webnovel

CHAPTER TWENTY-TWO

ALAM NI Joshua na dapat niyang itulak si Annie. Wala ito sa sarili dahil sa alak. She doesn't know what she doing. Ngunit iba ang sinisigaw ng kanyang isipan at katawan. Instead of pushing Anniza, he returns the kisses she giving to him. Ginantihan niya ng mas maalab na halik ang halik na ibinigay nito.

Nakahiga na si Anniza habang nakapatong siya. Nakatukod ang kanyang dalawang kamay sa kama habang ang kamay ni Anniza ay nakalagay sa kanyang leeg. Sinasabayan nito ang halik na pinagsasaluhan nila. Pinaglaruan ng kanyang labi ang ilalim na labi ng dalaga. Mabagal niyang tinitikman ang labi nito. Nalasahan niya ang alak na siyang lalong nagpadagdag sa nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

"Ohhhh..." isang mahabang ungol ang lumabas sa labi ni Anniza.

Napangiti si Joshua. Inilayo niya ang labi para sanay pagmasdan ang mukha ni Anniza ngunit hinabol nito ang labi niya at ito ang sumakop sa doon. Walang nagawa si Joshua kung hindi gumanti. He kisses her like no tomorrow. Hinawakan niya ang dalaga sa ulo para mas mapalalim ang pagkakahalik dito. Ipinasok niya ang dila para mas matikman ang labi nito. Wala siyang narinig na pagtutol mula sa dalaga.

He keeps on kissing her until they can't breaths. He pulls back at start kissing her cheek to her ear. Anniza didn't stop her, instead she gives him access to kiss her more. Tumingin ito sa gilid para mas mahalikan niya ang tainga nito at leeg. He loves this moment. He likes it and he can't stop.

Ngunit ng hahawakan na niya si Anniza sa baywang ay isang malakas na kalabog ang narinig niya mula sa labas ng kwarto. Mabilis niyang lumayo sa dalaga at napatingin sa pinto. Anniza about to pull him again but he stops her hands. Muli niyang narinig ang malakas na kalabog mula sa labas kaya tuluyan siyang umalis mula sa pagkakapatong kay Anniza. Tumayo siya sa kama. Anniza didn't stop him. Wala na din siyang narinig na pagtutol mula sa dalaga.

Sinulyapan niya muna si Anniza bago humakbang palabas ng kwarto. Nakatulog agad si Anniza. Lasing na lasing nga talaga siguro ito. Pagkalabas ni Joshua ng kwarto ay agad niyang nakita ang dalawang lalaking nakatayo sa sala ng kanyang penhouse. At kahit na nakatalikod ang dalawang lalaki ay agad niyang nakilala ang mga ito.

"Anong ginagawa niyo dito?" Inis niyang tanong sa dalawa.

Sabay na lumingon ang dalawa. Mga seryuso ang mukha ng mga ito. Ang dalawang lalaki na nakatayo ngayon sa kanyang sala at sumira ng kaligayahan niya ngayong gabi ay walang iba kung hindi sina Patrick at Asher. Parehong magagaling na security CEO kaya hindi nakapagtataka na naka-akyat ang mga ito sa kanyang penhouse ng hindi pinapa-alam ng receptionist sa kanya.

"Joshua! You are really here." Sigaw ni Asher at nilapitan siya.

Inakbayan siya ng kaibigan ngunit mabilis niyang tinabig ang braso nito at sinamaan ito ng tingin. Panira talaga ang dalawang ito sa buhay niya. Wag siyang mabiro-biro ng mga ito lalo na ang nabitin siya sa naging eksena nila kanina ni Anniza.

"Sagutin niyo ang tanong ko. Anong ginagawa niyo dito?" Galit niyang tanong.

Napa-iling si Patrick. "Naputol ba namin ang kaligayahan mo?"

Lalong naiinis sa tanong na iyon ni Patrick si Joshua. Kung ganoon ay alam ng mga ito ang ginagawa niya.

"Sinong nagsabi sa inyo na pumunta kayo dito?" Pinilit niyang maging casual ang pagtatanong dito.

Ayaw niyang malaman ng mga ito na kasama niya si Anniza dahil pa nga na may idea na siyang alam ng mga ito. Pagdating sa dalawang ito ay wala talagang matatago.

"MT told me what happen. Nasaan siya?" Si Patrick muli ang nagtanong.

