Chapter Three
Kumatok sa pinto ng bahay ni Paige itong si Van. Binuksan ng isang lalaki ang pintuan. Si Peter pala ang bumukas ng pinto, ang manager ni Dazzle. Nasa edad 35 na itong si Peter, at medyo kulang sa kataasan. Sumimangot bigla ang mukha ng binata nang makita ang newscaster pagbukas niya ng pinto. "Can I help you?" tanong ni Peter kay Van. Sumimangot din ang mukha ni Van at nagsabi ng, "I don't need your help, where's Paige?" Wala namamg magawa si Peter kaya pinapasok niya nalang ang mamayahag. Nakita ni Van si Paige na pumasok sa loob ng bahay niya, habang nakaupo sa sofa at lumuluha. "Need some hugs?" tanong ni Van kay Paige. Tumayo si Paige sa kinauupuan niya habang umiiyak at lumakad papunta kay Van. Nagyakapan ang dalawang dalaga. Lumakad sina Paige at Van sa sofa at umupo. Sinara ni Peter ang pinto. "Gusto mong tumulong di ba?" Tanong ni Peter kay Van, "kanina ko pa 'yan tinutulak sa kusina para kumain, eh, ayaw 'ata ng tiyan niya." Dugtong ng binata. "Ba't di ka kumakain?" tanong ni Van kay Paige, "sa tingin mo, gusto ni Daisy at ni sir Tolentino na magpagutom ka?" dugtong pa ng reporter. "Ayaw ng ngipin ko na kumagat ng pagkain ngayon." Sagot ni Paige. "Edi try mo tanungin ang dila mo baka gusto niyang dilaan ng pagkain para di ka gutumin." Sabi ni Van kay Paige. Napangiti si Paige dahil sa biro ni Van. "Buti na lang nandito ka pa Van, napangiti mo 'ko. Panay lang ang titig ko dito sa pelikula ni ate Daisy last month na 'Margarita' na akala ko, mano-nominate siya ngayon sa Ricci Lux,... hindi pala..." Sabi ni Paige na nakatitig sa movie poster ng ate nito na 'Margarita' na nakapatong sa center table. Napasimangot bigla si Dazzle at nagtanong sa bestfriend nitong reporter, "Teka, ba't ngayon ka lang? Kanina pa'ng hanap ko sa'yo. Sa'n ka galing?" tanong ng artista. Sasagot na sana si Van nang magsalita si Peter. "Eh, saan pa?, Edi sa isa pa niyang bestfriend, si Sparkle." Sabi ni Peter habang lumalakad papunta ng kusina. Napatingin ng masakit si Van kay Peter at ngumiti lang ang binata mula sa kusina. "Pasensiya kana," sabi ni Van kay Paige, "Nang marinig ko ang balita tungkol kay Daisy at sa ama mo si June agad ang pumasok sa isip ko. Gusto ko kasing makuha ang reaksiyon niya sa pakamatay ng ate mo at ni sir Tolentino." Dugtong pa ng mamahayag. "Eh, ang reaksiyon ni Paige," sabi bigla ni Peter palabas ng kusina, "ayaw mong makuha? Mas importante nga 'yon di ba?" dugtong ng binata. Sumagot bigla ang reporter ng "Alam ko na ang reaksiyon ni Paige, kaya mas inuna ko si June." Sabi ni Van, "Bakit, kung namatayan ka ba ng kapamilya, masaya ka ba? Siyempre malungkot di ba?" dugtong ng mamahayag. Tumahimik bigla ang manager ni Dazzle dahil my punto ang reporter. "Alam mo Paige," sabi ni Van sa bestfriend nito, "Dinadamdam ngayon ng lola mo ang pagkamatay ng ate't ama mo, pati ang mga pinangsasabi niya sa'yo sa morge." Dugtong ng reporter. "Sinabi niya sa'yo?" gulat na tanong ni Paige. Tumango naman si Van kay