webnovel

Chapter 2: The Famous

Rae

While enjoying the warm sunshine, wearing my shades and keeping my eyes closed, I couldn't help but smile at myself.

This holiday is so relaxing. Minsan lamang ako makadama ng ganito katahimik na buhay kaya lulubos-lubusin ko na. Dahil tiyak na pagbalik ko sa trabaho, sari-saring issue at gawain na naman ang aking haharapin.

Muli akong napabangon mula sa pagkakahiga at ininom ang natitirang wine na nasa aking baso. Hindi ko pa ito nauubos nang mayroong nagsalita.

"Holy shit! Rae Lewis?!" Gulat na bulalas nito ng makita ako. Halos mabilaukan ako ng saeiling iniinom noong marinig ko ang boses ng dalawang kabataan nasa aking harapan at naka tingin ng diretso sa akin. Na sa tingin ko ay nasa age ko lamang.

Napakurap pa ako ng maraming beses at balak pa sanang takasan ang mga ito, ngunit huli na dahil...

"Guys! Rae Lewis is here!"

Awtomatikong napalibutan kaagad ako ng mga tao sa paligid, may iilan na tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin, iyong iba naman ay napapasigaw pa. At halos lahat sila, may mga hawak na camera at cellphone habang kinukuhanan ako ng litrato at video.

"Oh my! You're here!"

"Can I have a picture with you?"

"You're so beautiful! I didn't know you were here in Boracay."

"You look so fantastic, Rae! Ahhhh!"

"Ahhhhhhhh! Raeeee Lewisss!!"

Oh please, give me a break. Sabi ko sa aking sarili. Binigyan ko ang mga ito ng pormal na ngiti, mahirap na, baka sabihin snob ako. But ugh, all I have to do is to relax for just a few days, forgetting my exhausted life. Malayo sa mapanghusgang lipunan at mga paparazzi, pero hanggang dito ba naman hindi ako titigilan at susundan parin ako ng aking trabaho?

Pa simple na nagbaling ako ng tingin sa aking body guards na hindi maka singit mula sa maraming tao. Awtomatiko naman na nakuha ng mga ito ang ibig kong sabihin noong napa sinyas ako sa kanilang dalawa.

Hindi na namin hinintay pa na mawalan ng tao, dahil tiyak na malabong mangyari iyon. Agad na ini-escort ako ng aking dalawang body guard, pabalik sa Hotel. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang aking manager, habang mayroong hindi maipinta na expression sa kanyang mukha.

"Bullshit!" Pag mura nito ng malutong. "I told you not to expose yourself sa ma taong lugar! Look what happened! Hindi ka kasi marunong makinig!" Singhal nito sa akin na kulang nalang eh, maging dragon sa galit.

Ngunit sa halip na masindak ay natawa pa ako sa kanya. Tinapunan lamang niya ako ng isang pamatay na tingin.

"Pwede bang kumalma ka muna, Jess." Tatawa-tawa parin na wika ko rito. "So what kung lumabas na naman ang mukha ko ngayon sa mga balita o social media, hayaan mo silang pag-usapan ako. At least they know that I'm still on vacation despite my busy schedules." Napa buga ako ng hangin sa ere. This time, medyo kalmado na at lumambot na rin ang kanyang mukha.

"Jess, tao lang rin ako. Kailangan ko ring makahinga kahit sandali." Dagdag ko pa. "I'm sorry, kung nangyari man ito." Paghingi ko pa ng paumanhin.

Hindi ito nagsalita at walang sabi na tinalikuran lamang ako. Napa irap na lamang ako sa aking sarili ng disoras, tiyak na magpapalamig lamang iyon ng kanyang ulo. Babalik din iyon kapag handa na siyang kausapin ako.

Bata pa lamang ako, ito na ang buhay na gusto ko, ang buhay na pinapangarap ko. Kahit na minsan o sabihin na nating madalas eh nagrereklamo ako dahil sa kaliwa at kanan na schedules ko.

Bilang isang celebrity, ang ganitong buhay ay normal lamang sa amin. Ang humarap sa maraming tao, ngumiti ng ilang oras sa harap ng iba, konting flash ng mga camera, para sa amin malaking halaga na ang kapalit noon. Bawat oras sa amin mahalaga, bawat segundo katumbas noon ay ang aming paghinga.

Sa aming mga sarili nakasalalay mismo ang buhay ng aming mga career. Madalas may issue, may problema, madalas controversial dahil sa ganito o ganyan. Lahat kasi ng mata nasa amin, fans man namin ito o bashers. Konting kibot mo may meaning para sa kanila, may makasama ka lang sa ganitong lugar, iisipin nobyo o nobya mo sila, o nagdadate kayong dalawa. In short, toxic sa showbiz. Sa hundred percent, ten percent lamang doon ang totoo, minsan nga five percent lang.

