webnovel

Sen & Prince

Chapter 1

Ako si Prince Dollente, bata pa lamang ako pangarap ko na ang makapag aral sa isang sikat na private school sa lugar namin. Isang araw ng buksan ko ang pinto ng aming bahay agad na niyakap ako ng aking ina ng mahigpit. Tuwang-tuwa ang aking ina naibalita na nakapasa ako sa isang scholarship na offer ng Olracz Academy kung saan mga lalake ang mga nag-aaral dito.

Hindi ako makapaniwala na makakapag aral ako sa isang school na dati ay pangarap ko lamang. Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na tatapak ako sa Olracz Academy. Mga mayayaman at matatalino ang mga nag-aaral dito. Masyado ata mataas ang pangarap ko pero andito na to e, tatanggihan ko pa ba? Sa susunod na pasukan ay Grade 11 student na ako at STEM ang strand ko.

-2 months ago-

Maaga akong nagising. Tumayo ako at maagang naligo. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko . Medyo nanginginig ang mga tuhod ko. Excited ako na parang ayaw kong pumasok. Sinuot ko na ang aking uniform. Pakiramdam ko tuloy anak ako ng isang mayaman dahil sa aking suot.

Nakarating na ako sa Olracz Academy. Bago ako pumasok sa loob pinagmasdan ko ang labas nito. Nalulula ako sa aking nakikita. Napakaganda parang hindi ata ako bagay sa lugar na ito. Pero hindi, andito na ako hindi ako mag-aaral dito para makipagsabayan sa kanila andito ako para sa mga pangarap ko. Mag-aaral akong mabuti.

Pumasok na sa loob ng campus si Prince. Pagpasok niya sa loob ng classroom nila nakatingin sa kanya ang mga classmates niya. May nakita siyang isang bakanteng table and chair sa likod at doon siya umupo.

Dumating na ang kanilang adviser na si Mr. Alvin Espino at nagpakilala ito sa kanilang harapan.

Isa-isa silang nagpakilala sa harapan at huling nagpakilala si Prince. Dahan-dahang lumakad si Prince papunta sa harapan. Sobrang kinakabahan siya dahil halos ng mga classmates niya ay matagal ng magkakakilala at siya lamang ang bago sa kanilang section. Habang naglalakad siya papuntang harapan nakatingin sa kanya ang kanyang mga classmates. Nakarating na siya sa harapan at ilang mga sigundo din bago siya nagsalita.

"Hi everyone, I'm Prince T. Dollente. I'm 17 years old from Anao, Tarlac. I was born in Bulacan but

my mother decided to stay here in Tarlac and we are living here for 11 years. I'm from public school and I graduated With High Honors. I like reading books and i do jogging in my spare time. Again, good morning and nice to meet you guys. "

Napahanga ni Prince ang kanyang mga Teachers at mga classmates sa kanyang ipinakitang galing sa lahat ng kanilang mga subjects. At dahil dun medyo nawala na ang kanyang kaba at naging mas confident pa siya sa kanyang sarili.

Dismissal na ng hapon at nagmamadaling umuwi ang mga classmates ni Prince at naiwan siya sa

loob ng classroom. Habang inaayos niya ang kanyang mga gamit. May nagsalita sa pintuan

Napalingon siya at nakita niya ang kanyang classmate na si Sen. Napatitig sya dito ng mga ilang sigundo. Dahil ito ay matangkad, gwapo, kayumanggi ang kulay at medyo payat.

"Hoy! Anong facebook account mo?" mayabang na pagsasalita ni Sen

"Sorry, pero hindi Hoy ang name ko." medyong seryosong sabi ni Prince habang inaayos

niya ang kanyang mga gamit.

"Hoy nga ang gusto ko, bakit ba?"

"Sorry pero wala akong facebook"

"Ha? instagram meron ka?"

"Lalong wala"

"Twitter, or kung ano mga account mo sa social media" pangungulit ni Sen

"Wala akong account sa social media"

"Kakaiba ka...ang weird mo ah!"

