webnovel

Chapter Thirteen

Lumabas ng sheriff car itong si Warren. Isinara ng pulis ang pintuan ng sasakyan niya at lumakad papasok ng pulisya, dala-dala ang isang plastic ng birthaday cake. Nang nasa loob na siya ng police station, may nakalimutan ang binatang sheriff. "Shit! Susi ng sasakyan ko..." nang binuksan ulit ni Warren ang front door ng station para lumabas, napsigaw na naman ito sa gulat at takot sa kanyang nakita, pagbukas niya mismo ng pinto. Tumanbad sa kanyang harapan ang mukha ng isang seryosong babae na naka-grayish white na gown, at may napakahabang buhok at bangs na abot mata. Si Van lamang pala. Napatawa lahat ng mga pulis sa kanilang chief officer. Nang tumalikod si Warren sa mga kasamahan niyang mga pulis na tumawa sa kanya, yumuko lahat sa takot sa kanilang sheriff. Lumapit ang birthday boy na deputy sa napasigaw na si Warren. "Sheriff naman si miss Van lang 'yan." Sabi ng deputy sa sheriff. Binigyan ni Warren ng striktong titig ang deputy. Napaatras ang deputy sa hiya at bumalik sa mga kasamahan niyang mga pulis. "Ikaw naman kasi Van alam mo namang takot ako kay Sadaku di ba! Ilang times ko na ba sinabi 'yan sa'yo? Puwede ba, magpagupit ka na." sabi ni Warren sa reporter. Seryoso ang mukha ng journalist at parang manununtok. "Seryoso 'ata tayo ngayon Van, may problema ba?" tanong ni Warren sa dalaga. "Kanina pa'ng hanap ko kay Garry, pero di ko siya mahanap-hanap." Sabi ni Van sa pulis. "So pumunta ka dito para humingi ng tulong? Sure!" sabi ng sheriff. "Actually, buong city nalibot ko na, at bahay nalang ni Paige ang di ko pa napupuntahan." Biglaang sagot ni Van. "Napuntahan mo na ang bahay ni June?" tanong ni Warren. "Doon ako galing." Sagot bigla ng reporter. Napapansin ni Warren na parang nagmamadali si Van. "Okay..." sambit ni Warren, na di na makatitig kay Van dahil sa takot sa galaw ng mamamahayag. Lumapit ulit ang birthday boy na deputy sa dalawang naguusap sa may front door ng police station. "So, how's it goin'?" tanong ng deputy sa kina Van at Warren, at nakita nito ang bitbit na cake ng kanyang chief officer, "Oy! May dala po pala kayong cake? Akin po ba 'yan?" tanong pa ng deputy sa sheriff. Nainis si Warren sa birthday boy na pulis. Ibinigay ng sheriff ang bitbit nitong plastic ng cake. Lumakad si Warren papunta sa mga kasamahan nitong mga pulis. Kinausap ni Warren lahat ng mga pulis sa loob ng pulisya, na nagkakainan at nag-iinuman. "Everybody! Listen!" sigaw ni Warren, "pupunta tayo sa bahay ni Paige! May feeling kasi ako na, andoon mamaya ang killer." Dugtong pa ng sheriff sabay titig kay Van. Itong journalist naman ay tumindig lang ng matapang nang tumitig sa kanya si Warren. Nagsitayuan ang mga pulis, nagsidala ng mga baril, pagkain, inumin at nagsilabasan. "Deputy Mendoza," tinawag ni Warren ang birthday boy na deputy, "maiwan ka dito, bantayan mo ang mga pagkain, baka kainin ng daga at pusa. Siguraduhin mong nakabantay ka, sayang ang spaghetti at lumpiya." Sabi pa ni Warren. Nagtawanan ang mga pulis sa sinabi ni Warren sa birthday boy. "Yes sir." Dismayadong sagot ni Deputy Mendoza. Nagsialisan na ang mga pulis at si Mendoza na lang ang naiwan. Nagtatawanan ang mga pulis habang nagda-drive sa kanilang mga sasakyan. Nagdadrive din si Warren sa sheriff car nito habang tumitingin kay Van sa side mirror. Si Van naman ay seryosong nagmamaneho sa sariling BMW.

