webnovel

36

Revelations

Riri

Ikalawang araw na ito kaya naman pupwede na kaming pumunta sa prisinto nito.Maaga akong nagising para lang dito nakita ko sa sala ay nandun na si Ate Maria at Kuya Lucs

"Halina't bilisan na natin."ani ni ate maria nang makita ako di pa gising sila Kuya eman at chichay pero minabuti na naming gisingin si Kuya eman para may magbantay sa bahay at maalalahanan namin ito

Nang mag-laon ay nakarating na rin kami sa prisinto medyo may kaagahan kami pero ilang minuto lang ay pinapasok na kami habang papasok kami duon ay kinakabahan ako

"Pamilya Barcelona may bisita kayo!"sigaw ng isang pulis at pinalabas na sila sa selda tumayo kami ng makita namin silang tatlo sabik na sabik kami ng makita namin silang tatlo na maayos ang kalagayan

"Ma okay ka lang?"tanong ko rito at tumango naman ito umupo na kami duon at ngumiti naman si papa

"Pa."bulong ko nang mahina pero sapat na para marinig ni papa kahit kailan hindi dumapo ang mga kamay niya saakin para sa isang pagpalo kaya alam ko na hindi siya makakagawa ng ganitong bagay hayon din si mama

"Mga anak kamusta?"tanong ni mama umiiyak na kami sa mga pagkakataong ito hinawakan ni mama ang kamay ni ate maria na pumupula.na ang mata at mukhang pinipigilan na umiyak

"Kahit ngayon lang Maria hayaan mo ang sarili mo na maging malaya sa pagiging matatag."sa mga sinabing iyon ni mama ay umiyak si Maria at hinawakan ang mga kamay ni mama at nilagay sa pisnge nito

"Mama!"

"Mga anak alam niyong wala kaming kasalanan hindi ba?"tumango kaming tatlo sa sinaad ni Papa

"A-ano po ba talagang nangyare pa ma?"tanong ko at bumuntong hininga ito

"May nagdiin saamin na kami raw ang pumatay kay Don Fernando na mahigpit nating kalaban sa mga supply.Pero hindi kami pumatay ginamit nila si Liza para gawing Alibi dahil sa binti nito na may sugat ngayon.Gumawa sila ng isang kwento na kaya nagkaroon ng sugat si Liza ay dahil sa pagtakbo nito sa krimeng nagawa at tinuturing kami ng mama mo na kami ang nag-utos."

Halos pagbagsakan ako ng langit sa mga narinig ko pero alam ko kailangan kong maging matatag sa ngayon para sa amin

"Pero pa paano nila nasabi na may kinalaman kayo ruon?"tanong ni Ate Maria

"May tumestigo rin dun nung araw na kayo ang pinag-ani namin pumunta ako kay Don Fernando para makiusap na sana ay hindi nito itambak ang mga basura nito sa ating gilid bahay yun lang umalis na ako matapos di sumang-ayon ang don."

"Gumawa rin sila ng ilang testimonya na nagsigawan kami ng Don ngunit hindi at gumawa rin sila ng ebidensya na mas magdidiin saamin yun ay ang kutsilyong nakatarak sa puso ng Don ng gabing iyon.May bato rin silang nakita na may dugo at mukhang dugo iyon ni Liza nang araw na madapa ito."

Di ako makapaniwala sa mga narinig ko.Umiiyak na lamang ako sa ngayon di ko alam ang gagawin ko ayaw kong makulong ang nanay ko at tatay ko pati na rin si Ate Liza

"Hindi nila mapapatunayan yun."saad ko dahil dun ay napatingin sila saakin

"Nung araw ba na yun pa humawak ka sa table ng don o kahit sa saang bagay na pag-aari ng don?"tanong ko at umilint ito sa tanong ko

"Kung ganon paano nila nasabi iyong kutsilyo ay pag-aari mo kung walang bakas ng fingerprints mo pa?"saad ko hinawakan ko ang kamay ni papa at ngumiti sa kanya

"Magtiwala na lamang tayo pa may abogado rin namang magbibigay sainyo diba?"tanong ko at tumamgo naman sila nagtinginan sila papa at mama nakunot naman ang noo duon

"May sasabihin sana kami ng papa mo riri."ani ni mama

"Sige po ano po yun?"tanong ko hinawakan ni mama at papa ang kamay ko at tumingin sa dalawang katabi ko at sumenyas na lumabas na muna habang si Ate liza naman ay bumalik na sa selda

Di ko alam kung bakit kinakabahan ako pero dapat maging matatag ako...

