webnovel

Chapter 4

"JULIA! Halika na, iiwanan kita kung magtatagal ka pa." binuksan ni Ali ang driver's seat at nilagay ang leather attache case sa upuan. Naunang umalis ang dalaga sa hapagkainan para maghanda sa eskwela pero hanggang ngayon ay hindi parin ito nakakalabas ng kwarto. Women.

Natigilan si Ali sa naisip. Woman, napapabilang na si Julia sa kategoryang iyon. She's growing fine as a sisteen years old, from baywang, ngayon ay hanggang dibdib na niya. Pati karakter nito ay nagsisimula naring mahubog kagaya ng sabi ni Manang Fe, she's showing her rebellious side.

"I'm ready!" patakbo itong lumabas ng main door at umikot sa passenger's seat.

"Hold on, bakit ganyan ang hitsura mo?" kunot noong tanong ni Ali na nakatitig sa labi ng dalaga "Are you wearing lipstick?"

"Lip balm lang po 'to." binuksan nito ang pintuan at sumakay kaya pumasok narin siya.

"Bakit ang pula?"

"Ali, its the new trend sa women's fashion." kinuha nito ang seatbelt sa gilid ng upuan at kinabit sa katawan. "Lets go?"

"Burahin mo iyan." inabot niya dito ang box ng tissue na nasa harapan ng dashboard.

"Why are you making it a big deal? Halos lahat ng mga girls sa school gumagamit na ng lipstick, lip balm na nga lang akin eh."

"It doesn't suit you." aniyang binuhay ang ignition

Nasorpresa ang kausap sa sinabi niya, parang hindi nito inaasahan na marinig iyon mula sa kanya.

"Are you saying I look ugly?"

"No. Ang sinasabi ko lang--"

Pahablot na kumuha ito ng tissues at nginudngod sa labi at pagkatapos ay hindi na umimik, humalukipkip at tumanaw sa labas ng bintana.

"Julia, ang bata mo pa. Ayoko lang na masanay ka sa mga ganyan. May mas mahahalagang bagay na dapat mong pagtuunan. Hindi naman siguro compulsory na gumamit ka ng ganyan sa school hindi ba?"

Hindi na ito umimik kaya napabubtong-hininga nalang si Ali at binuhay ang ignition. Hanggang makarating sila ng eskwelahan ay walang salita galing dito.

"Mag-iingat ka." sabi niya bago lumabas ang dalaga sa kotse pero wala paring sagot mula dito.

"KANINA pa iyan nakatingin si Sir sa cellphone niya. Mukhang may hinihintay na tawag." Usyoso ni Sharon nang minsan ay nagkasabay sila ni Brenda na kumuha ng tubig sa water dispenser. Kita mula sa kinaroroonan nila ang opisina ni Ali na nasa dulo lang ng malaking kwarto ng department. Nakabukas ang blinds na nagsisilbing tabon ng buong silid nito mula sa labas.

"Baka nag-away ng jowa." sagot ni Brenda

"Sino palang jowa niyan ngayon? Iyon parin bang doctor na pumupunta dito?" si Sharon

"Hindi ata, matagal nang hindi ko nakikita dito eh. Minsan may nakita akong kausap niya sa lobby, matangkad, sosyal parang model." si Brenda ulit

"Ilang taon na ba iyan? thirties na pero bachelor parin ano kaya ang hinihintay?"

"Baka maselan sa babae."

"Mas maselan iyan sa designs kaya tigilan nyo na iyan at kumayod na kayo." putol ni Mako sa bulungan nila.

"Ang killjoy mo talaga, Mako." reklamo ni Sharon. "Kakabuka pa nga lang ng bunganga namin, umeksena ka na agad. 'Li ka na nga Brenda." yaya nito sa babae pero hindi parin tumigil sa pag-uusap, lumipat lang ng pwesto. Napapailing na lang si Mako na pinindot ang buton para sa mainit na tubig.

Nagring ang cellphone na nasa kanan ni Ali kaya dinampot niya iyon matapos bahagyang sinulyapan kung sino ang caller. Hindi niya kilala ang numero pero tinanggap niya ang tawag habang hindi tinatanggal ang tingin sa binabasang emails.

"Yes, who's this?"

"Hello! I am Claire Sanchez, the representative of Prime Manila. I am sorry for calling you directly Mr. Marzouq but this matter is urgent. Its about the qoutation for the marketing ads."

"Yes Miss Sanchez, what about the qoutation?"