Paige. Napahinga ng malalim ang artista. "May punto rin naman kasi si June," sabi ni Paige, "ba't kasi wala ako sa bahay sa mga oras na 'yon." Dugtong ni Dazzle. "At pinagbintangan mo pa raw siya? Na, siya raw ang pumatay kay ate Daisy at sir dahil sa pelikula nitong 'Protégée'?" tanong ni Van. "Nadulas lang ako sa pagsabi ko sa kanya ng gano'n." sagot ni Paige. Napangiti si Van sa sagot ni Paige, "Nadulas? Wow, may floor wax?!" sabi ni Van. "Gaga!" sambit ni Dazzle, "Eh, pa'no kasi parehong pareho ang estilo ng pag-murder ng mamamatay sa ama't ate ko kay Starkiller. Invitation letters? Scripted lines from a paper? Videos taken from the victim's movie? Pati Starkiller mask? Hawig na hawig friend eh!... At may potential siya na maging salarin dahil nominado naman siya sa Ricci Lux Awards kung saan nominado naman ako after seven years, oh yes, I accepted the film na ino-offer sa 'kin ng 'PeliCoola' na 'Mari Sol' dahil bagay daw sa skin at beauty ng bestfriend mo-- I took the risk again na baka puwede ng manalo ... Pero di mo naman masisisi si Sparkle star, ako din naman ang dapat sisihin kung bakit may Starkiller sa life niya." Sagot pa ni Paige. "Why?" Gulat na tanong ni Van. Ngumiti lang si Dazzle. "Hayaan mo na 'yon, tumayo ka na nga, at baka madumihan pa ang damit mo sa dugo sa sofa." sabi ni Paige sabay tayo. "What?" tanong ng reporter. Napatitig si Van sa kinauupuan niya at napatayo ito dahil sa gulat. Nakaupo pala siya sa sofa na puro dugo ng tao, galing sa ama ni Paige kanina. Nandidiri si Van. "Hindi mo naman sinabi na nakaupo pala tayo sa dugo. Wala ka bang planong punasan ang foam ng sofa mo? O ipalaba manlang sa labandera mo?" tanong ng mamahayag sa kaibigan nito. "Ewan ko ba," sabi ng artista, "ni ito nga'ng dugo sa sahig di ko pa nga na punasan." Dugtong ni Dazzle habang tinuturo ang dugo sa sahig mula sa dugo kanina ni Daisy. "Ay naku ineng! Punasan mo na'ng mga 'yan!" sabi ni Van kay Paige. "Arte ka pa diyan, ikaw naman ang may gawa niyan!" sabi bigla ni Peter habang umiinom ng beer. "Ikaw kanina ka pa! Ikaw ka 'yang gawin kong basahan!" sabi ng reporter sabay lakad ng mabilisan papunta kay Peter dahil sa galit. Tumindig lang ng makisig itong si Peter at handang lumaban sa mamahayag. Pinipigilan naman ni Paige ang mga braso ng bestfriend nito para huwag na niyang awayin ng pisikal si Peter. "Van, 'wag mo na'ng upakan 'yan, may topak 'yan." Sabi ni Paige sa bestfriend nito. "Pasalamat ka't may mga kamay na pumipigil sa 'kin, kung wala, naisaksak ko na 'yang beer sa bunganga mo, duwende ka!" galit na sabi ni Van. "Aray," sambit ng binata, "takot ako!" dugtong pa ni Peter sabay lakad pabalik ng kusina. "Ba't ba'ng uod na 'yan ang naging manager mo? Baliw 'yan, humanap ka ng iba habang maaga pa." sabi ni Van kay Paige. "Hello?! Gabi na kaya!" sigaw ni Peter mula sa kusina. Nanggagalaite sa galit si Van. "Vanessa," sabi ng reporter sa sarili, "Okay lang 'yan, breathe..." dugtong pa ni Van sabay hinga ng malalim, ngumiti