webnovel

넷: Mission

"Halmeoni?!"

"Huh?" Biglang pagtataka ni Ryxen o ni Crown Prince Ryeong

"Ahh, oo nga no Zeline!" Biglang sabi ni Kuya Gemson

Biglang nagsalita si lola

"Zeline!! Diba sinabi ko sa iyo na huwag mo kuhanin ang mga librong iyon?!"

"Sorry po la, gusto ko lang naman po basahin". Bigla namang sumingit si Ryxen

"Ms. Kim, pwede na po ba kami makauwi?" - Ryxen

"Hindi, kayo maaring makauwi hangga't hindi pa ninyo natatapos ang inyong misyon. At hindi Ms. Kim ang pangalan ko dito ako si Lady Han Na Ra"

"MISYON?!?! Lady Han Na Ra?" (In chorus)

"Oo, kaya hindi ko binigay kay Zeline yung libro dahil naghanap ito ng mga tao na maaring makatulong para makahanap ng gamut para dito. Nasa taong 1720 kayo, at every 100 years nagaganap yung ganitong sakit diba? Saka Han Na Ra ang pangalan ko dahil ako ang magulang nila Seo Na at Seo Jeong dito".

"Ano po ang gagawin namin dito?"- Dwayne

"Kailangan niyong malunasan ito, at hindi mangyari yung mga susunod pang sakit, at yung mga may sakit sa present time, mawawala na yung sakit nila at parang walang nangyari."

"Lola, hindi po kaya mapapansin nila tita at nila Papa ito?" – Kuya Gemson

"Nakatigil ang oras doon, kaya't kailangan niyong magmadali. Gagabayan ko kayo upang maayos niyo ito."

"Kailangan nating magkita ng umaga hanggang tanghali bukas hanggang sa mapamilyar na kayo dito, tuturuan ko kayo sa mga bagay na kailangan ninyong gawin dito, at kailangan ninyong masanay sa inyong pangalan dito. Ikaw Zeline ay si Lady Han Seo Na at Gemson ikaw naman si Master Han Seo Jeong, samantala si Dwayne naman ay si Crown Prince Lee Ryeong, at si Dwayne naman ay si Crown Prince Lee Dong Min. Ang inyong mga magulang Ryeong at Dong Min ay sina Emperor Lee Jin Hyuk at ang inyong ina ay si Empress"

Biglang pasok naman ang Emperor, at biglang lumuhod at yumuko si lola bigla naman kaming sumunod ni Kuya Gemson, at biglaan namang yumuko din sila Ryeong at Dong Min. Bigla namang nagsalita ang Emperor.

"Ryeong, Dong Min? Bakit? Ano nangyari sa inyo?"

"Ahh, sa totoo po niyan abeoji, nagkauntugan po kami ni Ryeong."

"Lady Han gamsahabnida".

*Translation: Thank You! *

Bigla namang nagkatitigan ang Emperor at ang lola namin or for in short nanay namin dito.

"Ahh, sige, dun lang muna ako sa kwarto ko at magbabasa ako"

"Sige po, abeoji!" Sagot ni Ryeong at ni Dong Min

Kami naman ni Kuya ay nagtaka sa titigan ng Emperor at si lola. Tinanong siya ni Kuya.

"Halmeoni, bakit ganon po tumitig ang Emperor sa inyo?

"Umm, Ang totoo niyan gusto namin ang isa't isa dati, kaso dahil sa Empress Dowager, siya ang namili ng magiging Empress, kaya yun, wala kaming nagawa, kundi kalimutan ang mga bagay sa aming buhay, hanggang sa nakilala ko ang papa niyo dito, o ang lolo niyo"

"Ahh, ganon po ba? So, kung hindi plinano yun, dapat kayo po yung Empress?"

"Oo, Gemson. Pero mas naging masaya ako sa piling ng iyong ama o ang inyong lolo. Sa totoo lang sa panahon na ito patay na ang tatay niyo dito!"

"Huh?"

"Namatay siya nung tatlong taon palang si Seo Jeong at si Seo Na naman sanggol pa lang"

"Ah, kaya pala"

Bigla naman akong nagtaka sa mga sinabi ni lola na bigla ko naisip.

"Lola, ibig sabihin po ba past life po namin ito?"

Biglang nanahimik sila lola sa tanong ko, hanggang sa,

"Oo."

Biglaan namang pumasok si Jang Yeon

"Lady Seo Na, kamusta na po kayo?"

"Ahh…ok lang ako Jang Yeon, eh ikaw?"

"Ok lang din po ako, pero sa aking palagay galit po sa akin si Lady Han."

Bigla naman nagsalita si lola o si mama

"Bakit naman, dahil parang baliw si Seo Na?"

"Opo, napabayaan ko po siya kanina"

"Kasalanan niya yun, kasi makulit siya."

