Zia POV
Nagising ako ng maramdaman kong parang matigas ang yakap kong unan. Ginalaw ko pa ang kamay ko pababa at laking gulat ko ng may mahawakan ako.
"hmmm" narinig kong may umungol. Kinapa-kapa ko pa iyon, pero parang lalong nanigas. "if you keep on doing that, baka hindi na talaga ako makapagpigil Zia" halos pabulong na sabi ng isang boses sa may tenga ko.
Minulat ko ang mata ko, laking gulat ko at katabi ko si Xander. Nanlaki ang mata ko ng makita ang posisyon namin.
Nakatagilid ako at nakaunan sa kamay nya, sobrang magkadikit ang katawan namin. Samantalang ang isang kamay kong naglakbay ay nakahawak sa alaga nya. Sya naman ay nakahilata. Nanlaki ang mata ko ng makita kong hawak hawak ko iyon, "shit!" napamura ako, bigla ko namang tinanggal ang kamay ko at napatingin sa kanya.
Pinamulahan ako ng mukha sa ginawa ko. Napapikit pa ako ng mariin dahil sa hiya. Pagmulat ko ng mata ay tinignan ko ang mukha nya. Para naman akong naawa sa itsura nya, dahil parang nanghina ito na parang pagod at halatang nagpigil.
"i'm so sorry... im sorry.. sorry" paulit ulit kong sabi dito at lumayo. Namula naman bigla ang mukha ko. 'Bakit ba nakarating doon ang kamay ko, nakakahiya ka Zia, ang dami mong pwedeng hawakan bakit yun pa' kulang na lang talaga ay sabunutan ko ang sarili ko sa harap nya.
"i'll just go to the bathroom" anas nito at dali dali syang tumayo sa kama.
"my gosh Zia.. Nakakahiya ka talaga" tinampal ko ang noo ko. Hindi ako makapaniwala na nagkasala na ang kamay ko. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko para hindi marinig ang impit kong tili.
Hindi pa ako nakakaget over ng biglang lumabas sa banyo si Xander. Nakatapis lang ito ng towel sa bandang bewang nya. Kita ko ang malusog nyang katawan at ang mala pandesal nitong abs. Napakagat labi ako at doon na lang nakatingin. Humarap sya sa akin at nagulat ako ng humakbang sya papalapit. Nanlaki naman bigla ang mata ko at tinaas ang kumot hanggang sa leeg ko.
Huminto ito sa paghakbang at tumawa. "Ngayon ka lang ba nakakita ng gantong katawan?" anas nito.
Inirapan ko naman sya, "i'll go to the bathroom. Turn around!" utos ko. Umiling iling naman ito saka tumalikod sa akin ng nakangiti.
Dali dali akong tumakbo sa banyo. Napasandal ako sa pinto. Napahawak ako sa dibdib ko, ang lakas ng tibok ng puso ko, parang naguunahan. "inhale.. exhale.." anas ko, nagbabakasakaling kumalma ang kabog ng dibdib ko.
Maya maya'y biglang kumatok si Xander. "Nasa kama na yung damit mo, lalabas lang muna ako. Babalikan na lang kita dito" anas nito.
"o..okay" sigaw ko. Binilisan ko na ang pagligo. Dali dali akong nagbihis baka maabutan pa nya akong hubad. Nagmake up ako, light lang ang ginawa ko.
Sinusuklay ko na ang buhok ko nang dumating sya. "you're done?" tanong nito.
"yeah" sagot ko.
"let's go? hinihintay na tayo nina mommy sa dining" sabi nito.
"okay" at lumabas na kami ng kwarto.
Pagbaba namin nakita agad ako ni Stacey. Tumakbo ito palapit samin at niyakap ako. "Good morning ate Zia" sabay halik sa pisngi ko. "good morning kuya" bati naman sa kapatid. "you look good together" sabay ngiti.
Umakbay si Xander sa kapatid habang nasa tabi naman ako ni Stacey, sabay na kaming naglakad papuntang dining. Nakita namin ang daddy at mommy ni Xander.
"Come and sit, let's eat breakfast" sabi ng mommy ni Xander.
"Good morning po Mom, dad" bati ko.
"Morning iha" panabay na bati nila. "sit down and let's eat" sabi naman ni mommy.
Tumabi si Stacey sa mommy nya, nakaharap naman ito sakin. Sa tabi ako ni Xander umupo.
Habang kumakain nagkukwentuhan kami.
