webnovel

Chapter 17

"Baby anak, gising.."

"Ummm..." Kinusot-kusot muna niya ang mga matang medyo antok pa bago niya minulat ang mga 'yon.

Agad siyang napaupo sa kama at niyakap ang super gwapo niyang daddy-yo na nakaluhod pa sa sahig sa tabi ng kama niya.

"Daddy!"

"At last! At nagising na ang maganda naming prinsesa!" Magiliw na sabi ng daddy niya na yumakap din sa kanya at hinalikan siya sa batok. "Miss na miss ka namin ng mommy mo, anak."

"Hindi ka na po nagtatampo?" Pabebeng tanong niya dito.

Natawa na lang ito sa kanya at tinulungan na siyang tumayo sa kama at kakain na daw sila ng early dinner.

Kanina pa daw ito nakauwi at pangatlong beses na daw nitong balik 'yon para gisingin siya. Pero grabe daw ang tulog niya. Nagtanong pa nga ito kasi ang puffy daw ng mga mata niya. Nirason na lang niya na sobrang antok niya siguro at baka nakusot niya ng sobra ang mga mata kaya naging ganoon.

"Kanina pa ako nagugutom pero ayaw ako pakainin ng mommy mo ng binake niyang cake hangga't hindi ka pa nagigising. Kawawa naman ang daddy mo."

Natawa na lang siya dito, kahit siya ay nakaramdam na rin ng gutom. Hindi pa pala siya nakakain buong araw! "Pero daddy maliligo muna ako, okay lang po ba? Just give me an hour po!"

"Baka mamamatay na talaga sa gutom si Daddy pag mag-iisang oras ka pa anak! Baka maiimagine ko ng roasted chicken ang mommy, sige ka!"

Natawa na lang ulit siya dito at kahit kumakalam na ang tiyan ay mas gusto pa ring makaligo muna. Pinayagan naman siya nito kaya binilisan niya ang pagligo para makakain na din.

Nasa hapag kainan na sila at pinagsisilbihan talaga siya ng mga magulang niya. Kaya ramdam niya talaga na miss na miss siya ng mga ito and she definitely feels the same way.

Gutom na gutom talaga siya at pangalawang kuha na niya ng kanin 'yon.

"Kinwento pala ng mommy mo ang nangyari sa pasyente mo. Mabuti na lang at okay na siya. Hindi ka ba nahihirapan doon, anak? Alam kong iba ang trabaho ng nurse na nagtatrabaho sa hospital at ang private nurse."

Nilunok muna niya ang pagkain bago sinagot ito, "Hindi, daddy! Mas magaan nga po ang trabaho ko kay Uncle. Tapos ang bait pa po niya sa 'kin!"

Pero biglang nag pop ang mukha ni Bryan sa isip niya.

Hays! Erase, erase, erase!

"Mabuti naman kung ganoon, anak! Always remember that we are proud of you! At kahit mahigpit si daddy ay mahal na mahal kita, okay?"

"Daddy naman, eh! Naiiyak tuloy ako!" Napalabi na lang siya pero agad ding nangiti ng kinurot nito ang ilong niya.

"Hindi pa rin talaga ako panatag na malayo ka sa 'min ng mommy mo. But I guess you need this too, for you to grow and blossom in your career. Pero, hindi pa rin pwede ang boyfriend, baby anak, huh? Pakilala mo muna sa amin bago mo payagang manligaw." Napangiwi tuloy siya sa sinabi nito, "At kung may problema ka, don't hesitate to call us. We're always here for you, remember that as well."

'Hays. May problema nga ako 'Dy, but I can't tell you.. I'm sorry daddy and mommy..' Sabi niya sa isip niya habang tinitingnan ang mga ito.

Pagkatapos nilang kumain ay agad siyang pinaakyat ulit ng parents niya sa kwarto. Gusto nilang magpahinga daw siya ulit at mukhang napagod daw talaga siya sa biyahe.

Noong nasa loob na siya ng kwarto ay doon niya lang naalala ang phone niya na fully charged na. Pagkabukas niya niyon ay nakatanggap agad siya ng tatlong text messages from an unknown number. Kaya naalala niya si Arthur, and the messages were really sent by him.

Sinave niya muna ang number nito sa contacts at magrereply na sana siya dito ng biglang nagring 'yon.

"Arthur! Hello!" Bati niya dito.

"Hi! Mabuti naman at open na ang phone mo. I really thought you scam me and gave me a wrong number." Sabi nito sa kabilang linya sabay tawa.

"Loko! Hindi ah! Pasensiya na at nakatulog ako agad pagkarating sa bahay. At pasensiya din pala at hindi ako makakasama sa'yong magdinner. Tapos na kasi kumain at medyo strict si daddy... Sorry.."

"Oh. Strict pala ang parents mo? Well, I can't blame your dad, if you were my daughter baka hindi ka na makalabas sa bahay or worse, baka papasusuotin kita parati ng face mask." Sabi nito sa kanya sabay tawa ulit.

