webnovel

CHAPTER THIRTY TWO

(Kensington High School, Lunch break)

(Yhannie's POV)

(School Cafeteria)

KUMAKAIN AKO ng lunch kasama si Erich sa paborito naming pwesto sa cafeteria at dinig na dinig namin mula pa kanina ang naging proposal ni Leonard sa bestfriend naming si Rhian. May mga natuwa, may mga kinilig, may mga nalungkot, may mga nanghinayang dahil taken na si Leonard at may mga nainggit kay Rhian. All in all, naging blockbuster balita ang pagiging mag-on ng dalawang kaibigan namin dito sa school. 

"Totoo nga talagang may pakpak ang balita noh Erich." sabi ko sa kanya. "Wala pa mang ilang oras mula nang maging mag-on sina Leonard at Rhian, hayun at mabilis pa sa kidlat na kumalat sa buong campus ang balita tungkol sa kanila."

"Oo nga eh. Ang dami talagang insiders sa school na ito. Parang showbiz lang." sabi naman ni Erich.

"Right. Pero masaya talaga ako para kina Leonard." I said.

"Me too. I'm so happy for them." ang kinikilig na sabi ni Erich. "Oo nga pala, pansin ko, medyo ngumingiti ka na. Naka-move on ka na ba kay Kyle?" tanong niya sa akin.

"Medyo. Hindi na ako nasasaktan pa sa tuwing nababanggit ang pangalan niya at lalong hindi na ako nahihiya o naiilang sa tuwing nakikita ko siya dito sa school." sabi ko.

"Mabuti naman kung ganun." and Erich smiled at me. "Pero pano mo naman nagawa yun, gayong ikaw na mismo ang nagsabi na mahirap mag-move on."

"Pano ko nagawa yun? Una, kinasuklaman ko ang nakakasukang pangalan niya. Pangalawa, sinunog ko na ang lahat ng mga binigay niyang regalo sa akin. Pangatlo, isinumpa ko na ang araw na naging kami maging ang monthsaries namin tapos pang-apat naman ay hinding-hindi ko na siya binabanggit pa sa mga usapan. Tsaka mula nung naadik na ako sa Diner Dash tsaka sa COC ay hindi ko na siya naiisip pa. Tsaka nung maging textmate at chatmate ko si Stallion Prince ay sa kanya na nabaling ang atensyon ko at hindi na sa hilaw na ex ko. Kaya naman sigurado na ako sa sarili kong nakaka-move on na ako." sabi ko.

"T-talaga lang ha..." ang halos mautal na sa gulat na sabi ni Erich. 

"Oo! Talagang-talaga." pagmamalaki ko sa kanya.

"Tsaka sino yung new friend mo? Stallion Prince ba ang pangalan niya?" medyo curious na tanong ni Erich, dahilan para biglang mag-init ang pisngi ko.

"O-oo. Stallion Prince ang name niya." sabi ko naman.

"Alam mo ba ang tunay na pangalan niya? Baka naman niloloko ka lang ng taong yan." sabi pa ni Erich.

"Hindi ko alam ang pangalan niya. Pero mukhang mabait naman siya. Tsaka matagal na kaming magka-textmate, mga mag-iisang buwan na rin." sabi ko naman.

"Okay. Ang mahalaga ay hindi ka na kasama sa forever bitter. Eh kailan ka naman maghahanap ng bagong boylet mo?" 

Natigilan ako sa tanong ni Erich at hindi ako kaagad nakasagot.

Naisip kong bigla si Stallion Prince, ang kaibigan ko sa text at social media at nagbigay sa akin ng 10 ways. Aaminin kong sa umpisa ay nagduda ako sa kanya, pero nung una ko siyang nakausap ay naging magaan kaagad ang loob ko sa kanya dahil bukod sa napakalamyos ng boses niya ay napakabait pa niya at masarap siyang kausap. Sa kanya ko nagawang ipagkatiwala ang mga sikreto ko at mga pinagdaanan ko sa buhay. At sa paglipas ng mga araw ay namalayan ko na lang na unti-unti na akong nai-in-love sa kanya. Sa umpisa ay hindi ko rin alam kung bakit na-develop na lang ng basta-basta ang feelings ko sa kanya pero nung inobserbahan ko ang damdamin ko ay kakaiba itong nararamdaman ko dahil mas masidhi at mas seryoso pa ito kaysa sa nararamdaman ko noon kay Kyle...na kahit sa text at chat ko lang siya nakakausap ay pakiramdam kong katabi ko siya at palagi kong kasama. Oo, alam kong mahirap nang magtiwala sa ibang tao sa ngayon, pero ayaw kong i-reject na lang ng basta-basta si Stallion Prince dahil tiyak na masasaktan ako sa huli. Kung sino man siya...sana ay magpakilala na siya sa akin sa tamang panahon nang makapagpasalamat ako sa kanya...and the same time...ay masabi ko na sa kanya ng personalan na mahal ko na siya.

Natigil lang ako sa pagmumuni-muni ko nang pinitik ni Erich ang noo ko, dahilan para bigla akong mapatingin sa kanya.

"Pinitik kita kasi kanina ka pa walang imik dyan. Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin.

"O-oo. Okay lang ako. Ano na nga pala yung tanong mo kanina?"

"Ah yun, wag mo nang intindihin yun. Tara, kain na tayo." at ipinagpatuloy na ni Erich ang pagkain niya. Itinuloy ko na rin ang pagkain ko kasabay ng paulit-ulit na pag-iisip ko sa napakalamyos na boses ni Stallion Prince.

I hope one of this days ay makilala ko na kung sino talaga siya.

Sana'y malapit na iyon.

Nächstes Kapitel