webnovel

Kabanata 67

Makalipas ang ilang oras,

Nakarating rin sila Kelly sa bahay nila Faith "Kevin, gisingin mo na yang dalawa ni Kelly at Jacob mauuna na kami ng mga kuya mo sa loob." Ang sabi ni Keilla.

Kevin: Opo Ma.

Kian: Sige, ikaw ng bahala sa dalawang yan Kim ibaba na natin yung dalahin Keith mauna na kayo ni Mama sa loob.

Keith: Sige kuya tutulong ako pag naihatid ko na si Mama sa loob.

Keilla: Sige mauna na kami.

At ginising na nga ni Kevin yung dalawa "Kelly, Siopao gising na andine na tayo."

"Mmmm....mamaya na kuya wala naman akong pasok." Ang sabi ni Kelly at nagising naman na si Jacob.

Kevin: Anong walang pasok pinagsasabi ng batang ire. Jacob umusod ka ng kaunti paupo si tito.

Jacob: O---opo.

Tumabi si Kevin kay Kelly at tinakpan ang ilong "Ti---Tito!!! Bakit nyo ginaganyan si tita Kelly." Ang pagulat na tugon ni Jacob.

Kevin: Hayaan mo makikita mo magigising agad yang tita mong antukin.

Kelly: Mmmm...Kuya!!!

Kevin: See, I told you.

Jacob: Pero...tita ayos ka lang po ba???

Kelly: Tsk...kuya naman eh sabi ng wag mo na kong gaganunin nakakaasar naman!

Kevin: HEH! Bumaba na tayo nandito na tayo tulog ka kasi ng tulog tamo nga si Jacob isang tawag ko lang gising na daig ka pa ng pamangkin mo.

Kelly: Tsss...edi wow.

Kevin: Sya, siya, tara ng bumaba nauna sila Mama at kuya sa loob.

Kelly: Tsk...Oo na!

Pagkababa nung tatlo sa van "Wow...ang ganda naman po dine." Ang sabi ni Jacob.

Kelly: Oo nga ang dami namang bulaklak sa paligid.

Kevin: Mahilig sa bulaklak ang mga tao dine.

"Tama kayo..." Sabi nung isang lalaki.

Kevin: Ah...eh....He---hello po?

"Ay pasensya na ako nga pala si Anton isa sa mga kapitbahay nila Faith."

"Hello po." Anila.

Kelly: Binebenta niyo po ang mga bulaklak na nandito sa kapaligiran niyo?

Anton: Nako, hinde kinahihiligan lang yan ng mga kababaihan dito sa baranggay namin.

Jacob: Ohhh...astig.

"Shhhh...Siopao!" Anila Kelly at Kevin.

Anton: Ang lusog naman ng batang ire...Ay nako! Lalawayan kita ha? Baka mabales kita eh.

"Ho? La---laway???" Anila Kevin at Kelly.

Kevin: Di na po kailangan Sir.

Anton: Iho, ganito talaga dine sa probinsya kaya hayaan mong lawayan ko yang batang iyan.

Kelly: Ho? Pero ayos lang po talaga wag na.

Jacob: Ayos lang po tita Kelly and tito Kevin ganyan rin po sakin si mommy eh pag darating po siya na pagod nilalawayan niya po ako sa tyan kasi baka po magkasakit ako.

"Ha?" Anila.

Anton: Tignan niyo? Yung bata na ang may sabi sige iho lalawayan na kita ha?

Jacob: Opo sige.

At nilawayan nga ni Anton ang tyan ni Jacob "Ah...eh...si---sige po alis na kami." Ang sabi ni Kevin at hinala na ka agad yung dalawa.

Jacob: Sige po salamat.

Anton: Sige...Sigh...mga kabataan talaga.

"Tay, ano pa gang ginagawa ninyo di'yan? Mag mimirienda na raw sabi ni Inay." Ang sabi nung isang dalaga.

