webnovel

CHAPTER TWENTY-FIVE

HINDI NATULOY pag-alis sa kompanya ni Anniza pero hindi ibig sabihin noon ay ayos na dito ang lahat. She wanted to talk to Shan but their big boss is currently busy. Katatapos lang ng anniversary ng kompanya at hindi siya pumunta dahil hindi niya kayang harapin ang pamilya na sinaktan ng kanyang kapatid. Wala din si Joshua. Ilang araw din itong wala sa opisina dahil pumunta ito ng Paris kasama ang ina. Nagpaalam sa kanya ang binata na aalis at kapag uwian ay tinatawagan siya ng binata para kamustahin at alamin ang nangyayari sa departamento nila.

She is thankful to Joshua. Kung hindi dahil sa ginawa nito ay baka hanggang ngayon ay nagtatago pa rin siya sa loob ng kanyang kwarto. Kapag kasama niya ang binata ay nakakalimutan niya ang mga nangyari.

Nang makarating siya ng opisina ng CEO ay ngumiti siya sa sekretarya ni Shan. Nalaman niya mula sa mga kasama na nobya na pala ni Shan si Carila. Ayon sa mga narinig niyang balita ay magkasama ang dalawa noong anniversary at pinakilala ni Sir Shan si Carila sa mga nandoon bilang kasintahan. Ang totoo ay marami na rin ang nakakaalam ng relasyon ng dalawa ngunit hindi lang talaga napag-uusapan dahil nga sa batas na umiikot sa kompanya.

"Hi, Rila." Masayang bati niya sa kaibigan.

"Hi, Anny. May kailangan ka ba?" Nakangiting tanong ni Carila.

Bigla siyang nakadama ng pagdadalawang-isip. Tumikhim siya at napalunok. "Nandiyan ba si Sir Shan?"

Nagtagpo ang dalawang kilay ni Carila. "Oo, nasa loob siya. May kailangan ka ba?"

Binundol ng kaba ang puso niya ng marinig ang sagot nito. It's really now or never. "Ahm... Pwede ko ba siyang maka-usap? Personal sana."

Naawala ang ngiti sa labi ni Carila. Napalitan iyon ng malamig na aura. "M-may ginawa ba siya sa iyo?"

"Ha! W-wala. G-gusto ko lang talaga siyang maka-usap."

Hindi nagsalita si Carila. Nakatitig lang ito sa mga mata niya. Binabasa ang emosyon na tinatago niya. Agad siyang umiwas ng tingin. Ayaw niyang may-isipin na masama sa kanya si Carila.

"Wag kang mag-alala. Hindi ko aagawin sa iyo ang nobyo mo."

Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata ni Carila. Iniiwas nito ang tingin sa kanya. Walang sabi-sabing dinampot nito ang telephone at tinawagan ang big boss.

"Ms. Jacinto from HR department is here. She wants to talk to you... She said its personal... Yes! Joshua's secretary." Tumingin sa kanya si Carila.

Ngumiti siya sa kaibigan. Nang matapos ang pag-uusap nito at ni Shan ay ibinaba nito ang telephone.

"Pasok ka na daw. He has a meeting at 11am. Lalabas kami kaya sana ay bilisan mo."

"Okay." Ngumiti siya sa kaibigan. She wanted to tease her for being possessive but she stops herself. May dapat siyang kaharapin at kailangan niya ng lakas ng loob.

Tinalikuran niya ang kaibigan at naglakad papunta sa pinto ng opisina ng big boss. Huminto siya ng makarating doon. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago kumatok. Binuksan niya ang pinto at marahang pumasok. Agad na sumalubong sa kanya ang matapang na pabango ng lalaki. Why Joshua's office smells good than Shan's office? Mas gusto niya ang amoy ng opisina ng binata. Agad niyang nakita ang big boss na abala sa mga papeles na nakatong sa mesa nito.

Tumikhim siya para makuha ang atensyon nito. Nagtaas naman ng tingin ang binata. Wala siyang nababasang emosyon sa mukha nito. Shan is indeed the CEO of the company. Cold and strick. Ito ang taong sinaktan at niluko ng kayang kapatid noon. Huminga siya ng malalim at naglakad papalit dito.