Hahahaha, lola nakakatawa. Inaya ko si kuya pumunta kayla Ryeong at Dong Min.

"Kuya, punta tayo kay Ryeong at Dong Min"

"Sige, Jang Yeon sama ka sa amin."

"Ahh, Master Han di po kayo galit?"- Jang Yeon

"Para sa?"

"Napabayaan ko po si Lady Seo Na"

"Tskk, ok lang hayaan mo siya"

ANG SAMA NI KUYA PABAYAAN AKO, ABA PARANG DI KO SIYA TINULUNGAN NUNG NAHULOG SIYA HAGDAN, NA KUNG UMIYAK AY MAS MATINDI PA SA BABAE.

Dali-dali naman kaming pumunta doon kay Ryeong at Dong Min, ngunit di kami pinayagan ng mga palace guards na makapasok, hanggang sa makita kami ni Dong Min.

"At bakit, ayaw niyo sila papasukin? Dahil ba wala silang gagawin dito? Tandaan niyo, sila ang mga kaibigan naming kaya wag na wag niyo silang hindi papasukin ha?"

"Opo"

Bigla naman kaming pumasok sa kuwarto niya at ipinatawag niya kay Jang Yeon si Ryeong, bigla namang nag-blush si Jang Yeon at bigla naman akong natawa. HAHAHAHAHAHA.

"Dong Min, may mga libro ka ba dito?" – Kuya Gemson

"Pang-medicine?"

"Oo, pero paano mo nalaman yung nasa isipan ko?"

"Ahmm, siguro naisip ko na kasi diba patungkol sa sakit yung misyon natin?"

"So, ibig sabihin wala pa yung sakit ngayon?"

"Siguro, kasi mukhang maayos pa yung lugar "

Bigla namang pumasok si Ryeong at si Jang Yeon. Tuwang-tuwa makita ni Jang Yeon si Ryeong, mukhang crush niya ata si Ryeong. Hahaha

"Dong Min, pwede mo ba kausapin ang Emperor?" -Kuya Gemson

"Para sa?"

"Tanong mo sa kanya kung may sakit na kumakalat"

"Sige-sige"

"Seo Na, samahan mo ko"

"Ahh, sige". Sinamahan ko si Dong Min sa palasyo at ang lawak nito. Pumasok kami sa silid ng Emperor

"Abeoji, si Dong Min po ito"

"Bakit naparito ka?"

"Ahh, sa totoo lang po may gusto ako malaman"

"Ano yun?"

"May sakit po ba na kumakalat ngayon?"

"Teka!?! Paano mo nalaman ang patungkol dito?"

"Ahh, naisip ko lang po."

"O narinig mo, kay Lady Seo Na?"

"Po, ahh… wala po akong alam, sa totoo nga lang po wala po talaga akong natatandaan". Biglaan namang kinuha ng hari ang kaniyang espada at tinutok sa aking leeg.

"ABEOJI!!" Sigaw ni Dong Min

"Hindi mo siya dapat saktan, ako ang nagtatanong at ako lang ang nakapag-isip nito, noong nakaraang gabi may mga palace guards na tumatakbo at parang papunta sila ng timog na parte ng Korea? Tama po ba ako Abeoji?"

"Tama ka" (Biglang binalik ng Emperor ang espada sa lalagyanan nito)

"Mayroong kumakalat na sakit sa timog at ipinadala ko doon ang pinakamagaling na doktor"

"Maari ko po ba malamang kung anong meron dito?"

"Oo naman. Lady Seo Na dun ka muna sa gilid."

"Abeoji, tinutulungan niya po ako".

"Ahh, sige".

"Opo pyeha".

"Biglaan itong sakit na ito nakakahawa daw ito, at galling daw ito sa isang halaman na tinatanim sa Timog, at wala pang gamot para dito."

"Ahh, ganon po ba?"

"Ahh, so ibig sabihin po, may nagpakalat nito?"

"Paanong nagpakalat?"

"Diba sabi po ninyo galing sa halaman? Hindi naman po kumakain ng mga halaman ang tao?"

"Nasa timog ang tiyo mo Lady Seo Na, baka may kinalaman siya dito. Diba't doktor at mahilig sa halaman ang iyong tiyo?"

"Opo???". Teka si Tito?

"Sige na Dong Min umalis na kayo."

Nagtaka ako sa mga sinabi ng Emperor. Bumalik kami sa silid ni Dong Min.

"Ano Dong Min, meron?"-Kuya Gemson at Ryxen

"Oo, meron daw kumakalat na sakit sa timog".

Nagtaka naman ako at bakit wala si Jang Yeon.

"Kuya asan si Jang Yeon?"