Nasa labas na ng bahay ni Paige ang mga pulis. Nakita ni Warren ang BMW ng dating nobya. Si Van naman ay kinakabahang lumabas ng sasakyan, ngunit tumindig ito at binuksan ang pintuan ng sasakyan niya at lumabas. "Makinig kayo sa 'kin," sabi ni Warren sa mga deputies, "papasok kami ni Van sa loob. Walang papasok sa inyo hangga't wala pang alarm mula sa akin, I repeat, walang papasok hangga't walang senyas mula sa sheriff niyo. Malamang away babae na naman 'to. Ang sasakyan ng ex ko-- I mean, ang sasakyan ni June, nandito sa labas ng bahay. Narinig niyo? Walang papasok, baka gumulo pa lalo kapag maraming pulis sa loob." Dugtong pa ng sheriff sa mga pulis. "Yes sir!" matapang na sagot ng mga deputies. Lumakad sina Van at Warren paakyat ng balkonahe at lumapit sa doorknob ng front door. Nakita nina Warren at Van na sira na ang knob ng pintuan dahil may saksak ng ice pick ang keyhole. "Papasok pa ba tayo?" takot na tanong ni Van sa sheriff. "Akala ko ba gusto mong mahanap ang cameraman mo?" tanong ni Warren sa mamahayag. Huminga ng malalim si Van at nagsabi kay Warren ng, "Okay, let's go..."

Pumasok sa loob ng bahay ang journalist at ang sheriff. Pagpasok nila sa loob, ay puro kalat, dumi, basag na vase, mga patak ng dugo sa sahig at kung ano-ano pa ang tumanbad sa kanila. Nang tumingin si Van sa right corner ng bahay, nag-panic agad ang mamahayag nang makita niya ang katawan ni Garry, nakahandusay, may saksak sa kanang balikat at parang wala ng buhay. Tumakbo agad si Van sa cameraman nito, "Oh shit! Shit! Shit! Shit! Shit! Shit!" sabi nito sabay takbo papunta kay Garry. Lumuhod si Van sa tabi ng cameraman at iniyakan ito ng todo. Niyakap ni Van ng mahigpit si Garry. Wala namang pakialam ang dalagang newscaster kahit madaplisan man ang gown nito ng dugo mula sa binatang cameraman basta mayakap niya lang ito. Gulat na gulat naman si Warren at di alam kung anong gagawin, sinisilip pa nito ang mga kasamahang mga pulis sa labas na masayang nag-iinuman at nag-uusap. "Sabi ko naman sa'yo ilagay mo ang CD sa DVD player tapos, aalis ka agad di ba?! Ito tuloy napala mo! Namatay ka lang ng di ko manlang nasabi ang nararamdaman ko sa'yo!" sabi ni Van kay Garry na todo sa iyak. Nakita na rin ng mamahayag at ng chief officer ang hinampas na bangkay ni Ricky sa may center table. Kinabahan lalo ang dalawa. Nainis na si Van sa pulis na kasama nito dahil panay lang ang titig niya sa nakahandusay na si Ricky at sa kanilang dalawa ni Garry. "Buwiset ka Warren!!! Ano pa'ng plano mo?! Tititig ka na lang ba sa bangkay ni Ricky habang hawak ko 'tong cameraman ko?!" biglaang sigaw ng reporter sa sheriff. Nagulat ang pulis sa sigaw ng journalist. Agad na lumakad papunta sa pintuan si Warren, ngunit nakita ng sheriff ang mga kasamahang mga pulis na masayang nag-iinuman, iba ay naka-headset pa at iba ay may dala pang audio system sa sasakyan at nagpapatugtog ng music. Naisipan ni Warren na isara na lang ang pintuan ng bahay. Nagulat si Van kung bakit isinara ng officer ang font door ng bahay. "Oh! Ba't mo sinara ang pinto?! Hindi mo ba kailangan ng tulong nila?" tanong ni Van sa sheriff. "Mga lasing na ang mga 'yan, baka makadagdag pa sila sa problema." Sagot ni Warren. "So ano? Titingnan mo na lang kami dito? Gan'on?" tanong ni Van. Biglang may kumalapag mula sa isang parte ng bahay na parang nahulog sa sahig na kaldero. Alam nina Warren at Van na, sa kusina galing ang tunog ng kalderong bumagsak sa sahig, ngunit di nila mahanap ang kusina. Tumayo si Van, pinahiga si Garry sa isang malaking