webnovel

Chapter 30❤️?

******

Sa dami ng inisip ko nung mga nakaraan ay nalimutan ko na ang mga nakita ko sa parking area ng makita ko si jesthle at ate buena. Hindi ko na din magawang tanungin si kuya kung nagkita din sila nung araw na yun dahil baka mabigo lang ako at magisip pa ng kung ano-ano.

Nung mga nakaraan din ay panay ang papansin ni jesthle samin ni harry sa tuwing magkasama kami nito, minsan nauuna din ito na sunduin ako na parang nanadya talaga ito. Hindi ko nalang sinasabayan ang kasaltikan ng isang iyon dahil ayaw ko na magaway pa kami at kung san na naman mapunta ang usapan.

"bes.. Ano? May napili ka na ba?" tanong ni she habang abala kami na naghahanap ng ireregalo kay harry. "wala pa nga eh! Hindi ko nga maisip.. Nanakit na ang utak ko!" reklamo ko dito kasi kanina pa kaming umiikot sa mall pero wala akong maisip.

"tss.. Wag mo na kasi pagkaabalahan ang buraot na yun!" pag susungit naman ni deo. Sumama lamang ito para mangasar ata eh?. "hay naku! Humanap ka nalang din ng maibibigay" inirapan naman ito ni she.

"tss.. Alam nyo ang mga lalake simple lang ang kaligayahan.. Bigyan ko lang ng GIN yun okay na yun!" tatawa tawa na turan nito saming dalawa. "eww! Ang cheap mo ah!" pangaasar ni she dito. "wag mo sabihin na nagiinom ka na din?" tanong ko dito.

"hmmm.. Nagiinom lang naman ako occasionally Atsaka anong cheap don? Tingnan mo.. Matutuwa yun pag yun binigay ko sa sabado!" pagmamalaki nito samin.

Sa wakas! Natapos din ang pamimili namin kaya nagmadali na kami umuwi dahil ginabi na kami kakapili. Pagdating ko sa bahay ay agad naman akong nabigla  dahil kumpleto ang mga kaibigan ni kuya na nabungaran ko sa bahay.

"gabi na! Bakit ngayon ka lang?!" pag susungit ni kuya sakin habang papalapit sakin. "tsk! May binili lang ako.. Atsaka nagpaalam ako kay nanay noh!" taas noong sabi ko dito na bahagyang binati ang mga friends ni kuya.

"anong binili mo?"nakakalokong tanong nito sakin sabay hablot sa kamay ko ng paper bag buti nalang ay madali kong naiiwas ito at nailipat ko sa isang kamay ko. "ano ba kuya!" asar ko dito.

"pare.. Baka naman bumili ng panregalo sa bebe loves nya!" natatawang sabi ni kuya jasper na sabay tawa ng iba. "oo nga naman.. Uyyy!!!!" tudyo pa ni kuya james.

Nakita ko naman na namumula si harry sa tabi ni jesthle kaya nakita ko din ang itsura ng isa na sumama na naman ang aura. Kaya nagmadali ako tumakbo sa hagdan para iwasan si kuya at ang mga ito.

"kumain ka na pag katapos mo magbihis! Patingin ako nyan mamaya!" pasigaw pa na sabi sakin ni kuya. Naririnig ko parin ang tudyuan ng mga ito kay harry.. Tsk! Asar talaga ang mga ito!

Nilock ko agad ang pinto at baka masundan kaagad ako ni kuya at guluhin na naman. Pagkabihis na pagkabihis ko ay agad ko na inasikaso ang ireregalo ko kay harry dahil kailangan ko pa itong burdahan.

Nilabas ko ang dalawang pares ng medyas, isang itim at isang puti ang kulay. Kaya binurdahan ko na agad ng pangalan nya ito. Para magmukhang personalized gift kaya naisipan ko na burdahan ito. Since mahilig sya sa basketball kaya pang basketball na medyas ang naisip ko.

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising dahil sa pagpupuyat ko sa pagburda. Kinuha ko ang mga medyas at pinasadahan ng tingin ang binurda ko. Nang makita ko na okay na ay kinuha ko ang box na paglalagyan ko nito at niribbon para mas mukhang panregalo talaga.

"sana magustuhan nya ito" bulong ko nalang at bumaba na para makapagalmusal na  ako at maisukat ang damit na binili ng nanay.

"nay naibili nyo po ba ako ng damit?" tanong ko dito ng pumasok sa kusina. "ay oo anak, saglit lang at kukunin ko para masukat mo. Tapusin mo muna ang pagkain mo para maisukat natin" sabi pa nito habang excited na lumabas para kunin ang damit at maisukat  ko. Hays.. Salamat at suportado ako ni nanay sa mga ganitong bagay.

