webnovel

CHAPTER EIGHT

"KAMUSTA si Mae?" tanong niya kay Patrick.

"She is okay. Nasa facility siya ngayon ni Ocean. She is under observation and monitor." Sagot ni Patrick.

Nakahinga siya ng maluwag. "Iyong mga kasama namin sa trabaho?"

Napasandal sa sofa si Joshua.

"They are okay. Hinatid na sila ng mga tauhan ko sa kanya-kanya nilang tahanan. Mabuti na lang at hindi ganoon karami ang na-inum nilang alak na may druga. The effect is severe and can easily medicate. Gumana ang gamot na ginawa ni Ocean para hindi lumala ang ep ekto."

Usang malalim na paghinga ang ginawa ni Joshua. Hindi niya inaakala na ang mga kasama sa trabaho ang bibiktimahan ng grupo ng mga sindikato.

"How this happen, Pat? Akala ko ba ay mga babae lang ang punterya nila. Bakit buong ka-opisina ko yata?" Hindi niya maitago ang iritasyon na nadarama.

"I'm sorry. Si Mae talaga ang target nila. Nagkataon lang na hindi na-iiwan ng mag-isa si Mae sa mesa kaya buong ka-opisina mo ang pina-inum nila. They will get the girl they want no matter what."

"Kung ganoon ay damay lang si Annie dito?" napahigpit ang hawak niya sa phone niya.

"Not so sure. Kasama si Annie sa nangyari negotiation kanina. Dalawa sila ni Mae ang binili ko kanina."

Napapikit ng mariin si Joshua sa narinig. Kung ganoon ay maaring si Mae at Annie ang punterya ng mga ito. Mga Lalang talaga ang bituka ng mga taong iyon.

"Magkano?" nangasim ang sikmura niya.

His blood is boiling at that moment. Thinking about selling Annie is making him crazy. Kahit isang beses ay hindi pumasok sa isip niya ang ganoong scenario. Walang kahit anong halaga na katumbas si Annie kaya paano nasikmura ng mga taong iyon iyon na ipagbili ng ganoon ang babaeng nilalaman ng kanyang puso.

"One million. Dalawang milyon ang binayaran ko kanina."

"Putang-ina!" Hindi niya napigilan ang sarili na magmura ng malakas.

Ganoon na ganoon lang sila magbinta ng tao. Mga wala talagang kaluluwa ang mga hayop. Kaya hindi sila mapuksa dahil sa ginagawa nilang pagbibinta sa mga babaeng natitipuhan nila. IIlan na bang mayayaman tao ang naging biktima ng mga ito.

"I'm sorry, Joshua kung naging biktima nila si Annie."

Nahimigan niya ang disappointment sa boses ng kaibigan. Napapikit ng mariin si Joshua. Umaapoy pa rin ang galit sa loob ng kanyang puso. Kung pwede lang talagang pumatay ng tao ay ginawa niya. Huminga siya ng malalim at inimulat ang mga mata.

"Thank you for taking care of Annie and my co-worker. If you are not there, I'm sure something bad really happen. So, thank you, Pat. I own you, pal."

Hindi nakapagsalita si Patrick sa kabilang linya. Napa-ayos ng upo si Joshua at hinintay na magsalita ang kaibigan. Isang malalim na paghinga ang narinig niya mula dito.

"You shouldn't thank me, Josh. Dapat palang noong una ay tinapos ko na ang kasamaan nila pero hindi ko pa rin ginagawa. Marami na akong ebidensya na magtuturo sa kanila pero hito ay hindi ko pa rin sila mapakulong." Patrick voice shout of hatred and disappointment.

"You are doing good, Pat. Kailangan mol ang pagtiyagaan pa ang pakikisama sa kanila para mahanap mo sinisigaw mong hustisya. Na iintindihan ko din naman kung bakit kailangan mong makisama sa mga gagong iyon. Your brother needs the justice you are asking. Sila ng fiancé nila ang kailangan mong hanapan ng hustisya. Hindi madali ang dinadala mo ngayon at alam naming iyon. We are here."

Joshua look at the picture at the side of the table near him. May nakita siyang larawan doon kung saan ang limang lalaki ang masayang nakangiti. Those old memories will forever be a good memory to them.

"Thank you, Josh. I need to go. You don't need to pay me up. It's partly my fault what happen tonight. Take care of your girl. The drug will subside any minute. Call me if anything happens."

"I will."

