webnovel

STICK TOGETHER

Magkahawak-kamay sila ng matanda habang papalabas ng sasakyan pagkatapos buksan ng guard ang pinto ng sasakyan sa gilid nila.

Agad niyang sinuyod ng tingin ang paligid at kung wala lang ang bastos na binata sa malapit sa kanila ay baka ibinukas na niya bigla ang bibig sa pagkamangha sa nakitang malaking bahay sa kanyang harapan.

Ito ang bahay ng pamilya ng matanda? Ang ganda naman.

Nilingon niya ang nakapinid na gate, seguro'y anim na metro ang luwang no'n at tatlong metro ang taas. Nasa tapat lang sila ng gate at 'di pumasok sa garaheng nakita niya sa may gilid ng malaking bahay.

Pinagmasdan niyang mabuti ang labas ng malaking bahay na 'yon. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakakita ng gano'n kalaking bahay na kung tatantyahin ay aabot seguro sa 100 meters ang haba pa lang niyon, ang luwang ay 'di niya pa matantya. Mula sa kinatatayuan nila ay pansin mo na ang marmol na daan na kumikintab sa linis at kung hindi sanay maglakad duon ay talaga namang madudulas. Sa kalkula niya'y nasa sampung metro ang haba niyon papunta sa mismong pinto ng malaking bahay at ang luwang ay nasa pitong metro, sakop seguro ang tatlong sasakyang magkakatabi sa gitna niyon, pero sa napansin niya'y merung garahe sa gilid na kasinglawak ng daanang 'yon.

Sa kanang gilid ng marmol na daan ay berdeng berde at maluwang na bermuda grass na doble yata ang luwang sa pinagsamang garahe at daan papunta sa loob ng bahay.

Bago ka makapunta sa loob ng bahay ay aakyat ka muna sa 'di naman kataasang sementadong hagdanan.

At ang dingding ng malaking bahay na 'yon na sa hula niya ay tatlong palapag ang taas ay gawa din sa kumikintab na tiles na kulay carnation at binagayan ng kulay light brown marble tiles na mga poste.

Bago ka makapunta sa main door ay meron munang maliit at paarkong balkunahe papasok.

Bumukas ang malaking pinto ng bahay at iniluwa duon ang isang matikas ang pangangatawan na lalaki na sa hula niya ay nasa late 30's o 'di nalalayo sa kasama nilang babae ang edad. Ito marahil ang asawa ng huli.

"Cielo! Where's Papa?" Bungad agad ng lalaki at sa babae nakatingin.

Itinuro ng babae ang hinahanap nito na 'di halos makilala sa dumi ng mukha at damit na noo'y mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kanyang kamay.

"Oh my God! Where have you been? Ano'ng nangyari sa'yo?" gulat na usisa nito sa ama nang makalapit sa kanila.

"Nanay, sinisigawan niya ako," sumbong ng matanda sa kanya saka nagtago sa kanyang likuran.

Hindi niya alam ang gagawin at napasulyap ang binatang nakatingin sa kanila pero nakatakip sa ilong ang isang palad.

Kung magsasalita siya at malalantad ang kanyang pangil, makikilala siya nito, baka ito pa ang sumira sa naiisip niyang mga plano.

"Hey, who are you?" salubong ang kilay na tanong ng lalaki sa kanya.

'Di siya makapagsalita.

Nilapitan ng babae ang asawa nito saka hinawakan sa braso.

"Papasukin muna natin sila sa loob at paliguin, saka na natin kausapin, Keven." suhestyon ng babae.

Walang nagawa ang lalaki kundi sumunod sa asawa at tinawag ang mga katulong para ituro sa kaniya ang banyo sa labas ng bahay.

Dalawang katulong ang lumapit sa kanila at tatlong mga nagpakaputing damit.

"Kunin niyo si papa at paliguan sa loob ng kwarto niya," maawtoridad na utos nito sa tatlong nagpakaputing damit.

"Ang binatilyong 'yan, sa likod-bahay niyo papaliguin," utos naman nito sa dalawang katulong na ang isa ay nagtakip agad ng ilong pagkakita sa kanya.

Mabilis na kumilos ang tatlong hula niya'y mga nurse at hinawakan sa kamay ang matandang lalong humigpit ang hawak sa braso niya kaya napaharap siya sa matanda.