teddy bear at nilapitan si Warren. Tinuro ni Van kay Warren ang aparador ng mga libro. "Nasa likod ng aparador na 'yan ang kusina." Sabi ng reporter sa sheriff. "Sigurado ka?" tanong ni Warren sa dalaga. "Kabisado ko na ang bahay na 'to kaya alam ko kung saan ang kusina, banyo, bodega, storage room, playground under the stairs, secret garden, mini-concert room at 225 inches 3D TV movie entertainment studio!" Galit, mabilis at seryosong sagot ni Van sa pulis. Nakinig na lang si Warren sa mamahayag at sinunod niya na lang ang dalaga. Lumakad si Warren kasama si Van papunta ng aparador. Sa loob naman ng kusina, pinupunit naman ni June ang gown gamit ang kutsilyo hanggang sa likod nalang niya ang may palda at si Paige naman ay hinabaan pa ang slit ng palda gamit ang tinidor hanggang sa umabot ito hanggang sa puwet niya. Tinulak ni Warren ang aparador hanggang sa umabot ito sa gilid. Patuloy pa rin ang kasiyahan ng mga deputies sa labas. Nag-iinuman pa rin sila at nagpapaandar ng music mula sa sound system. Nang matapos na ng pulis itulak sa gilid ang aparador, nakita nina Warren at Van ang kusina ng bahay, nakasirado ang pintuan nito at halatang may tao sa loob dahil may tumutunog na mga kaldero, kutsilyo at kung ano-ano pa. Hinay-hinay na binuksan ni Warren ang pintuan ng kusina. Kinakabahan ang pulis at ang reporter kung sino ang tao sa loob. Nang matapos ng buksan ni Warren ang pintuan ng kusina, nakita nilang dalawa na walang tao sa loob. "Walang tao..." sambit ni Warren. Nainis naman si Van dahil wala itong nakitang ni isang tao manlang sa loob ng kusina. "Buwiset! Andiyan sila sa loob!" sigaw ng newscaster sabay pasok sa kusina, ngunit sa kitchen door palang ang journalist, isang hampas ng kaldero sa noo at mukha ang nagpatumba sa newscaster. Halos mahimatay si Van sa sakit ng hampas ng kaldero sa kanyang ulo at pisngi. Si Dazzle lamang pala ang humampas ng kaldero kay Van. Nagtatago lamang pala sina June at Paige sa likod ng pintuan ng kusina. Gumapang papalayo sa kitchen door itong halos himatayin na si Van. Lumabas ng kusina ang dalawang nagtatagong artista at hinabol ang gumagapang papalayo na reporter. Hinarangan ni Warren sina June at Paige na makalapit kay Van ngunit isang malakas na tulak ni June sa dating nobyong pulis ang nagpatapon sa binatang sheriff sa gilid at nauntog pa ng ulo at mukha sa dingding. Dinakip nina Paige at June ang mga binti ng newscaster at hinila papalapit sa kanila. "Sa'n ka pupunta!!? Gaga ka!! Ikaw pa lang mamamatay-tao!!!" sigaw ni Dazzle habang hinihila ang kaliwang binti ni Van. Sigaw lang ng sigaw si Van sa sakit ng paghila ng dalawang kaibigan niya. "Masakit ba?! Sa tingin mo hindi masakit ang pagpatay mo sa kuya ko!!!" sigaw din ni June sa reporter habang hinihila ang kanang binti nito. Inabot ni Van ang stool na malapit sa center table at hinagis kay Paige. Tumilapon si Dazzle sa gilid at bumagsak sa computer set. Ginamit ni Van ang nakaligtas na kaliwang binti mula sa mga kamay ni Paige at sinipa si June. Tumilapon din si Sparkle sa gilid at bumagsak din sa isang mini-cabinet ng mga teddy bears at mga manika. Tumayo ang journalist at nagalit sa dalawang kaibigan, "Mga gaga kayo!! Anong nangyayari sa inyo!?" sigaw ni Van kina June at Paige na napatihaya mula sa tapon ng stool at sipa ng paa ni Van, "namimintang kayo ng killer, at ako pa talaga ha!!!" dugtong ng newscaster na may bukol na sa noo at dumudugo na ang kanang pisngi at labi dahil sa hampas ng kaldero kanina. "At bakit hindi?" tanong ni Paige kay Van na