webnovel

Thirty Six

(Mary Mallory Hospital)

(Miyaki's POV)

"Because I having a confession."

 Nagulat kami sa sinabi ni Ate.

"Confession?"

"His confession." at tumingin siya kay Earl na halos mabasa na ang kanyang mukha sa kakaiyak.

"I'm just be his representative. Pero sana, maramdaman ninyo ang kanyang taos-pusong paghingi ng tawad." at inilabas ni Ate Cynthia ang isang papel na tila isang sulat.

------------------------------------------------------------------------------------------------

To my dearest Miyaki,

 

First of all, a good day to you.

 

Kaya ako napasulat ay para humingi ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan sayo. Alam kong nasaktan kita at napakalaking pilat ang nagawa ko sa puso mo. I really deserve this misery, pambawi man lang sa nagawa kong kasalanan sayo.

 

Miyaki, I'm sorry if I still love you. Matagal ko nang pinagsisisihan ang mga nagawa kong kasalanan sayo, pero alam kong di basta-basta mapapawi ng sorry ko ang sakit na nararamdaman mo hanggang ngayon. Pero sana sa sulat kong ito ay matanggap ko na ang kapatawaran mula sayo at kay Callix, kapatawarang aking panghahawakan hanggang sa aking kamatayan.

 

Sana, pag nawala na ako, manatili kang nakangiti at masaya. Sana ay lagi kang maging matatag sa buhay. Miya, wala akong ibang hinangad kundi ang makita kong maging masaya kayong dalawa. Matagal na kitang ipinaubaya kay Callix dahil alam kong iingatan at aalagaan ka niya, mga bagay na di ko napanindigan noon. Malaki ang tiwala ko sa kanya dahil nararamdaman ko kung gaano ka niya kamahal.

 

Para naman sayo Callix, alagaan mo si Miyaki. Wag mo siyang papabayaan. Wag kang tutulad sa katulad kong walang kwenta, kundi magsisisi ka katulad ng nangyayari sa akin ngayon. You deserved a beautiful, intelligent and kind girl like Miyaki and much more of that, you're lucky for having her in your life. Masuwerte ka at si Miyaki ang minahal mo. Kaya sana naman ay maalagaan mo siya at maging habambuhay na ang kaligayahan ninyo.

 

Siguro pag namatay na ako, magiging maayos na ang lahat. Pag nawala na ako sa landas ninyong dalawa, magiging tuluyan na kayong masaya. Ngunit, sana....bago man mangyari ang hinihiling kong iyon, kahit man lang sa sulat kong ito...ay matanggap ko ang kapatawaran mula sa inyong dalawa.

 

Again...I'm so sorry. Dapat sana'y matagal ko nang ginawa ang bagay na ito, pero hindi ko magawa dala ng maraming dahilan.

 

I'M REALLY REALLY SORRY.

 

And I love you Miyaki.

 

Goodbye.

 

- Earl -

 

------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagkabasa ni Ate Cynthia sa sulat ay walang tigil ang pagbalong ng luha sa mga mata namin ni Callix.

"Idinaan na lang ni Earl sa sulat ang paghingi niya ng tawad." and Ate cried. "At ang babaing yun, si Arcel, isa siya sa mga dahilan kung bakit di makalapit si Earl sa inyo. Ayaw niyang mapahamak kayo sa kamay ni Arcel. Tuso ang babaing yun at wala siyang sinasanto, magawa lang niya ang binabalak niya. Ako ang saksi sa bawat araw na dumaraan sa buhay niya. Earl is my patient, and he suffering to leukemia. Stage 4 na. Doktor na mismo ang nagsabing wala nang lunas pa ang sakit niya." and she smiled. A smile that full of hope. "Pero naniniwala pa rin ako na makakaligtas siya. Alam kong may pag-asa pa sa puso ni Earl. At para magawa ko yun, kinailangan ko ang tulong nyo...kahit na alam kong kasusuklaman nyo ako pagkatapos ng araw na ito. Callix.....Miya.....I'm so sorry. Gusto ko lang na maging masaya si Earl kahit na...kahit na mawala na siya. He's a good friend to me, at mahalaga sa akin na maging masaya siya."