"number meron ka?" pahabol na sabi ni Sen

"Bakit ba?"

"may itatanong lang sana ako, give me your number, naghihintay na ang sundo ko"

Sa taranta niya, nilabas ni Prince ang kayang old model keypad na cellphone. Wala siyang balak ibigay ang number nito pero naibigay niya. "Kaya pala walang kang social media account" nakangiting sabi ni Sen. Dali-daling umalis si Sen at umuwi na rin si Prince.

Kinagabihan habang gumagawa ng homework si Prince nag ring ang kanyang cellphone

Unknown number ito...Napaisip siya kung sasagutin ba niya ang tawag niya

pero napapangiti siya dahil iniixpect niya na ang tumatawag ay si Sen

Hindi siya nakatiis at sinagot ang tawag.

"Hello?" patanong na sabi ni Prince

"Hoy! bakit ang tagal mong sumagot?" medyo galit na sabi ni Sen

"Hello sino po sila" nakangiting sabi ni Prince kahit alam niyang si Sen ang tumatawag

"Huwag ka ngang Pabida diyan! Di mo nakikilala ang boses ko"

"Hindi nga po, sino po ba sila?" nakangiting sabi ni Prince

"Bahala ka diyan!" galit na sabi ni Sen

Pinatay ni Prince ang kanyang cellphone at napangiti na lamang si Prince at tinuloy niya na ang kanyang ginagawa. "Napakayabang talaga ng taong yun, akala mo kung sino. Humanda siya sa akin bukas. " sabi ni Sen sa kanyang isip habang nakahiga ito sa kanyang kama.

Kinaumagahan inabangan ni Sen si Prince sa hallway ng school. Dire-diretsong dumaan si Prince hanggang sa nalampasan niya si Sen.

"Hoy!" pasigaw na sabi ni Sen

Diretso pa rin sa paglalakad si Prince

"Prince yabang!!!"

Lumingon si Prince

"Yes?" patanong na sabi ni Prince

"Yes ka diyan?" sagot ni Sen habang papalapit kay Prince

"Bakit di mo nakilala ang boses ko? ako yung tumatawag sayo kagabi"

"Ah! Ikaw pala yun, sorry di ko nakilala yung boses mo" pagpapanggap ni Sen

"Save my number, para kapag tumawag ako sagutin mo agad" seryosong sabi ni Sen at diretsong naglakad papunta sa kanilang classroom.

Di na naka imik si Prince. Napabuntong hininga na lamang siya at naglakad na rin papuntang classroom.

-Recess Time-

Naiwan sa loob ng classroom si Prince.

"Hoy! di ka lalabas?" medyo pasigaw na sabi ni Sen

"Oo nga sa tuwing recess time naten di ka pumupunta ng cafetria" sagot naman ni Allen, bestfriend ni Sen

"Ah... nagtitipid kasi ako e at may baon ako. May biscuit ako, gusto niyo ba?" nakangiting sabi ni Prince. "Hayyy! Tara na Allen..ang weird" sabi ni Sen

-Lunch time-

"Prince, bakit di ka lumalabas tuwing recess at lunch time" sabi ng kanyang bully na classmate na si Tristan

"Oo nga naman Prince" sagot ng mga ibang classmates niya

"Ah, mas gusto ko kasi dito e. " sagot naman ni Prince

"Mas gusto mo ba talaga na nandito ka o nahihiya ka sa baon mo" sabi ni Tristan

Napatulala ang mga classmates niya lalo na si Sen at Allen. "

Dahan- dahang kinuha ni Prince ang kanyang bag at dahan-dahang binuksan ito. Nang buksan niya ito wala ang kanyang lunch box sa loob ng kanyang bag.

"Eto ba ang hinahanap mo?" sabi ni Tristan.

Napatingin ang lahat sa hawak na lunchbox ni Tristan. Nanginginig at napapaluha si Prince.

