Paggising ko kinabukasan, hindi na maganda ang pakiramdam ko. Yung feeling na parang ang bigat nang pasan ko sa balikat, dahilan para laylay ito nang lumabas ako ng silid.
"Good morning handsome.." maligayang bati sakin ni Bamby. Sinalubong nya ako. Papunta yata sa kabilang kwarto. Kay kuya.
Ganunpaman. Kahit anong kaganda nang mukha nya't pagkabati sakin ng magandang umaga. Hindi maipinta ang aking mukha. Busangot at hindi ko sya nginitian.
"Ang aga, badtrip na.. tsk.." pasiring na parinig nya pa sakin bago ako tuluyang humakbang sa hagdanan pababa. Binalewala ko lamang iyon saka nakapamulsang bumaba.
"Hey, morning.." bati rin sakin ni kuya pero wala talaga ako sa tamang huwisyo para batiin sila ng gaya nang ginagawa nila. Tinignan nya ako nang may nagtatakang mukha saka umiling at nilampasan na ako. Umakyat sya sa taas. Mukhang may pinagkakaabalahan na naman silang dalawa ni Bamby. Kung anuman iyon. Hindi ko alam. Wala akong ideya.
Pumasok ako ng dining area. Hinanap ko si mama pero wala nang bakas nya. Kanina pa yata pumasok ng trabaho. Naghanap ako ng pagkain sa ref at pina-init ko sa microwave. Hinintay ko iyong matapos bago kumain nang mag-isa. Late na rin kasi akong nagising dahil wala namang pasok.
Kinuha ko ang cellphone ko saka muling binasa ang huli naming pag-uusap ni Joyce.
"Galing si kuya Rozen dito.. dinalhan nya akong pagkain.." ito yung time na umalis sya sa kanilang bahay na nahanap ko sya sa may kalsada.
Nanlulumo ako. Ako dapat umaasikaso sa kanya duon e, kaso hindi ko magawa dahil sa responsibilidad na alagaan ang nag-iisang bunso namin. Di sa sinisisi ko si Bamby pero nakakasama lang talaga ng loob minsan dahil parang hindi ko na magawang gumalaw batay sa kagustuhan ko. Lagi nalang, "O Lance, si Bamby.." bilin ni erpats sakin sa tuwing nakikita nila ako. "Nak, yung kapatid mo, baka mapano.." si mama naman. Pakiramdam ko. Ako na ang magulang nito't hindi sila. Gayunman. Di rin naman ako nagsasawang pakinggan at sundin ang mga bilin nila sapagkat mahal ko ang kapatid ko at maging sila. Kaya kahit ayoko sana, napipilitan akong umoo sakanila.
"Sorry talaga.. nangako akong pupunta dyan ngayon pero hindi ko na naman natupad.." sinserong sabi ko.
"Ayos lang anu ka ba.. yung pinatira mo na ako dito nang libre ay sobra sobra na.."
"Pasensya na talaga.."
"Paulit ulit ka na naman.. sinumpong ka na naman ng kabaklaan mo no?. hahahaha.."
"What?.. baby naman.."
"Hahahahahahahahah.. naku Lance.. kaya ka laging niloloko ni Bamby na bakla e. hahaha.."
"Hoy! Anong bakla?.. Alam mo bang pag sinasabihan kami ng ganyan ay gusto ng mga babaeng magpahalik?. Eh?. Baby.. Gusto mo lang yatang puntahan kita dyan at halikan e.."
"Ewan sa'yo.. hahaha.. bakla!!!😂😂.." ganyan mismo ang huli nyang mensahe sakin bago nung monthsary namin.
Paano ba maibabalik ang nakaraan?. Paano ba maibabalik ang nakasanayan?. Paano ba maging ganuon kasaya nang wala ka?. Wala na bang talaga o kailangan ko pang maghintay?. Paano ba Joyce?. Please, reply to me na please.. I'm begging you!!
Lutang na naman ako pagpanhik ko sa taas. Naririnig ko pa ang tawanan nila kuya pero hindi ko magawang makisalo sa kanila. Hindi ko alam anong nangyari sakin this past few weeks. Parang may parte sakin ang nawala. Hindi ko malaman kung ano at lalong di ko alam kung saan ito galing. I'm torn between being me and not to. Di ko magawang magsaya sa kadahilanang, hindi ko sya nakikita. Nadudurog ang puso ko sa tuwing sya ang laman nitong isip ko.
"Yuhoooo!! Kuya, kanina pa maingay phone mo.." duon ko lamang napansin sina kuya at Bamby sa loob ng silid ko.
