webnovel

THE BITTER PARTINGS

"What's your relationship with her?" usisa agad ni Gab pagkalabas lang nila ng kwarto ng kanyang lolo.

Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating sa may veranda saka siya pilit na hinawakan sa braso, pilit na pinaharap dito.

"What's with the two of you?!" kung kanina'y nagtitimpi ito, ngayo'y inilabas na nito ang selos na nararamdaman.

"Well, I like her! Are you satisfied now?" matigas niyang sagot.

Natigilan ang kaibigan, hindi agad nakapagsalita. Maya-maya'y tila ito batang inagawan ng candy na sumugod na lang basta sa kanya at inumbagan siya ng isang suntok, muntik na siyang mapasubsob sa barandilya ng balkunahe kung 'di siya nakakapit duon.

"Ahas ka! Ahas!" sigaw nito sabay duro sa kanya.

Ngumisi lang siya habang nagpapahid ng sariwang likidong namuo sa gilid ng kanyang bibig, napangiwi nang maramdaman ang sakit niyon.

"Alam mong mahal ko siya! Bakit gusto mo siyang agawin sa'kin, ha?!" Litid ang mga ugat nito sa galit sa kanya.

Buti na lang ang lakas ng tugtog sa sala, kung hindi, naalarma na ang mga bisita sa lakas ng sigaw ng kaibigan.

"Hindi ko siya inaagaw sa'yo," kampante niyang pagtatanggol sa sarili.

"What?! Damn you! At ano'ng tawag sa ginawa mo? Hindi ba pang-aagaw 'yon ng girlfriend ng iba?" Mas nakabibingi ata ang sigaw ni Gab kesa sa sound system na gamit nila sa party.

Pero hindi niya ito dapat patulan kaya't humakbang siya ng dalawang beses palayo sana rito ngunit humabol ito't uumbagan na uli siya subalit napilitan siyang ipagtanggol ang sarili saka ito itinulak palayo at salubong ang mga kilay na bumaling dito.

"Who's stealing who, huh? Did you hear me complaining when you pretended to be me in front of her mother? Did you hear me opposing even a single word when you kept on saying she's your girlfriend even when she was not?" panunumbat niya rito, hindi na rin napigilang ilabas ang sama ng loob sa kaibigan.

Natigilan na naman ito, hindi uli nakaimik.

Nang akmang tatalikod na uli siya'y bigla itong nagsalita.

"You wanna compete with me? Fine. Kelan ka pa ba nanalo sakin, Vendrick? Kahit sa school, ako lagi ang panalo, second placer ka lang," pang-iinsulto sa kanya.

Lahat ng pagpipigil niya nang mga sandaling iyo'y tila natuldukan. Pakiwari niya, ngayon lang umepekto ang alak na kanyang nainom kanina. Biglang nagtagis ang bagang, giving him that gloomy look because of anger saka ito nilapitan at ginantihan ng isa ring suntok. Napasubsob ito sa sahig.

"Fuck! She's not one of those damn competitions na pwede mong mapanalunan! She's an innocent lady, you fuck!"matigas niyang wika na kung 'di lang ito ang matalik niyang kaibigan, baka binugbog na niya ito sa galit at bago pa tuluyang magdilim ang kanyang paningin, kuyom ang mga kamaong iniwan niya ang huling naniningkit din ang mga mata sa galit sa kanya.

----------@@@@@----------

"Ano, may balita na ba tungkol kay Lorie? marahil ay 'di nakatiis si Manang Viola at ito mismo ang umakyat para usisain si Marble sa kwarto ng matanda.

Nanlulumo siyang napayuko. Sa totoo lang, kanina pa niya hinihintay si Vendrick dahil ang

sabi nito, aalis sila at hahanapin ang kanyang kababayan pero 'di ito dumating.

Nagpalinga-linga muna si Manang Viola sa paligid as if maraming tao ang naroon samantalang sila lang tatlo ang nasa loob ng kwarto, ang matanda'y umaga pa lang naglalaro na ng baraha habang nakaupo sa sofa.

'Di nakuntento ang mayordoma at idinikit pa ang bibig sa kanyang tenga.

"Narinig ko sina madam kanina habang nag-aalmusal na merun daw nai-report na magnobyong naaksidente sa EDSA kaninang madaling araw. Nag-aagaw buhay daw ang lalaki, pero 'yong babae, himala daw na nakaligtas," pagbabalita nito.

