webnovel

Chapter 47.5

Chapter 47.5:

Abby's POV:

Nang matapos ang seremonya ay agad kaming lumipat sa reception area kung saan magaganap ang party para kay Mr. and Mrs. Sarmiento. Mabuti na lang ay iisang lugar lang ang pinadagdausan ng ceremony at ng party kaya hindi na kami nahirapan pa.

Totoo nga ang sinabi nila na hindi nila ipupublicise ang kasal nila, dahil wala akong nakikitang ni isang media sa paligid. A total of 100 guests attended the wedding, and that includes the bride and the groom's family and close friends. Syempre ay kasama kami doon sa close friends.

Oo close friends ako ng bride at groom. Ang masaya nga do'n ay naging close na rin kami ni Steph in just a short period of time. Akalain niyo 'yon, isang buwan pa lang ang nakakalipas pero napakarami ng nagbago, lalo na kay Steph. I discovered na sobrang bait niya pa lang tao, it's just that she has a dark and painful past kaya nag-iba ang ugali niya. Pero sabi nga nila, time heals.

Sa loob ng isang buwan ay maraming naikwento sa akin si Steph tungkol sa buhay niya, at syempre marami rin akong naikwento sa kaniya na tungkol sa buhay ko which I find amazing. Madalas kaming mag-bonding ni Steph sa bahay nila ni Nich, lalo na kapag tapos na ang trabaho ko ay agad akong dumidiretso sa kanila dahil nasa stage pa rin siya ng healing. Since ayaw ni Nich na maistress si Steph ay hindi na niya ito pinagtrabaho sa preparation sa kasal nila which is medyo labag sa kalooban ni Steph.

Kaya bilang pampalubag loob ay lagi ako sa bahay nila para turuan siya sa bago niyang hobby, ang pagluluto. Ang sabi niya ay mas madalang ng umatake ang anxiety niya kapag gumagawa siya ng bagay na nakakalibang.

Medyo naging close na rin siya kila Jackie at Joyce. At first, hesitant ang dalawa na pakisalamuhan si Steph dahil nga siguro sa nga nangyari sa past, but I told them that Steph is a nice person. Kaya hindi na rin ako nagulat nang matapos ang unang araw na pagbobonding nila ay para na silang mag-best of friends!

Gaya ko ay halos araw-araw na rin nilang nakakabonding si Steph. Kapag hapon na ay nakaabang na si Jackie sa tapat ng opisina ko para sunduin ako at pumunta sa bahay nila Steph. Hindi naman halatang nag-eenjoy silang kasama siya noh.

Pero minsan ay sa condo ni Joyce ang meet up namin dahil malapit na ang kabuwanan niya at hindi na siya masyadong pinapayagang gumala ni Jherwin.

Kada magkikita kami, pagluluto ang madalas naming ginagawa, at minsan ay panunuod ng movies o 'di naman kaya ay photoshoot. Nitong nakaraang araw ko lang rin pala naman na ang studio ni Joyce ang nakatoka sa photography and videography thingy sa kasal ni Nich at Steph. Ang company and crew naman ni Jackie ang nakatoka sa lahat ng may kinalaman sa make-ups sa buong proseso ng kasal. Joyce and Jackie gave them a 60% discount para sa products and services na irerender nila sa bagong mag-asawa.

Samantalang ako ay hindi na nagpabayad sa sweets and desserts na inalok ko sa kanila, I am also the one who baked their giant wedding cake. Well, giant cake was not really their idea, but mine. Sabi kasi nila ay ako na daw bahala kung gaano kalaking cake ang ibibigay ko tutal libre naman daw. At dahil once in a lifetime lang naman silang ikakasal ay nilakihan ko na. I bake a three meter wedding cake for them. Pero sa factory ng CCCorp ko ito ginawa dahil hindi naman ako makakapag-bake ng gano'n kalaking cake sa bahay ko 'diba. Iyon ang dahilan kung bakit medyo puyat ako ngayon dahil pinagpuyatan ko talaga 'yon kasama ang tatlong empleyado sa factory.