"Loko-loko ka pala, Attorney ha! So, gusto mo tatawagin na kitang tatay?"

"Sige ba! Basta.. nanay na din ang tawag ko sa'yo?"

"Pick-up line pa more, Attorney!" Sabi niya dito at natawa na lang ito sa kabilang linya.

"Anyway, babalik ka pa ba sa hospital bukas?" Tanong nito sa kanya.

"Yeah! Hindi ko kasi naabutan ang doctor ni Uncle kanina kaya dapat maaga pa ako bukas."

"Great! Anong oras? Baka dadaan din kasi ako! Baka mapagbigyan mo na rin akong magsnacks or lunch or dinner tayo?"

"S-Sure, Attorney!" Pagpayag niya dito.

Wala naman sigurong masama 'di ba? Friendly date lang naman siguro ang nais ni Arthur..

Dinig niyang natatawa ito na parang hindi makapaniwalang pumayag siya, "Promise? Great then! I'll see you tomorrow, Kyra. And please just call me Arthur na lang."

"Okay, Arthur! See you!"

"See you! Ikaw na mag end call. Goodnight in advance."

Napagoodnight din siya dito at agad ng binaba ang tawag. Dapat ba talaga niyang pag bigyan 'to? Wala naman talagang masama if makikipagkaibigan siya 'di ba? Ayaw naman niya lagyan ng malisya ang pag-iimbita nito. Hopefully, pagkakaibigan lang talaga ang nais nito at wala ng iba pa. Ayaw niya sanang magdagdagan pa ang pinoproblema niya ngayon.

Pakanta-kanta pa siyang naglalakad papasok sa hospital at kahit 'yong guard kung saan niya iniwan ang maleta niya kahapon ay nangingiting bumati sa kanya. Hinatid siya ng daddy niya papunta dito sa hospital. Hawak-hawak niya sa isang kamay ang box kung saan nakalagay ang bagong gawang chocolate cake ng mommy. Binawasan ng mommy niya ang sugar content niyon para makakain naman si Mr. Sevilla kahit kunti.

Pagkatapos niyang kumatok ay agad niyang binuksan 'yon para mabati si Mr. Sevilla.

"Good morning Uncle.. and Arthur!"

"Good morning, iha."

Habang si Arthur ay ngumiti lang sa kanya.

Lumapit na siya sa mga ito at nilahad niya ang cake na gawa ng mommy niya kay Mr. Sevilla.

"Wow! Favorite ko 'to! Pakisabi sa mommy mo na salamat, iha, ha? Tagal ko ng hindi nakakain nito."

"Asus! Gaya-gaya si Uncle! Favorite ko din 'to eh!" Sabi niya dito at natawa lang ito habang si Arthur ay nangingiti lang at hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Sure po, Uncle! At pwede ka pong makakain niyan kasi binawasan ni mommy ang asukal. Basta kunti lang po ah at mamaya na after mong mag lunch." Dagdag niya at agad na inilayo 'yong box kay Mr. Sevilla at parang natatakam na itong tikman 'yon.

Ipinasok niya 'yon sa loob ng ref at agad na bumalik sa tabi ng kama ni Mr. Sevilla. "Kamusta ka na, Uncle? Ang saya po yata natin ngayon ah!" Tukso niya dito kasi kakaiba talaga ang aura nito. Sure siya na dahil 'yon kay Ma'am Selena.

Nangingiti lang ito sa kanya, "Halata ba, iha?"

"Asus!"

Biglang may tumawag sa phone nito at agad na sinagot 'yon ni Mr. Sevilla, kaya napabaling ang tingin niya kay Arthur na nanatiling tahimik pero nakangiti sa tabi niya.

"Kanina ka pa?"

"Hindi naman. Kararating ko lang din pagdating mo." Sagot nito sa kanya. "Nagbreakfast ka na ba?"

"Yeah. Ang aga kasi nagising ni mommy. Ikaw?"

"Not yet. Akala ko kasi hindi ka pa nakabreakfast kaya sasabay sana ako sa'yo."

"Hala! Sorry naman! Kumain ka kaya muna! Wala kang trabaho?"

"Mamaya na lang siguro. Nakakape naman ako bago pumunta dito. Hmm.. Mamaya pang hapon ang appointment ko with a client. So, baka pwede na tayong sabay na maglunch mamaya?"

Awkward siyang tumawa sa sinabi nito.

Parang may something. Ewan.

"K-Kung okay lang kay Uncle?" Nag-aalinlangang sagot niya dito at napabaling na lang ulit kay Mr. Sevilla noong nagpaalam na ito sa kausap.

"Sige, Rosa. Salamat." Dinig niyang sabi ni Uncle.

So, si Manang Rosa pala ang tumawag.

"Paparating na daw sa bahay ang mga kagrupo ni Bryan. Magbabakasyon ng isang linggo." Pag-iinform sa kanila ni Uncle. Nakangiti ito.

"That's great then Uncle. Ibig sabihin ay mananatili rin si Bryan sa bahay niyo kung ganoon." Sabi naman ni Arthur.