"You need something, Ms. Jacinto?" Wala pa rin siyang nababasang emosyon sa kaharap.

"I... I'm sorry." Iyon lang ang lumabas sa labi niya kahit na marami siyang nais sabihin dito.

Tumaas ang dalawang kilay ng lalaki. Sumandal ito sa upuan at pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.

"Sorry for what? As far as I know, you didn't do any wrong to me, Ms. Jacinto."

Napakagat labi si Anniza. Why this guy makes everything hard for her? Why did he just accept her sorry? Alam naman nito kung para saan ang hinihingi niya ng kapatawaran. Hinawakan niya ang dulong bahagi ng suot na damit. She needs more courage and someone who can give her that is not at her side right now.

"Alam ko po na alam niyo kung anong ibig kong sabihin, Sir Wang."

"If it's about your family then there's nothing to be sorry, Ms. Jacinto. Everything... are in the past now."

Anniza feel hurt upon hearing what he said. Wala mang emosyon ang mukha at boses nito ay alam niyang apektado pa rin ito ng nakaraan.

"Sir..."

"You have nothing to do with it, Ms. Jacinto. This is between me, your brother and Tin. Kung anuman ang nangyari noon ay dapat ng kalimutan. Iyon naman talaga dapat gawin natin lahat."

Nagulat si Anniza sa narinig. Hindi iyon ang inaasahan niya sa lalaki. Malinaw pa sa kanya ang galit sa boses at mukha nito ng mag-usap ito at si Sir Shilo. His face was angry towards her brother.

"B-but..."

"I'm happy with Carila now. Kaya kung anuman ang nangyari sa akin noon ay kinalumutan ko na. I be honest to you, Ms. Jacinto. I already talk to your brother and Tin. We already forgive each other. It's time for us to move on and face each other life."

"Sir Shan..." Lalong nagulat si Anniza sa narinig.

Hindi niya alam ang tungkol sa pag-uusap nito at ng kanyang kapatid. Walang nabanggit sa kanya ang nakakatandang kapatid.

"I don't hate them anymore, Ms. Jacinto. So, stop thinking about what happen in the past. I want your effectivity in this company. I want your loyalty to his company. Can you do that for me, Ms. Jacinto?"

Naguguluhan pa rin sa nangyayari si Anniza pero nagawa niyang tumungo sa lalaki. Tama ba ang pagkaka-intindi niya? Nagkapatawaran na ang dalawang kampo at maayos na si Sir Shan. Did what happen lead to this? To reconciliation?

"You can go back to your station now if you don't have anything to say anymore, Ms. Jacinto."

Napatungo si Anniza. Hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari na lumabas siya ng opisina ng Presidente. Kung ganoon ay nagkaayos na ang lahat. Wala na dapat siyang ipag-alala dahil napatawad na ni Sir Shan ang kanilang pamilya.

"I DID WHAT you want me to do." Iritabling sagot ni Shan sa kanya.

Napangiti siya ng marinig ang sinabi ng kaibigan. Nasa Paris pa rin siya ng mga sandaling iyon at kasama ang ina. Hindi siya nandoon para magbakasyon. Sinamahan niya ang ina sa summer collection exhibit nito. Isang kilalang painter ang ina at laging nasa ibang bansa dinedisplay ang mga gawa nito. Kaya nga kumikita ang ina ng milyon sa isang araw. Hindi kasi isang simpleng painter ang ina. Ilang beses na bang na anyayahan ang ina sa mga prestigious art event at sa tuwina ay siya lagi ang kasama nito.

"Did she cry again?" Hindi niya naitago ang pag-alala para sa babaeng sinisinta.

"No!"

Bumuntonghininga siya. "Thank you, Kuya Shan."

"I didn't do it just for you, Joshua. I want to have a good relationship with Carila. Ayaw kong kumapit sa nakaraan kaya ginawa ko iyon. At kagaya ng sabi ng ama ko, walang ginawang masama si Anniza sa akin para magalit ako sa kanya."