"Drick! Drick!" Narinig niyang tawag ng isang babae ngunit 'di niya 'yon pinansin, pero nakita niyang umalis ang binata duon.

Nakahinga siya nang maluwang.

Napansin niyang palihim na kinurot ng isang nurse ang tagiliran ng matanda.

"Hoy! Ba't mo siya kinurot?" sita niya agad rito saka hinila ang matanda at itinago uli sa kanyang likuran.

Nagkatinginan ang mag-asawa at agad lumapit sa kanila.

"Madam, nagsisinungaling po ang binatilyong to. 'Di ko po siya kinurot, hinahawakan ko lang po ang kamay niya para bumitaw na po sa batang ito," katwiran ng nurse na sa among babae nakatingin.

"Hoy! Mukha lang akong grasa pero 'di ako sinungaling," maangas niyang sagot sa nurse saka bumaling sa matanda.

"Anak, magsabi ka ng totoo. 'Wag kang magsinungaling. Kinurot ka nito o hindi?"

Napayuko ang matanda saka humikbing parang bata.

"Opo Nanay, kinurot po niya ako. Gano'n po ang ginagawa niya 'pag 'di ako sumusunod," sumbong nito sa kanya.

Gigil na sininghalan niya ang nurse na agad namutla ang mukha.

"O sino sa'tin ang sinungaling, ha? Ulyanin lang 'yong anak ko pero 'di to sinungaling!" an'ya.

Nagkatinginan ang mag-asawa, matagal, saka bumaling sa kanya.

"Pa'no mong nakita si Papa? Ilang araw kayo'ng nagkasama?" mahinahong tanong ng babaeng amo sa kanya.

"Hindi ko siya nakita. Siya ang dumikit sa'kin at 'di na siya umalis sa tabi ko. Katunayan, siya ang naghahanap ng paraan para makakain kami sa loob ng limang araw," parang maamong tutang sagot niya, pinalungkot pa ang mukha saka humikbi.

"Kung hindi siya lumapit sakin at napagkamalan akong nanay niya, 'di ko alam kung buhay pa ako ngayon kasi iniwan ako ng t'yahin ko sa luneta at ninakaw ang mga gamit ko ng mga bata roon," sinabayan na niya ng iyak ang kanyang kwento.

"Nanay, tahan na po. 'Di na naman tayo magkakahiwalay eh, 'di ako sasama sa kanila hanggat 'di kita kasama," pag-aalo ng matanda saka pinapahid ang kanyang mga luha.

Nang 'di magsalita ang mag-asawa ay mabilis siyang lumuhod sa harapan ng mga to.

"Maawa kayo sa'kin. Wala na akong mapupuntahan. Kung pwede sanang magmakaawa sa inyo na dito na lang ako titira at aalagaan ko ang ama niyo, basta pakainin niyo lang ako at bigyan ng damit, ayos na 'yon sakin. Maawa kayo," pagsusumamo niya.

Noon lang niya na-realize kung gaano kasaklap ang kanyang kalagayan ngayon.

Narinig niyang napabuntunghininga ang mag-asawa.

Maya-maya'y lumuhod na rin ang matanda sa tabi niya.

"Maawa po kayo kay Nanay, wala na po siyang ibang mapupuntahan. 'Pag pinaalis niyo po siya, tatakas din po ako rito at 'di niyo na makikita'" pagsusumamo na rin nito.

Napangiti siya sa sinabi ng matanda kahit na hilam sa luha ang mga mata.

Nagbulungan ang mag-asawa. Nag-usap na naman sa English.

Maya-maya'y narinig niyang nagsalita ang lalaking amo.

"Dalhin niyo siya sa kwarto ni papa at duon niyo papaliguin," utos niya sa mg nurse.

"Cassy, sumunod ka samin. Gusto ka naming makausap," anito sa nurse na kumurot sa matanda.

Yes! Pinasama siya sa matanda. Ibig sabihin naawa ang mga ito sa kanya. Hindi na siya paalisin. Hindi na siya itataboy. Magandang pangitain to. Salamat sa matandang to. Hulog seguro ng langit sa kanya.

Nächstes Kapitel