webnovel

#FL 14

#FL

I was too stunned to say something while staring his brownish deep eyes. Hindi ako makagalaw dahil iba ang naiisip ko.

He wants me to stay here with him? Anong gagawin namin dalawa?

Sumingkit ang kanyang mata nang tumawa ito. Agad niya ginulo ang buhok ko tila nabasa niya nasa isipan ko.

"We're not staying here. Isasama kita sa tambayan ko."

Napakunot noo ako. Tambayan?

Isinakay na niya ako at yumakap sakanya. Boung biyahe ako nagtataka sa sinabi niya kanina habang nagmamaneho siya. Saan?

But I never expected na it was a lake. Binaba niya ako at hinila papunta sa buhangin. It was a brown sand that it against my skin habang naglalakad kaming dalawa. Sumaboy ng malakas ang buhok ko dahil sa hangin.

"Ba't tayo pumunta dito? Ang init init." Reklamo ko. Hindi ko rin maipagkakaila na magandang tambayan ito dahil tanaw ko na mula rito ang mga upuan na may silungan din at mga matitigas na puno na nagbibigay ng sariwang hangin.

Pinaupo niya ako at tumabi sa akin.

"May ibibigay ako sayo."

Agad ko nakita ang kamay niyang may hinublot sa bulsa nito at pinakita sa akin ang silver necklace na may pendant na letrang C.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Totoo ba yan? Bakit niya sa akin binibigay?

"Z-Zev mukhang mahal yan ha?" It's obvious! I'm not bragging but I have so many pieces of jewelry and I could tell if it's fake or not! And this one can tell me that it is a damn expensive for him.

"Bakit? Don't worry pinag ipunan ko 'to."

Pinatalikod niya ako at siya na nagsout sa akin nun. How can he save for this in a weeks lang? I mean magkakakilala palang namin. Bago lang kami sa ganitong relasyon and I don't think he's aware that I am from a rich family that he will give me something expensive like this.

Should I lessen my allowance?

"Magkano 'to?" Tanong ko nang maisuot niya sa akin ang necklace. I want to pay it. Hindi pwedeng winawaldas niya lang pera niya dahil sa ganitong bagay! I'm not asking for it! Knowing his situation at bumibili pa siya ng ganito will make him even poorer.

Ngumuso siya. "Ayaw mo ba? Hindi ba maganda?" Tonog na pagtatampo ang tanong niya.

"I-I mean ang ganda nito Zev.. pero halatang mahal to. Magkano bili mo nito?"

Umiwas siya ng tingin.

"Don't ask for the price. Binili ko yan para sayo talaga."

"But Zev you should save your money for your own. Don't mind me cause I can pay myself—" natigil ako sa sasabihin ko nang ibang tunog na yun sakanya.

Narinig ko ang mabigat niyang paghinga.

"Alam ko Camille. Alam na alam ko. Alam kong mayaman ka at kaya mo sarili mo. Mahirap lang ako but please don't.." Napapikit siya at napahawak sa boung mukha.

"...don't say that. Ayokong kinakawaan mo ako dahil lang sa pera." Parang tinusok na karayom ang puso ko nang makita ko ang kanyang emosyonal na mga tingin sa akin.

"A-Am I?"

Hinawakan ko siya agad sa kamay. "Zev hindi kita kinakaawan okay?" Kumabog ang puso ko sa iniisip niya tungkol sa akin. Iniisip niya na kinakawawa ko siya dahil mahirap lang siya!

"I'm just telling that you should prioritize yourself first by using your money. Or kay Lola na may mas importanteng bilhin—"

"Why Camille? Are you telling me that I can't provide you anything as long as I can?" Napakunot noo siya.

Napailing agad ako. "No! I'm just being practical—"

"Practical or not, I love what I gave it to you! Pwede mo naman sabihin Camille na hindi mo tatanggapin dahil mahal ito at mas pinili ko pang bilhin yan since kaya mo din naman bilhin yan para sa sarili mo at sa ibang bagay na mas importante ko nalang binili! I could accepted that instead of making such a lame excuses para sabihing ayaw mo lang tanggapin—"

"Zev!"

Natigilan siya.

"I'm just concerned!" Hindi ko mapigilan sumigaw sa kanya.

Napakurap siya at malungkot na tumingin sa akin. Agad niya ako niyakap at sumandal sa balikat ko.

"Sorry..."

Huminga ako ng malalim. Nakakainis. Kakarating lang namin dito tapos mag aaway lang naman pala kami dito.

"I love it Zev... ayaw ko lang na umabot ka sa punto na kakailanganin mo ang pera." Tapat kong sinabi.

Tumango ito at sumandal lang sa akin.

"I hope you're not mad.." bulong ko.

Tumapat siya sa akin.

"Hindi ako galit.."

Malungkot pa rin siya. Bumaba ang tingin ko sa labi niya. Hinawakan ko ito at natigilan siya.

