webnovel

THE SCANDAL

Nagising si Marble sa mahinang hikbi ng alagang matanda. Napabalikwas siya ng bangon sa pag-aakalang may masamang nangyari dito ngunit agad niyang nasapo ang biglang sumakit na sintido pagkuwa'y hinanap ng paningin ang humihikbi. Nakaluhod lang pala ito sa tabi ng kama at nakatukod ang mga siko sa ibabaw niyon habang nakapangalumbaba at humihikbi nang walang luha sa mga mata.

"Ano'ng ginagawa mo anak? Kanina ka pa ba gising?" usisa niya rito.

"Nagugutom na po ako Nanay. 'Di naman po ako natulog kasi sabi ng kaibigan mo, muntik ka na daw malunod sa swimming kagabi kaya binantayan na kita magdamag. Pero nagugutom na po ako ngayon kaya po ako humihikbi," parang batang sumbong nito.

Noon niya lang naalalang inalalayan pala siya ni Gab na makapanhik sa hagdanan papunta dito sa loob kasama ang nag-aalala niyang madam kagabi at pinatulog siya agad nito para makapagpahinga siya at mawala ang takot niya sa nangyari.

"Ano'ng oras na ba, anak?" tila naalimpungatan pa rin niyang tanong.

"Alas sais na po, Nanay. Kailangan ko nang kumain para makainom na po akong gamot tsaka gusto ko pong maligo sa swimming pool ngayon."

"Ha?" lalong sumakit ang kanyang ulo sa narinig.

Ano ba? Sa dinami-dami ng gusto nitong puntahan, bakit 'yong pool pa ang nakita nito?

Gusto niyang magreklamo pero tila wala siyang lakas para salungatin ito kaya bumangon na lang siya at inayos muna ang sarili bago muling bumaling sa matandang tumayo na din at inayos ang pagkakaupo sa gilid ng kama.

"Promise po nanay, pagkatapos nating maligo sa pool, matutulog agad ako para hindi ka na po mapagod magbantay sakin," anito.

Tumango lang siya.

"Dito ka lang anak, kukuha akong pagkain sa kusina. 'Wag kang lalabas ng kwarto ha?" bilin niya.

"Opo," nakangisi nitong sagot.

Pababa pa lang siya sa hagdanan papunta sa kusina ay dinig na niya ang panenermon ng among lalaki sa nakahilirang mga katulong sa sala habang katabi ng una ang kanyang madam.

Sandali siyang natigil sa paghakbang pababa nang marinig ang sinabi nito.

"Tandaan niyo, sa oras na kumalat ang nangyari at malaman sa labas, lahat kayo mananagot sakin! Palalayasin ko kayong lahat!" pasigaw na pagbabanta ng among lalaki. Tahimik lang ang katabi nitong asawa habang ang mga katulong ay nagpakayuko.

Kinabahan siya. Ano 'yon? Tungkol ba 'yon sa nangyari sa kanya kagabi?

Pumihit siya pabalik sana sa taas at baka madamay pa siyang masermunan nang makita siya ng madam.

"Marble! Pakikuha ng pagkain niyo ni Papa sa kusina. Nasa tray na 'yon. Itanong mo na lang kay Manang Viola," utos nito sa kanya.

Mabilis na uli siyang pumihit paharap at nagmamadaling bumaba ng hagdanan papasok sa kusina.

Buti na lang, 'di niya agad binuksan ang pinto kung hindi, sapol ang mukha ni Manang Viola na nakadungaw pala sa bahagya lang nakabukas na pinto at nakikiusyoso sa may sala kung saan naruruon ang mga amo at mga katulong.

Nagulat pa ito nang makita siya sa harap nito ngunit hinila din siya papasok sa loob pagkatapos.

"Ano po'ng nangyari? Nagalit po ba si Senyor sa nangyari sakin kagabi?" usisa niya agad dito.

"Nakupo, huli ka sa balita!" ambilis nitong makasagot saka siya muling hinila sa may mesa at nagsimulang magtsismis.

