webnovel

Kabanata 52

Rica: Bakit? Ayaw mo?

Kian: Hin---hindi naman sa ayaw ko pero ano nalang ang sasabihin ko kay Jacob?

Rica: Matalino ang anak natin sandali lang...Hindi ka naniniwala na anak mo si Jacob ano?

Kian: Wa—wala naman akong ibang ibigsabhin sa sinabi ko pero anak mo siya ikaw ang nagdala sa kaniya ng 9months na ngayon ay limang taon na iiwan mo lang dahil sa boyfriend mo?

Napatayo si Rica at wari'y nagagalit "Huh! Alam mo ba yang sinasabi mo? Ikaw ang unang nang iwan ako lahat ang nag sakripisyo para kay Jacob tapos ngayon nanunumbat ka??? Huh! Ayos ka ren!"

Lumapit naman yung dalawa kila Kian "Kuya, anong nangyayare?" Ani Kelly.

Kinuha ni Rica si Jacob "Jacob, uuwi na tayo sa bahay."

Jacob: Po? Pero mommy...

Rica: UUWI NA TAYO!!!

At kinuha na nga ni Rica si Jacob at umalis "Jacob..." Ang pahabol na sambit ni Kelly.

Kelly: Kuya! Ano? Tutunganga ka nalang ba diyan? Habulin mo sila.

Kian: Umuwi na rin tayo.

Kelly: ANO? KUYA NAMAN!!!

Kian: Kailangan ko munang mag-isip.

Kelly: Hindi na siguro ako magtataka kung di na ipahiram si Jacob satin gaya ni kuya Keith takot ka rin sa responsibilidad.

Sinampal ni Kian si Kelly "So----sorry bunso..."

Nagulat at napaluha si Kelly na hawak-hawak ang pisnge niya "Nag bago ka na kuya."

At tumakbo si Kelly papalayo "KELLY!!!" Pahabol na sambit ni Kian.

Kinagabihan,

Laseng na umuwi si Kian "Andito na ko..." Aniya.

Kevin: Oh? Kuya! Lasing ka ba?

At natumba na nga ng tuluyan si Kian sinalo naman siya ni Kevin "Mga kuy's bilis tulungan niyo ko dine." Ang sabi ni Kevin.

Pinuntahan naman siya ka agad nila Kim at Keith "Ano bang nangyare?" Anila.

Kevin: Si kuya Kian mukhang nag laseng bilis tulungan niyo kong itayo ang tukmol na ito.

Kim: Ano bang nangyayare?

Sa Bahay ng mga Basquez,

Nag-uusap si Kelly at Rica sa may terrace "Iiwan mo si Jacob kay kuya? Dahil magpapakasal ka?"

Rica: Oo, sana maunawaan niyo ako pero wag kayong mag-alala pag nakahanap na ako ng trabaho sa Australia kukunin ko si Jacob.

Kelly: Lugar palang magalit si kuya Kian sayo pero bakit ka aalis ng bansa? Paano si Jacob? Mamimiss ka ng bata.

Rica: Alam mo si Ian lang ang nagpakita sakin ng totoong pagmamahal nung lugmok na lugmok ako sa buhay dahil rin sa kaniya kaya nakaya kong buhayin si Jacob na mag isa.

Kelly: Sandali lang po ano? Sino yung Ian, yun ba yung boyfriend mo?

Rica: Oo si Ian ang tumaggap sakin ng buong buo tinanggap niya ako kahit alam niyang may anak na ko alam ko kuya mo si Kian pero wag mo sanang masamain pero wala siyang kwenta iniwan niya kong mag-isa ng di man lang naririnig ang panig ko lagi kasi siyang nakikinig sa iba wala siyang sarili desisyon sa buhay noong mga panahong kasama ko siya.

Kelly: Sorry ano? Pero ano bang pinag-awayan niyo ni kuya bago kayo maghiwalay?

Rica: Seloso kasi ang kuya mo at lagi pa siyang nakikinig sa mga kaibigan naming ang gusto ay paghiwalayin kami ayoko ng ungkatin pa pero...