"Ano po yun mama at papa kinakabahan ako eh."garalgal kong sabi bumuntong hininga silang dalawa ang nagsalita na si mama

"Anak!Wag ka sanang magagalit ah?Kasi ampon ka lang namin."tumigil ang mundo ko sa sinabi ni mama saakin di mag-sink in sa utak ko yung sinabi ni mama kaya tumawa ako

"Ma anong ampon ako?Nakalagay sa Birth Certificate ko na kayo ang magulang ko!?Kaya paanong naging ampon ako?"naguguluhan kong tanong

"Nung araw na isinilang ka binigay ka saamin ng lolo mo para alagaan ka.Ang tatay mo kasi ay pinatay ng mga taong may galit sa pamilya mo kaya naman iyon binigay ka saamin.Laking tuwa nga namin dahil may pangatlong babae na kami sa buhay."

"Hanggang sa nung umalis ka ay dumalaw ang lolo mo saamin nagbabala tungkol sayo mabuti't nasa maynila ka dahil dun di manganganib ang buhay mo."

"M-ma bakit di na lang po si Lolo ang nagpalaki saakin?"umiiyak kong saad

"Dahil kapag ang lolo mo ang nag-alaga sayo ay papatayin ka rin.Maraming may inggit sa pamilya mo may away kasi sa pagitan ng Pamilya Vazquez at Pamilya Legazpi.Usap-usapan na natalo daw ng ama mo sa isang pustahan ang pamilya vazquez."

Vazquez?

"Simula noon malaki na ang galit nito at hanggang sa namatay ang tatay ni Mr.Reynold Vazquez at ang sinisisi ang pamilya niyo.Nadiin duon ang ama mong si Ariel Legazpi kinulong siya at pinahirapan nuon walang magawa ang lolo mo dahil kapag lumaban siya ay ang ina mo naman ang susunod kaya minabuti ng lolo na kapag nakapanganak si Ayesha ay saka lamang sila aatake para mapangalagaan ka.Walang may-alam ng tungkol dito anak."

"Buhay pa po ang mama ko?"tanong ko rito napakasakit ng nagawa ng pamilyang Vazquez sa pamilya ko di ko sila mapapatawad!

"Pumanaw siya dahil sa sakit n pnuemonia."malungkot na ani ni Mama saakin mas lalo akong humagulgul sa iyak sa narinig ko tanging lolo ko na lang ang meron ako

"Nasaan po ang Lolo ko?"may binigay na maliit na papel si mama at naglalaman iyon ng isang numero mukhang kay lolo ito

"Tawagan mo siya ngayon na Riri pagkatapos mong bumisita rito!Maliwanag ba?"tanong ni mama tumango at tinago na ang papel sa bulsa ko

"Barcelona Pasok na masyado na kayong matahak dyan!"sigaw ng isang pulis kaya sa huling pagkakataon ay nahawakan ko ang mga kamay nilang dalawa hanggang sa maipasok na sila sa kanilang selda

Pagka-uwi ko ay sinalubong ako ng ngiti ni Chichay kahit na nalulungkot ako mabuti na lamang ay may batang makakapagpangiti sayo

Pumasok ako sa kwarto at nilock iyon kinuha ko ang cellphone ko at mabuti na lamang at may cignal at kong tinapa ang numero na binigay ni Mama saakin

"Hello?"isang buong boses ang sumalubong saakin kinakabahan ako kung anong sasabihin ko ngayong nasa kabilang linya ang nagiisa kong kamag-anak na legazpi

"Is this Mr.Legazpi?"magalang kong tanong

"Yes."sagot nito tumayo ako at humarap sa salamin ko pinunasan ko ang luha kong may bakas pa

"Please lolo help me!"

Nächstes Kapitel