"Lumabas siya saglit"

"O, ayan na pala si Jang Yeon." – Ryxen

"Lady Seo Na, pinapauwi na po kayo ni Lady Han"- Jang Yeon

"Ahh, oo sige papunta na"

Umalis na kami dahil pagabi na. May tinanong ako kay Jang Yeon

"Jang Yeon".

"Po?"

"May gusto ka ba kay Ryeong?"

"Ahh, opo".

"Wag niyo po sasabihin sa kanya, sikreto lang po natin iyon!"

"Eh, kay Dong Min?"

"Ayoko po sa kanya masungit siya"

"Talaga, siya ang masungit, hahahaha!!"

"Po, bakit kayo tumatawa?"

"Mas masungit si Ryeong. HAHAHAHAHAHAHA!"

Bigla namang tumitig si Jang Yeon ng masama sa akin.

"Sorry na!"

"Sowwy?"

"Ahh, ang ibig sabihin ko patawad"

Napag-usapan namin nila lola ang patungkol dito at balak ni kuya pumunta sa timog. Pinayagan siya ni lola, ang balak kasi ni kuya ay pag-aralan ang halaman at ang katawan ng infected sa sakit na ito. Nag-umaga na at nanghingi si kuya ng sulat galing kay Dong Min at Ryeong na nagsasabi na pwede siya pumunta doon. Umalis na nga si kuya. At tinuruan ko si Jang Yeon ng Ingles at iba pang mga bagay.

Habang kami ay nasa palasyo, biglang may umubo na babae na parang tagapag-silbi sa palasyo. Nagulat kami ng biglang kinuha at parang dinakip ito at sumisigaw ang babae.

"Kawawa naman yun." Sabi ni Dong Min

Nilapitan kami ng mga palace guards at sinabi na pinapupunta kami ni Ryeong sa kwarto niya. Agad naman kaming pumunta doon at laking gulat ko ay ang gulo ng kwarto ni Ryeong.

"Crown Prince Ryeong, may problema po ba?" Tanong ni Jang Yeon

"WALA! NAMIMISS KO NG MAKINIG NG TWICEE!!"

"Sabi ko na nga ba bakla ka talaga, di ka na lang kasi magbasa." Sinabi ni Dong Min ng pabulong

"O, bakit anong meron. Di mo kasi naiintindihan yung pakiramdam ng walang TWICE!!"

"Oo na, bahala ka diyan"

Biglang lumakad paalis si Dong Min habang hinila rin niya ako at di ko sinasadyang mahawakan ang kanyang kamay at naramdaman ko ang pagtibok ng puso niya, tumitibok ito ng napakabilis noong hawak niya ko, at napatigil ako ng paglalakad.

"Bakit ka huminto? Pupunta tayo sa garden"

"Bakit ang bilis ng tibok ng puso mo?"

"Umm, dahil kay Ryeong"

"Hindi yun eh, parang may iba kang pakiramdam".

"Anong pakiramdam, tskk-"

"Para kang may sakit ka?"

"Huh?"

Bigla ko namang hinipo ang kanyang noo at di naman siya mainit.

"Magpahinga ka muna ng hindi ako nag-aalala".

"Oo na, saglit nag-aalala ka sa akin?"

Di ko siya sinagot, para naman kasi siyang baliw. Tapos nag-blush pa siya, tskk. Sinamahan ko siya sa kwarto niya at nagbasa ako ng libro sa gilid. Hanggang sa nagsalita siya

"Seo Na"

"Bakit Dong Min?"

"Sa totoo lang kaya ang bilis ng pagtibok ng puso ko ay-"

Biglang pumasok ang Empess, at pinuntahan ang anak niya.

"Dong Min bakit anong nangyari sa inyo ni Ryeong?"- Empress

"Wala naman po Eomeoni, makulit lang po siya"

"Ahh, ganon ba?"

"Sige, magpahinga ka muna ha!"

"Opo"

Bigla namang naupo sa tabi ko ang Empress. At kinausap ako

"Diba ikaw si Lady Han Seo Na?"

"Ahh, opo"

"Lady Seo Na sumama ka sa akin mag-tiyaa tayo"

"Ahh, sige po"

"Eomeoni, sasama ako"- Dong Min

"Sige"

Sabay-sabay kaming uminom ng tiyaa. Napagtanto ko mabait naman pala si Empress Empress Baek Ji Hyo, at bagay naman sila Emperor Lee Jin Hyuk.

Ilang araw ang lumipas at napaka tahimik na ng buong lugar, halos parang wala ng tao. Ang hindi ko alam may nahawa na pala dito sa lugar naming at sa palasyo. Medyo nakakakaba ang mga sunod-sunod na pangyayari. Kamusta na kaya si kuya? Biglaan namang may dumating na napakagandang babae at ang lahat ay yumuko.

Teka, parang si…

Nächstes Kapitel