webnovel

Finding Stealer 10

Ilang araw din kaming hindi nagpansinan ni sir Paul. Kahit sa classroom ay wala kaming kibuan. Parang hindi siya si Paul na nakilala ko. Parang hindi na siya 'yong Paul na gusto ko.

Ewan, parang pinagsisisihan kong hindi ako nag-take ng risk. Kaya ko naman eh. Pero hindi pa ako handa.

Kailan ba ako magiging handa?

Gusto ko siya. Gustong-gusto. Halos 'di ako makatulog sa t'wing naaalala ko lahat.

Gusto kong malaman kung bakit siya gano'n. Bakit gano'n ang perspective niya and such.

Una pa lang sinabi ko na sa kanya kung bakit ako ganito. 'Yong kwento ko. Pero siya, wala akong alam. Kaya ayaw kong i-judge siya. Gusto kong malaman ang kwento niya.

Kaya naman, sa test paper ko ay nilagay ko na magkita kami sa rooftop sa vacant ko. Hindi ko alam kung mababasa niya agad pero sabi ko, basahin niya ang likod ng test paper ko. Sana lang ay binasa niya.

Gusto ko na siyang maka-usap, nami-miss ko na siya.

Gano'n pala 'yon 'no? Napakabilis mong mahulog sa taong sumalo sa 'yo, sa taong nakinig sa 'yo, sa taong pwede mong iyakan kapag gusto mong umiyak, sa taong nandiyan lang kapag kailangan mo. Siya lang 'yong taong nagparamdam na pwede akong pakinggan at hindi ka huhusgahan.

I'm still in a rooftop waiting for Paul. Buti na lang at walang pumupunta rito.

Ilang minuto na akong naghihintay pero wala pa rin siya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nagpatugtog.

All of my life, I thought I was right~~

Looking for something new~~

I just want someone who makes me feel I'm special. Because I'm nobody.

Ilang oras ko ba siya kailangang hintayin?

People in life, they will come and they'll leave~~

But if I had a choice I know where I would be~~

Nakarinig ako ng hakbang papalapit sa pinto ng rooftop kung nasaan ako ngayon. I know it's Paul.

Patuloy lang ang pagtugtog ng kantang I choose.

Through the lows and the highs, I will stay by yourside~~

There's no need for goodbyes, now I'm seeing the light~~

Dahan-dahang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Paul.

When the sky turns to grey and there's nothing to say~~

Pawis na pawis ito. Halatang tumakbo ito.

"I'm here na." Sabi niya at nginitian ako.

At the end of the day, I choose you~~

"Hi?"

"Bakit mo ako pinapunta rito?" Tanong niya.

"Wala, I just miss you." Pinatay ko ang pinapatugtog ko at tumingin sa kanya.

"So, you choose me?" Sabi niya at nilapitan ako.

"I also want to know your story." Tumalikod ako sa kanya para tignan ang langit.

"Do you want to know my darkest side?" Tanong niya at tinabihan ako.

Tumango ako, "everyone's has a darkest story. I want to know what's yours."

"May niligawan ako, 4 years 'yon. Naghintay ako kaso may iba pala siyang gusto. Nalaman ko na lang na.." lumunok ito, "sila na."

"After no'n, nagka-girlfriend ako. Kaso, wala."

"Bakit kayo nag-break?"

"Too much jealous, toxicness. Once I don't get what I need, I hurt myself. Alam mo 'yon? Naglalaslas ako dahil nagseselos ako. Ina-ask kong lumayo siya sa mga lalaking nakakaramdam ako ng threat pero 'di niya ginawa. So I had to take the wrong thing. But then, hindi niya ginawa at parang naging sila pa no'ng pinagseselosan ko."

Hinawakan ko ang kamay niya. Nagkatitigan lang kami. Alam na alam ko kung paano masaktan at saktan ang sarili tuwing nasasaktan, and that's worst.

"Alam mo, parehas lang naman tayong takot na masaktan. Parehas tayong sinasaktan ang sarili. Baka nga, tayo lang din ang makaintindi sa isa't isa eh."

"I'm glad that you're here. I'm glad that you understand me." Niyakap niya ako.

"That's the story behind my fcking perspective in love. I am fcking tired of trying, giving, showing, forgiving, worrying. I am sick of it all. Just because I had the wrong person. I maybe need to explain myself to someone so might understand my state and do something about it." Hindi pa rin kami bumibitaw sa pagkakayap niya.

Now, I understand him.

"And if I found that fcking lady, dahil sa tagal niya nagkanda durog-durog na ang mamon kong puso, nasira na ang ulo and geez, I can't wait to meet that person."

"You already found your beautiful lady."

Nagulat siya kaya kumawala siya sa maiinit naming pagyayakapan.

"You mean, I found you?"

Tumango ako, "yes!"

"Thank you!" Niyakap niya ulit ako.

"Tignan mo oh, nagkapimples ako, Paul."

"Asus, sino 'yan ha?" Humiwalay siya sa pagkakayakap namin.

"Siyempre ikaw..."

"Ako? Eh ilang araw ka ngang nawala ako pa. Aish."

"Ikaw lang naman gusto ko eh."

"Utot mo. Talaga lang ha?"

"Oo nga! Ayaw mo ba?"

Umiling ito at hinawakan ang pisngi ko, "gusto. Gustong-gusto. Alam mo ba, para akong isang liham, ikaw lang ang nakakaalam." Sabi niya at nginitian ako ng kay tamis.

"Thank you for existing."

Tumalikod na ako sa kanya at tinignan ang paglubog ng araw. Ang tagal na pala naming nandito.

Niyakap niya ako mula sa aking likuran. Ramdam kong nag-init ang pisngi ko. Kung nakikita niya lang kung gaano kapula ang mukha ko ay baka asarin niya ako.

Nararamdaman ko rin ang kalabog ng puso ko. Nahihiya nga akong baka ramdam niya rin kung gaano ito kabilis.

"Nakakamiss din pala 'yong ganito, may mayayakap ka." Ramdam ko ang init ng hininga niya mula sa tenga ko na nakakakiliti.

And from this day, we decided to love each other and took a risk. Maybe, it'll be worth it.

Masaya ako ngayong, hindi na ulit ako mag-iisa sa laban. Parehas naming naiintindihan ang isa't isa kaya alam kong magkakasundo kami.

We made our promises.

Sana, hindi ito mapako. Sawa na ako sa mga pangakong napapako.

As the sun finally sets, we made our own silly dreams. We wish that our love would last.

Sana, panghabang-buhay na ito. Ayaw ko nang masaktan. Sawang-sawa na ako.

And I love our own silly dreams. We were investing it right from this moment.

Nächstes Kapitel