"Oo, iho." Sagot naman ng Uncle niya na bakas ang kasiyahan sa mukha.

Napakagat-labi tuloy siya. Sana matagalan pa si Uncle dito sa hospital para hindi na kami masyadong magpang-abot ni Bryan sa bahay nila.. Sana naman, Lord. Parang ayaw pa kasi niyang sabihin kay Mr. Sevilla na payag na siya sa plano nito at baka mamadaliin nito 'yon.

Pero hindi yata nadinig ang hiling niya. Kasi pagkarating ng doktor ni Mr. Sevilla ay pinayagan na itong makauwi sa araw na 'yon.

Papungas-pungas na bumangon si Bryan sa kama niya. Antok na antok pa siya pero nagising siya sa malalakas at tuloy-tuloy na pagkatok sa pinto ng kwarto niya na parang magigiba na 'yon. Hindi siya kaagad nakatulog kagabi. Naeexcite siguro siya sa pagdating ng mga kagrupo niya, at lalo na ng girlfriend niya. Natagalan din sila sa pag-uusap ng girlfriend niya kagabi. Dalawang beses pa sila nag-ano through Facetime video call. Alam niyo na 'yon. Kaya hindi na rin siya nakabisita sa puntod ng mommy niya. Sa susunod na araw na lang siguro, isasama niya rin si Georgina doon.

"Sino ba 'yan?!" Malakas na sigaw niya habang lumalapit sa pintuan niya.

"Big bro!!! Open up!" Dinig niyang sigaw ni Justin.

Alam na ng mga ito na nagising na siya pero patuloy pa din ang mga ito sa pagkatok at plano yata talaga ng mga ito na sirain ang pintuan ng kwarto niya.

"Tol? Big bro?"

Mabilis niyang binuksan ang pinto. Ang hindi niya alam ay nakadikit pala ang mga ito sa mismong pinto kaya tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga ito sa sahig.

"Aray!"

"'Tol naman eh!"

Reklamo ng mga ito sabay hawak sa mga parte ng katawan na nasaktan. Natatawa siyang tinulungan ang mga itong tumayo.

"Muntik niyo ng masira ang pinto ko kakakatok! Kasalanan niyo 'yan!" Sabi niya sa mga ito sabay tawa.

"Kung magkapasa kami at mabalian lagot ka kay Sir Lander! Isusumbong kita, big bro!" Sabi ni Justin.

Natawa na lang siya at niyakap ang mga ito isa-isa. "I miss you, guys."

"Yuck! Bakla!" Reklamo ng mga ito pero natawa na lang din.

Niyaya na niya ang mga itong bumaba para mag-agahan pagkatapos niyang mag-CR. Kumain na daw ang mga ito pero nagugutom daw ulit pagkaamoy ng masarap na pancakes sa baba. Nasabihan na niya si Manang Rosa tungkol sa pagdating ng mga kagrupo niya kagabi, kaya agad nitong pinaayos sa mga kasambahay ang apat na guest room para sa mga ito. Naipasok na din doon sa mga kwarto ang mga gamit ng mga ito.

Kasalukuyan na silang nakaupo sa hapagkainan. Kita niyang naglalaway na talaga ang apat pagkakita sa nakahandang pagkain. May pancakes, french toast, bacon, eggs, sausages, at ham doon. May fresh fruits din, juice, at kape. Andoon din sa likod nila ang ibang kasambahay na nagbabantay in case na may i-uutos pa sila.

"Iba talaga ang lasa ng mga pagkain ng mga taong ubod ng yaman!" Sabi ni Justin habang ngumunguya ng sausage.

"Oo nga Bry. Malakas na ang hinala ko dati na mayaman ka pero hindi ko alam na ganito pala kayaman." Sabi ni Nathaniel.

"Kung ganito ako kayaman, baka hindi na ako magaartista! Lahat ng chix ko patitirahin ko sa mansyon namin. Tapos matutulog, kakain, lalaro, at mag-oorgy na lang kami ng mga chix ko!" Sabi ni Russel babaero sabay tawa ng malakas.

Agad napatakip ng tenga si Justin sa sinabi ni Russel. "My virgin ears!"

"Ang daddy mo pala Bry?" Tanong ni Nathaniel.

"He's okay, I guess. By the way, susunduin ko pala si Georgina sa airport mamaya."

"Uuwi si Georgina?"

"Yeah. Babakasyon din rito. After lunch na ako aalis papuntang airport, sasama kayo?" Tanong niya sa mga ito.

Nakita niyang napaismid sina Justin at Russel, habang nakatingin lang si Wilbert at Nathaniel sa kanya. He knows hindi boto ang mga ito kay Georgina. Dalawang beses pa lang yata nila nameet si Georgina, kaya hindi pa ng mga ito masyadong kilala ang girlfriend niya. Pero kung makikilala lang ng mga ito ng husto ang girlfriend niya paniguradong magugustuhan ng mga ito si Georgina.

Nächstes Kapitel