tumayo mula sa pagkatapon at pagkabagsak sa computer set, "ba't dinala mo ang reporter na 'yan sa pamamahay ko?! Baka ano pa'ng gawin niyan dito!" tanong din ni Paige kay Warren na napatayo mula sa pagkauntog sa dingding. "Ha?" tanong din ni Warren kay Paige na nahihilo pa mula sa pagkauntog. "Van, pagod na kami ni Paige, puwede ba, umamin ka na." sabi ni June sa newscaster. Lumapit si Paige kay June habang si Warren ay panay ang masahe sa ulong nautog sa dingding. Nagalit na si Van sa pamimintang ng dalawang kaibigan niya, na siya daw ang killer. "Anong aaminin? Na ako ang sikat na killer? Kung ako man amg killer, aaminin ko 'yon dahil mga bestfriend ko kayo!" galit na sagot ni Van. Naiinis na sina Paige at June, kung sino nga ba ang killer. Napatitig ang journalist sa nahihilong sheriff. "Gusto niyong malaman ang killer?" sabi ni Van sa mga kaibigan, at napatitig naman sina Paige at June sa newscaster, "'yan!! 'yang pulis na 'yan ang killer!!!" galit na sigaw ni Van sabay turo kay Warren. Nanlaki agad ang mga tenga at mga mata nina June, Paige at lalong lalo na, si Warren sa sinabi ni Van. Nawala agad ang pagkahilo ni Warren mula sa pagka-untog dahil sa sinigaw ng reporter. Napatakbo agad ang sheriff sa newscaster at kinausap. "Van! Anong pinagsasabi mo?!" tanong ni Warren sa journalist na naluluha sa galit. Natatawa lang ang sheriff sa pamimintang ng journalist na siya raw ang killer. "'Wag ka ng umarte pa sheriff, di bagay sa'yo." Sabi ni Van kay Warren. Napanganga lang sa ang gulat na gulat na dalawang dalagang artista sa iringan ng pulis at ng reporter. "Tumahimik ka nga Van! Baka marinig ka ng ibang tao!" sabi ni Warren kay Van na napatakbo papunta sa front door at tinulak ang sofa para i-block ang nakasaradong pintuan para walang makarinig o makapasok sa loob ng bahay. "Bakit natatakot kang, marinig ng mga kasamahan mong pulis? Kahit mga lasinggero hindi sila mga mamamatay tao!" tanong ni Van kay Warren. Halos di na makatitig si Warren kay Paige, lalong lalo na sa dating nobyang si June. "Anong katibayan mo na si Warren ang killer?" tanong ni Sparkle sa reporter. Napataas ng noo si Van sabay ayos ng mahabang buhok at bangs. "Gusto niyo ng pruweba? Let's start from tiny ones." Sabi ng journalist. Kinuha ni Van mula sa kanyang bulsa ang mga invitation letters and CD tapes mula sa killer at tinapon sa sahig malapit kina June at Paige. Pinulot naman iyon ng dalawang artista. Nagulat sina Paige at June sa mga tinapong mga CD tapes at letters ni Van sa kanila dahil hawig na hawig ang mga ito sa tapes at letters na kanila ring natatanggap mula sa killer mula sa 'Tom & Jerry' na CD hanggang sa mga 'Protégée' invitation letters. May mga nakasulat pang mga commandments sa invitation letters mula kay Starkiller na, kung hindi si Van susunod sa mga utos nito ay papatayin niya si Garry at siya rin mismo. Nakasulat pa sa mga utos na nasa invitation letters ang commandment na, 'I am way to busy, hope you understand... please broadcast the news about the adoptation of Sparkle and Dazzle if you don't want to be dead-bull...'. Napanganga ang dalawang artista. "Akala niyo, kayo lang ang tinatakot ng sikat na mamamatay-tao ngayon 'no, papatayin din ako kung hindi ko mailagay sa buwiset! na DVD players ang mga buwiset!na CD tapes na 'yan! 