Dumilim ang kanyang mukha at sinamaan ng tingin ang kaibigan. Alam pala nitong kasama niya si Anniza pero sinira pa talaga ang kanilang mga sandali..

"She is sleeping. Makaka-alis na kayo." Ayaw niyang makipag-away sa kaibigan.

Wala din naman siyang laban sa dalawang ito. Parehong black belter ang mga ito sa taekwondo. Baka siya pa ang mabugbog ng mga ito.

"We are here to make sure you won't mess up again." Hindi talaga natatakot sa kanya si Patrick.

Sa tuwina ay ito ang laging nakatutol sa mga desisyon niya. Lumapit siya sa kaibigan at tinapik ang balikat. Naiinis pa rin siya sa ginawang pang-iistorbo ng mga ito pero nagpapasalamat na rin siya. Kung hindi dahil sa dalawang ito nakagawa na sana siya ng isang bagay na muntik ng pagsisihan. Ngayon lang pumasok sa kanyang isipan na hindi tamang galawin niya si Anniza na nasa impluwensya ng alak.

Tumuloy siya sa kusina at binuksan ang refrigerator. Kumuha siya ng malamig na tubig at uminum. Nakita niya sa gilid ng kanyang mga mata ang pagpasok ng mga kaibigan sa loob ng kusina. Sumunod pala ang mga ito sa kanya.

"Anong nangyari? Bakit nagpakalasing si Anniza?" Si Asher ang nagtanong.

"I don't know. Nagulat din ako ng tumawag sa akin si MT. Pagdating ko doon ay lasing na siya at kaibigan niya ang nagsabi sa akin na nandoon sila."

"Mabuti at sa club ni MT sila pumunta at hindi sa club ko," ani Patrick nan aka-upo sa mesa.

"Mas okay pa nga sa club mo dahil napigilan mo pa ang paglalasing niya." Sumandal siya sa lababo pagkatapos ilagay bote ng mineral water.

"Hindi okay dahil wala ako ngayong gabi doon. May pinuntahan kami ni Asher kaya nga magkasama kaming dalawa. Sa kanya tumawag si MT kaya nalaman ko."

Umiling siya. Well, nagpapasalamat pa rin naman siya dahil sa kakilala pa rin niya napunta ang dalawa. May taong nagbabantay dito. Nang marinig niya kanina na lasing ang dalaga ay sobrang pag-alala talaga ang nararamdaman niya. Ibang lugar kasi ang club at maaring may mangyaring masama sa dalaga. Kagaya na lang noong minsan itong malasing. Anniza should stop drinking alcohol. It's not good for her.

Kaso hindi niya alam kung bakit ba nagpakalasing ang dalaga. Wala siyang nakikita o nalalaman na problema nito para magpakalasing ito.

"Iniiwasan mo pa rin ba si Anniza?"

Ang tanong na iyon ni Patrick ang kumuha sa kanyang atensyon. Napatingin siya sa kaibigan. Mataman na nakatingin sa kanya ang dalawang kaibigan. Umiwas siya ng tingin. Agad naman na nakuha ni Patrick ang sagot sa tanong nito.

"Bakit mo siya iiwasan kung wala naman siyang alam sa nakaraan ni Tin at Shan? Hindi naman yata iyon tama, Joshua."

Hindi niya sinagot ang kaibigan. Kung ito ay naiinis sa ginawa niya. Paano naman kaya siya? He hates his self. He hates that he needs to break his promise for Anniza. He hates his self for turning his back to Anniza after what he found out. He started to question his love for her.

"Joshua, wala kang kinalaman sa nangyari noon kay Shan at Tin. At lalong walang kinalaman si Anniza sa nangyari noon. If you truly love her, those past things are nothing."

"Sandali lang, Pat. Hindi ko kayo masundan ni Joshua. Anong kinalaman ni Anniza kay Shan at Tin?"

Tumingin si Patrick kay Asher na madalwang linya ang noo. "Tin and Anniza is sister-in-law. Ang lalaking pinagpalit at pinili noon ni Tin ay Kuya ni Anniza."

Nanlaki ang mga mata ni Asher. "Oh!!! At alam ito ni Tito Shawn?"

"Yes! Alam ni Tito at ng buong pamilya maliban kay Joshua at sa mga magulang niya."

"Kung alam nila, bakit hinayaan nila si Anniza na makapasok ng Meili Hau?"

