webnovel

SIX

"Okay ka lang ba, Lyka?" tanong sa 'kin ni Mona habang kumakain ng ahas.

Marahan akong tumango sa kanya habang nakahawak sa puson ko. Feeling ko malapit na talaga ako magkaroon, sobrang sakit na, eh. Ilang days na rin sumasakit 'to.

Malamig na rin ang simoy ng hangin dahil gabi na. Tanaw mula rito sa pwesto ko ang nagkikislapang mga butuin sa tahimik na langit at ang bilog na buwan na nagsisilbing ilaw namin. Lahat kami ngayon ay nakaupo ng pabilog at may maliit na bonfire na gawa sa pinagkiskis na dalawang bato hanggang sa lumikha ng apoy, ang nasa gitna na siyang nagsisilbi namin na panangga sa lamig. 'Yong dalawang ahas din na pinatay ni Xynon kanina ang ginawa naming pagkain. Kahit nakakadiring ispin pero ang totoo ay masarap siya. Ngayon ko lang din nalaman kung gaano kahirap ang pamumuhay ng mga sinaunang tao sa gubat. Hindi biro. Buhay mo ang talaga ang nakasalalay.

"Uy, 'wag niyong itapon ang buto ng ahas, ah. 'Yan ang huli nina Xynon," rinig kong sabi ni Shiro para sa lahat.

Lahat kami ay may nahuling hayop. Sina Lovelle at Lorenz ay usa, 'yong nakita ko kaninang tanghali pero hindi ko natamaan samantalang nahuli naman ni Shiro ang ibon na may katamtamang laki at syempre sa aming dalawa ni Xynon ay ang dalawang ahas. Mabuti na lang at walang mapaparusahan sa 'min. Nakakatuwang isipin, worth it lahat ng hirap.

Marahan naman akong lumingon kay Xynon na nakasandal sa puno kung saan ko siya ginamot kanina. Hindi na rin siya namumutla pero hindi pa rin niya lubusang nababawi ang lakas niya. Eh, kung gamutin ko kaya siya ulit para makasigurado akong safe na talaga siya? Kahit naman na nainis ako sa kanya kanina kase hindi man lang siya nagpasalamat, hindi pa rin sapat na rason 'yon para hayaan ko na lang siya. He's my partner after all. May utang na loob pa rin ako sa kanya.

Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kanya kaya napatingin siya sa 'kin at nagtama ang mata naming dalawa. Kahit na madilim ay kitang-kita ko pa rin ang brown niyang mata at mahahaba nitong pilikmata. Ang sarap lang titigan.

"What?" tanong nito.

His attitude is completely different to his physique. Ang gwapo ng mukha pero kapag nagsalita, hindi pero sa napapansin ko ay nakakadagdag ng magiging manly niya ang pagiging masungit.

"Magsasalita ka ba o tititig ka lang?"

"Ah, eh." Napakamot na lang ako sa ulo dahil hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang sasabihin ko. Saka ang sungit, takte! Bahala na nga kung paano ko sasabihin. "Ahmm, maayos na ba pakiramdam mo? Gusto mo dikdikan pa kita ng halamang gamot para makasigurado tayo na okay ka na?"

"No, thanks. I'm fine." Pumikit siya matapos niyang sabihin 'yon.

Ano ba 'yan ang sungit. Parang ayaw akong kausap. Bahala nga siya r'yan.

"Matulog na tayo. Maaga pa tayo gigising bukas," lintanya niya sa aming lahat habang nakapikit pa rin.

Lumingon naman ako sa mga kasamahan ko na abalang nagliligpit ng mga kahoy na kinuha namin kaninang hapon at pumuwesto rin agad para matulog.

Wala naman akong magawa kundi bumalik na rin lang sa pwesto ko na hindi gaanong malayo sa pwesto ni Xynon. Lahat kami ngayon ay matutulog ng nakaupo, walang mga kumot at unan.

Sinimulan ko na ring ipikit ang mga mata ko kahit na hindi pa ako inaantok. Ang peaceful ng paligid. Tanging huni ng mga ibon at ihip lang ng hangin ang maririnig. Ang sarap sa pakiramdam pero dahil sa sobrang sakit ng puson ko ay hindi rin ako makatulog agad. Pabaling-baling lang ako sa magkabilang direksyon. Hindi ko alam kung saan ako haharap at hihiga.