'Kala niyo, hindi ako napaparaning tuwing inaatake kayo? Pinapahabol ko kayo kay Garry pagkatapos ng trenta minutos para malaman kung okay nga ba kayo pagkatapos ng atake mula sa gago!!" sagot ni Van na napapasigaw na at napapaluha habang nagsasalita. "Gusto niyo ng malaman ang bigger proofs ko?" tanong ni Van kay Paige at June na napapaluha na din habang si Warren ay namamawis sa hiya habang nakayuko. "Sa araw ng presscon mo June, nandoon ako." Sabi ni Van. Nagkaroon ng mahabang katahimikan at nagulat sina Paige, lalo na si June at ang sheriff. "Nakita ko ang dating nobyo mo na umakyat ng 2nd floor ng stadium kung saan ka sumasagot sa mga tanong ng press sa stage, nagtaka ako. Anong gagawin niya sa stadium? Ba't di siya magbantay sa press con mo. Kaya sinundan ko siya." sabi ni Van sabay kuha ng picture mula sa bulsa ng gown at hinagis kay June. Nang masalo ni June ang hinagis na picture ni Van, nakita agad ni Sparkle pati na rin si Dazzle, na umakyat nga ng 2nd floor ng stadium si Warren sa picture, nakasuot ng itim na jacket. "May kinuhang baril sa bag," sabi pa ni Van sabay kuha pa ng isa pang picture mula sa bulsa ng gown at hinagis ulit kay June. Sinalo naman ulit ni Sparkle ang hinagis na picture sa kanya ng reporter, at nakita nina June at Paige, sa litrato na may kinuhang baril si Warren mula sa maleta, "may tumawag sa celphone," dugtong pa ng journalist sabay hagis ng isa pang litrato kay June. Nasalo ulit ni Sparkle ang picture at sa litrato nga ay may kinakausap itong si Warren sa cellphone. Naluluha na si June habang nanunood sa mga picture, ganoon din si Paige. Kahit ang humahagis ng mga litrato sa kanila ay napapaluha na din. "Di kalauna'y, biglang itinuon ang baril sa gustong barilin at pumutok ito." Napa-iyak na si Van at hinagis na lang sa sahig malapit kina June at Paige ang litrato. Nakita nina Sparkle at Dazzle sa picture na hinagis ni Van sa sahig na may gustong barilin si Warren at sa picture ay pumutok pa ang baril. Napatitig sina Paige at June sa nakayuko at namamawis sa hiya na si Warren. Gulat na gulat si Sparkle sa sa sheriff, dahil alam niyang siya ang gustong barilin ng tao sa kanyang presscon at ang natamaan ay ang kuya Ricky nito, at ngayon alam na niyang si Warren ang taong iyon. Lumuluha lang si June habang pinapanood ang mga pictures sa mga kamay niya at mga sulat, litrato at CD tapes na nasa sahig. Pinapakalma lang ni Paige si June. Nakayuko lang at namamawis sa hiya si Warren. "Nang pumutok ang baril, natakot na 'ko. Tumigil na 'ko sa pag-take ng pictures, umalis, at lumabas. Pero nakita ko pa 'tong mokong na 'to na dumaan sa bintana ng CR para makatakas. Sinundan ko siya, sabay tago. Pumasok siya sa sasakyan niya. Paglabas ng personal cop's vehicle, naka-sheriff outfit na siya. Hanep ka din 'tol, grabe ka." Sabi pa ni Van sabay insulto at titig kay Warren. May hinagis pa si Van kina June at Paige ng tatlong litrato ni Warren na tumalon sa ikalawang palapag ng stadium, mula sa bintana ng CR, tumakbo papasok sa sasakyan niya, at lumabas ng police car nito na nakasuot na ng sheriff attire. "Pa'no mo nagawa sa 'kin to Warren?" iyak na tanong ni June sa ex-boyfriend nito. Hindi makasagot ng diretso ang pulis. "Baka, computerize lang ang mga pictures na 'yan..." hindi maka-titig ng diretso si Warren sa dating nobya at patuloy ang yuko at namamawis. Nagalit bigla ang reporter sa sheriff. "Hindi ako mangmang!!!" todong sigaw ni Van kay Warren.

Sa lakas ng sigaw ni Van, narinig pa ng mga lasing na mga pulis sa labas ng bahay. "Mangmang ka raw!" sabi ng isang lasing na deputy sa kasama niyang pulis. Nagtawanan ulit ang mga lasing. Nilakasan pa nila lalo ang music sa saound system ng sasakyan nila at pinagpatuloy pa rin ng mga deputies ang pagsasayawan at pagsasaya.