"Is it possible for us to meet and talk about it somewhere, Sir?"

"Hindi ba pwedeng isend nalang ang details sa email?" umilaw ang personal cellphone niya na nakalagay sa tabi ng mouse kaya sinulyapan iyon ni Ali.

1 New Message: +63916 *******

GREETINGS! This is the faculty of St. Joseph Christian School...

"I'm afraid not, Sir. May ididiscuss kasi akong additional details."

"I'll find time. Is this your number?"

"Yes, Sir."

"I'll call you again."

"Thank you for the consideration, Mr. Marzouq."

Iyon lang at pinatay na niya ang cellphone. Inilapag sa mesa at dinampot ang isa, binuksan at binasa ang buong message.

Sinulyapan ni Ali ang relo sa kamay, five seventeen. Natapos na niya ang mga kailangang gawin para sa araw na iyon. May mga hindi pa nafinalized pero hindi naman urgent kaya ipagpabukas na niya iyon. Aalis siya ng maaga sa opisina dahil may dadaan pa siya.

DAHAN-DAHANG kinabig ni Ali ang manibela pakanan para ihinto sa gilid ng kalye. Inapakan niya ang brake, kumambyo at hinila ang handbrake. Dala ang car keys ay lumabas siya ng kotse at tumuloy sa isang sweet shop.

"Good afternoon, Sir! Welcome to Joy & Sweets!" magiliw na bati ng tinderang nakadamit ng baby pink. May raffled headdress ito na kulay puti kaparis ng sa isang maid. Kagaya ng uniform ng babae, pink din ang dominant color ng hindi kalakihang tindahan, na may linings na puti. May Logo ng tindahan sa likod ng nakatayong tindera at mga guhit ng iba't-ibang matatamis na pagkain kagaya ng muffins, cakes, candies, lollipops and chocolates.

Sa harap niya ay may estante na puno ng klase-klaseng paninda, iba-iba ang kulay at hugis. Sa dami niyon ay nalito na siya kung ano ang pipiliin.

"Ahm, para po ba sa girlfriend n'yo, Sir? May limited edition po kaming package ng chocolate bouquet with teddy bear po. Mejo malaki po ang bear namin kaya siguradong magugustuhan ni ma'am."

"Pwede ko bang makita?" wala siyang alam sa mga bagay na iyon dahil hindi naman siya nagbibigay ng ganoon sa mga naging girlfriends niya pero sa dating ng pagkakasuggest ng tindera ay mukhang maganda ang inooffer nito.

" Sure po! Wait lang at kukunin ko." pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas ito bitbit ang ponpon ng chocolates na may tangkay, nakabalot ito sa pink na papel. Kagaya ng sabi ng babae ay mukha talaga itong bouquet ng bulaklak iyon nga lang ay chocolates.

"Ito napo ang package natin, Sir. At ito po ang ating bear, I call him, kasi lalaki po ito, chum-chum." Iprenisinta sa harap niya ang kulay light brown na teddy bear. May pulang ribon sa leeg at mga nasa 20 inches ang laki.

"Okay, kukunin ko." aniyang hinugot ang wallet sa bulsa.

"Ang swerte naman po ng girlfriend nyo, Sir. Mahal na mahal niyo kasi naisipan nyo pang bigyan ng ganito. Sigurado ako ang ganda niya."

Napangiti siya sa katabilan ng tindera, nakakatuwa ang PR nito, effective sa customers.

"Yes, maganda siya pero hindi ko siya girlfriend." kumuha siya ng dalawang libo sa pitaka at binigay sa tindera.

"Oy, nanliligaw palang pala kayo? Ah sigurado akong sasagutin kayo nun, sabayan niyo ng ngiti sir, para pak na pak!" kinuha nito ang pera at binuksan ang kaha. "Sa gwapo niyong iyan, walang babaeng aayaw, jusko!"

Bahagya nang nagkaboses ang tawa niya. Kenkoy ang babae, maganda itong kasama sa trabaho, nakakawala ng pagod.

"No, anak ko siya."

Natigilan ito sa paglalagay ng pinamili sa paper bag.

"Ay, anak? May anak na po kayo? Ang bata nyo pa po tingnan, Sir. Anyway, ito napo ang chocs and bear nyo. Maraming salamat! Kung gusto nyo pa po magkaanak, available po akong magpaampon.'" anitong ngumisi.

"Sige, salamat." aniyang lumabas na sa salamin na pintuan.

Nächstes Kapitel