Hindi na siya nagpaalam pa kay Patrick. Binaba na niya ang tawag. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa larawan na iyon. Tumayo siya at nilapitan iyon. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. Dadamputin na sana niya ang larawan ng may narinig siyang kalabog sa kanyang kwarto. Mabilis siyang tumakbo papasok ng kanyang kwarto.

Pagkapasok pa lang ni Joshua sa kanyang kwarto ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata.

"Shit!" mapamura siya ng wala sa oras ng makita ang ayos ni Annie.

Annie is sleeping at the carpet, naked. He saw her beautiful and perfect body. Napalunok ng wala sa oras si Joshua ng pasadahan niya ng tingin ang babaeng nilalaman ng kanyang puso. This is temptation. Naramdaman niya ang pagkabuhay ng kanyang kaibigan. At bago pa siya tuluyan magkasala ay tumalikod siya.

'What are you doing, Joshua Jhel Wang?' Napahawak sa sarili nitong buhok si Joshua. 'This is torture. My night is going to be hell.'

Ilang sandali pang nakatayo si Joshua. Pinakalma niya muna ang sarili bago nilingon ang dalaga. Annie still lying in the floor. Ipinilit niyang ituon ang mga mata sa mukha ng dalaga. Nasisiguro ni Joshua na kapag tumingin siya sa katawan ni Annie ay makakalimot siya at baka makagawa ng masama. Annie is not on herself. Napalunok si Joshua. He needs more courage and self-control. Ilang beses niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib bago nilapitan si Annie. Kinuha niya ang kumot at ibinalot iyon kay Annie.

'She kills me tomorrow if she found out that I saw her body.'

Iniisip palang ni Joshua ay nanlalamig na agad siya. Annie is tiger. Wala itong paki-alam sa estado niya sa buhay. Kapag nasa katwiran ito ay magsasalita ito at iyon ang isa sa mga nagustuhan niya dito. Annie is a strong and independent woman. Hindi ito basta magpapahawak sa leeg ng kahit sino. Kaya nga noon una ay gustong-gusto niya itong mapa-amo pero love change his mind. He wanted Annie to be his. He wanted her to be mine and mine alone.

Pagkatapos mabalot si Annie ay binuhat niya ito at inilapag sa kama. Ma-ingat ang bawat galaw niya. Inayos din niya ang kumot na bumabalot sa kawatan nito. He is making sure that Annie cover won't fall. Umupo sa kama si Josh pagkatapos ayusin ang kumot ni Annie. Joshua stares at Annie's face. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi ng binata. Seeing Annie sleeping peacefully makes his heart flatter. This little dare devil woman makes him crazy. Hindi alam kung kailan ba talaga nakapasok si Annie sa puso niya pero masaya siya na ito ang babaeng pinili ng kanyang puso pagkatapos ng mga nangyari sa kanya.

Joshua touch Annie's face. He cares her gently. Para itong isang babasagin na baso habang hinahawakan niya. Biglang lumamlam ang mga mata ni Joshua. He really treasure the moment tonight. Hindi niya kasi alam kung kailan ba mangyayari ulit ang lahat.

"I wish I can hold you more, Annie. I want to embrace and love you freely, but I know I can't. Ayaw kong tumakbo ka palayo sa akin kapag nalaman mo itong nararamdaman ko para sa iyo." Yumuko si Joshua at dinampian ng halik ang noo ng dalaga.

Tatayo na sana si Joshua ng may kamay na humawak sa kanyang braso. Nanlaki ang mga mata ni Joshua ng maramdaman ang init na nagmumula sa kamay ni Annie. Mabilis niyang tinanggal iyon at tumayo. Bumilis ang tibok ng puso niya. Napatingin siya sa kanyang pambisig na relo. Magdadalawang oras na mula ng tinurukan ni Ocean ng gamot na gawa nito si Annie. The drugs are started to affect again. Patakbong lumabas si Joshua papunta sa kusina. He opens the refrigerator and took the ice cube. Bumalik siya sa kwarto at naghanap ng malinis na towel. Inilagay niya doon ang ice cube at sinimulan punasan si Annie. Kailangan bumaba ang temperature ni Annie bago pa ito magising.

'It going to be a long night for me.' Nasabi na lang ni Joshua sa sarili habang pinupunasan ang braso ng babaeng sinisinta.

ANNIE open her eyes slowly. Pumipintig sa sakit ang ulo niya at parang may humampas doon na matigas na bagay. Walang nagawa si Annie kung hindi muling ipikit ang mga mata. Pinakiramdaman niya ang sariling katawan. Wala naman siyang nararamdaman na kakaiba maliban sa masakit ang kanyang ulo.