Bumangon na rin ako makaraan ang ilang minutong paikot-ikot. No choice ako kundi kumuha ng malalaking dahon na makikita lang sa sahig at pinagsama-sama para makahiga ako. Kailangan kong humiga para kahit papano hindi ko maramdaman ang sakit. Kailangan ko na rin matulog agad. Malikot pa naman ang utak ko kapag gabi. Baka mamaya may magpakita sa 'king multo.

⃰ ⃰ ⃰ ⃰

"Ah, sino ba 'yang nang-aamoy?" mahinang bulong ko habang tinataboy kung sino man ang umaamoy sa 'kin. Kitang natutulog na, eh. Istorbo. Mabigat na ang talukap ng mga mata ko kung kaya't 'di ko na magawang dumilat. Mayamaya pa'y naramdaman ko namang may dumidila salegs ko, Sino ba 'to? Una, nang-aamoy ngayon naman dinidilaan ako. Aish.

Marahan kong minulat ang mga mata ko para tignan kung sino ang marahas na humahalay sa legs ko. Wala namang ibang tao. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o totoo talaga 'yon saka sino namang magtatangkang amuyin at dilaan ako, aber? Imposible namang si Xynon.

Babalik na sana ako sa pag-idlip nang may maaninag akong maliit na anino ng hayop. Kinusot ko pa ang dalawang mata ko para makumpirma kung totoo ba 'tong nakikita ko. "Holy sh*t." Napabulong na lang ako sa kawalan. Unti-unti ito akong umatras kahit na medyo sumasakit ang pwet ko sa magaspang na lupa at maliliit na bato nitong gubat. Wala siyang ibang ginawa kundi lumapit sa 'kin at amuyin ang legs ko. Ano bang meron sa legs ko?

"H-Huwag kang l-lalapit sa 'kin, hindi ako masarap. Hindi ka mabubusog kapag ako ang ginawa mong hapunan," sabi ko sa maliit na tigre na nakatitig sa 'kin ngayon. Nagsisimula na ring manubig ang mga mata ko dahil sa takot. Gusto ko sanang sumigaw para humingi ng tulong kaso naisip ko baka masindak ko siya at bigla na lang kagatin ang mga paa ko. Ano bang gagawin ko?

Tiningnan ko naman ang mga kasamahan ko na mahimbing na natutulog. Hindi ako makahingi sa kanila ng tulong! Argh! "Alis, umalis ka," pagtataboy ko rito gamit ang magkabilang paa ko. Naisip ko na hindi ko pala kailangang matakot sa kanya kase ako ang mas nakakaangat sa kanya. Pwede ko siyang patayin gamit ang bato o kahoy.

Unti-unti akong tumayo para kuhain ang malaking bato na nasa kanan nang hindi ko inaalis ang paningin ko sa kanya. Nakatingin pa rin ito sa 'kin habang gumagalaw ang ilong niya. Inaamoy pa rin ba niya 'ko? Palihim kong inamoy ang sarili ko. Medyo mabaho nga ako, takte! Wala namang pwedeng mapagliguan dito, eh! Grabe namang pang-amoy ang meron siya! "Shoo! Alis! Alis!" Ba't ba ayaw nitong umalis?! Nakatingin pa rin siya sa 'kin hanggang ngayon. "Ayaw mong umalis, ah! Sige, babatuhin na kita. Akala mo, ah!" Akmang ihahagis ko na sana ito sa kanya nang biglang may nagtakip ng bibig ko.

"Ssshh. Don't be too loud," bulong nito sa kaliwang tenga ko.

Ramdam na ramdam ko rin ang mainit niyang hininga na dumadampi sa leeg ko na siyang nagpapatindig ng balahibo ko. S-sino 'to?

Kinuha niya ang bato mula sa'kin at itinapon ito sa sahig. "Huwag kang maingay. Bibitawan na kita but don't go anywhere. Just stay here." Marahan siyang lumayo kaya kitang-kita ko ang maskulado niyang likod na katawan na naglalakad palayo sa 'kin kasabay ng pagbagsak ng mga tuyong dahon galing sa mga nadadaanan niyang mga puno dahil sa malakas na hangin.