at nagsimulang magtanong, "So, nasa morge pa rin ang ate Daisy at si sir--" naputol bigla ang pangungusap ni Van nang magsalita bigla si Paige, "Naipa-crimate ko na sila." Biglaang sagot ni Paige. "What!?!" Gulat na gulat na tanong ni Van, "hindi ka manlang nagpa-misa sa kanila? Dugtong pa ng newscaster. "Tinawag ko si father Jepoy pagdating ko ng morge" sabi ni Dazzle, "pinamisahan ko sila ng madalian lang, at sinabihan ko ang mga taong magkri-crimate sa ate't ama ko, na kapag lumabas na ko ng morge, magsa-start na sila ng cremation... Ayoko ng makita ang ama't kapatid ko sa bahay, na wala ng buhay at pumasok sa bahay ko ang mga nagpipilitang mga kaibigan." Dugtong pa ng artista. "Sana, hindi si June ang tinutukoy mo," Sabi ni Van sabay titig sa mga mata ni Paige, "siya nga ba?" tanong pa ng mamahayag. Ngumiti lang si Dazzle, "Ay naku! Hayaan mo na nga, at least ngayon langit ang punta ng dalawa," sabi ni Paige, "dito ka ba ngayon matutulog?" tanong pa ni Paige kay Van. "Sana," sagot ni Van, "matagal-tagal na rin akong di nakakatulog sa kuwarto ko dito sa bahay mo. Kaya lang ang kampon ng kadiliman ayaw akong pagbuksan ng pintuan!" dugtong pa ng reporter, na ang tinutukoy na kampon ng kadiliman ay si Peter. "So sa'n ka matutulog?" tanong ni Paige sa kaibigan. "Sa sariling bahay ko na lang," sagot ng newscaster, "ang lola Sparkle mo pinapatulog din ako do'n sa bahay niya, pero I told myself, that, 'there's no place like home'." Dugtong pa ng mamahayag. Napangiti ang dalawang dalaga sa sagot ni Van. "Sige na, uwi na..." Nagpaparinig ang manager ni Paige mula sa kusina kay Van. "Bantayan mo 'yang mokong na 'yan at baka mapatay ko 'yan." Sabi ng reporter kay Dazzle. "Sure." Sagot ni Paige na napangiti. Lumabas si Van ng bahay. Nakita ni Paige na may invitation letter sa bulsa si Van at may nakasulat na 'Protégée". Nagulat si Dazzle at agad na hinatak pabalik si Van. "Teka!" sabi ni Paige, sabay hila kay Van, "ano 'yan?" tanong pa ni Dazzle sabay turo sa invitation letter na nasa bulsa ng mamahayag. Wala namang magawa itong reporter at kanyang kinuha ang letter sa bulsa nito. Natatakot ang mukha ni Van at hinay-hinay ang pagkuha sa sulat. "Total, nakita mo na rin lang, gusto ko sanang humingi ng tulong, kung hindi ka sana masyado busy--" ibibigay na sana ni Van ang papel mula sa bulsa nito kay Paige ngunit biglang sumigaw si Peter sa kusina ng, "Paige!!!, Busy ka di ba?!!! May shooting ka pa bukas!!! Matulog kana!!!" sigaw ng binata mula sa kusina. Nagalit na si Dazzle sa manager nito. Napasigaw na rin ang morenang dalaga mula sa main door. "Bwiset!!! Busy-busy!!!, ang ingay mo!!! Kailangan ni Van ng tulong dito ikaw puro pera ang iniisip mo!!!..." Patuloy sa pagbanat ng sigaw itong si Paige kay Peter ngunit di alam ni Paige na nadismaya na si Van dahil busy nga ang bestfriend nito. Lumakad ang reporter papunta sa sasakyan nito at pumasok sa loob. Nang matapos na si Paige sa pagsigaw kay Peter sa kusina, humarap itong muli sa