'Maybe because I drunk last night,' aniya sa kanyang isipan.

Pero hindi ba at wala naman siyang natikman na alak kagabi. Tanging ininum niya lang kagabi ay ang champagne. Napamulat si Annie.

Tama! Wala siyang tinikman na alak kagabi kaya paano siya nalasing. Kahit na masakit ang ulo ay iginala ni Annie ang kanyang mga mata sa paligid. Binundol siya ng kaba ng makita ang kwartong kinaruroonan. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Nagpanic ang braincell ni Annie. Napabangon ito ng wala sa oras.

Nanlaki ang mga mata ni Annie ng malaglag ang kumot na tumatakip sa kanyang katawan ngunit hindi iyon ang dahilan ng pagkagulat niya kung hindi ang kaalaman na wala siyang suot na kahit ano sa ilalim ng kumot na iyon. Ilang sandaling hindi nakagalaw si Annie. Namumutla siya ng mga sandaling iyon. Nais pumatak ng kanyang mga luha ngunit ayaw naman noon pumatak. Annie tried to calm down and remember what happen.

Nang unti-unting kumalma si Annie ay muli niyang iginala ang mga mta sa paligid. Hindi talaga pamilyar sa kanya ang lugar. Pinakiramdam niya din ang sariling katawan. Wala naman siyang nararamdaman na kakaiba. Hindi masakit ang bagay na iyon na dapat ay maramdaman niya. Napuno lalo ng pagkakataka si Annie. Ano ba talaga ang nangyari sa kanya? Nasaan siya ng mga sandaling iyon?

Instead of wondering what happen to her. Annie tried to get up. Ibinalot niya ang hubad na katawan ng kumot. Malaki ang kwarto na kinaruruonan niya. May mini sala pa nga doon at mini ref. May nakita siyang sliding door. Binuksan niya iyon at bumungad sa kanya ang walk-in closet. Nanlaki ang kanyang mga mata at napa-awang ang kanyang labi. Nanlakad siya para pumasok. May drawer sa gitna ng walk-in closet. Binuksan niya iyon at bumungad sa kanya ang iba't-ibang brand at kulay ng relo. Binuksan niya ang isa pangdrawer. Mga necktie naman ang nakita niya doon. Muli niyang iniikot ang mga mata sa paligid. Nakasara ang mga kabinet. Una niyang binuksan ang nasa harap niya.

Napataas ang kilay ni Annie ng makita na puro iyon coat at white polo shirt. Sunod niyang binuksan ay ang kabinet na katabi noon. Doon na bumundol ang kaba sa dibdib ni Annie. Puro damit panglalaki ang nakikita niya. Polo shirt, at T-shirt na puro galing sa kilalang brand. Binuksan pa niya ang mga kabinet doon at lalong kinabahan si Annie ng makita ang iba pang-kabinet. Lalong nakumpirma ang hinala niya na ang kinaruruonan ay kwarto ng isang lalaki.

Napatakip ng labi si Annie at nanghihina na napa-upo sa sahid ng closet. Anong gagawin niya ngayon? She woke up at the room of a man.

Pinilit niyang alalahanin ang nangyari sa kanya kagabi. She needs to remember everything. Unti-unting pumatak ang mga luha sa pisngi ni Annie. How could she do that to herself? Akala ba niya ay ibibigay niya ang sarili sa taong mamahalin at magiging asawa? Kaya ano itong ginawa niya. Ipinagkaloob niya ang sarili sa lalaking hindi niya kilala.

'Ang tanga-tanga mo, Annie.' Pangaral ni Annie sa sarili.

Napahawak si Annie sa sariling buhok at napasabunot doon. She can't help it but to get mad at herself. Kasalanan niya kung bakit nangyari sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya naging ma-ingat at ang mas kina-iinisan niya ay hindi niya maalala ang nangyari. Ilang sandali din umiyak ng umiyak si Annie bago na kalma ang sarili. She needs to move. Hindi siya pwedeng makita ng may-ari ng kwartong iyon. Wala siyang balak na makita ito at magpakilala. Baka bago pa mangyari iyon ay mapatay na niya ang tao na nagdala sa kanya doon.

Pinaki-alaman ni Annie ang damit ng lalaki. Isang malaking t-shirt na puti at isang boxer short ang napili niya. Nasa plastic pa ang boxer short at nasisigurado niyang hindi pa nagagamit. Nagbibihis si Annie ng may narinig siyang kaluskos mula sa labas ng walk-in closet. Muling binundol ng kaba ang dalaga. Mas binilisan pa nito ang pagbihis. Muli siyang nakarinig ng kaluskos mula sa labas kaya kumuha ng isang hanger na gawa sa bakal si Annie. Alam niyang hindi iyon sapat pero mabuti ng meron kaysa naman sa wala siyang hawak na pwedeng eh protekta sa sarili.

