webnovel

MRS. MARBLE ORTEGA

Pero lumungkot din ang kanyang mukha pagkuwan lalo nang maalala ang sinabi ni Gab.

Sa simula pa lang, si Chelsea na talaga ang mahal nito. Baka naaawa lang ito sa kanya noon dahil sa ginawa ng ina ni Gab at ni Chelsea kaya ganun ang sinabi sa kanya. It was just out of pity.

What about last night?

Napayuko siya. Ano pang magagawa niya, siya ang may gusto nun. Syempre lalaki ito. Alangan namang titigan lang siya nito gayung sabi ni Erland, siya pa ang nanghahalik kay Vendrick kagabi.

What a shame! Nawala ang kanyang pinakaiingatang dangal sa isang iglap lang, nawala na nga, wala pa siyang naalala kahit kunti man sa nangyari.

Napakabobo talaga niya!

Palihim siyang napasulyap sa katabi habang deretso ang mga mata nito sa pari.

Ano kayang nararamdaman nito ngayon? Hmp! Pakialam ba niya! Pero sana, sana masaya din ito at excited sa kasalang yun. Kahit sana man lang maging ganun.

Wala siyang nauunawaan sa sinasabi ng pari, naririnig niya pero walang pumapasok sa kanyang utak. Para bang lasing siya sa alak at lutang ang kanyang pakiramdam. Ang gusto lang niyang isipin ay kung anong damdamin ni Vendrick ngayon kahit walang silbi ang kanilang kasal.

Aminin man niya o hindi, si Vendrick lang ang lalaking pinayagan niyang makapasok sa kanyang puso. Ito lang ang lalaking pinayagan niyang humalik sa kanyang mga labi.

Tulad ngayon, sinusuotan nila ng singsing ang bawat isa at sumusunod sa sinasabi ng pari. Tulad ngayon, dahan-dahan nitong kinakabig ang kanyang katawan palapit dito at tinatanggal ang kanyang belo saka inilagay nito ang isang palad sa kanyang batok. Ito lang ang tanging pinapayagan niya ng ganun. Magpapakipot pa ba siya samantalang nagsusumigaw na ang kanyang puso, pangalan nito ang sinasambit?

"Marble--" paanas nitong sambit.

"You may now kiss the bride." utos ng pari.

Sandali niyang iniyuko ang ulo, di niya kayang makipagtitigan sa lalaking ito.

"Honey--"usal nito, kinabig bigla ang kanyang katawan upang madikit sa katawan nito.

Nanindig agad ng kanyang balahibo sa ginawa nito habang ang isang palad ay di tinatanggal sa kanyang batok.

" Honey--" muli nitong usal.

" Hmm?" awtomatiko siyang sumagot na tila naging hudyat dito para siilin siya ng halik, marahan lang padampi lang, isa, dalawa, tatlo, patagal nang patagal, padiin nang padiin na tila nanunudyo lang, tila nananakam lang, tinatakam lang siya hanggang sa maramdaman niya ang sariling mga tuhod na nanlalambot kaya't naikapit niya ang mga kamay sa leeg nito.

Tinakam uli siya ng isang halik, bahagyang kinagat ang kanyang ibabang labi hanggang sa kusang bumuka nang bahagya ang kanyang bibig.

"Kiss me honey." anas sa kanya na ginawa naman niya, sinubukan niya itong dampian ng halik, nahihiya, padampi lang hanggang sa marinig niya itong umungol at nagmura.

" Oh damn... Marble..." tawag sa kanya sa malamyos na boses.

Ewan kung bakit bigla siyang napapikit at ipinulupot na ang mga kamay sa leeg nito nang maramdaman ang mga labi nitong lumapat sa kanyang mga labi, urging her to kiss back and alas! She did kissed back with the same intensity as his as she pulled his neck and pushed his thin body towards him. She could feel the heat inside his body as he kissed him passionately with full of respect. Pero ang mga kamay nito'y hindi kasing banayad ng mga halik nito, kusa iyong naglakbay at pumisil sa kanyang balakang dahilan upang mapaungol siya nang malakas at tila may sariling isip ang mga bibig na kusang bumuka at hinayaang maglaro ang dila nito sa loob niyon at sumipsip sa kanyang dila, napaungol tuloy siya uli dahil duon na kung di marahil siya nakaramdam ng pagkakapos ng paghinga'y di niya ito itutulak.