Napangiti siya ng mapakla. Tito Shawn always find a reason not to hate someone. Kahit kay Tin ay alam niyang hindi nagtanim ng galit si Tito. He just simple move-on. Naging maayos din naman kasi ang buhay ng pinsan sa China. Pero ang mga magulang niya ay hindi nakalimot sa nakaraan. Kung tama ang pagkaka-alala niya ay galit ang kanyang ama sa nangyari kay Kuya Shan.

"Sana ay kagaya mo mag-isip ang mga magulang ko." Hindi niya napigilan ibulaslas sa pinsan.

Hindi nagsalita ang kausap sa kabilang linya. Huminga siya ng malalim. "I don't blame you, Kuya Shan. Thank you for helping me out today."

"You don't need too."

Ilang sandaling napuno ng katahimikan sa pagitan nila hanggang sa basagin iyon ni Kuya Shan.

"Then protect your woman. Siguraduhin mo na hindi malalaman ni Tito ang totoong pagkatao ni Anniza dahil kapag nalaman nito na kapatid ni Anzer si Anniza ay siguradong magkakagulo ang lahat. Tito will make Anniza suffer for what her brother did to me."

Napakuyom ang isa niyang kamao dahil sa narinig. "I know. I will protect my own woman. Protect yours also, Kuya Shan. Alam natin kung sino talaga ang mahal ni Carila."

Alam niyang tumaas ang isang sulok ng labi ni Kuya Shan. "She is already tied up to me. Hindi niya ako pwedeng iwan lalo na at tinuruan niya ang puso ko na mahalin siya."

Napangiwi si Joshua ng marinig ang huling sinabi ng Kuya Shan niya. "Cheezy!"

"As if I am the only one. I need to go. Susunduin ko pa si Carila. Comeback asap. Marami na naman umaaligid sa babae mo."

Hindi pa nga siya nakasagot sa sinabi nito ay binabaan na siya nito ng telephone. Wala pa rin talagang pinagbago ang pinsan. Pero masaya siya para dito. Tuluyan na kasi itong nakalaya sa dati nitong pagmamahal kay Tin. Nagpapasalamat siya at dumating sa buhay nito si Carila. Hindi man maganda ang simula ng relasyon ng mga ito ay alam niyang ma-uuwi din sa maganda. Sa nakikita naman niya ay hindi mahirap mahalin si Kuya Shan, lalo pa ngayon at bukas na ito sa katutuhanan na mahal nito si Carila. He once saw how Shan fall in-love. He does everything for his woman.

Nawala ang ngiti sa labi ni Joshua ng may babaeng umupo sa upuan na nasa harap niya. Napataas siya ng tingin. Isang foreigner na babae ang ngayon ay matamis na nakangiti sa kanya. At sa buong buhay niya alam niya ang ibig sabihin ng ngiting iyon. Umayos siya ng upo at hindi pinansin ang babae. He tried to act like the girl didn't exist in his eyes.

"Hi."

Nagmatigas siya ng mga sandaling iyon. Wala siyang panahon para dito. Dinampot niya ang kape at ininum iyon.

"Are you alone?"

He looks at his phone. Sinusubukan niya pa rin baliwalain ang pasensya ng babaeng nasa kanyang harapan. Nasisigurado niya na kapag pinansin niya ito ay tuloy-tuloy na ang pangungulit nito. Ilang beses na ba siyang nasa ganoong sitwasyon kaya nga kung maari ay umiiwas siya sa mga babae. He is loyal to Anniza even they are not in any relationship. Pinangako niya sa sarili na dito lang titingin.

"Hey, are you blind? Are you deaf?" Iwinagayway pa ng babae ang kamay sa harap niya.

Kagaya kanina ay hindi niya pa rin pinansin ang babae. Nabalat-kayo siya na hindi ito nakikita. At ng tumunog ang kanyang phone ay halos nagpasalamat siya. Tiningnan niya ang angel na tumawag sa kanya. Nabasa niya ang pangalan ni Patrick. Akala pa naman niya ay si Anniza.

"你好" (Ni Hao / Hello) bati niya sa kaibigan.