"Ha?" nangatog bigla ang kanyang mga tuhod sa narinig, namalisbis agad ang mga luha sa takot at awa para sa kababayan kahit 'di seguradong ito nga at ang kapatid ni Vendrick ang naaksidente.

"Kaya ayun sina senyor, nagpunta agad sa ospital dahil 'yong sasakyan daw ni Karl na ginamit ay katulad doon sa sasakyang naaksidente."

Napahawak na siya sa balikat ng Mayordoma sabay iyak.

"Manang, puntahan natin sila. Baka sina ate Lorie nga yun. Manang, Manang sige na. Huhuhu!" pagmamakaawa niya dahilan upang mapatingin sa kanya ang alaga.

Agad rumihestro sa mukha ng mayordoma ang lungkot.

"Kahit na makita mo sila, Marble. Hindi pa rin seguradong maililigtas mo si Lorie. Hindi mo kilala ang ugali ni Senyor Keven. Matapobre yun. Baka nga pati si Karl ay paruhasan nun." paliwanag nito.

Nakagat niya ang ibabang labi sa panlulumo at nanghihinang lumapit sa alagang nakakunot ang noo habang nakatitig sa kanya, tumabi siya dito sa pagkakaupo.

"Nanay, bakit po kayo? Umiiyak?" painosente nitong tanong.

"Si Ate Lorie ko, baka kung ano nang nangyari sa kanya ngayon." sagot niyang muli na namang nag-unahan ang mga luha sa pagpatak.

Humikbi na rin ang matanda.

"Let him die there!"

Lahat sila napatingin sa iisang direksyon kung saan nanggaling ang malakas na sigaw na yun.

Nababahalang lumabas ng kwarto ang mayordoma. Sumunod siya.

Pagkalabas lang sa pinto, nakita niya ang among lalaking paakyat sa hagdanan habang nakabuntot ang kanilang Madam na hilam sa luha ang mga mata.

"Anak mo siya, Keven! Hindi mo siya pwedeng pabayaan!" malakas ding hiyaw ng ginang pinipilit na wag mapaiyak nang tuluyan habang inaabot ng kamay ang braso ng asawa.

"The hell I care! Gusto niyang magpakamatay kasama ang babaeng yun, then let him die!" nanggagalaiti pa rin sa galit na sagot ng Senyor.

Napakapit siya sa braso ng mayordoma sa takot at itinago ang katawan sa likod nito. Baka siya ang pagbuntunan ng galit ng mga to dahil sa nangyari lalo at nagsinungaling siya kagabi. Kasalanan talaga niya ang lahat. Kung sana'y pinilit niya si Lorie na sila na lang ang maghatid sa kanilang alaga pababa ng hagdanan, di sana nangyari ang ganto ngayon.

"Bitiwan niyo ako! Gusto kong kausapin si Senyor Keven! Bitiwan niyo ako!"

Napamulagat sila nang marinig ang boses ni Lorie sa may pinto ng bahay, nagpupumiglas ito habang pinipigilan ng dalawang guard na makapasok.

Nakita niyang huminto ang kanyang mga amo sa hallway at sabay na tumingin sa kinaruruunan ng dalaga.

"Senyor! Senyor! Madam! Maawa kayo! Tulungan niyo si Karl! Tulungan niyo siya! Parang-awa niyo na!" Bulyahaw nito, makuha lang ang atensyon ng mga amo.

"Ate..." halos hindi yun lumabas sa kanyang bibig.

Ang kaawa-awang niyang kababayan, duguan ang damit nitong kagabi pa suot, may mga gasgas din sa braso at binti ngunit bakit balewala yun para sa dito?

"Senyor! Parang awa niyo na! Iligtas niyo si Karl. Parang-awa niyo! Nangangako ako, hindi na ako magpapakita sa kanya kahit kelan. Iligtas niyo lang siya! Parang awa niyo na! Parang niyo na!" patuloy nito at biglang lumuhod saka nagpatirapa.

Impit siyang napaiyak habang pinagmamasdan ang dalagang nagpapatirapa na pagbigyan lang ng kanilang mga amo.

Hindi siya nakatiis at tumakbo pababa sa hagdanan para itayo ang dalaga ngunit iwinasiwas lang nito ang kamay, ayaw magpahawak.