Is that Xynon? Saan siya pupunta? Hinahanap ko siya kahit na medyo madilim na roon sa dinaanan niya dahil hindi na ito nasasakupan ng ilaw gamit ang apoy. Hindi ko na siya makita. Tuluyan na siyang nakalayo.

Nalipat naman ang atensyon ko sa tigre dahil sa maliit na ungol niya at dahan-dahang lumayo sa 'kin at pumunta sa direksyong dinaanan ni Xynon hanggang sa tuluyan na rin itong mawala sa paningin ko.

Hindi ko alam kung saan nagpunta ang lalaking 'yon. Baka mamaya bigla siyang kainin ng tigre hindi pa naman siya tuluyang magaling. Naghintay ako ng ilang minuto bago ko makita ulit ang anino niya. Nang tuluyan na siyang makalapit sa 'kin ay napansin ko na pinupulupot niya ang tela sa kaliwang palad niya.

"A-Anong ginawa mo?" Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Magsasalita pa sana ako nang mapansin kong may bahid na dugo ang telang nasa palad niya. "A-Ano 'yang nasa tela mo? Bakit may dugo? Kinagat ka ba ng tigre?"

Hindi niya ako sinagot at umupo siya ulit sa pwesto niya habang ako ay nakatitig sa kanya. Hindi ko alam pero kusang naglakad ang mga paa ko palapit sa kinaroroonan niya. Umupo ako sa harapan niya kaya kitang-kita ko na ngayon ang blanko niyang mukha.

"Will you please stop staring at me?"

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"Tss. It's not a tiger. That's a tabby cat. May naaamoy siya sa 'yo kaya hindi ka niya nilalayuan."

I'm amazed how his eyes can be this beautiful. The fire reflects on his brown eyes kaya nagmumukhang umaapoy ang mga mata niya.

"Huwag mo namang masyadong ipahalata na gwapong-gwapo ka sa 'kin, freak."

"W-What?" What did he say?

"You've been staring at me for how many minutes. Hindi ka ba nahihiya sa 'kin? Lantaran ka pa talaga kung tumitig, sa harapan ko pa mismo."

Napakurap ako ng maraming beses nang marinig ko ang sinabi niya. Sh*t! Nakakahiya! Ngayon ko lang na-realize! Hindi ko man lang namalayan na minuto na pala ang itinatagal. Argh! Wait, hindi pa niya sinsagot ang tanong ko, ah! Wala ba siyang balak sabihin sa 'kin?

"Now you realized, nakakahiya 'no?"

Inikot ko ang dalawang mata ko. "Eh, ano naman kung na-realize ko? Ikaw rin naman panay tingin sa 'kin, ah?"

"Oh, really? Since when?"

"Mula nang mapadpad tayo rito."

Saglit siyang natahimik kaya mas lalo akong tumingin sa kanya. "See? Hindi ka nasagot? Cause I'm pretty right. Hahaha."

"You're ugly wrong. Hindi ka naman maganda. Besides, bakit nga ba ako nakikipag-usap sa katulad mong maingay? Tss. Bawas-bawasan mo 'yang pagtitig sa 'kin. Iisipin ko talagang may gusto ka na sa 'kin, freak."

Wala pa rin akongnakikitang emosyon sa mukha niya habang sinasabi niya 'yan. Paano niyang nagagawang maging emotionless kung ganito kaganda ang mga mata niya?

"Gotta sleep, freak. Umalis ka na sa harap ko, please? You're harassing me based on how you stared at me."

Namilog ang mga mata ko saka ko siya hinampas sa braso. "Ang kapal mo. Harassing ka r'yan ni hindi mo nga sinagot ang mga tanong ko, eh!" Harassing daw? Psh.

"Come on, are you spacing out again? Didn't you heard me?" Naningkit ang mga mata niya na para bang sinusuri ang pagkatao ko.

"Bakit ano bang sinabi mo?"

"You know what? Humanap ka na lang ng kausap mo" saka niya pinaikot ang mata niya.

