webnovel

38

Culprit

Riri

Nagising ako sa isang malambot na kama.Hanggang ngayon di ako makapaniwala dahil ngayon ay nakatapak at nakahiga ako sa gantong Mansion oo kami pala ang mangyare ng napalaking mansyon na ito

Dati rati ay nasa kama ako na may banig lamamg ngayon ay naka kama na malabot pa.Nakatingin lamang ako sa kisame at sinasariwa ang mga nagyayare nuon

Pinatong ko ang braso ko sa noo ko ilang minutong pag-iisip ay may kumatok at mukhang katulong ito ng mansion ni Lolo

"Maam Kyryll!Kakain na po!"saad ng kasambahay dito nako!di pa ako nakakabihis

"Maliligo lang po ako saglit ate!"narinig ko ang pagsabi nito ng "sige" tumayo na ako at pumunta ng banyo para maligo ultimo ang banyo ay napakaganda pagpasok mo pa lang ay isang metrong lababo ang nandito at kasing haba rin nito ang salamin pagtingin mo naman sa kanan ay isang salamin ang nandun na malabo mukhang nandun sa loob ang toilet nito at tabi naman nuon ay isang kurtina ang napapalibutan

Sinilip ko iyon at mayroon doong shower at bathtub.Nakakatuwa ngayon lang ako makaka-experience nang ganito.Dahil mukhang naghihintay na sila ay sa susunod ko na paglalaruan ang bathtub at mag-shower na lamang

Nagtapis ako ng aking katawan at pumunta sa may salamin may isang lalagyan ng toothpaste at dalawang toothbrush kaya naman nag-tooth brush na ako

Pagkalabas ko ay agad akong pumunta sa cabinet at nandun pa rin ang mga damit ko ngumiti ako at sinuot ang mga nakasanayang suotin

Umupo ako sa dresser na katabi lamang ng malaking cabinet sa gilid.Sinuklay ko ang buhok ko at tiningnan ang mga draawer.Unang kong tiningnan ang unang dalawang drawer na ang laman ay ipit sa una at sa pangalawa naman ay iyong hair curl,straightener,at dryer at kung ano pang kemerot

Sa kabilang side naman na tatlo ay mga pabango,make-up at mga iba pang girls staff.Ngumiti ako at lumabas matagal na rin akong nandito nakakatuwa at pink ang kulay nitong kwarto mumhang ni-reserved pa

Pagkababa ko ay kumakain na sila at ako na lang ang hinihintay.Humalik ako kay Lolo at nag-good morning sa mga kapatid ko

"Mahimbing ba ang tulog?"tumango ako at kumain na pinagmasdan ko si chichay at marami itong hotdog sa kanyang plato batang ito!

"Tumungo na ang abogado sa prisinto at nakuhaan na rin ng ibang ebidensya na magpapatunay na walang kasalanan ang pamilya niyo.Mamaya na ang hearing kaya maghanda kayo."seryosong saad nito saamin at tumango naman kaming lahat ng magsalita si Lola

"Maraming Salamat Don Miguel!"pasasalamat ni Lola rito umiling naman ito sa kanila

"Tulong ko na lamang ito sa ingo sa pag-alala kay Kyryll hanggang ngayon."sambit nito at ngumiti naman ako

"Miguel hanggang ngayon mapagkumababa ka pa rin."ani ni lolo dito natawa naman si Don Miguel dito

"Ikaw naman Marlito ganun pa din nung nagkakilala tayo."parehas na natawa ang dalawa at kumain na lamang kaming magkakapatid

8 hours ago

Nagsuot na kami ng pormal na suot para sa hearing nila mama at papa kasama si ate liza.Nang makababa na ako ay sabay-sabay na kaming umalis kasama si Don Miguel sumama na rin ang Lola Amelia at Lolo Marlito