"Palibahasa kasi'y ngayon ka lang nagising kaya 'di mo alam ang nangyari kaya sasabihin ko sayo kung anong nangyari kanina lang madaling araw. Nakupo nakupo, malaking eskandalo talaga ang nangyaring 'yon," walang preno ang bibig na pagkukuwento ng mayordoma ngunit 'di masabi ang gustong ipaalam.

"Ano po ba ang nagyari? 'Wag niyo na po ako ibitin," atat niyang usisa.

"Ssshh, hinaan mong boses mo baka marinig tayo," saway ng matanda.

Nagpalinga-linga muna ito as if may ibang tao sa palibot bago muling nagsalita.

"Alam mo bang nahuli ni Senyor si Lorie sa mismong kama ni Karl," balita nito.

"Ano po?" bulalas niya.

"Ssshhh! 'Wag ka sabi maingay baka marinig tayo sa labas," saway na uli ng matanda sabay tapik sa braso niya.

"Nakupo, bakit sila nagpahuli kay Senyor? Dapat sa labas nalang nila ginawa 'yon!" komento niya sabay palatak.

"Kaya nga eh. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip nitong si Lorie bakit ginawa 'yon. Pero matagal ko nang pansin na may gusto talaga ang bruhang 'yon kay Karl kaya 'di na seguro nakapagpigil kagabi," mahaba na uling kwento ni Manang Viola.

"Eh asan na po ba si Ate Lorie, bakit 'di ko po nakita sa sala?" usyoso niya.

"Ayun pa rin sa kwarto ni Karl. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin dahil gustong palayasin nina senyor," malungkot na pagbabalita ng kausap.

"Aba hindi pwede 'yon, Manang Viola! Dapat panagutan ni Karl si Ate Lorie kahit magalit pa sina Senyor. It takes two heads to tango, ika nga. Alangan namang si ate Lorie lang ang palayasin nila, dapat 'yong si Karl din. Teka nga't ako ang kakausap sa Karl na 'yan. 'Di niya pwedeng hayaan lang na mapalayas dito si Ate Lorie," pagtatanggol niya sa kababayan, umandar agad ang kaangasan, nililis pa paitaas ang manggas ng damit at tila manghahamon ng away na sigang naglakad palabas sana ng kusina kung hindi inawat ng mayordoma sa may pinto.

"O teka, saan ka pupunta?"

"Uumbagan ko ang Karl na 'yon 'pag 'di niya pinanagutan si Ate Lorie," matapang niyang sagot.

"Aba't 'di pwede baka palayasin ka rin nina Senyor dito pag ginawa mo 'yon," awat nito.

"Bakit po, sino ba 'yong giatay na Karl na 'yon at pagagalitan ako nina Senyor 'pag inumbagan ko 'yon?" biglang baling niya sa mayordoma.

Napanganga ito. Kanina pa nila pinag-uusapan ang lalaking 'yon pero 'di pala niya ito kilala.

"Tsk tsk! 'Yon ang panganay nina senyor. Si Karl."

"Ha?" bulalas niya at biglang napatakbo pabalik saka napasandig sa lababo.

"Ba't 'di niyo po sinabing anak pala 'yon nina Senyor? Manang Viola naman oh. Dapat dineretso niyong amo pala natin 'yon," paninisi niya sa matanda, bahag agad buntot sa nalaman.

"Akala ko naman kasi kilala mo na 'yong tinutukoy ko," katwiran ng kausap.

"Kung anak pala nina Madam 'yon, dapat ipakasal na lang sila ng mga amo natin," suhestyon na.

Mabilis na lumapit ang matanda sa kanya.

"Sssshhhh, 'wag mong sabihin 'yan. Hindi mangyayari 'yon at may pagkamatapobre 'yang si senyor. Ayaw niyang makapag-asawa ng mahihirap ang kanyang mga anak. Hindi mo ba alam na kasali ang alaga mo sa Limampung pinakamayayamang pamilya sa buong mundo?" tsismis na uli ng matanda ngunit hininaan na ang boses nang 'di sila marinig sa labas.

