webnovel

Chapter 6

((Vanellope))

Dahil sa pagod ko sa store,nagshopping na lang ako ng mga damit.Lahat ng kailangan ko sa bago kong condo pinamili ko na din.Napag usapan kasi namin ni Kring na kukuha na lang ako ng condo para kahit papano may privacy sya.At buti naman may kaibigan syang nagbebenta ng mga condo kaya hindi na ako nahirapan.Baka sa mga susunod na araw lilipat na ako dun kasi ayoko naman makaabala pa kay Kring kahit bestfriend ko sya.

Bumalik na rin si Cristoff sa barko nila nang puntahan sya nina Gab at Kenneth sa store.

Sa kakahanap ng mga damit napunta ako sa men's section.

"Goodevening Mam"bati sa akin ng isang lalaking staff.

Ngumiti ako sa kanya.

"Meron po kami bagong labas na t-shirt mam,baka gusto nyo"

Nag isip isip naman ako kung may pagbibigyan ako kasi nandito na lang din naman ako.Naisip ko si Cristoff na lang kaya?hmmm...

"Sige medium size nito at ito"sabay abot ko sa lalaking staff ang isang green at black na t-shirt.Actually,parang ito yung mga t-shirt na gusto ni Cristoff kaso ibang brand.Kaya sa kanya ko na lang ibibigay.

"At dahil ikaw po ang kauna unahang bumili,may discount kayo mam"

"hahaha talaga? Sige thankyou ha",

Binigay na nito sa akin ang dalawang paper bag.Ngumiti ako bago tumalikod.

Nasa fitting room ako ng dept.store nang maisipan kong magselfie na naman dun:)Nag message sa akin si Cristoff kung nasaan daw ako kasi alam nyang 8pm out ko.Nagreply ako sa kanya na namimili ako ng damit.

Hmmm..suprise ko kaya sya?Total hindi pa naman ako nakakapunta sa port kahit taga dito ako🤭

Hindi muna ako nagreply sa kanya,ang hindi nya alam na papunta na ako sa port kung saan sila naka sampa.

Malapit lang naman kasi ang port sa mall kung saan ako nagtatrabaho.Pwedeng lakarin at pwede din naman sumakay ng pedicab.

Hinanap ko ang barko nila kasi maraming barko dito.Hindi naman kasi ako nagtanong sa kanya kung anong pangalan ng barko nila.Hindi ko naman aakalain na madami pa lang barko dito.At ang bawat barko may nakalagay na pangalan.

Buti na lang nakilala ko sa malayo yung kasama ni Cristoff nang pumunta sila ng store.Si Kenneth.

Lumapit ako sa kanya.

"Hi:)Si Cristoff nandito?"Tanong ko.

"Uy ikaw pala,Oo nakatulog ata eh.Wait tawagin ko lang"at tumalikod na ito sa akin.

Naghintay naman ako sa labas ng barko nila.Pinagmasdan ko ito.Never pa akong nakasakay sa ganito.Roro ang tawag ng ilan dito.Dito kasi sinasakay ang mga sasakyan kung tatawid sa kabilang isla.

"Hi!"nagulat ako sa nagsalita.

Si Cristoff pala.Nakangiti ito habang papalapit sa akin.

"Mukhang naligaw ka yata?"tanong nito.

"Hindi naman,gusto ko lang makapunta dito sa barko nyo"

Nakatingin ako sa barko nila na sobrang liwanag at kita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin si Cristoff sa akin.

"Sige tara,akyat tayo"yaya nya sa akin.Sa taas kasi ang mga pasahero at sa baba naman ang mga sasakyan.

Umaalon ito ng makaakyat kami sa taas.Hindi ko alam pero gusto kong kumapit kay Cristoff kasi hindi ako sanay sa ganitong mga sasakyang pandagat.

Ang daming upuan dito.May room na may aircon at meron din mini snack bar.Umupo kami sa tabi ng snack bar.

Nakatingin lang ito sa mga mata ko.Wala akong mabasa sa tingin na yun.Hanggang sa ako na mismo ang tumingin sa ibang direksyon.

"First time ko dito,ang ganda pala dito.Kaso lang...umaalon talaga to?"

"Umaalon kasi nakasampa 'tong barko.Pero pag nasa byahe to hindi ito umaalon"

"Ah ganun pala yun"

"Ang dami naman yata nyan"turo nya dun sa mga paperbags na dala ko.

"Bago ko makalimutan,for you"Binigay ko sa kanya ang dalawang paper bags.

Tiningnan nya naman ang loob nito at nakangiti syang tumingin sa akin.

"hahaha never kong inexpect 'to.Thank you pala Van"

"Anong thank you ka dyan,pautang ko yan.Sa susunod na lang yung bayad"

"Talaga ba? Akala ko bigay mo eh"

"Biro lang,para sayo talaga yan.Naka discounted kasi yan...kaya binili ko na"

"Maganda ah,pano mo pala nalaman na ganitong klasi ng damit ang gusto ko?" tanong nito.

"Discounted kasi,hindi ka rin makulit no?"

"Highblood agad?Di pwedeng nagtatanong lang?"

"Ang ganda dito promise"sabi ko habang nililibot ko ng tingin ang mga katabing barko nito.

"Maganda talaga pero mas maganda ka"

Tumingin naman ako sa kanya,nakatingin lang din ito sa akin.This time,seryoso sya.

"Ang ganda ng mga mata mo"

At nakaramdam ako ng pagkailang.

Inirapan ko lang ito.

"Kanina lang tayo nagkita tas ngayon nasa harap na ulit kita,sobrang bless ko naman yata ngayong araw na 'to"sabi nito.

Tumawa naman ako sa sinabi nya.Parang nagiging close na kami,ang gaan nyang kasama kasi.

:) :) :) :) :) ito po talaga ang chapter 6,nagkapalit sila ni chapter 5 baka malito kayo na nauna yung chapter 6 sa 5:)

Please Vote and Rate:)

' Thank you in advance:)

-JMP

JMP_beautycreators' thoughts
Nächstes Kapitel