong.

"Hindi ano girl, sino.."

"Sino naman kung ganun?."

"Pamilya mo. Mga kapatid mo. Sarili mo.."

"Yan. Gusto ko yang linyahan mo Karen. Perfect." pumalakpak pa itong bakla. Tinanguan lamang sya nito.

"Wag mong hayaan na mawala ang sarili mo para lang mabuo ang ibang tao. You shouldn't do that."

"Pangako yan.."

"Tsk. Wag tayo puro pangako ha. Gawin din minsan teh.." duon naman ako natawa. Nagpatuloy pa ang walang katapusang advice nila para sakin. Nagpapasalamat talaga ako at malaking tulong ito sakin ngayon. Nabuhayan ako bigla.

ito na nga siguro ang simula ng pagbabago.

Nächstes Kapitel