"Hindi ako gaga! Tulad ng mga gagang 'yan!!" sigaw ni Van kay Warren, sabay turo kay Paige at June. Tinuro bigla ni Van ang eyeliner ni Paige na naiwan pang nakasaksak sa binti ni Warren. Nagulat sina Sparkle at Dazzle. Alam nilang tatlong magkakaibigan na kay Paige ang eyeliner ang nakasaksak sa binti ni Warren. Patuloy pa rin sa pagyuko sa hiya ang sheriff. "Ano? Hinabol mo naman sila kanina? At namatay ang cameraman ko?!" sigaw ng reporter sa pulis sabay na hinampas ang ulo ni Warren gamit ang kanang kamay nito, "ano?! Magsalita kang gago ka! Kay tagal nating naging magkaibigan, ikaw lang din pa lang mamamatay-tao! Ano!?!" dugtong pa ng galit na galit na si Van. Napapaatras na sina Paige at June dahil sa takot kay Warren at sa paghahampas ni Van sa ulo ng binata at baka ano pa ang gawin ni Warren sa kanya. Naiinis na ang reporter. "Magsasalita ka!! O kung ayaw mong papatayin kita!--" sigaw pa ni Van nang biglang binaril ni Warren ang ulo ng sumisigaw at humahampas ng ulo nito na mamahayag. Napasigaw sa gulat sina Paige at June sa putok ng baril at pagbaril mismo ni Warren kay Van. Tumilapon si Van sa malayuan dahil sa lakas ng impact ng tama ng baril sa ulo nito at nauntog pa ang noo ng dalagang repoter sa dingding. Napatitig ang chief officer sa dalawang dalagang artista. Nang tumingin ng diretso ang sheriff kina June at Paige, nagulat silang dalawa dahil namumula ang mga mata ni Warren dahil sa iyak.

Sa labas naman ay patuloy ang inuman ng mga pulis. "Pare may narinig ka bang, putok ng baril?" tanong ng deputy sa kasamahan niya ring deputy sabay inom ng isang basong gin. "Wala, utot ko lang 'yon!" sagot ng tinanong na deputy. At biglang may nagsidatingang tatlong sasakyan ng media. Agad na pinatay ng mga pulis ang sound system at tinago sa loob ng kanilang sasakyan ang mga bote ng alak. Bumaba ng media cars ang mga anim na newscasters at anim ding cameraman. "Ano po'ng meron at nandito po ang policemen natin sa labas ng bahay ni Miss Dazzle?" tumatakbo ang anim na newscasters sa kanila, dala-dala ang mga microphones at nagtatanong. "Am... nasa loob ng bahay ni miss Paige sina miss June, si miss Van at si sheriff Warren, nag-aaway 'ata." Sagot ng isang deputy. Napatawa bigla lahat ng mga pulis. Napapansin ng mga newscasters na mga lasing lahat ng mga deputy. "Medyo masaya 'ata tayo ngayon, puwede po ba kaming pumasok sa loob?" tanong ng isang dalagang newscaster. "hep, hep, hep, walang papasok! Wala pang alarm mula kay sheriff." Sagot ng isang binatang lasing na deputy. Wala namang magawa ang media, kundi maghintay. Kinuha ng isang guwapong deputy ang isang bote ng alak, "You want some?" sabi ng deputy at inalok ang isang magandang reporter na uminom ng gin. Hinay-hinay na klinilig ang dalagang reporter at ngumiti.

