webnovel

Chapter Two

Chapter 2

--

Year 1832

-Espina-

"Mahal na prinsesa nandito na kami ni lenor! buksan mo ang pintuan! may dala kaming pasalubong sa iyo" sigaw ko habang dala dala namin ni lenor ang aklat na gustong bilhin ng prinsesa

"prinsesa linhary?? nandito na kami" sigaw ni lenor, ang aking asawa.. Ngunit wala pading nagbubukas.. Bigla akong kinabahan.. nagkatinginan kami ni lenor.. tumango siya sakin kaya lumapit ako sa pintuan..

Binuksan ko ito pero nakasarado.. Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang magpagalaw ng halaman sa paligid at pinalusot ito sa ilalim ng pinto... gamit ang kapangyarihang makontrol ang kalikasan inalis ko ang kandado sa pintuan at ito'y nagbukas

Pumasok ako sa loob at nakita kong malinis naman ang bahay.. "prinsesa linhary?" tawag ko ulit ngunit walang sumagot.. napatingin ako kay lenor

"lagot tayo sa reyna pag nalaman niya ito lenor!!" sambit ko at napaupo

"huwag kang mabahala espina.. baka nabagot lamang si prinsesa linhary at naglakad lakad.. lalabas muna ako at hahanapin siya sa gubat.. ikaw naman ay maghanap dito.. maghanda ka narin ng hapunan.." tanging tango na lamang ang aking naisagot kay lenor.. bago siya umalis ay ginawaran niya ako ng isang halik sa aking nuo..

Inilapag ko ang mga libro na hiningi ko pa sa mahal na reyna.. Tumakas si prinsesa linhary mula sa palasyo dahil ayaw niyang magpakasal kay prinsipe alfredo apat na araw na ang nakalilipas..

Dinala si prinsesa linhary ng mga paa niya sa aming tahanan ni lenor at naki-usap sa amin na dito muna tumira ng ilang araw.. pumayag ako dahil wala naman kaming anak ni lenor..

Sa apat na araw na pananatili ng prinsesa rito ay kanina ko pa lamang napagpasiyahan na ipagbigay alam sa reyna na nandito ang prinsesa.. sinabi ng reyna na alagaan namin ang prinsesa.. susunduin na lamang nila ito kapag handa nang magpakasal..

Nilibot ko ang bahay at wala parin akong nakitang prinsesa.. napagpasiyahan kong sa bodega pumunta dahil iyon na lamang ang aking hindi napupuntahan..

Pagdating ko ng bodega ay nakabukas ito.. malayo ang bodega sa aming bahay kaya maaaring hindi narinig ng prinsesa ang aming pagtawag.. Pumasok ako sa loob ng bodega at sinindihan ang gasera..

Inilibot ko ang gasera at nakita ko ang mahiwagang painting na bigay sa akin ng aking inang pumanaw na nasa sahig na at basag.. inilapag ko ang gasera at itinayo ang painting..

Bigla akong kinabahan, bigla ko na lamang naalala ang sinabi sa akin ni ina..

"alagaan mo ang painting na ito Espina.. ito'y galing pa sa aking mga ninuno.. ang painting na ito ay hindi ordinaryo dahil maaari kang makapunta sa hinaharap at sa nakaraan..alagaan mo ito dahil nag-iisa lamang ito"

Napaupo na lamang ako dahil sa naisip ko.. gulo gulo ang kagamitan dito.. maaaring.. maaaring...

"Elizabeth!" tawag ko nang makalabas ako ng bodega.. si elizabeth ay isang maliit na nilalang na may pakpak tinatawag ito ng mga dayo na 'fairy' na iniwan ko para mabantayan ang prinsesa

"Elizabeth!!" tawag ko pero wala parin ang lumalabas o nagpapakita! kailangan kong magpunta kay marina..

"mahal kong asawa.. hindi ko natagpuan ang prinsesa sa gubat.." sabi ng aking asawa na kararating lang..

"tila alam ko na kung nasaan ang prinsesa lenor.. pero hindi pa ako sigurado.. kaya magtungo tayo bukas pagputok ng araw kay marina"

--

Present Day----2019

-Ashtonn-

"ako si Princess Linhary Frenia Vel Serille ipinanganak noong Disyembre dalawangpo't apat taong isang libo walong daan at labing apat (December 24,1814) Isa akong prinsesa...At ang aking elemento ay lahat"

Napakunot ang nuo ko sa kaniyang sinabi.. ang haba ng kaniyang sinabi.. napakamot na lang ako sa aking ulo nang hindi ko masundan kung kailan siya pinanganak..

"pwede mo bang isulat na lamang? hindi ko naintindihan" sabi ko kaya tumango naman siya.. Kumuha ako ng ballpen at papel at saka iyon ibinigay sa kaniya

"isa ka bang mahikano comissan?" lalong nangunot ang nuo ko sa sinabi niya.. umaliwalas na ang kaniyang mukha kesa kanina

"hindi naman bakit?" sabi ko at umupo.. lumingon siya sa akin at itinutok sa akin ang ballpen..

"oh! wag mong itutok sakin yan!! para kang mananaksak" sabi ko pero parang wala siyang narinig.. nakatitig lang siya ballpen at ikinumpas kumpas ito..

"ano bang ginagawa mo?" hindi siya umimik at ikinumpas niya ng malakas ang ballpen.. napailing na lang ako...

