webnovel

CHAPTER FIFTY ONE

(Roswell's Mansion, evening)

(Satchel's POV)

PAGKAUWI ko galing sa school ay nakita ko si Lola na tila may kausap sa sala. At nung lapitan ko sila ay halos mamangha ako dahil may bisita sila. And she's not just an ordinary visitor, because she exactly looks like my mom.

"Good evening po, Lola." bati ko kay Lola habang nakatitig pa rin ako sa bisita nila.

"Good evening Sachi." bati rin ni Lola sabay halik niya sa pisngi ko. "Anyways, this is my new amiga, Diana Lee." ang pakilala nila sa bisita nila.

"Nice to meet you hijo. I'm Diana Lee. You're?"

"Satchel. Satchel De Vega po." magalang na pagpapakilala ko sa kanila.

"Wow. What a nice name. Siguro, yung mommy mo ang nagpangalan sayo nyan ano?" magiliw na sabi ni Ms. Diana.

"Opo. Pero wala na po si Mommy. Nasa langit na po siya." malungkot na sabi ko.

"Oh, I'm sorry. Hindi ko intensyong makialam sa personal na buhay mo. Pasensya ka na ha." ang mapagkumbabang sabi ni Ms. Diana.

"Okay lang po." sabi ko sa kanila.

"Anyways, tawagin mo na lang akong Tita Diana. Naiilang kasi ako kung tatawagin mo akong Ms. Diana o Ms. Lee eh. Okay lang ba sayo yun?" nakangiting sabi nila.

"Opo. Okay lang po sa akin yun, Tita Diana." at napangiti ako sa kanila.

"Ang bait mo naman, anak." at napangiti ulit sila. "Sige na, magpalit ka na ng damit mo para makakain ka na ng hapunan, okay?"

"Sige po, Tita. Lola, mauna na po ako." at umakyat na ako sa taas kung saan nandun ang kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay inilagay ko ang bag ko sa ibabaw ng kama. Habang nagpapalit ako ng damit ay biglang na-ring ang cellphone ko.

🎵 When tomorrow comes, I'll be on my own... 🎵 (Flashlight by Jessie J.)

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at tinignan kung may tumawag at nag-text.

- 7 unread messages from Princess Katy -

Napangiti ako sabay basa ko sa text messages niya.

- Kain ka na hubby ko. And don't forget to review Chapters 1-12 for our 1st Periodical Test. I love you. Your wifey, Katy. -

Muli na naman akong tinablan ng kilig sa sinabi niya.

Pagkapalit ko ng damit ay binuksan ko ang TV para manood ng balita. Pero nagulantang ako sa balitang bumulaga sa akin.

- ISA SA PINAKAMALAKING HOTEL NA PAG-AARI NG MGA DE VEGA SA CEBU, NASUNOG -

"Shit." ang mahinang sabi ko kasabay ng isang malalim na buntung-hininga. Hindi ko rin maiwasang manghinayang dahil isa sa mga hotel ni Daddy ang nasunog. Natural dahil galing sa pera namin ang ginamit sa pagpapatayo ng hotel na yun.

Napanood ko ang interview ng reporter kay Daddy pero nainis lang ako nang umeksena ang salot na mag-inang Vivian at Jack. Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinabi ni Daddy at agad ko nang pinatay ang TV.

Dahil tinamaan din lang naman ako ng inis sa mga yun ay minabuti kong kumain na lang ng dinner sa dining hall, at least, mas may kwenta pa yun.

(Mitsubishi Montero Sport, evening)

(Esprit/Diana's POV)

HABANG nakatigil pa rin ang kotse ko sa harap ng bahay ni Mama ay hindi ko mapigilang maiyak sa tuwa, pagkat muli ko na namang nakita ang anak ko na si Satchel, at ang maganda pang balita ay wala na siya sa poder ni Albert, kundi nasa poder na siya ng nanay ko. Magiging madali na lang para sa akin na bawiin ang anak ko.

Pero sa ngayon ay focus muna ako sa paghihiganti ko kay Albert at sa kabit niyang si Vivian. At nakahanap ako ng kakampi sa katauhan ni Elbertson, ang lalaking kamuntik nang pinatay ni Vivian and the same time, ang tunay na ama ni Jack. Dahil sa mga masaklap na nangyari sa amin ay mas lalong lumakas ang loob ko na maghiganti at bawiin ang kung ano ang dapat lang sa akin.

Bilang na ang masasayang araw ninyo...Albert at Vivian.

DAHIL SIMULA NA ITO NG PAGBAGSAK NINYONG DALAWA!

Nächstes Kapitel