Nakain ako ng makita ko si kuyang inaantok pa na pumasok sa kusina.. Gulo-gulo pa ang mga buhok nito habang hihikab hikab. Siguro puyat din si kuya,hindi ko na din kasi namalayan ang pagpasok nito sa kwarto eh.

"kuya kagigising mo lang din?" tanong ko dito.

"tsk! Kailan ka ba tatalino winnie? Nakita mo na kagigising ko lang tatanungin mo pa!" asar nito sakin  sabay mumog ng tubig. "sungit! Agang aga!" pabulong na sabi ko dito.

"ikaw? Kailan ka gigising ng maaga ah? Anong pinagpuyatan mo na naman?!" ngayon ay nasa harap ko na ito at kumuha na din ng pagkain. "basta! Kumain ka na nga lang kuya!" iritang sabi ko dito, magsasalita pa sana ito ng biglang naagaw pansin namin si nanay.

"anak! Ito oh.. Tingnan mo!" masayang pinakita ni nanay ang damit na isusuot ko mamaya. Isa itong sunday dress kung titingnan ay nagustuhan ko naman kasi favorite color ko.. Baby blue.

"wow! Thank you nay!" nagmadali ako tumakbo kay nanay para yakapin ito. "tss.. Prepare na prepare kayo ah!" pagsusuplado ni kuya samin ni nanay. "alalahanin mo joke lang ang relasyon nyo!" paalala ni kuya habang nakain.

"ito naman si kuya ay napakasungit na naman! Anak! Lovelife mo nalang atupagin mo!" sabay batok nito kay kuya na kinatawa namin ni nanay biglang humarap ito samin ng makita namin reaksyon nito ay lalo kaming natawa kasi nakabusangot na ang pagmumukha nito.

"tsk! Wag nyo na nga ako pansinin! Okay ang lovelife ko noh!" pag mamalaki nito samin. Tsk! Eh ano yung nakita ko na magkasama yung dalawa? Si jesthle at ate buena? Baka naman nagsisinungaling lang samin si kuya para hindi sya namin mabully?

Pinagmasdan ko si kuya na mukhang okay lang naman. Baka nagiisip lang ako ng sobra sobra? Bahala na nga ang importante ay maisukat ko na ito.

"nay sukat ko na po ito?" tukoy ko sa hawak nyang damit. "ay maigi pa nga.. Tara! Samahan na kita." kaya magkasabay kaming umakyat ni nanay para makapagsukat.

"wow! Dalagang dalaga ka na talaga anak!" puri sakin ni nanay paglabas ko ng CR. "talaga nay?baka naman binobola nyo lang ako?" nangaasar na tanong ko dito. "tsk! Ikaw talagang bata ka! Bakit naman bobolahin kita? Hindi porke anak kita eh pagsisinungalingan na kita! Bagay na bagay talaga sayo!" pagdedepensa nito sa sarili nya. Kaya napaka swerte ko at ito ang magulang ko eh..

Saktong alas sais ang usapan namin na susunduin ako ni bes dito sa bahay kaya four thirty palang ay nag gayak na ako para kung may malimutan ako ay maisip ko pa bago umalis ng bahay.

Nakaligo at nakapagbihis na ako ng titigan ko ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako sa damit na bigay ng nanay sakin. Nagsusuklay ako ng may mareceive ako na message.

Sungit: Wag magpaganda masyado!

Tss.. Bwisit talaga ito! Kakainis! Ano na naman ang trip ng jesthle na ito? Pati number ko ay nalaman na nito kaya nung nakaraan pa nya ako inaasar sa text. Kanino nya kaya nakuha number ko?

Bes: magready kana before 6 ah? Kinakabahan ako bes! Haha.. Feeling ko ako yung ipapakilala sa magulang nya  eh!

Sana ikaw nalang ang nasa kalagayan ko para masaya ka ngayon bes.

Deo: win, ano ang kulay ng suot mo? Gusto ko same tayo.. Para matchy matchy! Hehe..

Baliw talaga ang isang ito! Matchy matchy? Ulol! Haha..  Himala at itoy inimbitahan ni harry. Samantalang si joy at rica ay hindi pwede dahil may pupuntahan daw na concert. Tsk! Nasiraan na kakaKpop ng dalawang yun!

