webnovel

Chapter 43

CHAPTER 43

--ALEX:

"P-paanong nandito ka?" Nagkaka-utal utal na sabi ko.

"Syempre, wala ako doon. Ate Mau, saan napunta ang utak mo? Nilipad na ba ng buhawi? Hahaha." Nakakalokong sagot ni Shane.

"Ano'ng kailangan mo?" Matapang na tanong ko.

"Uhh, ikaw?"

"Ano'ng ako? Shane huwag na nga tayong maglokohan dito. Diretsuhin mo na ako, kung ano man ang gusto mong mangyari."

"Okay, didiretsuhin kita ate Mau. Pero makinig kang mabuti ha, medyo mahaba-haba ang kwento sa'yo."

"Sige."

"First of all, gusto kong magsorry sa lahat ng nagawa ko noong mga bata pa tayo. At yung time na sinaktan ko kayo, hindi ko sinasadya at hindi ko gustong mangyari sa inyo 'yon. Kaya ko lang naman nagawa iyon kasi may sakit pala ako, a mental disorder to be exact. Nagkataon lang na umatake ang sakit ko noong kasama ko kayo kaya nauwi sa sakitan. Natatawa nga ako sa sarili ko noon kasi andami ko pa lang nasabi sa'yo na masasakit na salita. So ayun, dinala ako ng parents ko sa ibang bansa para maipagamot, kapag sinabi kong maipagamot, it means na dinala nila ako sa mental hospital. Nagalit ako nung una kasi akala ko hindi ako nababaliw pero sabi nila, nababaliw raw ako. Sinisi ko rin ang parents ko kasi kung nagabayan lang sana nila ako, hindi ako magkakasakit. Narealize din naman ng parents ko ang pagkukulang nila, kaya naman they decided to take care of me, even though nasa mental hospital ako. Dati ay hindi ko sila nakikita sa bahay, pero nung mga time na nagpapagamot ako, andiyan na sila sa tabi ko. Hindi man palagi, pero naaapreciate ko ang effort nila. Alam ko din naman kasing may kompanya kami na kailangan din nilang asikasuhin. Salitan sila mama at papa na pinupuntahan ako kada araw. Habang nasa mental ako, nakakakita rin ako ng mga may sakit na kagaya ko. May mas malala pa pala sa kalagayan ko. Ako kasi umaatake lang once twice to thrice a week, eh sila araw-araw. Yung mga ibang pasyente doon, napamahal na sa mga nurses na nag-aalaga sa kanila. Yung iba nga hindi na dinadalaw ng mga kamag-anak nila. Doon ko narealized na madami pa lang nagmamahal sa akin. Akala ko kasi dati habambuhay na akong mag-isa. Marami akong naging mga kaibigan doon, nakarinig ako ng mga sari-saring istorya ng buhay nila. Kaya masasabi kong swerte pa rin ako kasi may tsansa pa akong gumaling, samantalang yung iba, hindi alam kung may pag-asa pa o wala na. Kaya nagsumikap akong magpagaling, hindi lamang para sa sarili ko kundi para na rin sa mga taong nagmamahal sa akin. Noong una, gusto kong magpagaling para makapag-higanti sa inyo, lalo na sa'yo ate Mau. Kaya naman noong nakalabas na ako ng mental, nagsumikap akong palakasin ang sarili ko, nagsanay ako ng bongga to take my revenge. Hanggang sa lumakas ako at naging leader pa ng isang pinakasikat na gang sa mundo, ang Summoners. Gusto kitang patayin ate Mau at ang lahat ng umapi sa akin." Huminto siya sa saglit at saka tumingin sa akin.

"I don't know what to say." Nakatulalang sabi ko, sa lahat ata ng sinabi niya ay yung maghihiganti siya lang ang nag sink in sa utak ko.

"Pero nang nakita kita kanina ate Mau, lahat ng sakit at galit na dinadala ko for almost 8 years, biglang naglaho. Pagkakita ko pa lang sa mukha mo, nakaramdama ako ng matinding panghihinayang, panghihinayang sa sarili ko. Bigla kong naisip na bakit ko naman sasaktan ang taong wala ginawa kung hindi ang maging mabait at mahalin ako na parang isang tunay na kapatid. Na walang ibang inisip kundi ang kaligtasan ko ang ang makakabuti para sa akin. Na siyang tinanggap ako bilang ako. Gusto ko sanang maging kontrabida sa istorya mo ate Mau but I decided not to anymore. Nang makita kita, biglang nag-flashback lahat ng pinagsamahan natin. Kaya naman imbis na maging kontrabida ako, magiging supporting character na lang ako sa bida. Ayoko ng maulit ang mga nangyari dati. Tama na ang minsang naging kontrabida ako. So this time, babawi ako sa'yo ate Mau." Naiiyak na sabi ni Shane saka niya ako niyakap. Atleast sa ngayon, biglang nawala lahat ng pangamba na nararamdaman ko kanina. Parang lahat ng nakabara sa lalamunan ko. Parang lahat ng kinikimkim ko for the past years, biglang lumipad. Ang sarap sa pakiramdam—

"A-aaray!" Laking gulat ko nang bigla akong sinabunutan ni Shane. Sh*t! in freakin really hurts!

"Sorry sa gagawin ko ate Mau pero kasali ito sa plano eh." Mala-demonyong sabi niya.

Ano'ng ibig niyang sabihin? Akala ko okay na kami? Tsaka bakit siya nagso-sosorry?

Habang hawak-hawak niya ang buhok ko, tsaka naman niya kinuha ang phone niya sa bulsa niya at mat idinial.

"Hello Beans" Kausap ni Shane sa kabilang linya. Huh? Beans? 'diba nasa U.S siya?

"Long time no talk."

"Oh! Masosorpresa ka sa ibabalita ko."

"Andito sa tabi ko si ate Mau."

"Yeah, totoo. Hawak ko nga buhok niya habang namimilipit siya sa sakit eh."

"Uhh, gusto ko lang maghiganti. Ikaw kasi, kung ako sana ang pinili mo dati edi happy na sana tayo ngayon."

"Nasaktan ko na siya eh, ano pa ang magagawa mo?"

"Kausapin mo oh." Tsaka niya inilapit sa tainga ko ang phone.

"Hello Alexa?! Are you there? Okay ka lang ba? 'Wag kang mag-alala, I'll be there as soon as possible."

"J-Jacob?" Nahihirapang sagot ko. Paanong si Jacob 'to? Akala ko si Beans? Wtf is happening here.

"Oops, times up! Kung gusto mo pang makita ng buhay si ate Mau, pumunta ka na agad dito. Alam ko namang mattrack mo itong tawag eh. But! Just remember na dapat ikaw lang ang pupunta dito, wala kang isasama kahit isa or else, alam mo na. Whahahahha." Tsaka ibinaba ni Shane ang tawag at sabay bitaw niya sa buhok ko. Sht! Ang sakit talaga ng anit ko.

"Ate Mau? Sorry ha kung nasaktan ulit kita. Part kasi iyon ng palabas ko para mas kapani-paniwala hehe. But you'll thank me after this." Tsaka niya ako kinindatan at tinakpan ang ilong ko ng panyo. Then everything went black.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
Nächstes Kapitel