webnovel

Chapter 14

Rose.

Challenge accepted. As in, kumasa ako sa hamon ni Loey na maging composer niya. Kinabukasan ay bumalik kami sa building niya para i-renovate ito. And guess what? Hindi niya tinanggap yung suggestion kong gawan ng interior design ni Joshua yung lugar dahil siya lang naman mismo ang nag design at gagawa nito.

Maganda na rin naman yung building at yung loob na lang talaga ang kailangang ayusin dito. Medyo may kalakihan din yung space at sa second floor siya nagdecide na mag set up ng studio niya, habang ang ibaba raw ay patatayuan ng coffee shop Ate niya at yung third floor naman daw ay papaupahan niya.

"Sure ka bang hindi ka kukuha ng worker?" Tanong ko.

He smiled, "No need."

Tumalikod na siya at nagsimula nang magtrabaho. Kinuha niya roller na gamit sa pagpaint ng wall at nagsimula nang magpintura ng kulay gray sa dingding.

Nakaupo lang ako at pinanuod siya.

Kaya niya ba talaga?

Nakaka bored naman din tumunganga at manuod nalang kaya naisipan kong mag offer ng tulong.

"Do you need help?" I asked.

He smiled, "huwag na. Baka mapagod ka pa," aniya.

Medyo na touch ako sa sinabi niya. Parang napaka caring lang kasi.

Napakamot ako ng ulo at utal na nagsalita. "P-pwedeng ako na lang yung magpintura? Magaan lang naman 'yan eh. Nabobored kasi ako."

Actually, hindi naman ako required na pumunta rito ngayon, kaya lang nabobored ako sa bahay at gusto ko ring panuorin ang pag gawa ng lugar. Kaso nga hindi ko inexpect na siya lang din pala ang gagawa ng lahat.

Dahil siguro sa kakulitan ko ay ibinigay niya nga yung roller sa'kin, habang siya naman ay ipinagpatuloy ang ibang mga gagawin. Naroon 'yong pag gawa ng mga hanging shelves, pag aayos ng lightings at iba pang mga carpentry works.

Hindi ko maiwasang ma amazed sa kanya. Literally, he is a husband material, at ang hot niyang tingnan habang gumagawa.

Hindi ko maitago ang kurbang unti-unting namumutawi sa mga labi ko habang tinititigan ko siya.

Nawala narin yung isip ko sa pinipinturahan kong kanina pa hindi umuusad.

The next thing was, I got startled the moment I realized na malapit na pala siya sa akin.

Nasa harap ko na siya at nakatitig sa akin ang bilog niyang mga mata.

Dahan-dahan niyang itinaas ang T-shirt niya...

At pinunas iyon sa pisngi ko. Napakurap 'yong mga mata ko at nadampi nga ang laylayan ng t-shirt niya sa pisngi ko.

"Nalagyan na kasi ng pintura yung mukha mo," aniya na pinupunas parin 'yong pintura na nadikit na yata sa pisngi ko. Hindi ko maiwasang napatutok ako sa mukha niya at hindi ko rin maikakaila ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Iniwas ko ang mukha ko nang sa tingin ko ay mas lalong bumibilis yung pagtibok ng puso ko at napahawak pa ako sa dibdib.

Badtrip naman 'tong puso ko oh! Ano kayang problema nito?

"Are you okay?" Loey asked.

Dali-dali namang kinuha ni Loey ang isang bottled water sa bag niya at ipinainom iyon sa'kin.

Medyo kumalma na ako pagkatapos kong uminom ng tubig.

"Sabi ko sa'yo huwag ka nang tumulong," aniya sala tumingin sa wall na pininturahan ko.

Napabungisngis siya, at alam ko kung anong tinatawanan niya.

Ni hindi manlang umusad yung napinturahan ko kaya natawa na lang din ako.

"Kumain na muna tayo. Nagutom ako bigla."

Naisipan naman niyang magpadeliver ng pagkain dahil nakakatamad lumabas dahil sobrang init ngayon.

Habang kumakain kami ay napagkuwentuhan namin ang buhay ng isa't isa. Na ishare ko ang kadramahan ko sa buhay at maging siya rin.

Mas lalo ko pa siyang nakilala, pati ang pamilya at mga kaibigan niya.

Bunso siya sa tatlong magkakapatid, may Ate siya at kuya na nagsipag asawa na. Simpleng pamilya lang din sila, ang Mama at Papa niya ay may-ari ng isang maliit na cafe sa Cavite, habang ang Ate naman niya ay ang sikat na TV anchor na si Katrina Alcaraz.

Simula raw noong nag train siya SDM Entertainment at the age of 14 ang ka grupo niyang Peter pan ang naging kasama niya palagi. Tumira sila sa isang dorm sa loob ng ilang taon hanggang sa nag debut sila bilang grupo at sumikat kalaunan.

Hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa lalaking ito.

Ano ba ang hindi niya kayang gawin?

Bukod sa pagra rap at pagkanta, pagtugtug ng iba't ibang musical istruments, marunong din siyang magkarpentero at tubero.

Complete pakcage kumbaga.

"Just that, I don't know how to cook," sabi niya na natatawa.

"Yung kaibigan kong si Dio, siya yung taga luto sa'min."

Nakakainggit nga siya actually.

Kasi maraming nagmamahal sa kanya.

"Sana all may kaibigan," sabi ko na ikinatawa niya.

"Bakit? Wala ka bang friends?"

Umiling-iling ako at natahimik siya saglit na animo'y nalungkot.

Mayamaya pa ay sumulyap siyang muli sa'kin at ngumiti.

"Don't worry. From now on, you have a friend already."

He paused and smiled widely.

"I am you friend now."

An my heart just skipped a bit again.

Nächstes Kapitel