Ma-ingat siyang lumabas ng walk-in closet. Nang malapit na siya sa kama ay napansin niya ang isang lalaki na malapit sa sliding door at may ka-usap sa landline na nakapatong sa isang drawer. Hindi niya marinig ang sinasabi nito dahil sobrang mahina ang boses nito.

'May ka-usap ba talaga siya?' natanong niya sa isipan. 'Ngunit hawak niya ang telephone.'

Marahang huminga si Annie at iginala ang mga mata sa paligid. Nakita niya ang isang lamp shade. Dinampot niya iyon at ma-ingat na lumapit sa lalaki. Sakto sa pagbaba nito ng telephone ay walang pagdadalawang-isip na himampas ni Annie ang hawak na lamp shade sa batok ng lalaki. Napahawak ang lalaki sa nasaktan na batok bago unti-unting humarap sa kanya.

Parang nag-slowmu ang lahat kay Annie ng unti-unting makita ang mukha ng lalaking hinampas niya ng lamp shade.

"A-Annie..." tanging nasabi ni Joshua bago tuluyan nawalan ng malay.

Napako si Annie sa kinatatayuan at napasunod na lang ng tingin ng mapahiga si Joshua sa sahid ng kwarto nito. Namutla siya sa ginawa.

What the hell she did? Bakit niya hinampas ng lamp shade si Joshua?

HINDI makatingin ng diretso si Annie kay Joshua na ngayon ay kumakain ng agahan na luto ng binata. Tahimik lang si Joshua na naka-upo sa kabilang bahagi ng mesa. Fried rice, hotdog, sunny side up, tocino at dark chocolate drink ang nakahain na pagkain pero kahit isang subo ay wala pang ginawa si Annie. Hanggang ng mag sandaling iyon ay nahihiya pa rin siya sa ginawa kay Joshua.

Nasisigurado niya na may bukol sa batok ang binata. Mabuti na lang at hindi ganoon kalakas ang pagkakahampas niya dito dahil kung nagkataon ay baka mapatay niya talaga ang binata. Nakagat ni Annie ang ilalim ng kanyang labi para pigilan ang sarili na mapangiwi. Sobrang naawa siya kay Joshua kanina. Ilang minuto din itong nawalan ng malay. Ilang beses din niyang ginising ito.

Nagpapasalamat siya na nagising ito ng dinampian nya ito ng basahan na binasa niya.

"Hindi mo ba gusto ang pagkain?" tanong ni Joshua na siyang nagpabalik sa naglalakbay niyang isipan.

"Ha!"

"Ayaw mo ba sa niluto kong pagkain? Gusto mo bang gawan kita ng salad?"

Tatayo na sana si Joshua ng mabilis niya itong pinigilan.

"Food is fine, Joshua."

Muling bumalik ang tingin ni Joshua sa kanya. Agad naman nag-iwas ng tingin si Annie. Hindi niya talaga kayang salubungin ang tingin ng binata.

"You should eat. We will talk after. I will tell you everything what happen last night."

Napatingin si Annie kay Joshua ng marinig ang sinabi nito. "What happen last night..."

Tumungo si Joshua. "Everything. Pero gusto ko munang kumain ka. Baka mawalan ka ng gana kapag sinabi ko agad sa iyo."

Ilang sandaling hindi nakasagot si Annie. Nakatitig lang siya kay Joshua. Mamaya-maya pa ay tumungo ang dalaga at nagsimula na din kumain ng agahan. Napangiti si Annie ng malasahan ang luto ni Joshua. Masarap ang fried rice na luto ng binata. Hindi ito mamantika kagaya ng madalas niyang natitikman. Marami din gulay na kasama na siyang lalong nagpasarap dito. Hindi tuloy napigilan ni Annie na maparami ang nakain. Saka lang niya napansin ng makita ang lagayan ng kanin na wala ng laman.

Napataas ng tingin si Annie ng makarinig ng mahinang tawa. Nagsalubong ang kilay ng dalaga.

"Bakit ka tumatawa?" mataray niyang tanong kay Joshua.

Napatigil naman ang binata. "Well, hindi ko akalain na malakas ka palang kumain."

Napasimangot si Annie sa sinabi ni Joshua. Tinulak niya ang plato at pinagkrus ang braso sa dibdib. "Ayoko na. Nawalan na ako ng gana."

