webnovel

Chapter 3: Sundo

Kinabukasan. Hinatid ako ni daddy sa school. Mabilis akong bumaba ng kotse saka patakbong pumasok ng gate. Nakasalubong ko pa ilan sa mga kaklase ko.

"Hoy gurl!.." malayo palang pero dinig ko na ang maarteng boses na iyon. Si Winly. Kinawayan ko sya bago lampasan. "Good morning.." bati ng nakangiti. Dumiretso ako ng room at nilapag ang aking bag. Kumuha ako ng walis tingting at muling lumabas. Kung saan ang aming area of responsibility.

"Ang aga mo yata?.." salubong nyang tanong ng mag-umpisa kong walisan ang ginugupitan nyang halaman.

"Napaaga eh.. tsaka, hinatid rin ni Daddy.." ngiti ko. At, excited ako dahil mamayang pag-uwi ko raw. Bibilhan nya ako ng Barbie doll. Gusto ko sanang hingin yung kay Bamby, kaso mukhang mamahalin at mga alaga nya pa ito. Kaya kay daddy naoayng ako magrequest. Kung di nya talaga ako bibilhan. Magtatampo ako!

"Mabuti naman.. si Bamby, kaya?. bakit wala pa yun?.."

"Baka, andyan na yun. alam mo naman sya. ayaw nang nalelate.." sya lagi ang nauuna kaysa sakin. Ngayong araw lang to, natagalan.

"Tsk.. sinabi mo pa.. pero alam mo.. ang ganda nya talaga eh noh?.."

"Bakit type mo?.."

"Gurl?. Bulag ka ba?.." turo nya sa sarili habang iniipit ang imaginary hair nya sa likod ng kanyang tainga. Hay so guy! I'm not discrimating tho. Natutuwa pa nga ako minsan pag tinutukso ko syang gusto nya si Bamby. Sa sinabi nya kasing maganda sya. Totoo. Maganda naman talaga sya. Sa pagkakaalam ko pa nga ay maraming nakakagusto sa kanyang mga kaklase namin. Lalo na sa higher section.

"E diba sabi mong nagagandahan ka?. malay ko ba sa'yo.." inirapan nya ako.

"Gurl, ano ka ba?. Totoo namang maganda sya. Ikaw, anong tingin mo sa kanya?. di ba ganun rin?.." tumango ako. "See?. Di porket maganda na ay type ko.. yung kung kuya nya siguro, pwede pa.." bigla akong kinabahan.

"Kuya?.. nakita mo na sya?.." Nagtataka ko pang tanong. Seryoso ba sya?. Bakit parang bumilis ang tibok ng aking puso?. Bakit parang bigla akong nagkainteres sa binanggit nyang kuya?. Wala pa mang pangalan ay mukhang may hula na ako kung sino.

Impit na tumili ang bakla. "Ang gwapo nya talaga gurl.. laglag panty ko.." Haynaku!!

Hinayaan ko na lamang sya sa pagpapantasya nya. Di ko naman pwedeng sabihin na, wag mo syang gustuhin dahil gusto ko sya. That's a big no! Baka pagtawanan nya ako't asarin buong school year ng dahil doon.

At tama nga kami ng hinala. Late na si Bamby na pumasok. Sinabi nyang di raw sya ginising ng kuya Lance nya. Pagkarinig ko pa lamang sa kanyang pangalan. Nag-iba na ang emosyong meron ako. Relax ako eh. Walang iniisip na iba pero ng marinig ang pangalng iyon. Kinabahan ako bigla. Di ko alam bakit.

"Tara sa canteen?.." alok nitong si Winly pero mabilis na umiling si Bamby.

"Bakit gurl?. di ka ba gutom?.." nakaupo pa rin sya sa kanyang upuan. Di maipinta ang mukha.

"Kayo nalang.. tinatamad akong kumain.." tamad nyang sabe. Binuklat ang notebook sa kanyang armrest at gumuhit sya doon ng mga bulaklak. Ngumuso at napakamot ng ulo si Winly. "Ikaw gurl?. sama ka sakin?.." baling nya naman sakin.

"May baon ako rito.."

"Ay sige.. pashare nalang ako... hehe. thank you.." di pa ako umoo pero nagpasalamat na sya.

Bumuntong hininga nalang ako. Nilabas ang sandwich at juice na nilagay ni mommy saking bag kanina.

Tahimik kang kumain. Hanggang sa nagsibalikan muli ang mga kaklase namin.

May napansin ako kay Bamby. Nakakunot ang noo nya't parang may iniiwasang tao. Malaman nga sa susunod na araw.

Mahabang oras ang dumaan. Uwian na.

"May sundo ka ba?." si Bamby. Nasa gate na kami. Kasama ni Winly at ang bagong transfer na si Karen.

"Di ko pa alam eh..ang sabi kasi ni daddy, sya magsusundo.. e wala pa naman sya.." luminga ako sa paligid pero walang bakas ng sasakyan nya. Nanlumo ako't nagbaba ng tingin.

"Sabay ka nalang muna samin.. susunduin ako ni papa.."

"Wag na.. nakakahiya.."

"Wag ka ng mahiya gurl.. baka maiwan ka dito mag-isa. sige ka.." pananakot pa nitong si Winly.

Wala akong nagawa kundi umoo.

Maya maya. Dumating ang sundo nya. Noong una. Relax ako. Walang bahid ng kung anong takot o pagkailang pero nang bumaba ang bintana ng sasakyan. Bumilis na naman pintig ng aking puso. Hindi iyon normal dahil sa lakas nito.

"Sakay na.." dungaw nya pa sa amin. Natulala ako sa pula ng kanyang labi. Di ko namalayang, nalaglag pala ang panga ko.

Ang gwapo ng sundo!

"Tara na.. guys mauna na kami.. see you tomorrow.." paalam ni Bamby nang hilahin na ako sa loob ng sasakyan nila. Pakiramdam ko, hindi ako makahinga sa presensya nya. Pinanghihina ako!

Nächstes Kapitel