webnovel

Untitled

"You'll see me in hindsight

Tangled up with you all night

Burnin' it down

Someday, when you leave me

I bet these memories

Follow you around.."

-Wildest Dreams by Taylor Swift

NARRATOR

Sa oras na minulat ni Kyle ang kanyang mga mata ay napansin niyang nasa kagubatan pa rin siya.. Magdidilim na ang paligid hudyat na ito'y takip silim na.. Tumayo siya at naglakad-lakad.

Nakarinig siya ng kaluskos ng mga punong sumasayaw dahil sa hangin. Mga hayop na nagiingay at ang huni ng mga dahong inaapakan niya..

Habang naglalakad ay napansin niya ang isang babaeng nakatalikod.. Dala marahil ng pagtataka, ay nilapitan niya ito.

"Miss?" Tawag niya dito. Ngunit hindi siya sinagot ng babae. Bagkus ay tumawa ito. Tumingin si Kyle sa harap ng babae at doon niya nakita ang isang lalaki.

Nagulat siya dahil familiar sa kanya ang wangis ng lalaki..

Maya-maya pa'y tumawa ang babae, marahil ay dahil sa lalaki. Naghalikan ang mga ito at lumingon siya. Wala na siyang balak na titignan ang mga ito marahil ay nararapat lang ang mga ito na bigyan ng privacy. Naglalakad na si Kyle nang maisipan niyang lumingon ulit at tignan kung ano nang ginagawa ng dalawa ngunit laking gulat niya nang mapansin wala na ang mga ito sa kinaroroonan nila..

"Huh?" Nagtatakang tanong niya sa kanyang sarili.. "Saan sila nagpunta at bigla na lamang nawala?" Dagdag niya pa.. Umiling siya at ipinagpatuloy na lamang ang paglalakad..

Napadpad siya sa isang parang bench. Napagdesisyunan niyang umupo dito dahil nakaramdam na siya ng pagod. Laking pagtataka lamang niya na mayroon palang ganito dito.

Pumikit siya ngunit hindi pa siya nakakatagal sa pagpikit ay nakaramdam siya ng pagtama ng isang tubig sa kanyang katawan. Umuulan.. Tatayo na sana siya upang maghanap ng masisilungan nang mapansin niya ang dalawang imahe ng tao na nasa harap niya.

Base sa imahe ay masasabi niyang umiiyak ang babae habang ang lalaki naman ay niyayakap siya. Bigla siyang nakaramdam ng kirot at lungkot sa puso niya sa hindi malaman na kadahilanan..

"B..bakit ganito?" Nauutal niyang tanong sa kanyang sarili.. Umalis siya na basang-basa.. Nagsimula siyang tumakbo at napadpad siya sa isang munting bahay dito sa kagubatan.

"Baka pwede akong makisuyong magpalipas ng gabi dahil basang-basa ako sa ulan.." Sabi niya sa kanyang sarili.. Pagkarating niya sa isang munting bahay ay kumatok siya.. Ngunit walang sumagot. Nagbabakasali siyang bukas ito kaya binuksan niya at tama nga ang hinala niya. Bukas ito at hindi nakasara..

"Tao po? Pwede po bang makisulong? Kahit itong gabi lang?" Tawag niya sa loob ng bahay ngunit walang sumasagot. Nagtingin-tingin siya sa kanyang paligid. Madilim..

Naghanap siya kung nasaan ang switch at nahanap nga niya nasa gawing kanan lamang niya ito. Binuksan niya ang ilaw at doon nakita niya ang dalawang image ng dalawang lalaki. Tila may ginagawa ang mga ito dahil may malaking papel sa harap nila..

Doon napansin niya ang labis na kasiyahan ng lalaki, hindi niya alam kung bakit parang nakikiliti ang kanyang puso pagkarinig niya ng halinghing ng lalaki.. Agad napawi ang kasiyahan niyang iyon ng kalungkutan. Napagdesisyunan niyang umalis na lamang at umuwi na..

Hindi na siya nagpaalam pa dahil mukhang busy ang dalawang tao sa kanilang ginagawa..

Tumakbo siya.. Ngunit sa kakatakbo ay bigla siyang nadapa.. Tumingala siya at napansin niya ang isang lalaking may hawak na singsing habang nakaluhod sa isang babae na animo'y isang prinsesa.. Nakaramdam siya ng matinding kasiyahan lalo pa't nakita niya ang kanyang sarili na nasa isang kasalan. Kasalan ng dalawang taong nagmamahalan..

Sa mga oras na yun, wala siyang ibang maramdaman kundi labis na kasiyahan. Punong-puno ng galak ang kanyang puso. Sa oras na yun, ay nakaramdam siya ng pagbuo ng kanyang pagkatao..

Bigla siyang umiyak kaya agad niya itong pinawi, ngunit sa pagtaas niya ng kanyang mukha ay nagiba ang paligid.

Madilim..

Mausok...

Mapusok..

Nakakarinig siya ng halinghing at ungol ng babae at lalaki...

Nasilayan niya ang kakaibang imahe ng mukha na nasa ibabaw ng isang lalaki. Parehong mga asong ulol na naghahabol at tila nauulol na sa labis na sarap at galak na nararamdaman..

Napansin niya rin ang isang babaeng tahimik na umiiyak sa isang tabi at tila bang may hawak na litrato. Parang may nag-udyok sa kanyang lapitan ang babaeng umiiyak upang yakapin ito at para na rin i-comfort. Niyakap niya nga ito ngunit nagulat siya dahil biglang nakaramdam siya na para bang tinatangay siya ng matinding alon..

Nakita niyang tinatangay ng matinding alon ang babaeng niyayakap niya kanina. Gusto niyang lapitan ito at sagipin ngunit tinatangay siya ng matinding alon papuntang dalampasigan. Hanggang sa umabot na siya sa may buhanginan at hindi niya na nakita ang babae..

Hindi alam ng lalaki kung bakit bigla siyang umiyak. Parang nawalan ng parte sa katawan niya. Parang hindi na siya tao sa mga oras na iyon..

Tumakbo siya. Tumatakbo siya. Gusto niyang makaalis sa mundong kinabibilangan niya.. Ngunit bigla siyang tumigil sa pagtakbo.

Nakita niyang punong-puno ng apoy ang paligid niya.. Ang init. Sobrang init.. Hindi siya makaalis..

Nakita niya ang isang imaheng tila nasusunog ito.. Nakaramdam siya ng matinding takot sa mga oras na yun..

"TULONG!!!!" Sigaw niya... Unti-unting lumapit ang imahe sa kanya dahilan para matumba siya.. Bakas na bakas sa mukha niya ang matinding takot.. Wala siyang magawa kundi pumikit at humingi ng tulong.. Malapit na malapit na ang imahe sa kanya hanggang sa....

--

"KYLE WAKE UP! OMG YOU'RE HAVING A NIGHTMARE!" Nakaramdam siya ng pagtatapik sa kanyang pisngi. Minulat niya ang kanyang mga mata at nakita niya ang puting kisame..

Tumingin siya sa kanyang paligid. Walang apoy.. Hindi siya nakakaramdam ng init, walang babaeng umiiyak at wala yung tubig na tinatangay siya.

"Thanked goodness at may malay ka na! I'm very worried about you! Mabuti na lamang at nakita kita agad nung mawalan ka ng malay. Here, eat this.." Sabi ni Ally..

Tinignan muna ni Kyle si Ally at saka nagsimulang kumain.

"Sa susunod kasi magpapasama ka kung gusto mong maglakad-lakad. Ayan tuloy." Bigla siyang niyakap nito.

-

Itutuloy...

Nächstes Kapitel