Hinawakan ni Rica ang mga kamay ni Kelly "Please Kelly, ikaw na muna at ang kuya mo ang mag-alaga kay Jacob kahit isang taon lang pangako babalikan ko siya.

Kelly: Ah...eh...ayos lang naman sakin ako na ring bahala kila kuya lalo na kay kuya Kian pero paano naman si Renzo? Hindi ba't kapatid mo siya? At malapit rin sa kaniya si Jacob ano nalang ang sasabihin niya na hindi mo sa kaniya pinagkatiwala ang anak mo?

Rica: Di ko naman sa sinasabing hindi responsable si Renzo pero lagi nalang kasing insant food ang pinapakain niya kay Jacob feeling ko nga highblood na yang batang yan kabata bata palang kaya siguro ang taba taba din eh.

Kelly: Kaya pala ganoon nalang ang pagkahilg niya sa mga kinain naming order kahapon. Sigh...kaya pala pagodin rin siya hindi na siya healthy.

Rica: Oo bukod doon busy rin si Renzo sa trabaho niya working student kasi siya eh kaya di niya matutukan si Jacob.

Kelly: Yung mga magulang niyo?

Rica: Ulila na kami kaya ako na nag-alaga kay Renzo ang mga kapatid kasi namin may mga asawa na kami nalang ang wala.

Kelly: Ohh...sorry to mentioned.

Rica: Ayos lang nothing to worry it's just kailangan ko talagang may mag-aalaga kay Jacob kaya please?

Kelly: Sige po wag kayong mag-alala.

Niyakap siya ni Rica at sinabing "Salamat Kelly."

Kelly: Wala po yun pero can you answer me one question?

Rica: Oo naman kahit ano.

Kinabukasan,

Sa hapagkainan,

Kevin: Si Kelly? Hindi pa ba sya gising? Malelate kami.

Kim: Kala ko ba'y wala siyang pasok?

Keith: Bakit?

Kevin: Ahhh...oo nga pala nag bago nga pala ang schedule nila every Monday wala syang pasok.

"Mornin'!" Ang bungad ni Kian na wari'y nasakit ang ulo dahil sa hangover.

Kevin: Ano? Ang sakit ng ulo mo?

Kian: Yeah...kape nga.

Kim: Oh...mainit pa yan ingat.

Kian: Salamat.

Keith: Bakit kasi nag lasing ka? Tapos di mo man lang kami sinama.

Kian: Mahabang kwento, nasan nga pala si Kelly?

Kevin: Tulog pa gabi na yun umuwi galing kila Jacob.

Kian: Ohhh...I see.

Kim: Nag-away ba kayo ni Rica? Hindi ba't kasama mo sila kahapon?

Keith: Oo nga bakit di natulog dine si Jacob?

Napaluha si Kian at nagulat yung tatlo "Br---Bro?? Are you crying?" Anila.

Kian: Kasalanan bang mag mahal ng taong di ka na mahal?

Nagkatinginan yung tatlo "Br---Bro..." Anila na wari'y nakikisimpatya.

"Bakit? Hindi mo tanungin kung mahal ka pa ng taong mahal mo?" Ang bungad ni Kelly habang papalapit sa kanila.

"Bu---Bunso..." Ang tugon nung tatlo maliban kay Kian na natulala.

Kelly: Ano kuya Kian? Siguro naman nakapag isip ka na nabalitaan ko na lasing na lasing ka raw na umuwi bakit? Nagsisisi ka? O baka naman hinde? Or should I say you're such a COWARD!!!!

"KELLY!!!" Ang sambit nung tatlo maliban kay Kian na di na imik.

Kevin: Aha---ha---ha---baby mukhang nanaginip ka pa ata halika bilis matulog ka muna.

Hinila niya si Kelly pero ayaw nitong gumalaw "Ano kuya? Bakit di ka mag salita diyan?"

Kim: Kevin, sige na iakyat mo na yan.