Anton: Pasensya ka na Ellaine may dumating kasing dayo dine sa ating lugar kinausap ko laang saglit.

Ellaine: Dayo? Saan ho?

Anton: Andoon kila ate Faith mo mukhang dumalaw ulit sa kanila ang mapapangasawa niya.

Ellaine: Eh may bata ho bang kasama baka naman natuwa kayo nilawayan niyo?

Anton: Oo naman ikaw talaga tara na nga at baka magalit na naman ang Inay mo.

Ellaine: Sus...lam niyo naman hong nakakabales kayo ng bata eh.

Anton: Nako, itong batang ito talaga.

Sa Loob ng Bahay nila Faith,

Nagmamadali si Faith "Bunso, baka naman ika'y madapa niyan wag kang mag madali." Ang sabi ng isa sa mga kuya ni Faith na ang laki ng katawan.

Faith: Ah...eh...bakit kasi di niyo ako ginising nakakahiya.

Keilla: Ayos lang alam naman naming buntis ka at ang mga buntis madalas tulog kaya ayos lang pero you must be Faith right?

Lumapit si Keith kay Faith "Ah...eh...Ma opo siya po si Faith."

Keilla: Tung batang ire kala mo naman kakainin ko ang asawa niya.

Keith: Ehhh...kasi naman Ma eh.

Nagmano ka agad naman si Faith "He---Hello po ako nga po pala si Faith Nicole Cuenca."

Keilla: Ahahaha...nakakatuwa ka naman di mo na kailangang magpakilala sakin ng full name ilang months na yang tyan mo?

"Six." Ang sabi ni Faith pero nakisabay si Keith ng "Seven"

Faith: Ano? Six pala kaya.

Keith: Ay...sorry naman honey.

Faith: Lagi ka nalang kasing nakakalimot! Baka pag kabuwanan ko na at manganganak na ako di mo rin maalala.

Keilla: Pfft...ahahahaha...I like you.

Faith: Ah...eh....sorry po tita.

"Okay, tama na po muna iyan mag mirienda na po muna tayo nagluto po kami ng ilang specialty naming magkakappatid." Sabi naman nung isang lalaki ring kapatid ni Faith na isa ring malaki ang katawan.

Faith: Ah...opo kumain na po muna tayo nga po pala tita si kuya Fred ang panganay kong kapatid at si kuya Feng ang pangalawa ko pong kuya.

Keilla: Hello sa inyo ako naman si tita Keilla at sila...Ha? Nasan na sila Kelly at Jacob???

Kim: Nasa labas pa ho Ma.

"Andito na po kami." Ang bungad ni Kevin.

Kelly: Hi everyone? He---he...

Faith: Kelly!!!

Kelly: Ate Faith!!!

At niyakap nila ang isa't-isa "Kamusta ka na po? Yung pamangkin ko ba alam niyo na nag gender?"

Faith: Di pa nga eh bukas pa ako mag papacheck up.

Kelly: Samahan po kita.

Keilla: Hinde, si kuya Keith mo ang sasama sa kaniya.

Kelly: Tsk...gusto ko rin po sumama Ma.

Keilla: Di nga pwede.

Kelly: Tsk...sige na nga po.

Bumulong si Faith kay Kelly "Hayaan mo ikaw unang makakalam itatago rin natin sa kuya Keith mo."

Kelly: Talaga po?

Keith: Ano yan ha?

"Secret." Anila.

Keith: Tsss...

Siniko ni Fred si Feng "Tol, may kapatid na babae pa sila Keith?"

Feng: Aba'y di ko rin alam ayun nga oh may bata pa silang kasama.

Fred: Ang dami naman pala nila.

Feng: Tayo nga tatlo lang pero ang lakas nating kumain.

Fred: Malamang gym instructor tayo eh si Faith naman buntis kaya wag ka ngang ano di'yan.

Feng: Tsss...

Kian: Mga tol, may dala nga pala kami para sa inyo saan namin pwedeng ilagay?

