webnovel

Chapter 3

Alice Pov

Kinaumagahan pumunta ako sa ilog para manghuli ulit ng mga isda para maibenta sa bayan. Sana naman yung mga mahuhuli ko ngayon hindi na ulit matapon sa daan, para mas maraming kita.

"ano ba?! Paharang harang ka sa daan kita mong daanan to dito ka pa nagtitinda!" natapon ang mga isdang nahuli ko dahil sa mga taong hindi nagiingat sa daan.

Malaki naman at maluwag ang daanan bakit kailangan pa dito sakto sa pwesto ko, wala naman akong magawa dahil nakiusap lang ako para magtinda dito.

Kakaunti nanaman ang kita ko dahil sa mga natapon, hindi naman ito nawala pero nakita ng mga tao na nahulog ito kaya parang hindi na sila nag atubili na bumili sa akin.

Nahulog lang naman, bakit kailangan pandirihan kung pwede namang hugasan. Kung minamalas ka nga naman.

Kapag naaalala ko yung pangyayaring yun, lalo ako nagkakaroon ng lakas para makapagipon pang gamot ni mama.

Umupo muna ako sa ilalim ng puno upang magpahinga dahil sa haba ng nilakad ko. Hindi na ako nag commute naglakad na lang ako para tipid, para mawala rin antok ko. Tatlong oras lang rin kasi ang tulog ko, dahil nagigising ako kapag inaatake ng sakit sa ulo si mama.

Habang nagpapahinga ako may napansin akong kakaiba sa ilog, bumubula ito galing ilalim. Nilapitan ko ito para makita kung ano ba ang nasa ilalim neto.

Kinuha ko na rin ang panghuli ko baka sakaling may isda na.

Habang nakatitig ako dito, para agad kong malaman kung mayroon na ba akong nahuli, biglang umalon ang ilog papunta sa akin.

"aray!" Malakas ang naging impact papunta sa akin, napaupo ako sa lakas para bang limang drum ang nabuhos sa akin at malakas ang pwersa neto. Sa sakit ng ulo ko hindi ako makatayo. Paano na ko neto hindi nanaman ako makakabenta panigurado, kung minamalas ka nga naman.

Kinapa ko ang ulo kong masakit dahil sa nangyari. Lagi akong nadidisgrasya pagdating sa tubig. Nawawalan ako ng control pagdating sa ganito.

Nakahuli ako ng mga isda na pwedeng ibenta at nakapagpatuyo ako ng damit kahit papaano. Napagpasyahan ko ng pumunta sa bayan para magtinda at makapagipon para sa gamot ni mama.

"ineng pahingi naman ng isang isda para sa panggabihan ko mamaya." habang naglalakad ako may lumapit na matanda sa akin.

Parang pamilyar ang muka ng matanda, parang nakita ko na siya noon hindi ko lang maalala.

"sige po nanay, ito po isa para sa inyo. Pasensya na ho dahil kailangan ko po itong ibenta para sa aking nanay na may sakit." gustuhin ko man siya bigyan ng maraming isda hindi pepwede dahil wala na akong kikitain.

"salamat iha, ito para sayo." may binigay na papel ang matanda. Binuklat ko ito para malaman kung ano ang nasa papel. Magic academy? Pagkatingin ko sa paligid ko wala na ang matanda.

Mapa ito ng magic academy, ito ang gusto ni mama na mahanap namin noon pa. Bakit binigay ito ng matanda? Sino siya? Kilala niya ba ako?

Nakaubos ako ng paninda ngayon araw, alas sais na ng gabi pauwi pa lang ako ng bahay. Sa wakas sapat na ito para sa panggamot ni mama.

"miss anong laman ng bag mo?" apat na lalaki ang lumapit sa akin para kuhanin ang bag kong may laman na pera. Agad kong nalaman ang pakay ng mga ito sa laman ng bag ko.

Napagpasyahan kong tumakbo agad subalit mabilis rin ang pagtakbo ng mga to, may nakita akong mga drum na may lamang tubig. Tinignan ko ito at sabay pabalik tinignan ang mga lalaki para matamaan at mabasa ang mga humahabol sa akin.

Napamura sila sa sakit, dahil nadulas sila at hindi na nakahabol sa akin.

"anak, bakit ngayon ka lang?" ang bungad sa akin ni mama pagkarating ko sa bahay, halata sa kanyang muka ang labis na pagaalala.

Nginitian ko lamang siya upang mapakalma ang pakiramdam niyang pagaalala. Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi, nilabas ko ang pera sa bag para ipakita sa kanya na may sapat na ipon na ako para sa pagpapagamot sa kanya.