Lumakad si Warren papunta kay Van. "Sabi ko naman sa'yo Van, ayoko ng paparazzi, na may mahaba ang buhok na parang si Sadaku!" galit na sabi ni Warren sabay na pinulot si Van sa sahig at hinagis sa napakalaking TV. Nabasag ang monitor ng telebisiyon at kalahati nalang ang may screen. Natatakot na sina June at Paige. Napapaatras ang dalawang dalaga sabay tulo ng mga luha sa mga mata. Lumalakad si Warren papalapit kina Paige at June. "Nagtatanong ka June kung bakit ko ginagawa ang mga kagaguhang ito?" tanong ni Warren sabay lakad papalapt sa dalawang artista. Nagtatago lang si June sa likod ni Paige sabay lakad ng paatras. Hinaharangan lang ni Paige ang sheriff na makalapit sa dating nobya. "Warren please--" sabi ni Paige at biglang dinakip at sinakal ni Warren ang leeg ni Dazzle at hinagis ang dalaga sa pader. Bumagsak pa ang dalaga sa lalagyan ng mga sapatos at humagalpak sa sahig. Napasigaw si June sa ginawa ni Warren. Sinakal bigla ng dating nobyo ang dating nobya at hinampas ang katawan nito sa malaking salamin na nakadikit sa may dingding. "Umiba ang mundo ko nang maghiwalay tayo, ngayon magtatanong ka kung bakit ko ginagawa 'to?!" sabi ni Warren kay June. Biglang hinulbot ni Sparkle ang eyeliner ni Dazzle na nakasaksak sa binti ng sheriff. Napasigaw si Warren sa sakit ng paghulbot ng ex nito ng eyeliner sa kanyang binti. Sinaksak agad ni June ang eyeliner sa kanang tenga ni Warren. Napasigaw ulit si Warren sa sakit ng saksak at nabitawan niya si June. Sinipa ni Sparkle ang binatang pulis sa tiyan at tumilapon ito papalayo. "Ikaw ang nakipaghiwalay, hindi ako!!!" galit na sigaw ni June sa dating nobyo.

Sa labas naman nakisali na ang media sa kasiyahan. Nakipag-inuman na rin sila kasama ang mga pulis. Tumudo pa lalo ang umandar ulit na audio system mula sa sasakyan ng mga pulis. Hindi na nila naririnig ang nangyayari sa loob ng bahay ni Paige.

Lalapit sana si June sa nahimatay na si Paige ngunit hinarangan ni Warren ang dinadaaanan nito. Tumakbo na lang ang dalaga paakyat ng hagdan. Tumayo si Warren mula sa pagkatumba, hinulbot ang eyeliner sa kanang tenga at hinabol ang dating nobya. Nadakip ng sheriff ang kaliwang binti ni Sparkle at hinila ang dalaga papalapit sa kanya. Napatumba si June at napasigaw. Hindi makaalis ang dalaga sa mga kamay ng binata kahit anong galaw pa niya. "June, akin ka lang, tandaan mo!!" sigaw ni Warren. Nagalit si Sparkle sa sinigaw ng dating nobyo at napasigaw ito ng, "Putang ina mo!!!" sagot ni June at agad na sinipa ang mukha ng pulis gamit ang kanang paa. Tumilapon si Warren sa sipa ni June. Nakaligtas ang artista sa mga kamay ng pulis at nakatakbo ito paakyat ng hagdan. Hinabol pa rin ang dalaga ng sheriff. Naabot na ni June ang ikalawang palapag, ngunit nadakip pa rin siya ni Warren. Niyakap siya ng binata ng mahigpit. "Saan ka pupunta ha!!" sigaw ni Warren. Nasasaktan ang dalaga sa higpit ng yakap ng officer. Napasigaw si June. Tinapakan ni Sparkle ang kaliwang paa ng binata. Napasigaw si Warren sa sakit ng apak ng dalaga. Sinuntok ni Sparkle ang likurang bahagi ng ulo nito sa mukha ng pulis. Napatumba ang sheriff ngunit kayakap pa rin niya dating nobya kaya, sumemplang ang dating magkasintahan at gumulong pababa ng hagdan. Gumapang papalayo si June kay Warren. Halos di makagalaw si June dahil sa sakit ng pagkahulog sa hagdan. Hinabol ng sheriff ang gumagapang papalayo na si June, ng naglalakad lang. Iyak lang ng iyak si June habang gumagapang papalayo. "Andiyan na ko..." sabi ni Warren na ngumingiti na parang demonyo. Nilalaro ng pulis ang aktres. Panay ang habol kay June ng naglalakad lang. "Pasensiya ka na June, sabi kasi ng source na nag-sabi sa 'kin tungkol sa'yo, kaya mo lang ako nagustuhan ay