Halos mahulog nga ang panga at mga mata ni Nich nang makita ang cake kaninang umaga dahil hindi niya daw talaga ineexpect na gano'n kalaking cake ang ibibigay ko sa kanila. Pero tinawanan ko lang siya at sinabing walang-wala 'yon kumpara sa lahat ng nagawa niyang kabutihan sa akin all these years.

Actually ay halos wala daw nagastos si Nich at Steph sa kasal nila dahil kung hindi discounted, ay libre naman ang inaalok sa kanilang service ng mga kaibigan nila, at bawal silang tumanggi. Ang dami nilang sponsors, which is deserve naman nila dahil mabuti silang tao.

As the newlywed entered the reception area, malakas na palakpakan at cheers ang namutawi sa buong hall.

Dang, they look so great together. And I am so happy for them.

Kahit na galing sa broken family si Nich, it's a good thing na naimbitahan niya pa rin ang parents niya on both sides, together with their families. While Steph walked with my mom in the aisle awhile ago since ang mga kamag-anak niya ay nasa Texas and weren't able to attend the ceremony due to some reason.

Ang bilis nga naman ng araw, parang kahapon ay kakabigay lang nila ng invitation sa akin, tapos ngayon ay ang mismong araw na ng kasal nila.

The program went smoothly, pero nandito lang ako sa sulok dahil nananakit ang ulo ko caused by overnight working with the giant cake.

Tumayo lang ako noong tinawag ang pangalan ko para magbigay ng message sa newlywed couple.

Oh my gosh! Oo nga pala, may gan'to pa lang churvakells sa kasal. Naalala ko ay sinabihan ako ni Nich tungkol dito noong nakaraang araw, pero hindi na ako nakapag-prepare dahil sa dami ko ring iniisip these past few days.

Huminga muna ako ng malalim at chineck ang microphone kung gumagana bago ako magsalita.

"Hi Mr. and Mrs. Sarmiento. Bago ang lahat, gusto kong sabihin na congratulations sa inyong dalawa." Nakangiting sabi ko sa kanila, and they both mouthed thank you to me with beautiful smiles on their faces.

"I'll just make this quick. So ayun nga, sa wakas! Pagkatapos ng ilang taong hindi kayo nagkasama ay tignan niyo nga naman, sa altar pa rin ang kinahantungan niyong dalawa. After all the hardships and heartbreaks, you finally found your home. At gusto ko rin sabihing salamat sa inyong dalawa, dahil kung hindi kayo dumating sa buhay ko ay hindi ko naranasan ang lahat ng naranasan ko which made me who I am today. Hindi ko na babanggitin ang lahat-lahat dahil nasaksihan naman nating lahat ang pinagdaanan ng bawat isa." I chuckled. Ayo'ko namang mag-drama pa dito sa reception.

Gusto ko ay chill lang dapat at masaya dahil araw nila 'to.

"That's why I just wish all the best for you guys! I love you both, and enjoy your honeymoon!" I playfully said before going to their place and hugged them. The crowd clapped their hands as I gave back the microphone to the emcee.

"Thank you so much Abby, we love you too so much!" Steph said while hugging me tightly.

Sumunod ko namang niyakap si Nich. "Thank you Abby, sobrang buti mong tao. Thank you sa lahat." I almost cried while hugging Nich. Ang lalim din kasi ng pinagsamahan naming dalawa. He's one of the best person na nakilala ko.

Well, hindi rin naman pala masamang mag-alaga at magmahal ng taong para sa iba. Kahit hindi siya para sa'yo sa huli ay okay lang, atleast 'diba nando'n pa rin yung experiences at lessons na madadala mo hanggang sa pagtanda.

Tsaka malay natin, yung para din pala sa atin ay inaalagaan at minamahal pa ng iba sa ngayon. While you're building something for others, others are also building something for you. 

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
Nächstes Kapitel