Pag katapos ko iclip ang buhok kong mahaba ay naghanap naman ako ng ipang papartner na pang paa sa damit ko. Naisip ko na flat sandals nalang ang ipartner para mas simple tingnan. Mas simple ay mas maganda tingnan sa paningin ko. Mas kumportable din ako na flat ang isuot ko kesa sa may heels dahil clumsy ako minsan at naisip ko na.. Baka ikapahamak ko pa pag nagheels ako.

Naisuot ko na ng ayos ang sandals ng bumukas ang pinto ko. "win.. Tingnan mo nga kung anong babagay sakin na damit" mukhang aburido na sabi ni kuya habang hawak hawak ang dalawang damit at tinapat tapat ito sa katawan nya. Tss.. Akala mo may date kung mamroblema si kuya eh!

"kuya san ka ba kumportable pag sinuot?" tanong ko dito.. Minsan kasi hindi sa style yung isusuot eh.. Minsan kung san ka kumportable. "parehas naman ako kumportable isuot" sagot nya sakin. "Ahm.. Siguro kuya yung gray ang babagay sayo" sabay hawak ko don sa damit.

Agad naman nito na isinuot ang damit habang inaayos ay pinagmamasdan ko ito. Sa totoo lang kahit ano namang damit bagay kay kuya.. Kaso puti kasi yung isang damit na napili nya, dumihin kasi pag puti tapos may kainan pa mamaya kaya mas maganda kung yung gray talaga.

"ano? Bagay ba?" tanong ni kuya sakin habang nakatingin sa kabuuan nya sa  salamin ko. Nilapitan ko ito at tinupi ang sleeve hanggang sa siko nito para mas maganda tingnan ito sa kanya. "yan! Mukha ka ng fresh tingnan!" sabay apir naming dalawa ni kuya na nakangiti na ito ngayon. "ayos! Galing mo talaga kapatid!" puri nito sakin habang ginugulo ang buhok ko… late ko na naisip na nagulo na nito ang pagkakayos ko ng buhok.

"kuya! Ang buhok ko! Nanadya ka talaga noh!" at tinampal ko ang kamay nito habang tatawa tawa ito sakin. Napatingin naman ito sa kabuuan ko at tumawa pa lalo "ang pangit mo kapatid!" sabi nito sakin pagkatapos ako pagmasdan. "kuya naman eh! Ano nga?! Pangit nga?" pagaalala kong tanong dito.. Kasi syempre lalake ito nagsasabi ito ng ng totoo.

"haha.. Joke lang! Apektadong apektado kang pangit sa paningin ni harry eh!" nang aasar na sabi ni kuya sakin. "kanino ka sasabay mamaya?" tanong nito sakin habang kinukuha yung isang damit sa kama. "kay she ako sasabay mamaya" pasimpleng sabi ko dito na tumango lang ito bago umalis ng kwarto ko.

Naunang umalis si kuya kasabay si kuya jasper at samantalang ako naman ay lulan ng sasakyan ni she ngayon. Nagpicturean kaming tatlo nina deo dahil bihis na bihis kami ngayon para mailagay sa facebook sabi ng kumag. Late ko na nga nalaman na maraming followers ito sa facebook akala ko nagyayabang lang ito pero ng tingnan namin ang facebook nito ay nahiya naman kami dito… palibhasa ay gwapo kaya maraming nabubulag.

"Maam.. Nandito na po tayo."sabi naman ng driver ni she. "Tatay alfred nakakainis ka naman po eh! She na nga lang sabi" nagmamaktol pa ito sa harap ni mang alfred.

"oo na sige na sige na hija… kaganda mo pa naman eh nakamangot ka! Susunduin ko nalang kayo mamaya basta tumawag ikaw sakin ah?" sabi nito na tumango nalang si she para pag sang ayon.

"oh.. Ready na ba kayo? Nandito na tayo!" sabi ni she samin. Pagbaba namin ay halos lumuwa ang mga mata namin sa nakikita naming bahay na nasa harapan namin ngayon.

"aba! Mayaman pala ang mayabang na'yon!" kahit si deo ay namangha din. P*tek bigla akong kinabahan kaya ang feeling ko ngayon ay nanakit ang sikmura na parang majejebs ang pakiramdam ko. Para tuloy kaming nanliliit sa ganda ng bahay nina harry. Diyos ko! Gabayan nyo po ako.. Wag nyo po akong ipahiya ngayong gabi.

Di ko namalayan ay napa sign of the cross nalang ako na nakita ng dalawa ang ginawa ko kaya panay tawa ng mga ito sakin bago pumasok ng bahay este mansion pala.. Jusko!

A/N: please comment and vote my story... Thank you!