webnovel

Chapter 58

Iyakan at mga hikbi ng mga tao ang naririnig ni Kyra sa paligid niya habang pinapasok na ang kabaong ni dad sa loob ng mausoleum ng pamilya Sevilla. Itatabi ang kabaong nito sa yumao nitong asawa. Sobrang namamanhid na ang katawan niya sa sobrang pagdadalamhati. Ngayon lang ulit sumungaw ang mga luha niya at tuloy-tuloy ang mga 'yon sa pagbagsak.

Hindi niya nagawa ang sinabi niyang tingnan ito sa loob ng kabaong nito bago 'yon isinara kanina.

Hindi niya kaya..

Ni hindi siya lumapit sa loob ng mausoleum. Nasa tabi niya ang mga magulang niya at kahit ang mga ito ay hindi napigilan ang mapaiyak habang nakatingin sa ginagawa ng mga sepulturero. Nang tuluyan ng naisara 'yon ay nagsimula na ring magsialisan ang mga tao.

Hindi rin niya alam kung nasaan si Bryan, pinilit naman kasi niya na huwag hanapin ito o tumingin sa pwesto nito. Tuluyan na ring natapos ang mga sepulturero sa ginagawa, at umalis na rin. Habang siya naman ay nananatiling nakatingin sa lapida ni dad na naidikit na ng mga ito.

"B-Baby anak.. Tara na. Ihahatid ka na namin sa mansiyon.." Tawag sa kanya ng daddy niya habang hinahaplos ang buhok niya.

"S-Sasabay po ako kina, Manang Rosa, daddy. M-Mauna na po kayo.."

"Sigurado ka?" Tanong nito at tumango rin siya agad dito.

"Alam kong matapang ka, baby anak. P-Pero kung hindi mo na kaya, p-pwede kang umuwi muna sa bahay. H-Habang hindi pa kayo maayos ng asawa mo." Sabi ng mommy niya.

Sinabi niya sa mga ito kanina na hindi sila magkaayos ni Bryan ngayon. Lalo pa't kanina pa nito katabi si Georgina, imbes na siya. Kahit sa loob ng simbahan ay si Georgina pa rin ang nasa tabi nito pero nandoon din naman ang apat na kaibigan nito.

Nagalit noong una ang daddy niya noong napansin nito ang dalawa, at ang plano ay kakausapin nito si Bryan pero agad niya itong pinigilan.

And again, she lied to her parents. Sinabi niya sa mga ito na magkaibigan na lang talaga ito at si Georgina. Tapos napuna pa ng mommy niya na pasulyap-sulyap si Bryan sa kanya simula pa kanina. Pero naisip niya ay baka gusto lang nitong mag-usap sila at baka hihilingin na nitong makipaghiwalay sa kanya.

Napabaling siya sa ina at ngumiti dito ng matamis behind her tears. "K-Kaya ko po."

Hinalikan siya ng mga magulang niya at agad na nagpaalam na ang mga ito sa kanya.

Habang nakatingin siya sa likod ng mga magulang niya ay hindi niya naiwasang makaramdam ng guilt feelings. Hindi pa kasi niya sinabi sa mga ito ang plano niyang pag-uwi mamaya sa kanila. Siguro dahil gusto rin niyang makausap muna si Bryan na silang dalawa lang. Gusto niyang masettle na ang lahat tungkol sa paghihiwalay nila. At gusto na niyang matapos ang lahat sa kanila sa maayos na paraan.

Pinapromise naman niya sa sarili niya na mamaya pagkauwi niya sa bahay ng mga magulang niya ay aaminin na niya sa mga ito ang lahat ng ginawa niyang kasalanan sa mga ito, lalo na ang mga kasinungalingan niya. Her parents deserves to know the truth. Sana maintindihan at mapatawad siya ng mga ito, at sana'y supportahan siya ng mga ito sa plano niyang pagtatago sa baby niya sa ama nito. Mas desidido pa nga siya ngayon na itago na lang talaga ang pagbubuntis niya kay Bryan lalo pa't nakikita niyang magkasama na ito at si Georgina.

May kunting kirot pa din, pero pinapalakas ng baby niya ang loob niya.

Mabagal siyang humakbang palapit sa mausoleum at noong nakapasok na siya sa loob ay hindi niya napigilan ang sariling lumuhod at kapain ang lapida ni dad.

Panibagong mga luha ang nagsipagbagsakan sa mga mata niya at halos kapusin na siya ng hininga habang humihikbi siya ng malakas.

'Patawarin mo po sana ako, dad.. Patawarin niyo po ako..' Sabi niya sa isip niya habang patuloy na hinahaplos ang lapida nitong may picture nito.

Patuloy pa rin siya sa pag-iyak ng malakas at napaupo na siya sa sahig kaya hindi niya napansin ang paglapit ng isang tao sa pwesto niya. Kaya nabigla siya ng may lumuhod sa likod niya at bigla siyang niyakap ng mahigpit.

