webnovel

Her New Friend

"haynaku, mabuti pa magmall na lang tayo para mawala ang stress nating dalawa. Para naman makalimutan mo yung nangyari."

"Ayoko munang lumabas."

Mahina kong sabi.

"Ano ba naman! Wag mong sabihin na magmumokmok ka lang dito? Haynaku,halika na . Hindi uubra sa akin yang kaartehan mo."

Sa sobrang pilit ni Becca at sumama na lang ako. Pagdating namin ng mall ay natuwa ako dahil nakita kung Jollibee.

"Oi tara kain tayo doon."

Hinihila ko siya papunta sa Jollibee.

"No. Kakakain mo lang,kakain ka na naman? Hindi tayo diyan. Doon tayo sa mga damit. Maraming bagong damit doon,tara!"

"ehh Becca naman. Sige na. Kain na tayo."

"Pwede ba, wag kang magpacute sa akin dahil hindi ako mahuhulog diyan. At saka hindi naman yan aalis. Mamaya na tayo kumain pagkatapos nating magshopping,okay?"

"Hays! Sige na nga. Pero basta, mamaya kain tayo dito."

"Parang bata,haha."

So naglibot libot kami muna kami. May nabili naman akong mga damit pero kaunti lang. Hindi kasi ako mahilig sa mga damit. I prefer shoes than bags and clothes. Pero itong kaibigan ko ,uubusin na ata ang mga damit dito sa mall. Ako na nga nagbitbit ng iba pa niyang pinamili dahil sa dami. At hindi pa nakuntento, ayun nasa bag na naman ang interest.

"Kaya mo ba ako sinama para may taga bitbit ka?"

"Ito naman. Kaunti nga lang yung nabili ko eh. Don't worry ako na magpapakain sayo."

Hindi naman ako poor sa pera, hilig ko lang talaga magpalibe,haha. Ikot dito,ikot doon. Umupo muna ako sa may food court at bumili ng maiinom habang yung isa andoon pa rin at hindi pa rin nakapili ng bag.

"Grabe naman mamili itong kaibigan ko,tsk."

Sabi ko sa sarili ko habang umiinom. Inunat ko ang mga kamay ko saka hinilot ang mga binti ko dahil sa ngalay. Ang tagal kaya naming nakatayo.

"Yka?"

Familiar ang boses. Paglingon ko ay nakita ko si Anton na may bitbit na pagkain.

"Oh ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?"

"Wala naman. Nabored kasi ako sa condo kaya pumunta ako dito para bumili nito. It's takoyaki. Pwede bang maupo dito?"

"Sure."

"Ikaw, what are you doing here?"

"Sinama kasi ako ni Becca dito para maglibang. Kaso parang siya lang ang nag ienjoy,haha. Ayon nandoon pa. Ito nga yung mga pinamili niya ehh."

Tinuro ko kung nasaan si Becca. At ako naman ay bumalik sa pahhihilot ng binti ko. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na si Anton at umupo para hilutin yung binti ko.

"Naku, Anton okay lang. Ako na."

Inalis ko yung kamay niya sa binti ko. Naalala ko kasi yung sinabi ni Chris.

"No , it's okay."

Binalik na ulit yung kamay niya. Wala naman na akong nagawa kasi hinihilot niya na. Infairness magaling siyang maghilot. Mabait naman si Anton kaya pano sila naging enemies ni Chris. I don't understand. Si Chris pa ang nagsimula ng away?

"Bakit kaya?"

Nasabi ko habang nakatingin kay Anton. Tumingin naman siya sa akin.

"Huh? May sinasabi ka ba?"

"Wala. hahah. Sige ayos na yan. Bumalik ka na sa upuan mo at kainin yung takoyaki mo. Thank you."

Mabuti na lang at hindi niya narinig. Nagkakwentuhan kami ni Anton hanggang sa dumating na si Becca. Ayun ang dami na namang dala.

"Mabuti naman at naisipan mo na pumunta na dito. Akala ko doon ka matutulog. Bilhan na ba kita ng kumot at unan?"

Sarkastiko kong sabi.

"Eto naman. Minsan lang ako magshopping. Sorry na,haha. Oh Anton nandito ka pala."

Kuminang na naman ang mga mata. Akala ko uupo sa tabi ko pero nilagay lang pala yung mga pinamili niya saka sumiksik kay Anton.

"Ano na? Kakain pa tayo sa Jollibee, remember?"

Pagpapa alala ko dahil mukhang makakalimutan niya na naman kasi katabi si Anton.

"Hoi ano na?"

"Ehhhhh, kasi naman. Sige na nga, tara. Ayy, gusto mo bang sumama sa amin Anton? Libre ko."

"Okay lang ba? Wala kasi akong kasama eh."

Nag alunlangan pa ako kasi baka makita na naman kami ni Chris. Pero hinayaan ko na lang kasi wala naman kaming ginagawang masama. At isa pa siya lang ang kaibigan ko sa school.

"Oi naman. Tara."

So kumain na nga kami,pagkatapos ay umuwi na dahil masyado na kaming matagal sa mall. 2 hours ata kaming naglibot. At madilim na rin. Kailangan nang magpahinga dahil may pasok na naman bukas.

"Sige guys, magpapahinga na ako. Ingat kayo."

Naawa ako kay Anton dahil siya ang nagbitbit ng mga pinamili ni Becca. Napangiti na lang ako habang tinitingnan sila papalayo. Sana maging sila kasi bagay naman sila eh.