"Ni hao? Wow! Ngayon lang ulit kita narinig na nagsalita ng Mandarin, 朋友?" (Pengyou - Friend) Natatawang tanong ni Patrick sa kabilang linya.

"Sh**" He stops his self from cursing at his friend. Baka mapansin ng babae na marunong siyang magsalita at nakaka-intindi siya ng English ay kulitin siya nito.

Ito naman si Patrick hindi marunong makisabay. Huminga siya ng malalim at tumayo. Hindi niya pinansin ang babae. He doesn't care about his coffee. He just wanted to get away with that girl. Nang sa tingin niya ay malayo na siya at minura niya ang kaibigan na tumatawa sa kabilang linya dahil lang sa pagsalita siya ng Mandarin.

"You got me there, Pengyou."

"Could you stop laughing? Nagsalita lang ako ng Mandarin dahil may babaeng lumapit sa akin." Paliwanag niya.

"Really?"

Napakuyom ang isa niyang kamao. Kung mahilig siyang mang-asar pero magdating kay Patrick ay pikon siya. Bihira ito mang-asar sa kanila pero kapag inatake ng kabaliwan ay talagang maiinis sila.

"Ano ba kasing itinawag mo sa akin?"

"Well, I just want to inform you that we need to celebrate my birthday next week. Kailangan nandoon ka din kaya umuwi ka bago ang araw na iyon kung hindi ay ..."

"Kung hindi ay ano?"

Tumawa muna si Patrick bago sumagot sa tanong niya. "I personally tell Anniza about your feeling."

"Gago!" sigaw niya. "Wag mong dinadamay si Anniza sa kalukuhan mo."

Instead of getting mad of his sudden outburst, Patrick just laugh hard. "Tama nga si Kuya Shan. Pagdating kay Anniza ay napaka-sensitive mo. Bakit ba kasi hindi mo sabihin sa kanya iyang nararamdaman mo? Kailan pa naging isang torpe si Joshua?"

Natigilan siya sa tanong na iyon ng kaibigan. Hindi naman talaga siya torpe pero pagdating sa mga babaeng minamahal niya ay hindi niya kayang magtapat. It's not just because he is afraid to be rejected but because he is afraid to lost that person in his life. Hindi niya kasi alam kung anong tumatakbo sa isipan ni Anniza at natatakot siya na baka kapag sinabi niya ang nararamdaman dito ay lumayo ito. Baka kapag biglang may malamig na yelong humarang sa pagitan nila ni Anniza ay tuluyan na siyang mabaliw pa. Heto pa nga lang na malayo siya ay sobrang pighati na sa kanya, paano pa kaya kapag nawala ito ng tuluyan sa buhay niya?

"Joshua?"

"Alam mo kung anong rason ko, Patrick. Kailangan kong mag-ipon ng lakas para kapag lumayo sa akin si Anniza ay kaya ko ng harapin ang sakit. Nang mawala sa akin sina Jamie at Jassie ay nakayanan ko pero hindi ang pagkawala ni Anniza sa buhay ko. Alam ko sa sarili ko na mas kakaiba ang nararamdaman ko kay Anniza. Mas matindi pa sa pag-ibig na nararamdaman ko para sa kanya kaysa Jassie noon." He said with so much honestly.

Narinig niya ang paghinga ng malalim ni Patrick sa kabilang linya. "Joshua, no matter what you do, you will never be prepare. Kailangan mo ng sabihin sa kanya iyang nararamdaman mo habang maaga pa. Alam kong malalim na iyang nararamdaman mo sa kanya pero baka may ma-isalba ka pa. You need to love yourself before you love someone else."

"Hindi ganoon kadali iyon, Patrick." Sagot niya at tumingala sa kalangitan. "Ikaw ba. Kaya mo bang mawala sa buhay mo si Sasha sa pangalawang pagkakataon?"

