Chapter 2. Ring
THE whole week was hell. Matapos siyang ihatid ng mga Quijano ay nagpasalamat siya. Pinilit niyang sa bahay-ampunan na ihatid dahil inaasahan naman na ang pagdating niya. Sa orphanage siya iniwan noong sanggol pa lang siya, at sa orphanage din na iyon siya babalik. But it would only take a week or probably, a month. Pagkatuntong niya ng labing-walo ay hahanap na siya ng mapapasukang trabaho para hindi na maging pabigat sa ampunan. Kaya naman niya. Ang tulong na ibibigay sa kanya ay mas pakikinabangan ng iba. She also didn't like the VIP treatment but the head insisted. Dahil mula noong inampon siya ng mga Salazar ay regular nang nag-donate na ang pamilya sa bahay-ampunan.
On her first day, a boy at her age went inside her room, saying that Mother Superior told him to get something. But as the door was closed, he immediately locked it and tried to violate her. Kung hindi pa niya nasipa ang pagitan ng hita nito ay hindi siya makakatakas.
Pinalagpas niya iyon dahil iniisip niyang isang linggo lang naman ang kailangang pagtiisin.
On her second day, a girl younger to her bullied her.
"Buhay-prinsesa ka pa rito, eh, pinalayas ka na nga sa inyo!"
Hindi niya pinansin ang pag-uuyam. At nang nasa banyo sila ay pumasok ang babae at inilublob siya sa drum ng tubig. Halos habulin na niya ang hininga nang tigilan siya nito at dahil nanghihina ay madali siya nitong pabalyang itinulak sa pader 'tsaka iniwan doon.
The third day went smoothly, aside from the fact that somebody put laxatives on her food that's why she was awake the whole night going back and forth to the bathroom.
Day four, she wanted to give up. The same guy on her first day cornered her in the old storage room when she's getting a broom so she could help on sweeping the floor. Pinagbubugbog nito ang katawan niya hanggang sa makuntento ito, sinigurado rin nitong hindi tinamaan ang kanyang mukha. But she was glad because instead of sexually harassing her, he only locked her up inside the small room after that.
"Magdusa ka riyan!"
Kinabukasan na siya nahanap ng maintenence at sinabi na lang niyang hindi niya napansing naka-lock ang pinto.
Ika-limang gabi nang sinadyang itapon sa kanyang mukha ng babaeng nakababata ang iniinumang mainit na gatas. They were eating dinner when she tripped her, and she fell down. When she faced her while she's still lying on the floor, she accidentally poured the hot milk on her face.
Napahiyaw siya sa sobrang sakit nang maramdamang parang nalapnos ang mukha niya. She wasn't sure about what she really felt but it's safe to say that she's a bit glad her eyes were safe. Napuruhan ang pisngi niya pababa sa kanyang panga at leeg.
Napatili uli siya't tumili rin ang dalagita.
"Oh! I'm sorry! H-Hindi ko napansin," she was trembling when she attended her. But the way she held her, she realized it wasn't just an accident. Sinadya nitong gawin sa kanya iyon at mas nagpatibay nang nakita niyang ngumisi ito sa kanya.
Sinugod siya sa ospital para malapatan ng lunas ang mukha niya. She got a first-degree burn and the doctor insisted she'd stay for a day.
She felt calm inside the hospital. Para siyang mababaliw sa isipang gusto niya na lang sa ospital. Pauwi na sila sa ampunan nang maisip na mas ligtas siya kung maglalagi sa ospital, at isang dahilan lang ang mayroon siya para madala ulit sa ospital— ang magpanggap siyang baliw.
Agad na umiling siya para itaboy ang ideyang iyon. Today was her birthday, she's already eighteen now, on legal age. Kaya bukas na bukas ay hahanap na siya ng trabaho para makaalis na sa ampunan.
Hindi maipaliwanag ang kabang nadama niya nang pumasok na ang service sa premises ng ampunan. Pakiramdam niya ay may mangyayari na namang masama sa kanya, o kabaliktaran. She decided she should tell Mother Superior about what happened. Napagtanto niyang baka hindi lang siya ang makaranas, nakararanas o ang nakaranas ng pagmamalupit ng mga iyon.
Sa Gazebo sila dumiretso. Hindi niya alam kung bakit pero nang mapansing may pagtitipon ay nahulaan na niya kung bakit sila nandoon. Mayroon na naman sigurong mga guests na nagpa-Feeding Program sa kanila.
Sa pinakalikuran siya pumwesto. Wala pang labinglimang minuto nang nainip na siya't gusto na lang magpahinga sa kanyang silid. Hindi naman mapapansing wala siya roon kung aalis siya. Wala sa sariling tinahak niya ang daan papanhik sa magarbong silid sa attic, kung saan siya tumutuloy.
Pagkapihit niya ng seradura ay halos mapakislot siya nang maramdamang may tao sa likuran niya.
Suminghap siya at nagmamakaawang humarap dito.
"Parang-awa, tama na..." Napapikit siyang kaagad sa isipan na baka sampalin o suntukin siya. Halos malunod siya sa kaba nang tinulak siya ng kung sino papasok sa kanyang silid at mabilis na sinarado't ni-lock ang seradura.