"C-Can I kiss you?" Tinignan ko siya pagkatapos kong tanungin 'yun. Gulat ang kanyang mga mata. Umawang ang kanyang labi tila hindi niya inaasahan na tatanungin ko iyon sa kanya.

"B-Baby—"

Agad ko siya hinalikan sa labi. Pumikit ako at pinakiramdam ang kanyang labi. I was tempted. Kanina ko pa napapansin ang kanyang labi. And here I am, I was asking for a kiss from him.

Nakakahiya!

Iiwas ko sana ang ulo ko nang hawakan niya ako sa batok at mas diniin ang paghahalikan namin. This is too sudden! He's doing it excellently and perfectly! Naramdaman kong bumaba ang kanyang palad patungo sa dibdib ko.

Shit.

Agad ko siya natulak dahil roon.

Nagulat siya sa ginawa ko. Napatingin ako sa uniporme ko at nanlaki ang mata kong nakabukas na ang tatlong botones ko! Mas lalo lumakas ang kabog ng puso ko at inayos ang sarili.

"S-Sorry.."

Tinulungan niya ako isara ang mga botones ko.

"Ikaw kase.." Aniya muli.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang siya at niyakap ang bewang ko.

"If you insist like that, I won't stop myself from doing it." Halakhak niya.

Hinampas ko siya.

"Subukan mo."

Hindi na siya nagsalita pa. Tanaw ko rito ang init at kumikinang na tubig dahil sa panahon ngayon.

"Zev.."

"Hmm?"

"May kapatid ka bang babae or pinsan na babae?" Tanong ko bigla.

"I don't have relatives and sister.."

Napakunot noo ako.

"Edi sino yung kasama mo sa album na babae?"

Napatigil siya at tumapat sa akin.

"Tinignan mo mga pictures ko?" Gulat na aniya.

Tumango ako. Napabuntong hininga siya at muli ako niyakap.

"Who's that girl?" Muli kong tanong nang di niya sinagot ang una kong tanong.

"Childhood friend.."

"If that's so.."

Tahimik kong pinaglalaruan ang kanyang buhok. Hindi ko mapigilan isipin ang relasyon namin ngayon. Tama ba itong ginagawa ko? O baka naman wala naman talaga mali sa ginagawa ko dahil nagmahal lang ako?

Bigla may tumunog sa phone ko kung kaya't kinuha ko ito sa bag ko habang nakasandal lang sa akin si Zev. Binasa ko ito na hindi nakikita ni Zev.

Aydin from Email:

I can't reach you. What are you doing?

Agad ko tinago ang phone ko at napapikit. I will contact you later Aydin.. I'm sorry.

"Baby.."

"Yes?"

"Sino 'yun?"

Huminga ako ng malalim. "Classmate ko. Hinahanap ako.."

"Bakit daw?"

"Leader ako sa thesis namin.."

Agad siya tumapat sa akin. Gulat na gulat.

"Bakit di mo sa akin sinabi agad?!" Hinila niya na ako patayo.

Napanguso ako.

"Babalik pa tayo sa school? Eh dalawang oras na akong late." Hindi na ako aabot dun. Baka magalit pa sa akin ang next subj namin ngayon.

Napilitan siya umupo sa tabi ko.

"I will ask someone about your schedule next time.." Bulong niya. Tumawa nalang ako at ako naman ang sumandal sakanya at kumapit sa kanya.

I hope this won't be last. I feel so relaxed and peace when I'm with him. Halos parang ayaw ko humiwalay sa kanya ngayon. Hindi ko maiwasan sumiksik pa lalo sa kanya.

Gosh.. Am I this so clingy?

Hindi ko maimagined na ganito ako tuwing kasama si Aydin. Hindi ko pa ito nagagawa kay Aydin noong nasa canada pa ako! I can't imagined it! Halos parang kapatid slash bestfriend ko yung si Aydin. And and... I can't do this to him like this.. in a romantically way.. and as a lover too..

"Ibaba mo na lang ako sa school Zev." Sabi ko rito habang nakakapit sakanya sa likod.

"Huh? Patapos na ang klase mo ngayon."

"Just do it.. may titignan lang ako." I lied. Gusto ko lang makita kung nandun pa rin si Janela kase alam kong madalas sila ginagabi ng uwi kaya siguro hindi pa siya nakakauwi ngayon. I will talk to her about our research.

Hindi na siya umimik pa. Tinulungan niya ako bumaba mula sa big bike niya nang makarating kami sa school.

"Sasamahan kita."

Napakunot noo ako.

"Hindi pwede! May naiwan lang ako! Madali lang 'to!" Ani ko rito. Hindi siya pwedeng makita nila Charity o Janela dahil alam kong mas magagalit sila sa akin kapag napagtanto nilang lumiban ako sa research para lang kay Zev.

At kasalanan ko rin naman.

Tumakbo agad ako patungo sa building namin. Wala nang estyudante ngayon dahil lumubog na ang araw. Tanging orange na kalangitan ang nagbibigay ng liwanag na kinakain na rin ng kadiliman.