Ilang sandaling hindi nakasagot si Patrick. Kilala niya ang kaibigan at alam niya ang epekto ni Sasha dito. Kagaya niya din ito na hindi kayang magtapat sa babaeng noon pa nito sinisinta. Kung tutuusin ay mas matagal ng may nararamdaman si Patrick sa kay Sasha. High school pa lang sila ay gusto na nito ang babae. Kung hindi lang sana nangyari ang bagay na iyon, siguradong kasintahan na sana nito ang babae.

"You don't need to answer me, Patrick. Alam ko ang nararamdaman mo," aniya sa kaibigan.

"Sometimes, I wish I'm like Kuya Shan. I don't mind about what people may think about me. I also wish I can be Liam; I can do whatever I want. If I can control this feeling of mine. I won't love Sasha again."

Ngumiti siya ng mapakla. The feeling he have for Anniza is the same. He wishes also that he can shout out to everyone how much he cares and loves her. Maraming bagay siyang dapat na isipin bago ipagsigawan ang nararamdaman.

"Josh, I will tell Sasha my feeling after our mission next week. I will tell her about my feeling. If she won't take me back, I will leave Philippines and re-assign on Australia."

"What?"

"Ayaw kong mailing sa akin si Sasha kapag nalaman na niya ang nararamdaman ko. I want her to work freely like before."

"How about your company? Your current mission?" He can't believe that Patrick have that kind of plan. Is he really planning to tell them? Or he just slips his tongue that's why he is telling him right now?

"My secretary can manage my company. And about my mission, I can give it to someone. I'm doing this for myself. I don't want to live my life hiding what I feel for her. This is not me, Joshua."

Huminga siya ng malalim. "How long you been planning this?"

"Since the day I saw Sasha playing along with Brandon." Nahimigan niya ang sakit sa boses ng kaibigan.

Alam niyang pinipili ng kaibigan na maging professional pero mahirap kalabanin ang puso. Kagaya na lang ng sitwasyon nila ni Anniza.

"Whatever you decided, I will be there for you. Dito lang naman kami na mga kaibigan mo."

"Me too, Joshua. If you decided to tell Anniza about your feeling and if she rejected you. I let you get drunk for one night. Hahayaan kitang magpakalunod sa alak. Sasamahan ka pa namin ni Liam."

Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan. The heavy atmosphere suddenly changes. This is what he like about Patrick. He hates serious talk like him. Iyon din siguro ang dahilan kaya mas magkasundo silang dalawa at mas malapit sa isa't-isa.

"I need to go now, Joshua. Kailangan ko ng bantayan ang mga hayop sa iba-iba. Ingat ka diyan sa Paris. Go home before my birthday. And please! Don't bring any gift. Hindi ko tatanggapin ang regalo mo at gagawin ko ulit ang ginawa ko sa ibinigay mo last year."

Tumawa siya dahil as huling sinabi nito. Naalala tuloy niya ang nangyari noong nakaraang taon. Muntik na siyang barilin ng kaibigan dahil sa binigay na regalo. He gives him a doll. Not just an ordinary doll. Halos isumpa siya ng kaibigan. Dahil sa beach house nito sa Subic sila nagdaos ng kaarawan nito malaya nitong sinunog ang binigay niyang regalo. Nagreklamo pa siya sa kaibigan dahil milyon ang bili niya doon.

"What's wrong with my gift?" He ask with innocent voice.

"GO TO HELL, Joshua. Hindi ako tigang para regaluhan mo ng s** doll. Ulol!" sigaw ni Patrick at binabaan na siya ng tawag.

Lalong lumakas ang tawa niya sa ginawa ng kaibigan. Ibinaba niya ang hawak na telephone at tinitigan. Nakaganti siya sa kaibigan bago pa matapos ang pag-uusap nila. Now, he wonders what kind of gift he will give to him. And he also wonders where Patrick going to celebrate his birthday. Maybe, he can bring Anniza with him. Sigurado naman kasi siyang safe ang pupuntahan nilang birthday celebration ng kaibigan.

Thinking about the woman he loves. He suddenly misses her. Ngayon pa lang ay gusto na niyang umuwi ng Pilipinas at puntahan ang dalaga. Gusto na niyang mayakap ang babaeng nilalaman ng kanyang puso

Nächstes Kapitel