Kahit hindi na niya tingnan ito ay kilalang-kilala na niya kung sino 'yon. Ramdam rin niya ang panginginig ng katawan ng taong yumayakap sa kanya sa likod kaya alam niyang kahit ito ay umiiyak na din. Mas lalo tuloy siyang pumalahaw ng iyak habang dinadama ang init ng katawan nito sa likod niya.

Patuloy lang silang dalawa sa pag-iyak at mas lalo pang humigpit ang pagyakap nito sa kanya sa likod. Pero nabasag lang ang momentum nila ng biglang may tumawag dito.

"Honey?" Dinig niyang boses ni Georgina na nasa likod lang nila.

Doon lang siya parang nagising at mabilis na tinanggal ang kamay ni Bryan sa pagkakayakap sa kanya. Tumayo rin siya agad at iniwan na ito na nananatiling nakaluhod sa harap ng lapida ng ama nito. Hindi na niya tiningnan ang mga ito habang patuloy lang siya sa paghakbang papunta sa kinaroroonan nina Manang Rosa. Hindi rin naman siya tinawag o pinigilan ni Bryan, kaya pakiramdam niya ang nangyaring 'yon ang pamamalaam na nila sa isa't-isa.

Hindi na nila kailangang mag-usap kung ganoon. Hanggang dito na lang talaga sila.

'Goodbye, Bryan..' Usal niya ng magsimula ng umandar ang sasakyan paalis sa sementeryo.

Pagkarating nila sa mansiyon ay nagpaalam at nagpasalamat na siya sa lahat ng tao na nakasama niya sa loob ng ilang buwang pananatili doon. Napayakap siya ng mahigpit kay Manang Rosa lalo na ng umiyak ito dahil sa pamamalaam niya. Gusto siya nitong pigilan pero desidido na talaga siya, kaya wala na rin itong nagawa. Gusto pa sana siya nitong tulungan sa pag-eempake niya pero hindi naman kasi mahirap 'yon at kaya naman niyang gawin 'yon mag-isa.

She went up to Bryan's room at agad na inayos ang mga gamit niya. Kinuha niya lahat, at sinigurado niyang wala siyang maiiwan na kahit ano mang gamit dito sa kwarto niya.

Hirap na, baka ikagalit pa 'yon ni Georgina kung sakaling magpapakasal na ito at si Bryan, at dito pa ang mga ito mananatili sa kwarto na 'to.

Napagod siya sa ginawang pag-empake at kinabahan siya ng bigla siyang makaramdam ng kirot sa tiyan. Kaya napatigil muna siya sa ginagawa at napaupo muna sa kama.

"Sorry, baby. Napagod ka yata ni mama. Pero malapit na, baby. Uuwi na tayo.. Kailangan na ring magmadali ni mama. Hirap na baka maabutan pa tayo." Kausap niya dito habang marahang hinahaplos ang tiyan niya.

Noong naging maayos na ang pakiramdam niya ay nagsimula ulit siya sa ginagawa, at natapos na rin siya sa pag-eempake. Bago siya lumabas ng kwarto ni Bryan ay hindi niya napigilan ang sariling tingnan ang bawat sulok ng kwarto nito, at napahikbi na lang siya ng dumapo 'yon sa kama.

"Ano ba 'yan, Kyra! Parang may gusto ka pang maalala!" Saway niya sa sarili at agad na ngang lumabas ng kwarto ni Bryan.

Maingat niyang hinila ang dalawang maleta niyang malaki.

'Sana hindi pa nakauwi sina Bryan.' Sabi niya sa isip niya habang maingat na pinapadausdos ang mga maleta niya pababa ng hagdanan.

Nakaapat na steps pa lang yata siya ay muntik na siyang mapatili ng malakas sa sobrang gulat ng makita si Georgina sa baba niyon. Nakangisi ito sa kanya habang palipat-lipat ang tingin sa kanya at sa mga maleta niya.

Nagsimula na rin itong umakyat kaya pinagpatuloy na rin niya ang pagbaba sa hagdanan.

'Sana.. Sana wala pa si Bryan. Sana hindi ako makita ni Bryan.' Usal niya sa isip niya.

Pero sobrang imposible 'yon. Paniguradong magkasama ang mga ito. Pero hindi niya pinahalata ang pagkataranta niya at hindi na pinansin si Georgina na nanatiling nakatingin sa kanya.

Tumigil ito sa harap niya at ayaw siyang padaanin. Kaya napatingin tuloy siya rito. Naka evil smirk pa din ito sa kanya.

'Ano bang problema nito? Aalis na nga siya 'di ba?'

"Pwede bang tumabi ka?" Palaban na sabi niya dito. Pinapadelay nito ang alis niya eh.