kinakauusap nitong reporter ngunit wala na ito at nakita niya na pumasok ito sa sasakyan niya at handa ng mag-drive. Nagulat si Paige. "Hoy!!!" sigaw ni Paige kay Van mula sa main door ng bahay niya, "Ba't aalis kana, di pa tayo tapos, 'asan na 'yong sulat sa bulsa mo?!!!" dugtong pa ni Dazzle. Umaandar na ang motor ng sasakyan ni Van. "Sa susunod na lang pag di kana busy!!! At wala na'ng duwende sa loob ng bahay mo!!! Sige Bes!!! Ingat!!" sigaw ni Van habang umaandar ang motor sasakyan nito at agad na bumyahe ang mamahayag. Nadismaya din si Paige dahil alam niya na invitation letter iyon mula sa mamamatay ang nakita niyang sulat sa bulsa ni Van. "Ingat ka din." Sabi ni Paige kay Van kahit di niya iyon narinig. Tumalikod na lang ang dalaga at isinara ang pintuan. Nang siya ay tumalikod ginulat siya ng manager nito na nakatayo pala sa likuran niya. Napasigaw ito ng, "Ay! Duwende ka!" sigaw ng dalaga, "Ba't ka ba nanggugulat!" sambit pa ni Paige kay Peter. "Narinig mo 'yong sinabi ng bestfriend mo?" tanong ng manager nito. "Ang alin?" tanong din ni Dazzle sa kanya. "Na papatayin niya daw ako!" sagot I Peter. Napangiti si Paige at nagsabi ng "Dapat lang." sabay lakad papasok ng sala. "Ano ka ba," sambit ni Peter sabay habol kay Paige, "hindi mo ba napapansin? 'Yang bestfriend mo ang pumatay sa ama't kapatid mo!" dugtong pa ng manager nito. "Hoy!" sambit ni Paige ng biglaan, "Magdahan-dahan ka sa pamimintang mo!dahil di kayang gawin ni Van ang sinasabi mo, mas may potential ka bilang mamamatay-tao dahil mas killer ang pagmumukha mo." Sabi pa ni Dazzle. "Matagal ng naiinggit 'yang Van na 'yan sa inyo ni June mula ng bata pa kayo at ngayon na 38 ka na, at abot puwet na ang haba ng buhok niya, at mas mayaman ka pa sa ka niya, malamang nanginginig na 'yang ugat niya na--" Naputol bigla ang sinasabi ni Peter nang magsalita si Paige, "Na ano?" tanong bigla ni Paige. "Na mapatay ka." Sagot ni Peter. Gulat na gulat si Paige sa sinabi ni Peter. "Grabe! Grabe 'yang dila mo, parang wala kang pakialam kahit marinig ka pa ng ibang tao! Oo, malamang naiinggit si Van sa amin ni June dahil naging broadcaster lang siya at naging artista kami ni June. At oo, gusto ni Van na maging artista at magperform sa stage ngunit 'yang pamimintang mo, ay di kayang gawin ni Van 'yan. Si June siguro puwede pa." sabi pa ni Paige. Lumakad ang artista papunta ng kusina, "May tinatago si Van na sikreto na kami lang ni June ang nakakaalam, kaya hinding hindi 'yan maiinggit sa kasaganaan at kayamanan." sabi ni Paige sabay lakad papunta ng kusina. Wala namang magawa ang manager nito. Ni-lock nalang ni Peter ang pintuan at lumakad paakyat ng hagdan, at pumasok sa kuwarto ni Paige. Nang marinig ni Dazzle ang pintuang sumara, sumigaw ito agad ng linyang "Lumabas ka diyan ulol! Kung ayaw mong ma Dead Bull!" At sinunod naman ni Peter ang sinabi ni Paige. "Lalabas na po!" Sabi ni Peter sabay lakad palabas ng kuwarto ng kanyang alaga at pumasok na lamang sa sariling kuwarto.