webnovel

HER SAVIOR

Hindi alam ni Marble kung ga'no kasarap ang kanyang tulog buong magdamag pero naalimpungatan na lang siya nang marinig ang tila paulit-ulit na pagbukas-sara ng isang pinto at ang malakas na bulusok ng tubig mula sa gripo.

Idinilat niya ang isang mata ngunit bigla ring napabangon at naguguluhang inikot ng tingin ang buong paligid.

"Huh?"

Andito na siya sa kwarto ng matanda? Kinapa niya sa tabi ang alagang tulog pa rin nang mga oras na 'yon.

Pa'no silang nakauwi? Bakit 'di niya yata matandaang naglakad siya pabalik rito?

Puno ng pagtatakang napatitig siya sa biglang bumukas na pinto ng banyo, iniluwa dun si Lorie na namumula pa ang mga mata, halatang kagigising lang at nagpapahid pa ng basang bibig, galing sa paghihilamos.

Pero napansin niyang bumalik na naman ito sa loob nang agad takpan ang bibig, halatang naduduwal.

"Huh?"

Kagabi pa ito panay suka ah. Ano'ng nangyari? Lahat naman sila kumain sa kinain nito pero hindi naman sumasakit ang kanilang tyan hanggang ngayon.

Nagtataka siyang bumaba sa kama para puntahan na ito. Nag-aalala na kasi siya baka kung mapa'no na ang kababayan.

Pero hindi pa man siya nakakapasok sa banyo ay lumabas na ang huli, nagpahid uli ng bibig.

"Ate, okey ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.

Bahagya lang itong sumulyap sa kanya pero ilang beses na tumango.

"'Wag kang mag-alala, mawawala din 'to," anito't bumalik na sa pagkakahiga sa sofa.

Hindi na siya nangulit pa pero pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan nito lalo na ang mukhang tila namumutla. 'Pag 'di pa naging maganda ang kalagayan nito'y ipapaalam na niya sa kanilang madam na may sakit ang kanyang Ate Lorie para madala agad ito sa ospital.

"Kumain ka na ba?" tanong niya uli.

Iling lang ang isinagot nito.

"Teka, kukuha akong almusal natin. Tulog pa naman ang anak ko," an'yang pumasok muna sa banyo at naghilamos sabay mumog.

Ngunit lalabas na sana siya ng kwarto nang magsalita si Lorie.

"'Di ka ba nagising kanina nang magsigawan sina Senyor at Senyorito Vendrick sa sala?" tanong nito.

Napatda siya sa kinatatayuan at agad napapihit paharap sa babaeng bumangon na nang tuluyan at naupo sa sofa.

"Nakipagsagutan si Vendrick sa amo natin?" gulat niyang balik-tanong.

Tumango agad ang kausap.

"Dalawang oras lang pagkauwi natin, umuwi na din si Senyorito," kwento nito.

Curious siyang napalapit sa kababayan at tinabihan ito.

"Ano'ng nangyari? Nakita mo ba?" usisa niya.

"Oo, lumabas kami ni senyor sa may veranda. Natakot nga 'yong matanda nang suntukin bigla ni Senyor Keven si Senyorito Vendrick. Ipinahiya daw kasi ng binata ang lahat sa mga bisita dahil sa 'di nito pagsipot sa engagement," patuloy ni Lorie.

Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Bakit kasi 'di sumipot ang giatay na 'yon? Pa'no na lang pala kung tanungin sila ng mga amo kung kasama ba nila si Vendrick kagabi? Ano'ng isasagot niya? Nakakatakot namang magsinungaling sa mga ito.

"Ano'ng sinabi ni Vendrick sa ama niya?" curious niyang tanong.

"Si Madam ang nagtanggol sa anak niya. Sabi naospital daw si Senyorito. Binugbog daw ng mga 'di kilalang tao kaya nga may pasa sa mukha," sagot ng dalaga.

Naipasok niya ang isang daliri sa bunganga at wala sa sariling bahagya iyong nakagat.

Mabuti na lang pala at nasuntok niya si Vendrick kahapon. Kung hindi, wala itong idadahilan sa papa nito.

Kinalabit siya ni Lorie.

"Pero alam mo, ipinagdidiinan talaga ni Senyorito na hindi niya mahal si Senyorita Chelsea kaya siya umalis kagabi," tsismis na nito.

"Talaga? Eh sino naman ang gusto niya pala? Akala ko ba naghahabol ang giatay na 'yon kay Senyorita Chelsea?" curious niyang tanong, nakitsismis na rin.

Napaisip si Lorie, pagkuwa'y bumaling sa kanya.

"'Di ba, magclose kayo? 'Di ba niya sinabi sa'yong may gusto siyang iba liban kay Senyorita Chelsea?"

Napangiwi siya sabay layo ng mukha sa katabi.

"Sinong mag-close? Hindi noh! Kita mo nga kung ano'ng ginawa sa'kin ng walanghiyang 'yon kahapon, panay bully sa'kin. Akala niya 'di masakit 'yong panay tulak niya sa'kin. Sakit kaya ng balakang ko ngayon," reklamo niya na may halong pagsusumbong sabay himas sa totoo namang masakit na balakang saka umirap sa kausap.