Natigilan sila kapwa habang habol ang paghinga.

Naghihiyawan ang mga bisitang nakakakita liban kay Chelsea na litid ang mga ugat sa leeg sa sobrang galit na kung di lang ito hawak sa braso ng ama ni Vendrick ay baka sinugod na sila at nag-eskandalo na sa kasalaang yun.

Namumula ang pisnging iniiwas niya ang tingin sa lahat, kunyari'y yumuko at inayos ang kanyang damit pero kinabig na uli siya ni Vendrick paharap dito. Napalitan siyang mag-angat ng mukha at tumitig sa asawa.

"Passionate or intense?" tanong sa kanya.

"Intense." na sinagot naman niya agad.

"French or bite?"

"French."

"With light or without?"

"With light"

"With or without?"

"With."

"Silly girl." anito saka siya pinitik sa noo.

Huh! Ano yun? Anong ginawa nito ngayon lang? Naalala niyang ginawa na nito iyon noon. Inulit na uli ngayon. Anong ibig sabihin ng mga tanong na yun?

Namula na naman ang kanyang pisngi nang marinig ang hiyawan at palakpakan ng mga bisita.

Naglapitan agad ang mga barkada ni Vendrick sa kanila pati mga jowa ng mga ito, bumati sa kanila, kunting tawanan at hagikhikan subalit, hindi siya binitawan ng asawa, nanatiling nakakapit ang isang braso nito sa kanyang beywang na di naman niya magawang pumiglas. No! Wala siyang balak gawin yun lalo nang makita ang paglapit ni Chelsea sa kanila, pigil ang selos na nararamdaman.

"How do you feel now being Mrs. Marble Ortega?" nananadyang tanong sa kanya, pilit ang ngiti sa mga labi ngunit nahuli niya ang pagtaas ng isang kilay nito.

Nahihiya siyang ngumiti saka inihilig ang ulo sa balikat ni Vendrick para pagselosin lang sana ang dalaga. Pero di niya inaasahang hahalikan ng lalaki ang kanyang noo, namula siya syempre.

Tudyuan ang mga barkada nito.

"Woah Dude! Kakaiba ka talaga!" kantyaw ni Paul.

Tumawa ito nang malakas, wala sa mukha ang palatandaan na napilitan lang itong pakasal sa kanya.

Kaya napahagikhik siya at inihilig na ang ulo sa dibdib nito kasabay ng pagflash ng mga camera at smartphones. Kinukuhanan pala sila ng larawan ng mga kaibigan at ng iba pang malalapit na bisita kahit ang mga katulong na pasimpleng lumapit sa kanila.

Nag-angat siya ng mukha at tinitigan ang mukha ni Vendrick. Masaya ito, totoong masaya, walang pagkukunwari. Sana nga totoo yun. Kahit ngayong sandali lang. Kahit ngayon lang maramdaman niyang totoo nga ang damdamin nito dahil sa totoo lang hindi niya alam ang susunod na mangyayari pagkatapos nito.

"Mommy!" Biglang nangibabaw ang matinis na boses ni Kaelo. Kasama nito sina Erland at Cathy pati ang kanyang madam na ngayon ay byenan na niya.

Nakipagbeso-beso siya sa sa dalaga at tipid na ngumit sa kanyang byenan.

"Hey, pwede pa ba akong humalik sa barbie doll ko?" pabirong tanong ni Erland kay Vendrick na tumalim ang tingin sa una. Tawanan ang lahat pero panakaw din siyang hinalikan ni Erland sa buhok.

"Are you happy now?" bulong sa kanya.

Hinampas niya ito sa braso pero halatang kinikilig.

"Mommy, are you gonna have kids with Daddy Vendrick?" pasimpleng tanong ng bata saka kumapit na sa kanyang kamay.

Lalong nagtawanan ang mga naruon liban kay Chelsea na nagmamartsang umalis sa lugar na yun at sa bahay nito nagwala sa galit.

Siya nama'y ilang beses na di napigilan ang pamumula ng pisngi lalo sa sinabi ng anak.

Nächstes Kapitel