Nakabantay ang mga bodyguard ni Don Miguel saamin bawat isa ay may dalawa sa gilid.Nang makasakay kami ay nasa isang van si lolo samantalang nandito kami sa isa pa

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Suspreme Court ng San Lucia.Mabibigat ang paghinga ko pero dapat magtiwala ako sa kakayanan ng mga taong sumusuporta saamin

"Kaya natin ito!"bulong ni Kuya lucs at tumango naman ako

Vaigan

Nang malaman ko ang nangyare sa San Lucia ay di ko alam kung magagawa ko ngayon.May nangyareng krimen sa San Lucia at nasasangkot ang pamilya namin duon

"Pero Dad BAKIT!?"tanong ko rito hindi talaga ako makapaniwala sa mga nagawa ng tatay ko

"Kailangan iyon Vaigan!Di na rin ako makapgpigil kay Don Fernando ma yun masyadong mayabang!"galit na ani ng ama ko

"Pero bakit kailangan may madamay pang iba!?"sigaw ko dahil sa galit matamnan akong nitong tiningnan at tumayo ito

"Nalaman kong may alitan sa pagitan ng pamilya Barcelona at Ni Fernando its the great chance para magkaroon ng masamang plano between them!"tumawa ito ng nakakaloko at ngumiti ng masama saakin

Umalis na lamang ako sa kwarto ng demonyong yun.Bata pa lang madami ng masamang plano ang dad ko pero wala akong magawa dahil wala pa akong mapatunayan

Kinuha ko ang alak at dinala iyon sa kwarto ko.Alam niyo yung mas nakakaloko pamilya pa ni Kyryll yung nasasakdal ngayon!

Wala akong magawa!!!

BULLSHITT!

Pag sumabog ang katotohanan na kami ang may kasalanan malamang ay babagsak kami!!

Riri

Nagsisimula na ang hearing at nagsasalita ang kabilang panig ngayon.

"Paano niyo mapapaliwanag ang ebidensyang ito?May bakas pa ng dugo na mukhang kay Liza pa nanggaling?"tanong nito tumingin saamin ng nakakaloko

"Your honor nanggaling daw ang batong iyan sa maisan ng pamilya Barcelona at nadapa raw ang dalaga kay nagkaroon ng sugat sa kangang binti."sagot ni attorney Suarez

"Patunayan."sagot ng judge at tumango naman saamin ang Attonery at tumayo na kaming dalawa.Naunang magpaliwanag si Kuya

Nangako muna si Kuya Lucs bago pumasok at nagsalita."Totoo ang sinasabi ng Attorney namin.Nadapa si Liza kaya nagkaroon ito ng sugat ng mga oras na iyon ay nasa maisan din ako kasama nito."sagot nito at tumayo na at ako na ang sumunod

Tulad mg nauna ay nangako muna ako.Pagkapasok ko ay nagsalita na ako kaagad

"Nang mga oras na iyon ay nakarinig ako ng isang sigaw na nagmumula sa direksyon ni Ate liza kaya naman dali-dali akong pumunta ruon para tulungan ito at dumating naman si Kuya Lucs para tulungan kami para alalayan ito pabalik sa bahay."pahayag ko

Nagsimula na namang magdebate ang dalawang panig pero tiyak akong nakakalamang kami magandang balita iyon saamin

"Paano mo nasabi na itinarak nga ni Mr.Barcelona ang kutsilyo na iyan sa katawan ni Mr.Fernando?"tanong nito at pinapasok ang testigo nila

"Nang araw na iyon ay nagkaroon ng alitan ang dalawa at mukhang nagtatalo patungkol sa basurang tinambak ng Don Fernando dito.Hanggang sa kinagabihan ay may nakita akong lalakeng nagtarak ng kutsilyo sa katawan ng don habang naka-upo ito."sabi ng testigo

"Maari mo bang sabihin kung nakita mo ba ang itsura ng lalakeng iyon?At maari mo rin bang sabihin kung alin damit ang suot nito?"tanong ni attorney suarez dito mumhang nanginging ang babae na kasamabahay ng pamilya fernandez