Huminga siya ng malalim. "Dahil kagaya ng sabi ni Patrick. Walang kinalaman si Anniza sa nangyari noon. Pero hindi iyon ang totoo, Patrick. May kinalaman si Anniza sa nangyari noon. Isa si Anniza sa rason kung bakit tinanggap ni Tin ang pera na inialok ni Tito Shawn."

Isa iyon sa mga rason kung bakit iniiwasan niya ang dalaga. He found out everything through Shilo. Kinausap niya ang pinsan at pinaki-usapan na sabihan ang lahat ng nalalaman nito tungkol kay Anniza. Shilo knows everything. Alam nito ang lahat dahil sinabi ng ama nito ang lahat.

"Wait! Anong kinalaman ni Anniza? Anong pinagsasabi mo, Joshua?" Umalis sa pagkaka-upo nito sa mesa si Patrick.

"Na ospital noon si Anniza at kailangan operahan. May nakitang bukol sa braso nito. Kailangan ni Anzer ng pera para sa operasyon ng kapatid nito at dahil mahal ni Tin si Anzer kaya ng mag-offer si Tito Shawn ng pera para lumayo si Tin ay tinanggap nito. Hindi lang iyon. Ang scholarship ni Anniza ay bigay ni Tito Shawn bilang kasama sa deal nila. Basically, Anniza was part of everything." Hindi niya maitago ang sakit na nadarama.

Napapikit ng mariin si Patrick at napa-iling. Ngayon ay alam na ng mga ito ang totoo. Malaking dahilan ng nangyari si Anniza. Parte ito sa mga nangyari noon. Noong una ay hindi siya makapaniwala pero ng maalala niya ang kwenento sa kanya ni Anniza. Doon niya napagtanto na tama nga ang lahat. Si Anniza ang dahilan ng lahat ng pagpayag ni Tin noon sa kagustuhan ni Tito Shawn.

"Pero hindi ito alam ni Anniza?"

Tumungo siya. Iyon ang nasisiguro niya. Walang alam si Anniza sa nakaraan ni Shan at Tin. Mukhang itinago ng Kuya nito ang lahat sa dalaga.

"Hindi ako makapaniwala. Wala pala talaga kayong kawala sa kay Tin. Iyong akala natin na tapos na ang kabanata niya sa buhay niyo ay heto at nagsisimula na naman." Komento ni Asher.

"Can you stop loving her?"

Nagtaas ng tingin si Joshua ng marinig ang tanong na iyon ni Patrick. Pinakatitigan niya ang kaibigan. Nakita ang lungkot at awa sa mga mata nito. Huminga siya ng malalim at umiling.

"I can't. I doubt my feeling for her but I know I love her. Mahal ko si Anniza at hindi ko kayang pigilan iyon."

Narinig niyang huminga ng malalim si Patrick. Lumapit ito sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. "Kahit ano pang desisyon ang gawin mo. Nandito kami na kaibigan mo, Josh. Handa kaming sumuporta para sa iyo. Isa lang ang gusto kong gawin mo." Tumingin si Patrick sa kanyang dibdib. "Sundin mo sana iyang sinisigaw ng puso mo."

SUMASAKIT NA ulo ang nagisingan ni Anniza kaya naman muli niyang ipinikit ang mga mata. Nahihilo din siya ng mga sandaling iyon. She started to cursed. Hang-over is really not good for her. Kung pwede lang ibunggo ang ulo sa pader ay ginawa na niya sa sobrang sakit ng kanyang ulo. She needs to stop drinking alcohol. It's not good for her.

Nang maayos na ang pakiramdan ni Anniza ay unti-unti nitong inimulat ang mga mata. Isang hindi pamilyar na kesame ang sumalubong sa kanyang mga mata. Napabalikwas ng bangon si Anniza. Iniikot nito ang tingin sa paligid. Hindi niya alam kung nasaan siya. Umupo sa kama si Annie at doon niya napansin ang suot na damit. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang suot.

She is wearing a big blue t-shirt. At nasisigurado din niya na wala siyang suot na pantalon dahil nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Itinaas niya ang kumot na bumabalot sa kanyang katawan at doon niya nakompirma ang hinala. She is wearing her sacking short. For Pete's shakes, sinong naghubad sa kanya kagabi.