Inirapan niya ako?! "Aba, kung makairap ka, ah! So bakit nga, ha?! Sabihin mo na lang sa 'kin para matapos na ang usapan na 'to. Pinapatagal mo pa para mas lalo mo ang akong makausap, eh!" Iniisip ko pa lang na sa ganitong paraan niya dinadaan ang pagsosolo niya sa 'kin, hindi man lang siya humanap ng mas magandang lugar. Dito pa talaga sa gubat. Hmp!

"Seriously?" Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa kin kaya nararamdaman ko rin ang mainit niyang hininga. "You're just not a hard-headed and hot-tempered woman, assumera ka rin pala 'no?"

Napalunok ako. Ramdam ko rin ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi niya o halos magdikit na ang tungki ng ilong namin dahil sa sobrang lapit niya. "J-Joke lang naman 'yon, asungot." Napaiwas ako ng tingin at kusang lumayo. Hindi ko kayang makipagsabayan sa kanya. Hindi ko kayang tagalang tingnan ang mga mata niya.

"Anong tawag mo sa 'kin? Asungot?" Bahagya siyang tumawa pero kitang-kita ang pagiging sarkastiko. "Ang ganda-ganda ng pangalan ko tapos 'yan lang itatawag mo sa 'kin?" Saka siya sumandal sa puno at hinawakan ang dulo ng tela na nasa kaliwang palad niya. "Anyway, just like what I've said earlier, it's not a tiger. Tabby cat ang tawag sa mga pusang mala-tigre ang balahibo. Kaya ka rin niya inaamoy dahil may naaamoy siya sa 'ýo."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Tabby cat? Eh, ano namang naamoy niya sa 'kin?" Nakakapagtaka, ah!

Nagkibit-balikat lang siya at pinikit ang mga mata niya. "Many animals can detect when you're on your period especially both cats and dogs. They are able to detect menstruation by odor and hormonal levels." Dumilat ulit siya at tiningnan ako. "That's because of their keen sense of smell. Of course, they don't actually have any scientific concept of what's really happening but they do know that something is going on. Sinubukan kong sugatan ang palad ko kung gagana sa kanila ang usual blood ng tao lalo na't lalaki lang naman ako and here it was, gumana naman kaya hindi na siya bumalik para amuyin ka ulit."

What? Sinugatan niya pa ang sarili niya para lang lumayo sa 'kin ang pusa na 'yon?

"And hindi mo rin ba naaamoy na malansa ka?"

Period? Menstruation? Pinakiramdam ko ang sarili ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Shems! Basa nga! Ba't hindi ko naramdaman kanina?! Saka ano yung huling sinabi niya? Malansa?! Palihim kong inamoy ang sarili ko. Seryoso? First day ko pa lang naman ngayon kaya hindi pa gano'n katapang ang amoy ng regla ko.

"Matutulog na ako. Bahala ka na r'yan." Pumikit na siya ulit.

Naghintay pa 'ko ng ilang minuto kung didilat ulit siya kaso hindi na. Wala naman akong ibang magawa kundi bumalik na lang ulit sa higaan ko. Pakshet na malagket! Pa'no niya nasabing amoy malansa ako?!

⃰ ⃰⃰ ⃰ ⃰

"Lyka, Lyka gising."

"Hmm."

"Bes, gising may tagos ka," rinig kong bulong sa 'kin.

Minulat ko ang mga mata ko at naaninag ko si Lovelle. "Bakit?" Pupungay-pungay pa ang mga mata ko habang nakaharap sa kanya. Inaantok pa ako. Gusto ko pang matulog.

"May tagos ka."

Agad akong napabalikwas ng bangon nang marinig ko 'yon. Tagos? "For real? Halata ba?"

"Hindi naman halata saka aalis na tayo. Babalik na tayo sa quad. Tayo ka na." Umalis din siya pagkatapos niyang sabihin 'yon at lumapit siya kay Lorenz para dalhin ang usa.

Tumingin ako sa kanila. Lahat sila ay busy sa pagdala ng mga nahuli nilang hayop. So, ako na lang pala ang mag-isang natutulog kung hindi pa ako ginising?

"Good morning, Lyka!" bati sa 'kin ni Mona kaya bumati ako sa kanya pabalik.

Binati rin ko ng iba maliban kay Xynon. Tumayo na ako at kusa akong napatigil ng maramdaman kong parang gripo kung umagos ang dugo ko. Geez, napaka uncomfortable. Gusto ko ng mag-napkin!