Teka! Kanina pa ako tulala!? Paano sila nakapasok dito?
Nagtanong ka pa Lance, e mukhang lutang ka nga, kanina pa. Aissshhhhh! Hindi pala kanina lang, kundi simula nang bumalik ka dito't iniwan ang taong mahal mo.
"H-ha?.." lutang kong wari.
Sabay silang bumungisngis. Tapos nag-apiran pa. Umakbay si kuya kay Bamby na abot mata ang ngiti habang nakaturo pa sakin. Kaharap nila ako pareho. "You crazyass.. hahaha.." halakhak ng bunso.
Nginusuan ko lang sya't kay kuya bumaling. "What?."
Hindi sya sumagot. Imbes inginuso rin ang cellphone kong nakapatong sa side table. Umuurong ito dahil sa vibrate kasabay ng maingay nitong tunog. "Don't ask more.. just answer it.. ano ba Lance.." singhal nya sakin bigla. Natigilan ako sa biglaang pagtaas ng kanyang boses.
Tumahimik ang dating mabungisngis na si Bamby sa gilid. Nawala na rin ang braso sa kanya ni kuya. Napunta iyon sa magkabila nyang baywang. "Ano bang nangyayari sa'yo ha Lance?. parati ka nalang wala sa sarili.. tulala, lutang, hindi makausap ng matino.. nawawala sa sarili tapos--.." tinuro nya ako nang di tinatapos ang karugtog ng sasabihin. "Mukha kang babae dyan sa inaasta mo.."
"Bwahahahahaha!!.." humagalpak ng tawa itong si Bamby.
Hindi ako nakitawa o tumawa sa sinabi nya. Masyadong puno ng kaguluhan ang isip ko ngayon.
Blangko ko lang silang pinanood habang pinipindot ang cellphone kong di na tinignan kung sinong tumatawag. "Hello?.." malamig na sambit ko. Saka ko lamang iniiwas ang tingin sa kanya nang marinig ang isang malalim na buntong hininga sa kabilang linya.
"Lance.." iyon palang ang narinig kong tawag ng nasa linya. Nanigas na ako. Bumilis ang tibok ng puso ko't biglang naging abo ang lahat ng nakikita ko. Nag-init ang gilid ng mata ko't biglang nanlabo. "Ro-rozen?.." nabibigla kong tawag sa kanya. Di makapaniwala!
"Bro.." hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kung masaya ba ako dahil sa ngayong tumawag na si Rozen o hindi dahil hindi sya ang inaasahan kong tawag.
Nakakalito nga ang umibig!
Nakakabaliw nga talaga ang pag-ibig!!
Damn it!!!
Naging mahirap ang paglunok ko sapagkat wala akong maisip na sabihin. Sa dami nang nasa aking isip. Di ko na alam kung sino sa kanila ang uunahin kong sabihin. Naiisip ko palang ang maaaring ibalita nya ay nilalamon na ako ng matinding takot at kaba. Nakakamatay ang kabog ng dibdib ko dahilan para pagpawisan ako ng malamig.
"I'm sorry.." anya matapos ang mahabang katahimikan.
Nabigla ako. Nanlaki ang matang nakamasid kay kuya. Di ko man lang namalayan ang pag-alis ni Bamby. Wala na sya sa tabi ni kuya.
Bakit sya humihingi ng paumanhin?. Para saan?
"H-ha?.." nalilito kong tanong.
Huminga sya ng malalim saka natahimik maya maya. Kinutuban ako ng masama. Napatayo ako sa di malamang dahilan. Nahawakan ko ang ulo sa paghihintay sa susunod nyang sasambit. Napaatras pa si kuya sa inaasta ko sa harapan nya. Nagtanong rin sya kung anong nangyayari pero di ko na sya nagawang sagutin nang magsalita na muli si Rozen. "I'm sorry, for the lost, bro.."
'I'm sorry for the lost bro.'
'I'm sorry for the lost bro..'
'I'm sorry for the lost bro.."
Nagpa-ulit ulit pa ito sa pandinig ko. Anong 'I'm sorry for the lost'?. Anong ibig nyang sabihin duon?.
Nanghihina akong napahawak sa dingding nang mahilo ako sa narinig.
Kingina! Bakit ganito!?. Hindi ko maintindihan! Wala akong maintindihan!!
Nag-umpisahang umapaw ang luha sa mata ko kahit wala pa akong naririnig na iba pang paliwanag nya.
"Lance.. anong nangyari?.." nag-aalala tawag sakin ni kuya. Kinuha nito ang hawak kong cellphone saka kinausap ang nasa kabilang linya.