Nanlaki hindi lang ang kanyang mga mata kundi pati na ang kanyang bibig na pwede na nang mapasukan ng buong mansanas sa pagkamangha.

"Wahhh! Gano'n pala sila kayaman?" 'di makapaniwalang bulalas niya.

Sunod-sunod na tango ang isinagot ng kausap.

Nang mag sink-in sa utak ang nalaman ay nanlulumong nakagat niya ang kanyang ibabang labi. May K naman palang mamili ang mga amo ng mapapangasawa ng mga anak kasi sobrang yaman pala ng pamilya ng mga ito.

"Pa'no si Ate Lorie niyan?" nakaramdam siya agad ng awa para sa kababayan.

Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan ni Manang Viola. Gumaya rin siya.

"Malas niya, nagkagusto siya kay Karl," anito.

Katahimikan.

"Oy, ano pala ang sadya mo, ba't napababa ka rito?" biglang usisa nito.

"Ayy, oo nga pala. Yong pagkain namin ng alaga ko. Paiinumin ko na kasi 'yon ng gamot at gustong maligo agad sa swimming pool pagkatapos kumain," saad niya.

Nang dahil sa tsismisan nila, muntik na niyang makalimutang nagugutom na ang alaga.

Ibinigay agad ng mayordoma ang isang malapad na tray kung saan naruon ang kanilang almusal.

Pagkaabot lang niyon ay nagmamadali na siyang lumabas duon at nakayukong dumaan sa sala, ngunit malikot ang mga mata habang naglalakad, baka ando'n pa ang kanyang mga amo. Nakahinga siya nang maluwang nang walang makitang tao sa palibot. Dere-deretso siya patungo sa kwarto nila ng matanda.

************

Eksaktong ala syete nang umaga nang bumaba sila ng kanyang alaga. Hindi na sila gumamit ng private elevator kung saan, tanging ang alaga lang at tagapag-alaga nito ang pwedeng gumamit niyon malibang emergency.

Hinayaan niya itong bumaba sa hagdanan tutal ay umaga naman, parang exercise lang para sa mga tuhod nito.

Dahan-dahan lang silang bumaba ng hagdanan hanggang sa marating nila ang likod bahay kung saan naruon ang mahaba at malalim na swimming pool.

Pagkakita pa lang sa tubig, nangatog na agad ang kanyang mga tuhod at pumihit patalikod pero ang alaga niya'y tila batang tumakbo papunta ruon kaya napilitan siyang sumunod dito.

Duon niya lang nakita ang isang lalaking nakaswimming trunk at maagang inukupa ang buong pool na 'yon.

'Aha! 'Yong mayabang na Vendrick pala 'yon!' hiyaw ng kanyang isip pagkakita sa lalaking umahon sa tubig nang makita ang lolo nitong palapit dito saka siya sinulyapan, hindi pinagmasdan pala.

Ayaw niya sanang lumapit sa dalawa, tutal ay ando'n naman ang binata, tiyak na babantayan nito ang kanyang alaga.

Nakaramdam na naman siya ng takot pagkatingin pa lang sa kulay bughaw na tubig ng pool.

Nagkatruma na yata siya dahil sa nangyari.

"Hey! Come here!" tawag ng binata sa kanya.

"Ah, teka naiihi ako," an'ya saka binirahan ng takbo papasok sa loob ng bahay ngunit naabutan pa rin siya ng binata at agad hinawakan sa braso.

"Gusto kong magbayad ka ng utang mo sakin," walang gatol niyong sambit.

"Ano? Nasisiraan ka na ba ng bait? Saan ako kukuha ng pamabayad eh wala naman akong pera?" sambulat niya.

"You can get it there," anito sabay turo sa swimming pool.

Sinundan niya ng tingin ang itinuro nito.

"Weh, 'di nga?" malayo sa kaseryusuhan niyang paniniyak.

Pero bago pa siya nakaangal, hinawakan na siya nito sa kamay at hinila palapit sa swimming pool.

"Hala, ano'ng mga 'yan?" bulalas niya sa pagtataka.

Nächstes Kapitel