Mahirap? Yes. Pero sanay na ako. At masaya ako sa ginagawa ko. Masaya ako na marami akong napapasayang mga tao, masaya ako na marami akong napapangiti, napapaluha at nai-inspired sa pamamagitan ng mga kanta ko. Sa pamamagitan ng aking kwento.

Maraming nagsasabi, bakit pa ako pumasok sa showbiz? Eh mayaman na ang pamilya ko, hindi ko na kailangan ng pera o ganito. Hindi naman tungkol sa pera bakit ako nandito ngayon eh, nandito ako dahil na sa musika ang puso ko. At ito lamang ang bagay na kaya kong maipagmalaki sa sarili ko, ang bagay na meron ako, ang bagay na pupwede kong maibahagi sa ibang tao. Isa pa, pumasok ako sa showbiz dahil dito ako makakagawa ng sariling pangalan, ng walang tulong o impluwensya galing sa pamilya ko.

I'm nineteen years old now, and yes, I'm bisexual. Proud and loud. And everyone knows that. I was seventeen years old when I had my first boyfriend, but we didn't last long. Dahil feeling ko, hindi ko siya deserve, masyado siyang mabait, maalaga, halos lahat ng katangian ng isang lalaki, nasa kanya na. Kaya nakipag hiwalay ako, dahil alam ko sa sarili ko na hindi sapat ang pagmamamahal na ibinibigay ko sa kanya. Hindi ko kayang lamangan 'yung pagmamahal na meron siya para sa akin.

Until one day, I had a crush on this girl. Katulad ko rin siyang celebrity, slash, singer. Nagkaroon pa nga kami ng project together. I didn't even know that the word bisexual existed at all, as far as I only knew, I liked her. But why her? Bakit sa isang babae pa?

Hanggang sa hindi nagtagal, may isa akong kaibigan, itago nalang natin siya sa pangalang, Jemalyn Galanza.

(A/N: Remember, lumabas sa dalawang chapter si Rae sa Play for you.)

Umamin siya mismo sa akin na bisexual siya. It means, you can be into girls and you can be into boys. Ipinaliwanag niya ang lahat sa akin, doon ko napatunayan na maybe, just maybe, katulad niya rin ako.

So habang nagrerecord kami ng crush ko para sa bagong kanta na ginagawa namin, lumabas ako sandali ng record room at dumiretso sa cr, kinakabahan kasi ako kung aaminin ko na ba sa kanya o hindi ang nararamdaman. Kaya lang natatakot ako, paano kung straight siya? Iniisip ko rin, eh kung halikan ko nalang kaya siya bigla? Pag nag kiss back ibig sabihin, type niya rin ako. Pero hindi eh!

I waited a few more seconds, not knowing that she was following me. Noong una ay nagulat pa ako, magsasalita na sana ako ng bigla niya akong hinalikan noon. Masyado akong nabigla sa ginawa niya kaya hindi kaagad ako nakapag response. Pero, that time, alam ko sa sarili ko na gusto niya rin nga ako. Napaka saya ko noong mga panahon na iyon, para bang, doon ko mas nakilala pa lalo ang sarili ko.

Naging girlfriend ko siya, inabot din kami ng seven months, hindi rin kami nagtagal katulad noong unang boyfriend ko, dahil mas pinili namin ang kanya-kanya naming career. Isa pa, pareho kaming hindi pa handa sa malalaking controversial na pwede naming maranasan sa showbiz.

Sa ngayon, move on na kami pareho. At lahat ng iyon ay naging parte na lamang ng nakaraan namin. Nagkikita parin kami ngayon, madalas pa nga eh, dahil parehong Station lamang ang pinagtatrabahuan namin. Pero hindi naging hadlang ang past namin para hindi kami magpatuloy. Nagkakausap na rin kami ngayon, hindi katulad noon na iniiwasan namin ang isa't isa. Pero bilang magkatrabaho na lamang, wala ng spark kagaya ng dati.

As of now, focus pa ako sa mga projects ko, sa career na patuloy na inaalagaan ko. At kung may darating man na bagong pag-ibig, hindi ko alam kung lalaki man iyon o babae, naka handa ako. Dahil sinisigurado ko na sa ngayon, mas mature na akong mag-isip at humawak ng isang relasyon.

Gusto ko rin na maging wais na ako sa lahat, ayoko ng masaktan pang muli. Ayoko ng magmahal sa maling tao, pagkatapos ay hindi rin pala kami aabot sa dulo. Sa totoo lang, nakakapagod ang paulit-ulit na pagkakaroon ng bago, nakakapagod mag kwento ng parehas na istorya ng aking buhay. Haha.

Kung may darating, darating. Kung wala, okay lang. Maganda ako, bata pa ako, alam kong may tamang tao na nakalaan para sa akin. Hindi ko kailangang magmadali.

Magkikita na kaya ang ating mga bida sa susunod na chapter? Magiging maayos kaya ang unang pagkikita nila? Abangan!

Jennexcreators' thoughts
Nächstes Kapitel