Sa sobrang takot ay bigla na lang siyang humagulgol habang paulit-ulit na nagmamakaawang huwag siyang gawan ng masama.
Marahas itong nagmura at kinulong siya sa mga bisig nito. Ramdam niya ang mabibigat na paghinga nito habang hinahaplos ang kanyang likuran.
"Kumalma ka... Hindi kita gagawan ng masama..." masuyong bulong nito.
Just like magic, she felt calm. Ang mabilis na paghinga ay unti-unting bumagal at kumalas siya ng yakap dito.
"Ikaw..." halos pabulong niyang untag.
Puno ng pag-aalala ang namayani sa kulay-kape nitong mga mata habang matamang tinititigan ang kanyang mukha. Her affected skin was already patched up but her face surrounding the burn was still reddish.
Hinuli nito ang kanyang baba at puno ng sakit na tiningnan ang mukha niya.
"What happened?"
Sa tinanong nito ay nanumbalik ang alaala ng sinapit niya sa ampunan sa loob lamang ng maikling panahon.
Napamura ito ng malakas at muling hinigit siya nito at niyakap ng mahigpit. Sa sobrang higpit ay napaigik siya sa sakit.
Tila napapasong humiwalay ito at puno ng pagtatanong ang mukha nang tumingin sa kanya.
She unconsciously crossed her arms so he wouldn't see her bruises, but he noticed what she was doing.
Nag-angat siya ng tingin at agad na nag-iwas nang mas dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib nang magtamang muli ang kanilang mga paningin.
"I... want to sleep," paalam niya at nilagpasan ito. Hinuli lamang nito ang kanyang braso ay pinhit paharap sa kanya.
Bahagya siyang tumili nang punitin nito ang suot niyang bestida. Marahas itong nagmura nang sumilip ang ilang pasa niya sa kanyang dibdib, pababa sa puson.
"W-What are you doing...?" She honestly didn't feel threatened, may kung anong hindi maipaliwanag na init siyang nadama nang haplusin nito ang nakahantad niyang kutis.
"Fuck! Who fucking did this to your body?"
Doon siya natauhan. He was checking her body! Wala na siyang nagawa nang tuluyan nitong hubarin ang suot niyang bestida at nangilid ang mga luhang tumitig siya rito.
Umigting ang mga panga niya habang pinasadahan ng tingin ang kanyang katawan. The bruises were so visible and she knew she couldn't deny.
"N-Nadulas lang ak——"
"Fucking tell me the truth! Hindi ka nadulas! Sino'ng may gawa niyan sa iyo?" Nangangalit na tanong nito.
His brown eyes got darker while staring at her body. May kagyat na emosyong nagdaan doon bago tuluyang nagalit.
"Why are you here anyway?" pilit niyang pinagagaan at nililihis ang usapan.
He sighed harshly and asked her where are her clothes. Tinuro niya ang maliit na cabinet at lumapit ito roon. Siya nama'y piniling maupo sa kama dahil nangangatog ang kanyang mga tuhod.
When he came back, he was holding a peach-colored sundress and dressed her.
Pagkuwa'y umupo ito sa kanyang tabi at matagal na namayani ang katahimikan. Tumikhim siya.
"Uh, bumalik na tayo sa Gazebo?"
"We should be. The party was for you..."
Nagtatakang-tumingin siya rito. His eyes were full of emotions she couldn't name.
"Happy birthday," malat ang tinig na untag nito, nalunod ang galit sa kung anong emosyong nasa mga mata na nito. He stood up a bit grabbed something on his pocket. She noticed his thick and long thighs because of the fitted amd dark faded jeans he was wearing. He's also wearing just a simple ash-gray shirt and his white running shoes. Umupo ulit ito sa kanyang tabi at humarap sa kanya.
Malaya niyang natitigan ang napaka-swabeng mukha nito. Bagsak ang itim at malambot nitong buhok na may kahabaan, hanggang batok ang haba niyon. Ang pilik nito'y mahahaba't makakapal din, na siyang nagpapatingkad sa kulay-kape nitong mga mata. His eyes were chinky, and his thick eyebrows matched his eyes perfectly. Matangos din ang ilong nito at may kanipisan ang mamula-mulang labi. Napalunok siya nang bumaba ang mga titig sa matipuno nitong dibdib.
He's lean but she bet he's muscular. And she must admit, he looked younger than his age.
Before she could notice what was that thing he got, he went closer to her and almost hugged her. May pinasuot itong kwintas sa kanya. Nang lumayo ito sa kanya ay wala sa sariling hinawakan at tiningnan niya ang kulay gintong kwintas. May pendant iyon na hugis-bilog.
"Is this a ring?" she asked. Still wondering why he gave her a gold band. She never knew him before, she didn't even know his full name. She just remembered "Ali". Ang alam lang din niya ay may-ari ang mga Quijano ng mga malalaking ospital sa loob at labas ng bansa.
"Yes," he murmured. "Marry me, Salazar Princess. Mayaman ang pamilya namin. I'm also earning on my own even though I'm still a college student. But I will graduate this year. If you marry me now, you won't have to live like a Pauper because I will pamper you. Ibibigay ko ang lahat ng nakasanayan mo, ang lahat ng gusto mo. Pinapangako kong higit pa ang kaya kong ibigay sa iyo."