Fred: Nako bakit naman nag abala pa kayo.

Feng: Oo nga nakakahiya naman.

Keilla: Wala yon pormal na pamamanhikan namin ito sa inyo kaya hayaan niyo na.

Keith: Nga naman mga kuya sooner o later magiging family na po tayo.

Kinulbit ni Jacob si Kelly "Tita, naiihi po ako."

Kelly: Ha? Iihi ka? Bakit di ka pa umihi doon sa labas kasi.

Jacob: Ehhh...nakakahiya po kasi ang gaganda nung bulaklak eh.

Kelly: Tsk...sige halika sasamahan kita.

Nag dahan dahan yung dalawa "Hoy, saan kayo pupuntang dalawa?" Ang sabi ni Kim.

Jacob: Ah..eh..iihi po kasi ako tito.

Kelly: Oo nga kuya sasamahan ko lang siya.

Kim: Oh eh bakit lalabas kayo?

Kelly: Eh lalaki naman si Jacob kaya pwedeng umihi nalang siya kung saan.

Kim: Heh! Di pwede alam mo bang nasa baranggay Mahalimuyak tayo?

"Ohhh..kaya pala ang daming bulaklak." Anila.

Kim: Oo kaya sa c.r mo paihiin yang si Jacob baka maging amoy mapanghe na ang Brgy.Mahalimuyak.

Kelly: Sorry naman. Saan ba ang c.r nila dine?

Kim: Doon sa may kusina may c.r roon.

Kelly: Sige pupunta na kami mauna ka na.

Kim: Sige.

Pumunta sila Kelly sa maling direksyon "Sigh..Kelly! Mali ang daan akana nga yang si Jacob ako ng sasama diyan baka maligaw pa kayo kung saan saan mo pa dalhin iyang bata lakad sumunod ka na kila Mama."

Kelly: Okay, malay ko ba dine ngayon lang naman ako nakarating dine.

Kim: Sige na sumunod ka na agad slow ka pa naman.

Kelly: Tsk...oo na.

Jacob: Bye tita.

Kelly: Um....

Kim: Halika na Siopao maka babye ka naman sa tita mo parang ang layo ng patutunguhan mo eh mag c-cr ka lang naman.

Jacob:Ehhh...ganoon po talaga tito.

Kim: Sya, sya halika na at baka ma-miss mo pa ang tita mo. Jusmiyo!

Jacob: Okay po.

Sa Bahay nila Kelly,

James: Bakit ba pati kami eh kasama pa ha Iyah?

Aliyah: Aba'y malamang sabi ni Granny bisitahin raw natin sila Kelly.

Daniel: Tsss...Na ikaw lang naman ang may gusto talaga.

Aliyah: Di noh! Tignan niyo nga yung dalawa oh.

Naguunahan pa sa pag doorbell sila Chollo at Wayne "Hoy! Ako na nga! Kanina pa kayo di niyo pa mapindot pindot ang lintek na doorbell na yan." Ang sabi ni Aliyah at nag doorbell na nga.

"Panu'y yung isa kasi diyan. Humph..." Ang tugon nung dalawa.

Aliyah: Bakit parang walang tao?

Chollo: Ako nga!

Nag doorbell naman na nga si Chollo at wala paring nalabas "Mga iho, sila Kelly ba ang hinahanap niyo?" Sabi nung isang Manang na nag wawalis sa kabilang daan.

Aliyah: Oho sana nasa bahay po ba sila?

"Nako wala sila diyan maaga sila umalis madaling araw."

Wayne: Ho? Saan po kaya pupunta?

"Yun ang di ko alam pero ang sigurado ko di sila uuwi ngayon sa bahay marami silang dalang gamit eh. Kaya kung ako sa inyo bumalik nalang kayo sa ibang araw."

Aliyah: Ganun ho ba? Sige po salamat.

"Saan kaya sila nagpunta?" Dagdag pa ni Aliyah.

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts
Nächstes Kapitel