Agad na binundol ng kaba ang dibdib ni Annniza. Naalala niya ang gabing niligtas siya ni Joshua. Ngayon ay pinapanalangin niya na ang binata ulit ang nagligtas sa kanya at ito ang taong nagmamay-ari ng kwartong kinaruruonan. She doesn't want to know what she gave herself to another guy.

Bago pa tuluyang lumalim ang iniisip ni Anniza ay bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa ang isang pamilyar na babae.

"Ocean!" sigaw niya sa pangalan nito.

Ngumiti ang babae at lumapit sa kanya. "Good to see you awake."

"Ikaw ang may-ari ng kwartong ito?" tanong niya.

Nagsalubong ang kilay ni Ocean. "Nope!" Umiling pa ang babae.

"Kung ganoon ay nasaan ako." Inayos niya ang pagkaka-upo para mas maharap ang babae.

Hindi sumagot si Ocean. Ngumiti lang ito. May ipinatong itong damit sa kama. "Wear this. Tapos lumabas ka para makilala mo ang hero mo."

Nagtatakang sinundan niya ng tingin si Ocean na lumabas ng kwarto. Napatingin siya sa damit na pinatong nito. Maong pants at isang white t-shirt ang damit na binigay ni Ocean. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago kinuha ang damit at pumasok sa isang pinto na sa tingin niya ay banyo. Hindi na siya nag-abala pang maligo. Hindi naman kasi siya nanglalangkit. At saka gusto na niyang malaman kung sino ba ang may-ari ng bahay na iyon.

Nang matapos sa pagbihis ay tumingin sa malaking salamin ng banyo si Anniza. Napangiti siya ng makita ang ayos. Kung sinuman kasi ang pumili ng damit na iyon ay siguradong kilala siya dahil alam nito kung ano ang gusto niyang ayos. May kalakihan ang t-shirt na suot niya. Si Mini-mouse ang print sa unahan habang ang pantalon na suot ay may butas sa tuhod. Nang masiguradong maayos na ang suot ay lumabas siya ng kwarto.

Iniikot ni Anniza ang paningin sa paligid. Mukhang bahay o pen house ang pinagdalhan sa kanya ni Ocean. May sala kasi iyon at kompleto sa gamit. May malaking t.v at grand piano pa sa side. Maraming mamahaling painting at flower base sa bawat sulok ng bahay. Dark blue ang kilay ng sofa at may coffee table sa gitna. Malinis ang bahay kaya nasisigurado niyang may katulong na naglilinis doon. May nakita si Anniza na pinto. Naglakad siya papunta doon. Ngunit nasa pinto pa lang ang dalaga ay napahinto na ito. Paano ba naman? Joshua, Patrick and Asher are all there. Tanging si Sasha o Ocean lang ang babaeng nandoon.

Nasa may stove si Joshua at mukhang nagluluto. Si Asher naman ay naghihiwa ng gulay habang si Ocean ay naka-upo sa mesa at nakatutok sa laptop. Patrick is seating near with Ocean.

"Nandito na pala si Annie." Si Ocean ang nagsalita. Tumayo ito at hinawakan siya sa braso.

Nagpahila siya kay Ocean. Hindi niya kasi maalis ang tingin kay Joshua na nakatingin din sa kanya. Serysuso ang mga mata nito. Nakasuot ng epron ang binata at mukhang asawang nasa bahay.

"Gutom ka na ba, Anniza?" ang tanong na iyon ni Asher ang siyang nagpaputol sa pagtingin niya sa binata.

"Ha!" tumingin siya kay Asher na nakakunot ang noo.

"Tanong ko kung gutom ka na ba?"

Umiling siya. "Bahay mo ba ito, Sir Asher?"

Napansin niya ang pag-uusap ng mga mata ni Asher at Patrick. Saglit lang naman iyon at bumalik ang tingin nito sa kanya. Ngumiti sa kanya si Asher at sasagot na sana ng unahan ito ng binatang nagluluto.

"It's my pen house."

"Oh!" tanging nasabi niya. Umiwas siya ng tingin at yumuko.

Kung ganoon ay sinagip na naman siya ng binata. Naghari ang katahimikan sa lugar na iyon. Walang kahit isa sa kanila ang nagsalita. Pinagpatuloy lang ni Joshua ang pagluluta. Napalunok na lang siya. Iba kasi ang nakikita niyang aura sa binata ngayon. Parang kay dilim noon.

Tumikhim siya at na-upo sa upuan na katabi ni Ocean. Ngumiti lang ang babae at tinapik ang kanyang kamay.