"Maawa kayo! Maawa kayo kay Karl. Wala siyang kasalanan. Ako! Ako ang may kasalanan ng lahat! Ako lang po ang parusahan niyo. Kasalanan ko ang lahat! Iligtas niyo po siya, parang-awa niyo na."

Nakaluhod na ito nang muling magmakaawa sa mga among nagkatinginan muna bago lumapit sa may veranda.

"Hah! Pa'no ako makasesegurong 'di ka na nga magpapakita sa kanya kapag iniligtas namin siya," tila nagdududang hiyaw ng among lalaki.

Pinagtaklob ni Lorie ang mga palad na tila nananalangin sa Santo.

"Isinusumpa ko po! Paglabas ko rito, hindi na uli ako babalik! Aalis po ako at lalayo sa lugar na to. Isinusumpa ko, Senyor! Iligtas niyo lang po si Karl," mariin nitong pangako.

Hinawakan na ng madam ang braso ng asawa.

"You heard it, right? Nanumpa na siya Keven. Hindi na siya magpapakita sa anak natin. Tumawag ka na sa ospital, sabihin mong simulan na ang operasyon bago pa mahuli ang lahat. Keven maawa ka sa anak natin Keven. Maawa ka sa kanya," pagmamakaawa na rin ng ginang hanggang sa tila sumuko ang Senyor at kinuha ang phone sa bulsa saka tumawag sa ospital kung saan naka-confine ang anak.

"Do the operation," utos nito sa nasa kabilang linya.

Biglang huminga nang maluwang ang madam.

"Ginawa ko na ang gusto mo! Umalis ka na't 'wag ka nang magpapakita rito! Tandaan mo! 'Pag nakita ko pa ang pagmumukha mong yan, ipapapatay na kita!" sigaw ng amo sa dalaga, may kasama pang pagbabanta.

Subalit balewala yun kay Lorie. Ang mahalaga ay mailigtas si Karl.

Saka lang ito tumayo at mabibigat ang mga paang humakbang at tumalikod sa lahat saka lumabas ng bahay.

Hinabol niya ito bago pa makalabas ng gate at hinawakan sa braso.

Nakasunod lang sa kanila ang dalawang gwardya.

"Ate okay ka lang ba? Bakit ang daming dugo sa damit mo? Andami mo ring pasa at galos sa mga braso," nag-aalala niyang usisa dito.

Subalit sa halip na humagulhol sa kanyang harapan upang humingi ng simpatya, ngumiti lang ito saka tinapik-tapik ang kanyang kamay na nakahawak sa braso nito.

"Okay lang ako, Marble. 'Wag kang mag-alala sakin," anito, hindi inaalis ang ngiti sa mga labi.

"Bakit ka ba kasi nagkakaganyan dahil lang sa isang lalaki?" umiiyak na naman niyang sambit.

"Ssssshhhh... Tahan na. Ayukong makakita ng umiiyak ngayon," saway sa kanya.

"Ate..." Emosyunal niya itong niyakap na tila ba ito ang nakatatanda niyang kapatid.

Sa halip na sabayan siya sa pag-iyak, hinagod lang nito ang kanyang likod.

"Balang araw mauunawaan mo rin kung bakit ko ginawa to dahil lang sa isang lalaki. 'Pag nagmahal ka na nang totoo," paliwanag nito saka kumawala sa kanya.

Eksakto namang tumatakbong pagpasok ni Vendrick sa nakabukas na gate.

Nakita nito ang eksena sa kanila ni Lorie.

" Ate, saan ka na pupunta ngayon? Pa'no na kayo ng ipinagbubuntis mo?" 'di pa rin nawawala ang himig ng pag-alala sa kanyang boses.

Muli itong ngumiti.

"Naku, hindi ako nauubusan ng pera. Madami akong ipon. Kaya ko ang sarili ko. 'Wag kang mag-alala sa'kin." Nagawa pa nitong humagikhik bago tumalikod sa kanya.

Sinalubong ito ni Vendrick at may ibinigay na card sa dalaga, ilang minutong nag-usap ang dalawa bago tanggapin ni Lorie ng ibinigay nitong card saka tuluyang umalis.

Naiwan siyang patuloy sa pagluha sa sari-saring emosyong nararamdaman. Bakit sa ganun humantong ang lahat? Wala sa hinagap niya na ganto ang magiging huling pagkikita nila ni Lorie.

Nächstes Kapitel