webnovel

Chapter 14

CHAPTER 14

--ALEX:

"Hintayin lang natin yung tawag ni Kuya Brian kasi may meeting pa daw siya sabi ni Ms. Aubrey." Nakangising sabi ni unggoy tsss.

Matapos kasing sabihin ni unggoy na gusto niyang makausap si kuya, tinawagan agad ni ate Aubrey si kuya pero nasa business meeting pala si kuya nung time na 'yon kaya sabi ni kuya na tatawag na lang daw siya ng 5:00 ng hapon and eksaktong uwian namin yun.

At sa phone ko pa daw talaga tatawag si kuya kasi nagmamadali siya kanina para sa meeting niya kaya hindi na niya nakuha yung number ni unggoy and may appointment daw si ate Aubrey mamayang 5:00 kaya hindi din siya makakatawag sa office niya.

So no choice kun'di hitayin ang tawag ni kuya sa phone ko para makapag-usap kuno sila ni unggoy tss.

Kanina pa kasi si unggoy dito sa bahay ko, oo dito mismo sa bahay ko kasi pagkauwi namin, dumiretso si unggoy dito sa bahay ko para daw kung sakaling tumawag si kuya, makakausap niya agad.

Andito kami ngayon sa sala ng bahay ko nakaupo at ang masasabi ko lang...

IT'S BORING.

Sana andito si bebs kaso nga lang, may lakad daw tsk at si Aira naman may lakad din, kailangan ba talaga na sabay silang may lakad tsk.

"Tsss, bakit kasi gusto mo pa siyang maka-usap?" Naiiritang tanong ko sabay irap ko sa kanya.

"Wala lang, it's just that I know na ayaw na ayaw mong pumunta sa detention room." Nakangising sabi niya.

"Stalker." Nakangising sabi ko rin.

"Hindi ako stalker noh." Depensa niya.

"Wala akong sinabing stalker ka. Stalker lang ang sinani ko,wala akong sinabing pangalan." Pang-aasar na sabi ko.

"Aisssshhh, basta hindi ako stalker." Inis na sabi niya.

"Ok sabi mo eh, and by the way, 'wag mong tawaging kuya ang kuya ko."

"Oh ano nanamang problema mo dun Alexa?" Uhhh, that Alexa thingy tsss.

"Kuya ko siya kaya don't call him kuya, just call him Mr. Santos or Brian basta 'wag lang kuya, 'wag kang masyadong feeling close." Cold na sabi ko.

"I can call him sa kahit ano'ng gusto ko."

"You can't, hindi mo siya kuya so shut up ka na lang." Maangas na sabi ko.

"Don't dictate me of what I'm going to do or what should I do besides, I can talk whenever and wherever I want." Abaaaaaa, ayaw niya magpatalo huh at syempre 'di din ako magpapatalo noh.

"I can dictate you because you're here in my TERRITORY." At talagang diniinan ko ang word na territory.

"Oh, what a lame reason." Maangas na sabi niya.

"Shut up and cut the crap." Oha nag-rhyme hihi.

"You can go home na hindi na tatawag ang kuya ko." Dagdag ko pa sabay tulak sa kanya palabas ng bahay ko.

Pero bumalik siya agad sa sala at umupo sa sofa, gosh the nerve of this guy. -_-

"Sabi ni kuya tatawag daw siya ng 5:00 eh, kaya 'di ako aalis." Nagmamayabang na sabi niya.

"Its already 5:03 kaya you must go home na jerk." Cold na sabi ko.

At ang unggoy, 'di man lang natinag sa cold na boses ko tsk.

"Kaya nga eh 5:03 pa lang kaya maaga pa, I know na hindi talksh*t ang kuya mo kaya tatawag 'yon." Sabay sandal sofa at hinawi ang bangs niya pataas kaya medyo naging messy ang hair niya.

Teka, ba't ang hot niya kapag messy ang hair niya? Para syang anime na naging totoo lang.

Wait, sinabi ko bang hot sya? Duh hindi siya hot pero hot na hindi.

Aissssh anggulo ko tsssss.

Nahihibang ka na Alex tsss.

Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang phone ko na nasa center table ng sala.