Natulala kaming dalawa ni Callix pagkarinig namin sa mga sinabi ni Ate Cynthia. Habang nakikinig nga kami sa binabasa ni Ate Cynthia, si Earl ang nakikita kong kumakausap sa aming dalawa at buong pagpapakumbaba siyang humingi ng tawad. Nang matapos nang mabasa ni Ate ang sulat ay doon ko na lang napagtanto ang lahat kasabay ng biglaan ngunit mapayapang pag-alis ng lahat ng galit at poot sa puso ko. 

Awa at pang-unawa ang nadarama ko ngayon kay Earl.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at dahan-dahan kong nilapitan si Earl. At mas lalong nahabag ang puso ko sa malungkot na kalagayan niya.

"E-Earl.....k-kamusta ka na?" ang bati ko sa kanya pero laking gulat ko nang yakapin niya ako ng napakahigpit.

"Miya, I'm sorry, I'm really really sorry! Nagkamali ako, naging mahina ako, naging tanga ako." ang umiiyak na sabi niya habang nakayakap siya sa akin. Ako naman ay hindi na napigilang maiyak pa dala ng awa ko sa kanya.

"Earl, please listen. Alam ko na ngayon ang lahat. Pinapatawad na kita."

"T-talaga? Pinapatawad mo na ako?" ang biglang nagalak niyang sabi sa akin.

"Oo. Pinapatawad na kita. Pero patawarin mo sana ako sa sasabihin ko." sabay lapit ko kay Callix at hawak ko sa kamay ng lalaking mahal ko. "Si Callix na ang mahal ko."

Natahimik bigla si Earl pero nakita kong napangiti siya. "Okay lang. Matagal ko nang tanggap ang lahat. I'm sorry. I'm sorry kung mahal pa rin kita. Pero alang-alang sa kaligayahan ninyong dalawa.....nakahanda na akong magparaya. Ipapaubaya na kita sa kanya. Masaya na akong mamamatay. Masaya na akong mamamatay." ang sabi niya pero laking gulat niya nang tumayo si Callix sa kinatatayuan niya.

"Hindi ka mamamatay! Mangako ka, alang-alang kay Miyaki at sa pamilya mo, na hinding-hindi ka mamamatay!" Callix said.

"C-Callix....." ang tila biglang natauhang sabi niya.

Lumapit si Callix at hinawakan niya ang kwelyo ng hospital gown na suot ni Earl. Pinilit naming awatin ni Ate Cynthia si Callix pero di siya magpaawat.

"Umaasa ang pamilya mo na gagaling ka. Na makakaligtas ka! Tapos ikaw, ni hindi mo man lang kayang bigyan ng pag-asa ang sarili mo! Earl, mangako ka. Kung mahal mo talaga si Miyaki, lalaban ka hanggang sa huli. Lalabanan mo ang sakit na yan!"

Napatulala si Earl at lalo siyang napaluha. Si Callix naman ay nadala na rin sa bugso ng kanyang damdamin, napaiyak na rin siya.

"Please Earl. Ipangako mo kay Miyaki na gagaling ka. Gagaling ka sa sakit na yan. Ang tunay na tao, kahit alam niyang wala nang pag-asa pa sa buhay niya....naniniwala siyang ang kapangyarihan ng Diyos ang makapagliligtas sa kanya." Callix said.

"Oo. Alam ko na ngayon. Lalaban ako hanggang sa makakaya ko. Lalabanan ko ang sakit na ito at magsisimula ako ng panibagong buhay ko. Lalaban ako. At mananalo ako. Makakaligtas ako. Makakaligtas ako." and Earl cried, but this time, alam kong naliwanagan na ang pag-iisip niya at nakahanda na siyang labanan ang kanyang sakit.

Si Earl ang tipo ng tao na alam kong hinding-hindi susuko, anuman ang mangyari. At alam kong mapagwawagihan niya ang laban niya sa buhay.

Mapagwawagihan niya ito.

Nächstes Kapitel