"Pero wala siyang kinukwento tungkol sa ibang babae?" curious na uli nitong tanong.

Ang bilis ng ginawa niyang pag-iling.

"Malibang kinukutya ako lagi niyon, 'di siya nagkukwento sa'kin ng kahit na ano," sagot niya sabay tayo.

"Sige na, lalabas muna ako para kumuha ng makakain natin. Baka magising na rin ang alaga natin, isasabay ko nang kunin ang pagkain niya nang makapamasyal na kami sa labas. Baka kasi gustuhin na naman nitong magswimming sa pool," anya't nagmadali nang lumabas ng kwarto.

Subalit kung kelang pababa na siya, para yatang sinasadya ng pagkakataong makasalubong na naman niya sa hagdanan si Chelsea, mugto ang mga mata ngunit kapansin-pansin ang makapal nitong make-up sa mukha. Maganda naman talaga ito, maldita nga lang. Ang ganda pang magdala ng damit, bagay kahit anong isuot nito.

"Where is Drick?" paasik na tanong sa kanya, parang naghahanap lagi ng away.

"Bah! Malay ko!" sagot niya at dumiretso lang sa paghakbang pababa nang bigla siyang mapahinto at pigil ang mapaaray sa bigla nitong pagsabunot sa humahaba na niyang buhok, hanggang leeg.

Mabilis niyang inawat ang kamay nito patalikod ngunit dehado siya sa pagkakataong 'yon.

"Seguro magkasama kayo kagabi, noh! Ayaw mo lang amining ginayuma mo siya!" pagbibintang nitong may katutuhanan naman malibang ginayuma niya ang binata.

"Ano ba, bitawan mo ang buhok ko kung ayaw mong makasampol ng sapak sa'kin!" pagbabanta na niya nang sa halip na tumigil ay gusto pa siyang ingudngod sa barandilya ng hagdanan.

"Ambisyosa kang pangit ka! 'Wag kang mang-aagaw ng hindi mo naman pagmamay-ari! You bitch!" nagsimula na itong maghestirya sa galit at pinagsusuntok na ang kanyang likuran sabay ngudngod sa kanya sa barandilya ng hagdanan na kung 'di marahil siya nakakapit nang mahigpit duo'y baka nahulog na siya pababa.

Ayaw niyang sumigaw kahit nasasaktan na.

Kahit papano'y babae pa rin si Chelsea, hindi dapat pinapatulan. Isa pa'y totoo naman ang sinabi nitong magkasama nga sila ni Vendrick kagabi. Pero mariin niyang itinatangging ginayuma niya ang lalaking 'yon. Wala siyang pakialam do'n malibang may utang siya sa huli at ito lang ang nakikipagkomunikasyon sa kanyang mga magulang.

Tila lalong naging sadista ang babae nang sipain siya nito sa tuhod at mapaluhod siya pero alam niyang dala lang 'yon ng galit nito kaya mas pinili niyang 'wag na lang lumaban hanggang sa marinig niya ang boses ni Manang Viola sa labas ng kusina.

"Marble! Diyos ko po, ano'ng nangyayari? Madam!" hiyaw ng mayordoma sa takot.

Naglapitan na ang mga katulong ngunit hanggang tingin lang ang mga ito't walang may lakas ng loob na umawat sa kanila.

"Marble!" narinig niya rin ang boses ni Gab.

"Chelsea, stop it!" saway nito't tumatakbo nang bumaba sa hagdanan.

Subalit 'di pa man ito nakakaakyat ay merun nang umawat sa kanila.

Naramdaman na lang niyang sumigaw ito't lumuwang ang pagkakahawak sa buhok niya hanggang sa tuluyan na siya nitong bitawan.

"No! I'll kill this damn beast!" sigaw nito.

Napalabas na lahat ng tao sa buong bahay pati si Lorie at ang madam na agad nakiusyoso sa nangyayari.

Nang makatayo siya nang tuluyan, si Gab ang unang nasilayan ng kanyang mga mata. Kaharap na niya ito at agad siyang hinawakan sa braso upang alalayan.

"Let me go! I'll kill that damn vampire!" patuloy sa pagsigaw si Chelsea.

Awtomatikong napatingin siya sa baba subalit biglang iniharang ni Gab ang katawan nito, agad siyang iginiya paakyat sa hagdanan.

"Don't look at her. Baka lalo ka lang matakot sa kanya," anito.

Parang bata naman siyang sumunod. Dalawa silang umakyat sa hagdanan pabalik sa kwarto ng matanda nang 'di sinasadyang mapatingin siya sa baba.

Nakita niya si Chelsea hawak sa braso ng isang----.

"Marble, next time, 'wag ka nang lalapit kay Chelsea nang 'di ka laging napapahamak."

"Ha?" napabaling siya agad sa binata, 'di na inalam kung sino ang nakahawak kay Chelsea.

Sumunod lang sa kanila si Lorie na hawak na ang sikmura nang mga sandaling 'yon.

Nächstes Kapitel