Hindi pa ako nakakaakyat sa pangalawang palapag ay may narinig na akong humahagulgol sa upuan ng mga hagdan pataas.

"Tahan na! Akala ko ba okay lang to sayo?"

"Pano to naging okay sa akin?! Pinipilit ko naman ha. Pero pano naman maging okay? Nasasaktan ako!"

Agad ako tumigil sa pag akyat. Tumalikod ako at nagtago sa gilid.

"Sis naman. Maawa ka na sa sarili mo! Sila na diba? Ibig sabihin nun mahal na yung tao!"

Mas lalo humikbi si Charity.

"Pero pano yung apat na taon namin Janela?! Basta ko na lang ba 'yun kakalimutan?"

Lumabas ako at humakbang pataas kung nasaan sila nakaupo. Natigilan ang dalawa nang makita akong patuloy na humahakbang pataas.

Napatayo si Janela at kunot noong humarang sa akin.

"Kanina ka pa dyan?!"

Tinignan ko si Charity. Nakayuko lang siya at iniiwas ang ulo sa akin.

"I don't know what's happening here but I just got here awhile.."

"So hindi mo narinig ang usapan namin?" She asked.

Umiling ako.

"Kung ganun? Anong ginagawa mo dito ngayon? Hindi ba't umabsent ka ngayon?"

Huminga ako ng malalim.

"Im here because I want to talk to you about our thesis because I don't think I'll be suited being a leader—"

"Wait what?"

Mas lalo siya kumunot noo.

"Sinasabi mo bang bumaback out ka sa pagiging leader mo?"

"Yes."

"Wow naman!" Napabuga siya at sinamaan ako ng tingin.

"Absent ka na nga kanina. Aalis ka naman bilang leader! So ano naitulong mo ngayon saamin aber?"

What? Ako naman napakunot noo ngayon sa sinabi niya.

"You never ask my permission in the first place! You just decided it without asking if I like it or not! Kase kahit hindi ako leader may maiitulong ako! And I am voluntarily to do my duty as a member!"

Inirapan niya ako at pumeywang sa harap ko.

"So anong ginawa mo kanina? Ba't ka absent?" Mataray na aniya.

Doon ako natahimik ng ilang segundo. Kailangan pa ba niya malaman? Sasagot sana ako nang bigla may umakyat patungo sa amin.

"Camille?"

Napalingon kami at agad ko nakita si Zev na sout ang bag ko habang hawak niya ang susi niya sa big bike niya. Nang makita niya ako at tumagos ang tingin niya sa akin ay lumapit agad siya sa akin sabay hawak ng kamay ko.

"Kanina pa ako naghihintay sa baba. Ba't ang tagal mo baby?"

Gusto ko siyang sakalin ngayon dahil maling mali ang pagsulpot niya ngayon! Ngayon pa ba talaga!

Nawala ang atensyon ko kay Zev na tumawa nalang bigla si Janela.

"Now I know, kaya ka pala absent kase may kinakasama." Aniya at tinignan si Charity na kanina pang nakayuko.

"Tara na nga Charity! Nakakahiya dahil ang isa dyan mas importante sakanya ang lovelife kesa sa research natin!" Hinila niya patayo si Charity. Sumunod naman siya at bago pa sila makaalis ay lumingon muli sa akin si Janela.

Tinignan niya ako mula paa hanggang sa mukha ko.

"Gagawin talaga ang lahat para bakuran ang hindi naman talaga sakanila nuh?" Aniya tila nandidiri saakin at umalis na.

Humigpit ang hawak sa akin ni Zev nang marinig ko iyon. Napatingin ako sakanya. Nakatitig siya sa umalis na Charity at Janela.

"Zev.."

Napatingin siya sa akin. Seryoso ang mukha niya.

"Let's go.."

Hinila niya ako pababa para makauwi. Ngunit ako tila nakalutang habang hindi maalis sa isipan ko ang narinig ko at sinabi ni Janela.

So his ex and childhood friend is Charity? The 4 years relationship.. Siya pala yung babaeng palagi niyang kasama noong bata sila. Siya iyong nasa mga pictures..

Napatikom ako nang maramdaman kong umiinit ang magkabilang mata ko. Nakatitig lang ako sa likod ni Zev habang tahimik lang ako sumusunod sakanya. Ano kaya nasa isip niya?

Why he didn't tell me that his four years ex and childhood friend is Charity?

At bakit hindi agad saakin sinabi ni Charity tungkol sakanila? Why did she congratulated me instead? If she knows she's goddamn hurting!

"Camille.."

Natauhan lang ako nang hawakan ako sa boung mukha ni Zev.

"Don't overthink please.."

Nahigit ko ang hininga ko nung sinandal niya ang noo niya sa akin.

"I am not.."

Tinitigan niya lang ako tila binabasa kung ano nasa isipan ko.

"I'm sorry.. I should have tell you earlier."

Maybe...

Maybe sorry is for the most forgivable people. And... and I am one of those people.

Nächstes Kapitel