Tumatanda na si mama, hirap na siya sa kanyang paghinga kaya dapat ng dalhin sa manggagamot para matignan kung ano ba ang problema sa katawan ni mama.

Napangiti si mama ng inilabas ko ang pera sa bag ko, ang pera na halos kay tagal ko ring inipon para sa kanya. Ngayon kumpleto na, mapapagamot ko na siya.

"anak may sasabihin ako sayo." pilit na tumatayo si mama, kaya agad ko tong inalalayan.

"wag mo na lang ako idala sa manggagamot. Itabi mo na lang yan para sa pagpasok mo sa magic academy." labis ang aking pagkagulat sa sinabi ni mama. Bakit ngayon pa? Hindi ko mawari ang gusto ni mama na iparating.

"ma seryoso ka ba dyan? Inipon ko to upang magamot ka." huminga ng malalim si mama. Alam niyang hindi ako makakapayag sa gusto niyang mangyari.

"hindi ko na rin kakayanin anak, hindi na rin kakayanin ng kahit na anong gamot para sa kalagayan ko." hindi ko alam pero may lumandas na lamang na luha sa mga mata ko. Tama ba tong naririnig ko?

"ma hindi mo ko pwedeng iwan magisa dito." hindi ko na alam ang mga ginagawa ko, bakas sa boses ko ang hindi pag sang ayon sa sinabi ni mama. Nanginginig ang boses ko at hindi makapaniwala sa mga narinig galing kay mama.

"kailangan mo ang perang yan para makapasok, kailangan mo yan para hanapin si Rose dahil nasa kanya ang kwintas mo." pilit na pinapaintindi ni mama sa akin ang gusto nyang iparating

"h..hi..ndii ko na kaya anak." napaluha na lang si mama bigla, at yun ay ang pagsabay rin ng pagpatak ng mga luha ko sa aking mga mata. Hindi ko alam pero napaluhod na lang ako sa harapan ni mama, nakikiusap na sana ay tatagan niya pa dahil hindi ko ata makakaya kapag nawala siya at magisa ako dito.

Rose pov

Kamusta na kaya si mama sa mundo ng mga tao? Isang buwan na rin siyang hindi dumadalaw rito, wala naman akong balita kung ano ba ang nangyayari sa kanya. Ang isang pagkakatanda ko sa sinabi niya bago siya umalis

"anak tandaan mo na kahit sino wag mo hahayaan mabawi tong kwintas sayo. Para sayo yan, walang sino man ang dapat mag may ari nyan." seryoso si mama habang nakaupo kami dito sa labas ng dorm namin. Dumalaw nanaman siya, hindi nanaman ako naka attend sa isang subject ko kung saan dapat ay magpapractice kami ng mga mahika namin.

"ma alam ko, paulit ulit nalang? Hindi ako ulit nakaattend ng subject ko." inis akong napatayo at agad nagulat si mama sa inakto ko.

"para sayo ang sinasabi ko Rose! Matuto kang makinig sa akin dahil para sayo tong sinasabi ko!" inis kong tinalikuran si mama dahil sa narinig ko nanaman na paulit ulit niyang payo na nakatatak naman sa isipan ko.

Napagpasyahan kong huwag na rin umattend sa iba kong subject dahil sa tinamad na rin naman ako. Jacob? Narito siya. Kakatapos lang siguro niyang magensayo sa kanyang mahika

"Jacob tapos ka na sa ensayo mo?" napatingin si jacob sa akin na walang emosyon sa kanyang muka. Nasanay na rin naman ako sa kanya.

"hindi ka pumasok?" tanong ni Jacob sa akin habang hawak ang kanyang mga librong tungkol sa mahika

"bakit na miss mo ako?" agad kong hawak sa kanyang braso at dinikit ko ang mga ulo ko dito.

Inalis din niya agad ang pagkakahawak ko dito at nilayo ang aking ulo. Nagpatuloy na siya sa paglalakad para pumasok sa aming dormitoryo.

Tumingin ako sa paligid kung may nakakita ba sa nangyaring paglayo sa akin ni Jacob.

Nadia? Si nadia lang pala, ang kapatid ni Jacob. Pilit kong sinusubukang makipag kaibigan rito pero ayaw naman mag work.

Ayoko lang talagang may eepal sa plano kong mapalapit kay Jacob.

Wala ni isa ang sumubok sa akin sa kahit anong mga bagay dahil alam nila ang kaya kong gawin.

Nächstes Kapitel