Tahimik niya lang na inaayos ang mga buto ng ahas habang nakatusok sa malaking stick.

"Ako na magdadala nitong maliit," presinta ko.

Tiningnan niya lang naman ako saglit saka nagsalita. "May tuyong laway ka pa."

Agad naman akong tumalikod para kapain ang buong bibig ko. Seryoso?! Wala pa naman akong salamin kaya 'di ko makita kung anong itsura ko ngayon at kung may panis nga ba akong laway. Nakakahiya!

Dahil sa sobrang curious ko ay lumapit ako kay Lovelle. "Uy, maayos lang ba itsura ko? May panis ba 'kong laway?"

Kumunot kaunti ang noo niya sabay natawa. "Wala kang panis na laway, girl. Bakit sinong nagsabi?"

Napapikit ako ng mata at huminga nang malalim. Pinaglalaruan ba ako ng asungot na 'yon?! Dumilat din ako agad sabay ngumiti sa kanya. "Wala lang. Na-curious lang ako hehe. Sige tulungan ko muna si Xynon."

Tahimik lang akong naglalakad palapit sa asungot na 'yon nang makasalubong ko siya. Naningkit ang mga mata ko at pinandilatan din siya agad. "Anong panis na laway pinagsasabi mo, ha? Inaasar mo pa talaga ako." Nanggigil talaga ako sa kanya. Hindi halata sa pagiging mausngit niya ang mapang-asar. Grr.

"And where the hell did you get that?"

Ha? Ano raw? Ang labo talga nitong kausap kahit kailan! "Anong hell did you get that pinagsasabi mo? Hindi talaga halata sa 'yo ang mapang-asar, eh, 'no? Psh."

"I'm not teasing you. Sino ka ba para asarin ko? Ikaw 'ata nagpapapansin sa 'kin, eh. Tsk," sabay alis niya.

Lumingon ako sa kanya nang makalayo-layo na siya sa 'kin. Grabe, umagang-umaga, 'eto ang bubungad sa 'kin! What a nice day!

"Lyka, let's go! Aalis na tayo!" sigaw sa 'kin ni Mona.

Naglakad kami ng matagal at wala rin ni isa sa amin ang nagsasalita.

Mayamaya lang ay tanaw na namin ang bungad ng gubat kaya napahiyaw si Lovelle. "Hoooh! Sa wakas, makakabalik na rin tayo!"

"At syempre walang mapaparusahan sa 'tin!" sigaw naman ni Mona sabay kaway niya sa ere.

"Hayun na pala silang tatlo!" sigaw ni Lorenz sabay turo sa isang direskyon kung nasaan naglalakad silang tatlong magkakapatid.

"Mabuti sumama si Queen. Infairness, ang ganda ng lahi nilang tatlo," sabay hagikhik ni Mona.

"Welcome back guys," nakangiting bati sa amin ni Ma'am Merlyn.

"Woah! Lahat kayo may nahuli, ah! Aba, mukhang ayaw maparusahan! Hahaha!"

Natawa naman kami sa sinabi ni Kuya Eduardo. Syempre gano'n talaga. Hindi naman kami mapapadpad dito kung magpapatalo na lang kami basta-basta.

"Congrats, participants. Ngayong nakita na namin ang mga nahuli niyo, pwede niyo ng iwan 'yan dito," ani ng reyna habang nakangiti sa aming lahat.

"Seryoso? Gano'n na lang 'yon?" biglang tanong ko.

"Yup, kung iiwn niyo 'yan dito, saan niyo naman ilalagay 'yan, aber? Sa room niyo? For souvenir on your first game? Hahaha." Masyadong masaya ngayon si Kuya Eduardo, ah.

"Proceed to medical department para tingnan ang mga sugat na natamo niyo," sabi ulit ni Queen habang sinusuri kaming lahat.

Bigla akong tumingin kay Xynon na tahimik lang na nakikinig. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya tumingin din siya sa 'kin. Sasabihin ko na sana kay Queen ang nangyari sa kanya kaso naalala kong pinagtrip-an niya pala ako kaya huwag na lang. Bahala na siyang mamahinga habang buhay. Char. Joke lang.

Nächstes Kapitel