Papasok pa lang ng elevator si Marble nang maabutan ni Vendrick. Hinabol sila ng tingin ng mag-asawang Mang Luis at Aling Linda, puno ng pagtataka ang nagpakarehistro sa mukha ngunit walang may naglakas ng loob magtanong kung ano'ng nangyayari.
Dalawa silang bumaba ng gusali hanggang sa igiya siya ng asawa sa kotse nitong nakaparada sa parking lot at nagmamadali silang pumasok duon.
"Vendrick ang anak ko, baka mapahamak ang anak ko," nangangatal na ang kanyang bibig sa takot habang nag-uunahang magsipatak ang kanyang mga luha.
Hinawakan ng asawa ang kanyang kamay na nakapatong sa kanyang mga hita habang balisang nakaupo sa tabi ng driver's seat.
"Bilisan mo ang pagpapatakbo ng sasakyan, Binbin! Baka kung mapano ang anak ko!" hagulhol na niya.
Pero sa halip na sundin ay binuksan ng lalaki ang maliit na compartment sa harap ng kotse at kinuha duon ang isa pang phone saka tinawagan ang ina.
"Ma, nasaan na si Kaelo?" tanong nito sa nasa kabilang linya habang nagmamaneho.
Inagaw niya sa asawa ang phone at sa pagitan ng pag-iyak ay agad niyang tinanong ang kinaruruonan ng anak.
"Asan ang anak ko, ma?"
"Andito sa loob, kinuha ko na. Sabi kasi ni Vendrick kunin ko sa labas," sagot ng byenan.
Naitakip niya ang isang bibig sa kamay nang mapahagulhol ng iyak. Ang buong akala niya'y may masama nang nangyari kay Kaelo. Hindi niya mapapatawad ang sarili 'pag may nangyaring masama sa bata.
"Marble, anak. Bakit ba? Nag-aalala na tuloy ako. Okay lang kami rito, 'wag kayong mag-alala samin," pagbibigay ng assurance ng kanyang byenan.
Muling inagaw ni Vendrick ang phone sa kanya saka ini-loud speaker iyon.
"Ma!" tawag nito sa ina.
"Okay nga lang kami rito, anak. 'Wag kayong mag-alala sa amin," pag-uulit ng ginang.
Nakahinga nang maluwang ang asawa saka muling hinawakn ang isa niyang kamay at pinisil-pisil iyon.
"Stop crying na, hon. Okay lang daw si Kaelo. Nasa loob na siya ng salon kasama ni mama. Besides, malapit na tayo duon. 5 minutes na lang andun na tayo," pag-aalo nito sa kanya.
Subalit pasaway ang kanyang mga luha, ayaw tumigil sa pagpatak lalo na ang kanyabg bibig na nagpatuloy sa paghagulhol hanggang sa tanggalin niya ang palad na nakatakip duon.
"Bilisan mo pa kasi ang pagpapatakbo! Gusto kong makita ang anak ko!" hiyaw na niya rito.
"Marble--"
"Bilisan mo!" Lalo siyang napahagulhol nang iyak pagkasigaw niyon. Hindi siya mapapakali hangga't di nakikita si Kaelo.
Isipin pa lang na mapapahamak ang kanyang anak, hindi na niya alam ang gagawin, kusang nangangatal ang kanyang bibig sa takot habang pilit na umuukilkil sa utak niya ang nangyari noon.
Hindi! Ayaw na niyang balikan ang lahat. Isa iyong bangungot sa kanyang buhay na di niya papangaraping balikan. Ilan taon din niya iyong pinagsikapang makalimutan.
Walang nagawa si Vendrick kundi sundin siya, halos paliparin na nito ang sasakyan makarating lang sa kanilang pupuntahan hanggang sa wakas ay nakita niya ang salon ni Erland kung saan may nakaparadang sasakyan sa mismong harapan niyon.
Pagkahinto lang ng kotse sa likod ng nakaparadang sasakyan ay agad nang lumabas si Marble duon at patakbong tinungo ang salon ngunit natigilan siya nang makita si Kaelo na papalabas sa pinto habang sumisigaw ng "Pare!"
Sinundan niya ng tingin ang sinasalubong ng batang nasa kabilang daan pa at panay ang tingin sa kaliwa't kanan bago patakbong tumawid ng kalsada papunta sa pasalubong na bata.
"Kaelo! No!" malakas niyang sigaw nang makita ang anak na bumubungisngis pa habang nakadipang tumatakbo para salubungin ang kapatid ni Vendrick.
"Kaelo!!!" sigaw niya uli dahilan upang mapatingin ang bata sa kanya at tumigil sa pagtakbo.
Subalit kung kelan ito tumigil ay saka naman umandar ang makina ng sasakyan sa mismong harap ng salon kung saan nakatayo sa harap niyon ang kanyang anak.