"Na curious lang kasi ako e, kaya kinuha ko ito sa bag mo, sorry ah" mayabang na sabi ni Tristan

Binuksan ni Tristan ang lunchbox at pinakita niya ang laman nito sa lahat. Napangiti ang iba at nagtawanan naman ang iba. Konting kanin at isang nilagang itlog ang laman ng kanyang lunchbox.

Tumayo si Prince at tumakbo palabas ng classroom. Hiyang hiya siya sa nangyari. Sinundan naman ito ni Sen at Allen. Nagpunta si Prince sa Oval ng school at tumakbo ng ilang beses paikot sa oval habang umiiyak. Napaluhod si Prince sa sobrang sakit ng nararamdaman.

"Hoy! Tumayo ka nga diyan!" pasigaw na sabi ni Sen.

Lumapit si Sen at Allen kay Prince.

"Sabi ko tumayo ka diyan?"

"Hoy Sen! Huwag mo naman pagilatan si Prince" sabi ni Allen

Inabot ni Sen ang kanyang kanang kamay kay Prince, tiningnan ni Prince ang kamay nito.

"Di ka tatayo!!! Di ba matapang ka, dapat di ka umiiyak ng ganyan, para kang di lalake" medyo galit na sabi ni Sen.

Dahan-dahang hinawakan ni Prince ang kanang kamay ni Sen at tumayo ito.

"Tara kumain na tayo nagugutom na ako, tara treat ko." sabi ni Allen.

Sinama ni Sen at Allen si Prince sa Cafetria at sabay-sabay silang kumain ng lunch. Pagkatapos nilang maglunch ay bumalik na sa sila sa kanilang classroom. Habang hinihintay nila ang kanilang first subject sa hapon nagpunta sa harap si Sen.

"Tristan!" galit na sabi ni Sen

"Problema mo!"

"Ikaw ang problema ko!!!"

Lumapit si Tristan kay Sen at susuntukin niya sana ito ngunit napigilan ito ni Allen at iba pang classmates nila.

"Ano ba problema mo? at ang yabang yabang mo!!! Ano ba ang gusto mo?" pasigaw na sabi ni Tristan.

"Gusto ko mag sorry ka kay Prince" seryosong sabi ni Sen.

Napatingin si Prince kay Sen at Tristan.

"Hindi dapat ganyan ang treatment naten sa mga new classmates naten o sa iba pa, lalo na kung wala naman silang ginagawa sa ating masama." sabi ni Sen

"Mag sorry kana kasi" sabay sabay sabi ng mga classmates nila

Walang nagawa si Tristan kung di ang mag sorry kay Prince. "I'm sorry Prince." sabi niya, dahil na realized niya na mali rin ang kanyang ginawa. Lumapit siya Prince at nakipag shake hands ito.

"Kiss...kiss...kiss..." pagbibiro ng mga classmates nila at sabay sabay silang nagtawanan hanngang sa dumating na ang kanilang teacher.

Kinagabihan tumawag si Sen kay Prince.

"Hello, napatawag ka?"

"Di ka man lang ba magpapasalamat sa akin?"

"Eto nga tina-type ko yung sasabihin ko sayo kaya lang tumawag ka naman"

"Thank you. " nakangiting sabi ni Prince

"Ok"

"Bakit ka pala napatawag?"

"Bukas huwag ka na magbaon?"

"Ha???"

"Bingi ka ba?"

"Hindi...bulag lang"

"Hahahaha..nakakatawa ka"

"bakit nga?"

"Basta huwag ka na magbaon bukas, dahil ako na ang bahala sa lunch at snacks mo"

"You don't have to do it."

"Bakit sinabi ko bang libre?"

"Wala akong pambayad"

"Alam ko" natatawang sabi ni Sen

"Ang gusto ko i-tutor mo ako sa math..kapalit nito lunch at snacks mo"

"Ah..kasi"

"Ok lang naman kung ayaw mo"

"Cge cge" sabi ni Prince.

Nächstes Kapitel