Lalo lang tumawa si Joshua dahil sa ginawa niya pero napatigil ito ng binigyan niya ito ng masamang tingin. Tumikhim si Joshua at uminum ng tubig.

"Okay." Tumigil na din sa pagkain si Joshua.

Mukhang tapos na din naman itong kumain. Huminga ng malalim si Annie. "What happen last night?"

Napatigil sa pag-inum ng kape nito ang binata at umayos ng upo. "I will show you something."

Tumayo si Joshua at lumapit sa refrigerator at may kinuha doon na brown envelop. Bumalik ang binata at inilahad ang envelop sa kanya. Nagtatakaman ay tinanggap niya iyon. Kinuha niya ang laman noon na isang papel. Binasa niya ang nilalaman noon.

"Shit!" Napamura ng wala sa oras si Annie ng mabasa ang nakasulat sa papel.

Namutla ang dalaga dahil sa unang pagkakataon ay natakot siya sa sariling buhay. Nanindig ang balahibo niya at nais pumatak ng kanyang mga luha.

"May nag-abot ng alak kay Mae kagabi at na-inum niyo lahat iyon. Ang alak na iyon ay may laman na druga. Kung naalala mo ay sinabihan kita na wag bumalik sa bar na iyon dahil delikado."

Napataas ng tingin si Annie. Of course, naalala niya na sinabi iyon sa kanya ni Joshua kahit pa nga na ilang buwan na rin ang nakalipas.

"Kung ganoon..."

"Pugad ng sindikato ang bar na iyon. They offer drinks with drugs to those women they like. Kapag natipuhan nila ay gagawin nila ang lahat para makuha ito. Unfortunately, Mae is their goal last night at nadamay lang talaga kayo."

Lalong namulta si Annie at napa-iling. May ganoon palang kasing lugar pero kung pugad ng sendikado ang lugar na iyon. Bakit walang mga pulis na gumagalaw para makulong ang mga ito? Napatingin siya kay Joshua.

"How did you know about them? Paano mo nalaman na si Mae ang bahol nila kagabi?"

Hindi agad nakasagot si Joshua. Huminga lang ito ng malalim.

"The owner of that club is one of my friends. Madalas kaming tumatambay doon ng mga kaibigan namin. Hang out place din naming ang lugar dahil may VIP room sa itaas na pwede kaming tumambay. And Patrick, the owner, is one of them."

Nanlaki ang mga mata ni Annie. "W-what?"

Tumungo si Joshua. "Pero hindi siya kagaya ng iniisip mo. Patrick have a good reason why he's in that group. Kung wala siya sa grupo nila ay baka may ginawa na talaga silang masama sa iyo. So, don't think bad about my friend."

"How would I know? Hindi ko naman siya kilala." Nagtaas baba ang dibdib niya.

Tumikhim si Joshua. "He's the one who help me save you and Mae."

Natigilan si Annie sa sinabi ng binata. Sinasabi ba nito na hindi masama ang kaibigan nito? Parang ayaw niyang maniwawla. Walang mabait na tao na kasama sa isang sindikato na gumagawa ng masama sa kapwa nito.

"Look, Annie, Patrick is not what you think he is. I can't tell you the reason why he's with them. Ang importante ay naligtas ka namin kagabi. It's something bad happen to you. I don't know what to do." Binalot ng pag-aalala ang mukha ni Joshua.

Muling natigilan si Annie. Naramdaman ni Annie ang pag-init ng kanyang pisngi kaya naman yumuko siya. Bakit kasi biglang bumanat ng ganoon si Joshua?

"I already wash you dress. Tuyo na iyon at pwede mo ng suotin. You can take a bath now. May bagong tuwalya sa loob ng cabinet ng banyo na pwede mong gamitin. Meron din doon toothbrush. You can use my bath soap. Unisex naman iyon kaya pwede mong gamitin." Tumayo si Joshua at nagsimula ng ayusin ang mesa.

Hinawakan ni Annie ang kamay ni Joshua dahilan para tumigil ito sa ginagawa. Napatingin sa kanya ang binata.

"I have one more question."

"What is it?'

"Sex drugs ang pina-inum sa amin. Kung ganoon ay may nangyari sa atin?" Walang pagdalawang -isip niyang tanong.

She wanted to know the truth. Gusto niyang marinig mula kay Joshua ang totoo. Nang biglang yumuko si Joshua para iwasan ang kanyang mga mata ay parang binuhusan ng malamig na tubig si Annie.

Don't tell me.... They did it last night....

Nächstes Kapitel