Napamulagat siya sa pagkagimbal at lalong nanlambot ang mga tuhod nang
biglang tumakbo ang sasakyang iyon para sagasaan si Kaelo.
"Kaelooo!!!" buong lakas niyang sigaw sa takot at sa kabila ng pangangatog ng mga tuhod ay nagawa pa rin niyang tumakbo palapit sa anak.
"Mommyyy!!!" sigaw ng bata, nakaramdam din ng takot habang papalapit ang sasakyan ngunit bago pa ito masagasaan ay nasagip na ni Karl palayo sa kotseng gustong bumangga rito subalit di nito napansing naka-elevate pala ang semento sa gilid ng kalsada kaya na-out of balance ang lalaki at muntik nang mapasubsob sa semento kasama ang bata kung hindi naging maliksi si Vendrick at naiharang ang katawan ngunit di nito nakaya ang bigat ng dalawa kaya natumba pa rin ang tatlo sa semento.
Mabilis na nakaharurot ang sasakyan palayo.
Patakbo niyang sinaklolohan ang tatlong mabilis na nagpakabangon. Una niyang nilapitan sina Karl at Kaelo habang yakap ng lalaki ang batang patuloy sa pagbulyahaw ng iyak sa takot. Binawi niya ito mula kay Karl at pinagmasdang mabuti ang katawan kung may natamo ba itong sugat.
"May masakit ba sa'yo anak, ha? May masakit sa'yo?" lumuluha niyang tanong na lalo namang ibinulyahaw nito ng iyak.
"Hon, calm down. He's just okay," pag-aalo ni Vendrick ngunit tila wala siyang narinig at patuloy na sinipat ang buong katawan ng anak.
Hindi ito pwedeng magalusan. Hindi pwede!
"Marble, calm down. He's okay. Lalong natatakot ang bata sa iyak mo," saway na ni Karl nang mapalakas ang kanyang iyak.
"Mommy! Mommy!" hiyaw nang bata, mahigpit na yumakap sa kanya.
"Mommy is here, it's okay. It's okay. Mommy is here," siya naman ang patuloy na nang-alo rito.
"I saw her mom! I saw her waving at me," sumbong ng bata sa pagitan ng pag-iyak.
Habang ang magkapatid ay sandaling nag-usap at tumawag na ng pulis para mahabol yung sasakyang mabilis na nakaharurot palayo.
"Vendrick, what' s happening?" takang tawag ni Cielo pagkalabas lang ng salon, halatang walang alam sa nangyari.
"What happened? Why is Kaelo crying?" usisa agad nito't mabilis na lumapit sa kanilang mag-ina habang si Vendrick ay lumapit na uli sa kanya't hinawakan siya sa balikat sabay halik sa kanyang ulo.
"Don't worry, hon. Pinahabol na namin sa pulis "yung driver ng sasakyan," wika nito.
Hindi siya sumagot, nanatili lang nakayakap sa anak habang pinapatahan ito.
"Oh! Bakit may galos sa siko ang apo ko?!" bulalas ni Cielo maya-maya.
Natigilan siya, tila nabingi sandali, maya-maya'y nakaramdam ng pamamanhid ng ulo at gimbal na hinawakan ang braso ng bata.
"Ouch, mom! It hurts!" hiyaw nito.
Nagsimula na naman siyang maparanoid at nanlilisik ang matang bumaling kay Karl habang karga pa rin ang bata.
"You said, he's okay! You told me, he's just okay!" sigaw niya't binayo na ang dibdib nito ng kanyang kamao.
Kung di pa siya inawat ng asawa'y baka nasipa pa niya ito.
"Sinabi ko na sa'yo, hindi pwedeng magalusan ang anak ko! Hindi siya pwedeng masugatan!" patuloy niya sa pagsigaw dito.
"I saved his life, okay! I just saved his life!" ganti nang sigaw ni Karl, hindi maunawaan kung bakit ganun ang reaksyon niya sa kunting galos na iyon ng bata.
"You coward asshole! 'Pag may nangyaring masama sa anak ko, mapapatay kita!" pagbabanta niyang sigaw sa lalaki at susugurin na naman kung hindi na siya nahawakan ni Vendrick saka ipinasok na agad sa kotse kasama ang bata.
Sandaling natahimik si Karl habang salubong pa rin ang mga kilay na matalim na napasulyap sa kanyang isinasara na ang pinto ng sasakyan sa likod ng driver's seat pero nang makabawi ay tumakbo na palapit sa kanila at agad na sumakay sa tabi ni Vendrick.
Nakitakbo na rin ang ina nito at tumabi kay Marble samantalang nalilito na lang na humabol ng tingin si Eva sa labas ng salon.