"Akyat na nga ako at maaga pa ako bukas. Sana hindi ko siya makita muna para makalimutan ko yung nangyari. Hindi pa naman ako susuko sa kanya. Magpapalamig lang ng ulo."

Sabi ko habang papunta ng condo ko.

-------*

"Shot! Sabi ko maaga akong magigising eh. Hay! Bakit naman kasi hindi ko naset yung alarm yan tuloy,tsk!"

7:00 am na ako nagising kaya ngayon ay nagmamadali na ako sa pag aayos dahil late na ako. Tumatakbo na ako para lang maabot ang 1st subject. Ang aga naman kasi ng 1st subject namin. Akalain mo 7:00 am tapos matatapos kami ng 6:00 pm. Tapos marami pang assignments na kailangang sagutan. Tapos minsan sasabayan pa ng quizzes. Buhay studyante.

Habang tumatakbo ay may bumusinang kotse.

"Pst! Yka!"

"Oh Anton. Sorry hindi muna ako makikipagkwentuham sayo. Late na ako eh huh, sige mauna na ako."

"Sakay ka na."

"Naku wag na. Malapit na rin naman."

"Sige na. Mas lalo kang malilate niyan. Malayo pa ang building natin, sakay na."

Ayoko sana kasi baka makita kami ni Chris kaso late na talaga ako. Hindi ko na pinansin ang iniisip ko. Sumakay na lang ako sa kotse ni Anton.

"Nakarating din. Salamat Anton ah. Sige mauna na ako."

"Sige. Ingat."

Tumatakbo pa rin ako pero tumigil ako dahil narinig ko na ang Professor namin na nagsasalita na. Hindi na ako pumasok. Kasi ibig sabihin noon ay hindi na ako pwedeng pumasok. Yun ang rule niya : kapag late ka,wag ka nang mag aksayang pumasok dahil kung nasa kalagitnaan na ang discussion ay wala ka rin namang matututunan. Dapat simula sa simula ang dapat maririnig mo :

"Hays! Ang malas naman,tsk!"

Pumunta muna ako ng canteen para mag almusal at para na rin mag aral para sa susunod na subject. Habang nagbabasa ay may lumapit sa aking babae at may inaabot na notebook.

"Ha-Hi, I'm Jessica, classmate mo ako. E-eto oh."

"Hello,Jessica, I'm Yka Jane. Ahm, ano to?"

"Notes yan ngayong subject. Nakita kasi kita sa may pinto kanina. Nagdidiscuss na si Madam kaya hindi ka na pumasok. Pwede mong icopy yan para may notes ka rin."

"Wow! Thank you Jessica, thank you thank you talaga. Pero hindi pa naman time ah, bak-"

"Ahh, madaling natapos yung discussion kaya yun, hi-hinanap kita."

"Bakit nahihiya ka? Ako nga dapat ang mahiya kasi hinanap mo pa talaga ako para ipahiram itong notebook mo. Thank you talaga. Upo ka. Nagugutom ka ba? Ano ba gusto mong kainin, treat ko."

"Huwag na. Nag- nag almusal na ako."

Biglang tumunog yung tiyan niya. Napangiti ako.

"Nag almusal na ba yan?haha. Okay lang. Thank you ko na sayo kasi pinahiram mo ito sa akin. Sige, ako na lang ang pipili. Wait mo ako dito."

Bumili ako ng sandwich at drinks na rin.

"Oh eto na. Huwag ka nang mahiya. Sige na. "

Nahihiya man siya ay kinain niya pa rin. Habang kumakain ay nakayuko siya dahil pansin ko na pinagtitinginan siya ng mga tao. I know hindi siya mayaman kasi kita naman sa pananamit niya at gamit niya. Pero ang bait niya. Napansit ko na rin siya dati pa. Nasa likod lang,actually kapantay ko siya ng upuan kasi nasa likod din ako. Tahimik lang na nakikinig. Minsan nakikita ko na pinaglalaruan ng mga katabi niya. Mabuti na lang at pinagtatanggol siya ng class president namin. Medyo magulo din ang buhok niya. Hindi ko namalayan na nakatingin pala ako sa kanya.

"Ba-bakit? May dumi ba sa mukha ko?"

"Haha, wala naman. Natutuwa lang ako sayo. Can you be my friend?"

"ha-huh? Fi-friend? Ako magigung kaibigan mo? Ayos ka lang ba?"

"Bakit? Nothing's wrong with that."

"Sa katulad ko gusto mong makipagkaibigan?"

"Why not? Mabait ka naman sa akin eh. Ayaw mo ba?"

"Gusto. Sa totoo nga lang gustong gusto talaga kitang maging kaibigan kasi unang araw pa lang nakita ko na mukha kang mabait. Palaging nakangiti kahit kanino, kahit hindi mo kilala."

"Oh? Bakit hindi mo ako nilapitan?"

"Eh kasi sabi ng iba nating classmates,hindi daw ako bagay makipagkaibigan sa mga mayayamang tao."

"You know what, don't mind them. It's your choice naman kung gusto mo makipagkaibigan kahit kanino. As long as mabait ka,walang problema doon. And I sense na magiging mabuting magkaibigan tayo, so friends?"

Iniabot ko ang kamay ko para makipagshake hands.

"Friends. Thank you ah."

"No problem. Sa akin ka na tumabi sa next subject natin para hindi ka na mabully sa classroom. Oh magsisimula na pala ang second subject natin eh , tara?"

Nächstes Kapitel