dahil pulis ako. Sabi din ng source na natanungan ko, peke ang pagmamahal mo sa 'kin dahil peke din ang pagiging sheriff ko, sinong nagsabi sa'yo?! Anak ng-- Pinaghirapan ko 'tong pagiging chief officer ko, para sa'yo!! At sabi pa ng source na natanungan ko, pinipilit mo lang ang pag-ibig mo sa 'kin dahil sa pagiging sheriff ko." Galit na pakikibahagi ni Warren ng hinahin niya sa kanyang dating nobya kung bakit siya pumapatay. Patuloy ang pag-gapang ni June papalayo kay Warren ng umiiyak at patuloy din ang lakad ng sheriff papalapit sa dating nobya. "Pero di ko talaga carry, na wala ka sa tabi ko June. Nagsisisi nga ako't hiniwalayan kita, kapal ko 'no. Ako pa'ng nakipag-break. Kaya nakipag-halobilo ako sa source ko at naging secret agent ko siya, para gumawa ng krimeng ito gamit ang pelikula mo. Para kung nasa gitna ka ng disgrasya, ako lang ang makaka-save sa'yo, at pasasalamatan mo ko, at babalikan mo ko." Sabi ni Warren. Nainis bigla si June sa mga motibo ni Warren kung bakit ito pumapatay. Napatigil ito sa pag-gapang at hinarap ang dating nobyo. "Eh, Gago ka pala eh!!" sigaw bigla ni June sa pulis, "ikaw ang nakipag-break, ikaw dapat ang bumalik!!" dugtong pa ni Sparkle. Nagulat si Warren sa sinabi ni June. "Pero, sabi din ng source ko, hinding hindi ka na makikipagbalikan sa 'kin kahit anong mangyari, kahit luluhod pa 'ko sa sahig na puro asin!" gulat na pagsabi ng sheriff. "Isa lang ang ibig sabihin niyan, sinungaling ang fucking source! na natanungan mo!!!" sagot ni Sparkle. Nagulat pa lalo si Warren sa sinigaw ng ex sa kanya. "'Yan!! Puro ka kasi source ng source!! Naisipan mo ba 'kong diretsuhin, at tanungin?! Kung iniibig ba kita ng totoo? Naitanong mo na ba 'ko ng diretso kung mahal ba kita dahil sa pagiging sheriff mo? Naisipan mo na ba 'kong tanungin kung tatanggapin pa ba kita kung babalikan mo 'ko?! Isang iyak mo lang sa harapan ko, tatanggapin kita ulit sa puso ko! Gago!!!" sabi pa ni Sparkle sa sheriff. Panay ang iyak ng artista at pag-luha ng sheriff dahil sa gulat. "Pero Warren, sino ang babaeng tumawag noon, hinahanap ka at nobya ka raw niya?! Ha?!! Kahit tumawag ang misteryosang babaeng 'yon sa 'kin hindi kita hiniwalayan! Tapos ikaw, sa isang sinungaling na source lang naniwala ka na agad!?!" galit na tanong ni June sabay iyak. Walang maisagot ang pulis dahil siya mismo, walang alam sa tungkol sa babaeng tinutukoy ni June. Ilang segundo lang, biglang may tumawa sa isang lugar. Boses lalaki ang tinig ng tumatawa. Napapansin ni June na alam niya ang boses na iyon. Biglang gumalaw si Ricky na akala ni June kanina, ay patay na. Tumayo ang duguang kapatid ni June, panay ang linis ng pekeng dugo sa kanyang likod at braso, panay din ang tawa at lumakad papalapit kay Warren. Gulat na gulat si Sparkle. "Buhay ka kuya?" masaya at gulat na tanong ni June sa kapatid at sabay na napatayo. Ngunit hindi pinapansin ni Ricky si June. "Sorry Warren, I have to do the lies for you to believe me. Pagpasensiyahan mo na 'ko." Sabi ni Ricky sa sheriff ng natatawa. "Kuya, anong ibig sabihin nito?" tanong ni Sparkle na hindi maintindihan ang nangyayari kung bakit kinakausap ni Ricky si Warren ng malapitan. Nagagalit ang mukha ng sheriff habang nagsasalita si Ricky sa kanya. Nagalit na si June sa kapatid. "Kuya!!" sigaw ni June kay Ricky. Napatingin din si Ricky kay June dahil sa sigaw nito. "Anong ibig sabihin nito?!" tanong ulit ni June sa kapatid. "Isn't that obvious?" tanong din ni Ricky sabay titig bunsong kapatid. Humarap si Ricky kay June. "Ako ang fucking source! At fucking! secret agent ni papa Warren mo!" galit na pagsabi ni Ricky kay June. Nagulat si Sparkle sa sinabi ng manager nito. Biglang napaluha si June sa gulat.

Nächstes Kapitel