"ring* ring* ring*"

Agad ko namang kinuha ang phone ko at sinagot ang tawag.

"Hey kuya napatawag ka?" Painosenteng sagot ko.

"Sus, hay nako Alex, I know that you know kaya ako napatawag, kaya give that goddamn phone to Mr. Park." Haha sayang 'di nakalusot.

"Okay, but make it faster kuya." Bagot kong tanong sabay abot ng phone ko kay unggoy.

Pagkahawak niya ng phone ko, ningisian niya ako, like duh, nakakakilabot yung ngisi niya tsss.

"Hello kuya Brian... Okay lang naman po sa'kin... Nako nakakahiya naman... Sure ka ba diyan kuya? Sige... Sige I'll tell her na lang... Sige bye thanks." Sabi ni unggoy na hindi ko alam kung ano'ng pinag-usapan nila ni kuya kasi hindi nya niloud-speaker kaya 'di ko narinig.

At kahit nakaharap siya sa'kin habang nag-uusap sila ni kuya, 'di pa rin maalis ang ngisi niya kaya naman, pinaglaruan ko na lang yung buhok ko habang nag-uusap sila kanina.

Inabot nya sa'kin yung phone ko, at kung kanina nakakakilabot yung ngisi niya, ngayon namn sobrang nakakakilabot na brrr.

Pero ang hot niya kapag ngumingisi sya—did I just say na hot nanaman siya? Grrrr Alex, whats happening with you? 'Di dapat ako nagbibigay ng compliment sa iba tsk.

"Nakapag-usap na kayo ni kuya, kaya pwede ka nang umalis." Sabay talikod ko sa kanya.

Pero nakailang hakbang pa lang ako, bigla niyang hinigit ang kamay ko.

Kaya ang kinalabasan, napaharap ako sa kanya, nagkalapit ang mukha namin... then... BOOM!

"Ouch/aray!" Sabay na sabi namin ni unggoy.

Nag-untugan kasi kami, kala niyo siguro nag-kiss noh. Tsk tsk.

"Ano ba'ng problema mo huh?! Nanghihila ka ayan tuloy nauntog tayo!!" Sigaw ko sa kanya.

Akala ko may sasabihin siya pero wala.

Nakita ko na lang na humawak siya ng noo niya then...

"Wtf! Ano'ng nangyari diyan?!" Pasigaw kong sabi.

Kasi naman may dugo sa noo niya na hindi ko napansin kanina.

"Don't tell me, mas matigas ang ulo ko kaysa sa'yo hahaha." Sabi ko sa kanya habang humahalakhak.

Yung galit ko kanina, bigla na lang napalitan ng tawa kasi yung mukha niya priceless.

Tsaka grabe, nag-untugan lang kami pero dumugo agad yung ulo niya haha.

Nakita kong iniling-iling niya ang ulo niya tapos tumingin siya sa'kin na parang 'di makapaniwala.

"Tell me Alexa, nag-hahallucinate ba ako?" Tanong niya.

"Huh? Pinagsasabi mo?" Tanong ko sabay kumunot ang noo ko.

"Tumawa ka ba talaga o naghahallucinate lang ako dala ng pagkauntog ko?"

Napawi naman bigla yung tawa ko nang sabihin niya yun.

"Tao rin ako, kaya marunong ako tumawa." Cold na sabi ko.

Nakita kong napangiti siya sa sinabi ko.

"Anong ningingiti-ngiti mo diyan?" Dagdag ko pa.

"First time mo kasing tumawa at ngumiti sa harap ko."

Yung itsura niya, 'yon bang parang batang binigyan ng candy, abot tenga ang ngiti.

"Eh ano naman kung tumawa ako?" Sabay cross arms ko.

"Ang ganda mo kapag ngumingiti at tumatawa ka." Oh? Totoo ba yung naririnig ko? Pinupuri ako ni unggoy? Himala. Isang himala!

Bigla na lang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Maganda ako kahit hindi ako tumawa, umupo ka na diyan sa sofa para gamutin natin 'yang noo mo." Sabi ko sabay punta ng cr at kinuha ang first aid kit.

Ayo'kong makita niya ang namumula kong mukha tsss.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts
Nächstes Kapitel