"are the two of you okay now?" tanong ni mommy. Nagkatinginan naman kami ni Xander.
"Yes mom, were okay" sabi nito sabay subo.
"Mom, dad, stacey.. i'm sorry for what happened last night. I was drunk and I didn't know what am doing" hinging paumanhin ko naman sakanila.
"it's okay iha. Ang mahalaga you two are okay now" anas ni mommy.
"nxt time Xander hwag init ng ulo agad ang pairalin. Pagusapan ang bawat problema at hindi dinadaan sa init ng ulo" panenermon ni dad.
"Sorry dad" anas nman ng katabi ko.
"sus! Selos lang yang si kuya" sabi naman ni Stacey. Pinandilatan lang ng mata ni Xander si Stacey. Nagyuko naman ng mukha si Stacey pero bakas parin ang ngiti habang sumusubo ng pagkain. Napangiti na lang din ako.
Pagkatapos naming mag agahan ay nagpaalam na kami ni Xander. Ihahatid na daw nya ako dahil may pupuntahan pa sya.
Habang nasa byahe, tahimik lang kaming dalawa. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan ng mapansin kong hindi iyon ang daan pauwi samin.
"wait? Saan tayo pupunta? hindi ito ang way sa bahay" takang tanong ko.
"pupunta lang ako sandali sa condo ko. May kukunin lang ako. Sandali lang naman." sabi nito.
"okay" sagot ko.
Pagdating namin sa condo, namangha ako. Ang ganda ng loob ng condo nya, masculine ang dating. Malinis din ito, maluwang. Nilibot ko pa ang paningin ko. Nagtingin tingin ng mga nakadisplay doon.
"You like my place?" tanong nito.
"Yeah!" wala sa sarili kong sagot.
"Hmm, I'll just bring this documents to my office. Do you want to accompany me or stay here and wait for me?" tanong nito.
"No! I'll come with you. Ayokong maiwang magisa." agad kong sagot dito. "wait, today is Saturday. Bakit may pasok ka?" takang tanong ko.
"Well, pinapasok ko sila. I have a big client to meet by Tuesday and i want them to focus on their job. Kailangan kong maayos lahat at kailangan kong masiguro na mabibingwit ko ang kliyenteng ito." sabi nito.
"wow! working so hard huh?" sabi ko.
"yeah! for our future" napatingin naman ako sakanya ng may pagtataka. Ngiti lang ang tinugon nito.
Nagpunta kami sa office nya, lahat ng empleyado ay nakatingin sa akin.
May mangilan ngilang empleyadong parang walang pakealam, ang iba nagulat, ang iba naman kung makatingin parang kontrabida lang sa pelikula. Narinig ko pa ang bulong bulungan ng ibang empleyado.
"Who's that girl?" tanong ni ate girl 1
"Hindi ko alam, ngayon ko lang ulit nakita si sir na may kasamang babae" ate girl 2
"Hindi ba yan si Ms. Sandoval?" tanong ni ate girl 3.
"Nagbibiro ka ba? Ang ganda at ang sexy nyan paanong magiging si Ms. Sandoval yan? Mukhang manang kaya yung mapapangasawa ni sir" ate girl 2
"tumigil ka nga baka marinig ka, masisante pa tayo" ate girl 1
Nagpanting ang tenga ko kaya napahinto ako sa paglalakad. 'Manang huh?'
"What's the matter?" tanong ni Xander.
"Wait me here!" sabi ko kay Xander. Pinuntahan ko ang mga empleyadong nagchichismisan at tinignan sa nanlilisik na mata ang tatlo. "May problema ba kayo sakin?" tanong ko sa mga ito.
"Wa-wala ho mam" sagot ni ate girl 3
"Then go back to your work! Puro kayo chismis!" at pinanlakihan sila ng mata. "yes mam" sagot ng tatlo at dalidaling naghiwalay ang mga ito.
Pagbalik ko sa tabi ni Xander ay nakangiti ito sakin. "Anong nginingiti mo dyan?" sabi ko. Parang nasira mood ko.
"Wala.. ang cute mo" sabay pisil ng pisngi ko.
"Don't touch my face!" sigaw ko dito sabay hawak sa pisngi ko. Ngumiti lang ito at inakbayan na ako papasok sa office. Pagkapasok namin ay tinanggal ko ang kamay nyang nakaakbay sakin.
"Sungit!" sabi nito ng nakangiti. Inirapan ko naman.