Kevin: O---Oo sige bunso halika na!

Kelly: Ayoko!

Keith: Kelly, lakad na kami ng bahala dito.

Kelly: Bakit kuya Keith? Ramdam mo rin ba ang nararamdaman ni kuya Kian?

Keith: Kelly, ano bang sinasabi mo?

Kelly: Hindi ba't kayo ang nagturo sakin na maging responsable sa ano mang bagay? Oh, eh bakit ngayon parang di niyo na ata alam ang salitang "responsibility?"

Kevin: Kelly! Halika na!

Kian: Oo! Sige ako na ang may kasalanan!!! Masaya ka na?

Kelly: Huh! Paano kung sabihin kong OO? Sasampalin mo ko ulit?

"ANO???" Ang pagulat na tugon nung tatlo maliban kay Kian.

Kevin: A---ano ba talagang nangyayare? Sinong sumampal sayo? Si kuya Kian?

Kim: Pi---pinagbuhatan mo ng kamay si Kelly?

Keith: Bro...baket?

Kelly: COWARD!!!

Nag pumiglas si Kelly at lumabas "Kelly!!!" Anila.

Kim: Ano ba kasing nangyare bro?

Kevin: Tsk...Sige ako ng bahala kay Kelly kayo na diyan sa isang yan.

"Oo." Anila Kim at Keith.

Hinabol naman ni Kevin si Kelly at pag labas niya "Eh? Nasan na si Kelly? Nawala agad."

Nagtago sa isang gilid si Kelly na hindi naman siya nakita ng kuya niya "Tsss...kahit kailan talaga ang slow ni kuya Kevin alangan namang mawala agad ako iilang segundo palang naman ako nakakalabas ng bahay." Ani Kelly na animo'y pa bulong bulong samantala si Kevin pumunta sa kabilang kalye para hanapin siya.

Kelly: Tsss...sige hanapin mo ko diyan kuya tignan natin kung makita mo ko diyan.

Samantala pinagpatuloy niya naman ang pag lalakad opposite kung saan nagpunta ang kuya Kevin niya "Hmm..saan kaya makapunta?" Aniya.

Habang naglalakad siya "Kelly?"

Pag lingon niya "Wayne?" Aniya.

Wayne: Saan ka pupunta?

Kelly: Hindi ko rin alam eh?

Wayne: Ha?

Kelly: Nag ja-jogging ka?

Wayne: Oo, sama ka?

Kelly: Hmmm...pwede naman kaso hindi ako naka proper attire eh.

Wayne: Ayos lang yan dine lang naman tayo sa loob ng subdivision.

Kelly: Okay pero bagalan lang natin baka mapigtal naman ang tsinelas ko.

Wayne: No problem i-enjoy lang natin ang hangin habang natakbo.

Kelly: Okay G!

Makalipas ang 45minutes,

Naupo sa labas ng Chapel sila Kelly at Wayne "Ha...ha....ha...ngayon lang ako nakatakbo ng ganun ulit ah." Ang sabi ni Kelly na hingal na hingal.

Wayne: Ahahaha...pagod na pagod ka na agad? Eh halos naglakad nga lang tayo at naka ilang hinto nga tayo eh.

Kelly: Asus...eh sa hindi ako sporty eh.

Wayne: Ahahaha...okay, sorry.

Kinuha ni Kelly yung water bottle ni Wayne at uminom "A---anong??? Huyy..." Reaksyon naman ni Wayne.

Kelly: Ayos! Sarap talagang uminom ng tubig pag pagod sorry naubos ko naka inum ka naman na di ba?

Wayne: O---oo.

Sa isip-isip ni Wayne "U---uminom siya kung saan ako uminom? Oh GOD! In- direct kissed yun."

Tinapik si ni Kelly at sinabing "Huy! Bakit ga nakatulala ka diyan? Tara sa loob."

Wayne: Si---Sige.

Kelly: Oh, eh tara na.

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts
Nächstes Kapitel