"Are you hungry?" tanong ni Joshua na siyang bumasag sa katahimikan ng lugar.

She clears her throat. "Hindi naman."

"I'm almost done."

Hindi na siya sumagot. Pinakatitigan lang niya ang binata. Bakit ang seryuso nito? Galit ba ito sa kanya. Dahil ba iyon sa ginawa niya kagabi. She doesn't want to get drunk but she was so upset because of him. Kung hindi ba naman siya nito iniwasan at pinaasa ng ganoon ay hindi siya maglalasing pero nangyari na. Dapat na silang mag-usap dalawa. Hindi pwedeng ganoon na lang silang dalawa lalo na ang magkasama sila sa trabaho.

"I think, I need to go." Tumayo si Patrick.

Lahat sila ay napatingin dito. Seryuso ang mukha ng binata. Tumingin ito kay Ocean.

"Bakit? May problema ba?"

"They are moving. I need to stop them," anito at humarap kay Joshua. "I need to go. Duty call."

Hindi na nito hinintay pa na magsalita kahit isa sa kanila. Tumakbo na ito palabas ng kusina. Ocean do the same. Sinundan nito si Patrick. Nagkatinginan na lang silang tatlong na-iwan doon. Mukhang emergency ang nangyari kaya ganoon na lang ang magmamadali ni Patrick at Sasha. Napatingin silang dalawa ni Joshua ng tumikhim si Asher.

"I think, I need to go. My girlfriend texted me and asking where I am. Puntahan ko muna." Mabilis pa sa alas-kwartong nilisan ni Asher ang lugar.

Na-iwan silang dalawa ni Joshua. Nakita niyang napa-iling na lang ang binata.

"Kailan pa nagkanobya si Asher." Narinig niyang bulong.

Napangiti siya. Mukhang na wala na ang masamang hangin sa binata. Tumayo siya at nilapitan ito.

"Anong niluluto mo?" tanong niya ng makatayo sa likuran nito.

Napansin niyang nanigas ang likuran ng binata. Tumigil din ito sa paghahalo ng kanin. Unti-unting lumingon sa kanya ang binata. At dahil sa ginawa nito, lalong lumapit ang katawan nito sa kanya. Napa-atras si Anniza ng mas inilapit ni Joshua ang sarili sa kanya. Hindi niya napigilan ang puso sa pagwawala.

"What are you doing?" Pabulong niyang tanong sa binata.

"I'm mad at you."

Mas inilapit pa ni Joshua ang sarili sa kanya. Napa-atras naman siya hanggang sa tumama ang kanyang likod sa lababo. Hinawakan niya ang binata sa magkabilang balikat para patigilin sa paglapit sa kanya ngunit hindi iyon naging sapat. Mas inilapit kasi ni Joshua ang mukha sa kanya. Ngayon ay ilang hibla na lang ang layo nito sa kanyang labi.

"I want you punish you last night for doing crazy thing. Hindi ka dapat nagpakalasing kagabi, Anniza." Bulong ni Joshua sa pagitan ng kanilang mga labi.

She breath his mint breath. Napalunok si Anniza dahil may humagod na sensation sa katawan niya. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa damit nito.

"Joshua!" Bulong niya sa pangalan nito.

Ipinikit na lang ni Anniza ang mga mata at hinintay ang paglapat ng labi nito sa kanyang mga labi. Anniza wants to know the feeling of Joshua's lips to her but she been closing her eyes for a minute, no lips touch her. She opens her eyes and saw Joshua standing seriously in front of her. Walang nito sa labi nito at ilang hakbang na rin ang layo nito sa kanya.

"Don't ever do that again, Anniza. Wag kang magpapakalasing lalo na at wala ako sa tabi mo. Can you promise me that?" May pagsumamo ang boses nito.

Napatungo si Anniza kahit na hindi naman iyon ang kanyang nais. Hearing Joshua's pledging voices make her forget. Tangging nais niya lang ay wag itong makitang nasasaktan. Isang ngiti ang sumilay sa labi ng binata. Lumapit ito at hinawakan ang kanyang ulo.

"Good. If you want to get drunk, tell me. Sasamahan kita dahil proprotektahan kita, Anniza. I will protect you even to myself."

Isang halik sa noo ang ginawad ni Joshua pagkatapos nitong magsalita.

Nächstes Kapitel