"Well, well, well. Such a brave girl you are, Kyra. I'm just happy 'coz you're finally leaving. And I want to congratulate you for this great decision of yours." Sabi nito sa kanya sa nang-aasar na tono.

"Yes, I am. So, can you please get out of my way, para makaalis na 'ko?" Galit na anas niya dito.

"Sure, sweetie." Sabi nito sa kanya at tumabi nga kaya pinagpatuloy na niya ulit ang ginagawang paghila sa mga maleta niya pababa ng hagdanan.

Pero bigla na lang siyang napa igik ng bigla nitong hinila ang buhok niya, at sapilitan siyang pinaharap dito. Nabitawan na rin niya ang mga maleta niya.

"B-Bitawan mo 'ko, Georgina!" Pagmamakaawa niya dito habang hinahawakan ang kamay nitong humihila sa buhok niya.

Kinakabahan siya sa kayang gawin ni Georgina sa kanya, lalo pa na sobrang galit ang mababakas sa buong mukha nito. Natatakot siya para sa baby niya.

"Did you forget what I've told you before, bitch? That I'll fucking kill you?" Tapos hinila nito ulit ang buhok niya ng malakas at bigla siyang tinulak patagilid.

Ramdam niya ang lakas ng pagkabagsak niya sa isang step ng hagdanan kaya mas kinakabahan siya sa kalagayan ng baby niya.

"T-Tama na!" Pagmamakaawa niya dito ng dinaganan siya nito at inupuan ang tiyan niya.

Bigla siya nitong sinampal ng sobrang lakas at sinabunutan siya.

Hinayaan niya lang si Georgina sa ginagawa nitong pananakit sa kanya kasi mas iniisip niya ang baby niyang dinadaganan nito kaya patuloy niyang tinutulak ito palayo sa kanya. Hindi naman kasi siya pwedeng gumalaw na lang ng basta-basta. Pero masiyado talaga itong malakas at mas mabigat rin ito sa kanya. Kaya napilitan na lang siyang lumaban dito. Hinawakan niya ang mga braso nito at kinalmot 'yon. Kahit hindi masiyadong mahaba ang mga daliri ay nagmarka pa din ang mga kuko niya sa braso nito at napaigik din ito sa ginawa niya.

"You bitch!" Galit na anas nito at mas pinadiin pa ang pwet nito sa tiyan niya kaya mas nilakasan pa niya ang pagkakatulak dito.

"Kyra!" Dinig niyang sigawan at tilian na galing sa baba ng hagdanan.

"Georgina! Stop!" Mas malakas na sigaw ang narinig niya habang patuloy pa rin sa pananakit sa kanya si Georgina.

"Let me fucking go!" Sigaw ni Georgina ng binuhat ito ni Bryan at nilayo sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo!" Agad na sigaw ni Bryan dito at mas kinaladkad pa nito si Georgina ng akmang susugurin siya nito ulit.

Nakaakyat na rin si Manang Rosa at ang ibang kasambahay para lapitan siya ng bigla nagsinghapan ang mga ito.

"Dugo! Dinudugo ka!" Tili ni Manang Rosa ng makita ang dugo na sumungaw sa puting dress na suot niya. Pilit rin siya ng mga itong binubuhat.

"Ang b-baby ko! Manang... Ang baby ko..." Pa ulit-ulit niyang sinasabi habang hinahawakan ang tiyan niya at dinudungaw ang bakas ng dugo sa damit niya.

Doon niya lang din naramdaman ang sobrang pagkirot ng puson niya.

Bigla na lang din niyang naramdaman ang presensiya ni Bryan sa likod niya at ito na mismo ang bumuhat sa kanya pababa ng hagdanan.

"Ang b-baby ko... Huwag mo 'kong iwan, anak.. H-Huwag.." Patuloy na anas niya habang pinapasok na siya ni Bryan sa sasakyan nito.

Ni hindi niya tiningnan si Bryan. Napapikit na lang siya at umiiyak habang hinahaplos ang tiyan niya. Mabilis ring sumakay si Manang Rosa sa loob at tumabi sa kanya para mahawakan siya ng maayos.

Natataranta yata si Bryan kasi hindi nito napaandar agad ang sasakyan. At ng napaandar na nga nito 'yon ay mabilis nitong pinasibad 'yon.

"S-Shit!" Mura nito sabay hampas sa manibela.

Patuloy rin ito sa pagbubusina ng malakas para padaanin sila ng mga sasakyan. Pero hindi na niya masiyadong naririnig 'yon, pakiramdam niya'y nabingi na siya sa sobrang takot at kabang nararamdaman ngayon.

"P-Please, baby.. Huwag mong iwan si mama.." Anas niya habang patuloy na umiiyak at hinahaplos ang tiyan niya. "Huwag mo 'kong iwan.."

Nächstes Kapitel