"Di ko po nakita ang itsura pero p-po ang d-damit ay b-black po lahat."nauutal na saad nito ngumiti naman ang attorney namin

"Your honor,kasinungalingan lamang ang lahat ng ito."ani ni Att.Suarez at nanlaki naman ang mata ng kabilang panig sa sinabi nito

"Paano mo nasabi iyan Att.Suarez?"tanong ng att ng kabilang panig.Nilabas nito ang tatlong bagay na naka-plastic pa

"Your honor,ito pa ang aking mga ebidensya.Unahin sa unang ebidensya naglalaman ito ng damit na isinuot ng nasasakdal nang maganap ang krimen.Kahit isa ay walang bakas ng dugi at sinabi ng testigo mo na Black ang suot paano mo mapapaliwanag ang sinasabi ng iyong testigo sasagot na sana ang attorney ngunit nagsalita kaagad ang si Attorney Suarez

"Pangalawang ebidensya ito ang batong sinasabi ninyo.Peke iyang batong iyan dahil sa istura pa lang Attorney.Lim ay mukhang dugo lamang ito ng baboy at walang maamoy na masangsang na amoy tama ba?"nakita kong inamoy ito ng judge oati na rin ng attorney at nakita ko ang pagkunot ng noo ng noo ng judge another points na naman at mukhang nagagalit na ang kabilang panig

"Pangatlo ay aang larawan na ito!Magapapatunay na walang kinalaman si Aling Lourdes at ang pamilya nito.Dahil ang unang larawan ay ang makikitang larawan kung saan namimili si Aling Lourdes sa palengke kinuha ito ng kanyang kaibigan dahil magandang memory raw ito.Pangalawa naman ang larawan kung anong oras umalis si Lito pasado 1:50 ng hapon.Ngayon ipaliwanag mo paano inutusan ni Aling Loudes ang asawa nito na si Lito?"nagulat si Attorney Lim at walang masagot ngumiti si Attorney Suarez dito

"Your honor maari bang suriin kung edited ba itong mga larawang pinakita ni Attorney Suarez!?"pinapasok ang isang taong mukhang may alam sa mga edited na pic

"Your honor,Hindi po edited.ang mga larawang pinakita."tumango ang judge at mukhng umaayon na saamin ang kapalaran

"Your honor!,wala pong dahilan para makulong ang nasasakdal una palang ay wala ng matibay na ebidensya rito.At walang naipakitang audio clip ang kabilang panig para masabi na inutusan ni Aling Lourdes ang kanyang asawa."tumango-tango ang judge at ilang minuto lamang ay nagbigay na ng hatol ito

"January 14,2016 si Lourdes Barcelona,Marlito Barcelona at Liza Barcelona ay napatunayang walang kasalanan sa mga akusasyon ng Pamilya Fernando.Pinapawalang sala ng korteng ito ang mga ididiin sa pamilya."

Nauwi na kami matapos nang nangyare sa hearing at masaya kami dahil hindi nakulog ang mga magulang mamin.Nung nandun pa kami sa hearing ay kita ko ang galit sa mga mata ng pamilya Barcelona saamin eh

Naghanda ng isang handaan si Lolo para sa tagumpay na nangyare

"Maraming salamat!Don Miguel!"ani ni Mama kay Don Mihuel tumango na lamang ito saamin

"Sayo rin Riri."tumango naman ako at ngumiti sa kanila at kumain masayang-masaya kami na nandito na sila mama at papa at ate liza walang makakapantay sa saya kapag buo ang pamilya mo

Habang kumakain kami ay nagsalita si Don Miguel na siyang kinatigil namin.Di ko alam pero sa sinabing iyon ni Don Miguel ay nalulungkot ako

"Gusto kong isama si Kyryll sa States at duon na mag-aral."

Nächstes Kapitel