"hoy tama na yan! magsulat ka na!" umupo siya sa tabi ko at mulagat na tumingin sa akin..

"hahaha"

"bakit ka tumatawa comissan?"

"nakakatawa yang hitsura mo! magsulat ka na nga!"

"comissan, tila yata walang kapangyarihan ang bagay na ito" napatingin naman ako sa ballpen na ibinalik niya.. kaya ba niya kinukumpas kanina na ito dahil don?

"haha ang weird mo talaga! ballpen ito hindi wand"

"ball pen?" tumango ako

"oo.. isang uri ng panulat.." tumango tango naman siya at nagsulat na.. ipinakita niya sa akin ang sulat niya at dahil doon ay nanlaki ang mata ko at saka tumawa

"hahaha!!! ang lakas ng tama mo!!! hahaha 1814?? haha!! edi 205 years old kana?? ahahaha lola!! ahaha" sabi ko at tumawa ng tumawa.. grabe!! nakainom ata itong babae na to ng zonrox! ahahaha

"hindi ako nagbibiro comissan.. sa katunayan isa akong prinsesa mula sa mundo ng mahika" lalo naman akong napatawa sa sinabi niya..

"p-prinsesa ka? ahahaha!! walang mahika dito! hindi totoo yon!! ahaha" sabi ko at napahawak na lang sa tiyan ko

"ang ibig sabihin nito... nasa kasalukuyan ako ng mundo ng mga tao?! wala ako sa kasalukuyan sa mundo ng mahika!" hindi ko naintindihan ang sinabi niya.. pero napatawa ako dahil sa mga sinasabi niyang maika mahikang yan

"haha.. sige nga! kung totoo kang galing sa nakaraan sa mundo ng mahika.. ipakita mo ang powers mo este kapangyarihan mo"

"hmm.. hindi ko pa ito nadidiskubre"

"ahaha sige diyan ka muna.. wag kang gagalaw ng kahit anong gamit.. magahanda lang ako ng miryenda" tumango naman siya sa akin kaya pumunta na ako ng kusina

Natatawa habang naiiling ako sa paglalagay ng peanutbutter sa tinapay.. grabe ang babaeng yon!! haha ang lakas ng tama pero hindi wasak!

*blaaaaaaaaagagaggagabaaaaaaaaaaaggggg*

*blaaagg*

Napatigil ako sa paghahalo ng dalandan juice..

1...

2...

3...

sh*t!! dali-dali akong nagtatakbo papunta sa living room kung saan ko siya iniwanan

--

Present Day----2019

-Linhary-

Nagpaalam sa akin si comissan na magahanda lang siya ng pagkain kaya ngayon ako ay tahimik na nakaupo lamang dito.. Iniisip ko pa rin ang mga nangyare sakin bago ako mapunta dito sa mundo ng mga tao sa hinaharap..

Hindi ko padin talaga lubos na maalala.. basta ang alam ko ngayon ay nasa ibang mundo ako.. malayo sa palasyo at malayo din sa mahika

Napatingin ako sa sinasabi ni comissan na ballpen.. nakakamangha dahil kapag ito'y aking pinipindot may matulis na lumalabas.. hihi ang galing magtago ng armas ni comissan

*krooog*

Nagitla ako nang biglang tumunog ang maliit na kahoy ni comissan kanina kaya nabitawan ko ang ballpen.. Unti unti ko iyong nilapitan dahil nasa kabilang upuan ito.. Nagulat ako ng makitang ang kahoy na maliit ni comissan ay umiilaw!! agad kong kinuha ang ballpen at pinindot ang dulo nito..

Lumapit ako sa maliit na kahoy at nakita ko roon ang isang larawan ng babae na nakangiti at isang batang lalaki na nakangiti rin..

Bihag ba sila ng kahoy?!! hala!!! baka may maitim na mahika ang maliit na kaoy na ito!! kailangan kong iligtas ang mag-inang nasa loob nito!! Napatingin ako sa ballpen kong hawak..

Huminga muna ako ng malalim at nang tumunog ulit yung kahoy ay nagulat ako at biglaan kong naitusok ang ballpen sa maliit na kahoy.. Namatay at nawala ang ilaw ng kahoy

"nalupig ko ang masamang mahika!" nagagalak kong pahayag.. kinuha ko ang maliit na kahoy na ito at inilagay sa lamesa ni comissan.. umupo ulit ako sa upuan at bigla na lang akong may naupuang bagay

Nang tingnan ko ito ay para siyang pampalo sa akin ni ina..may mga nakautlaw na bilog dito.. pinindot ko iyon at nang mahawakan ko ay ako'y lubos na natuwa dahil sa ito'y malambot..

Pinagpipindot ko pa ito at bigla na lang nabuhay ang malaking kahoy sa harap ko.. umiilaw rin siya katulad ng maliit na kahoy ni comissan.. ngayon ko lang ito napansin..

Maya maya pa lamang ay may lumabas na mga tao sa malaking kahoy.. hala! bihag rin sila ng maitim na mahika!! kinuha ko ang maliit na kahoy at ibinato yon sa malaking kahoy.. hindi pa ako nakuntento at ibinato ko pa ang hawak kong pamalo..

Hindi parin nalulupig ang maitim na mahika!! humanap ako ng matilos na bagay at may nakita akong isang payong sa isang bangang may bulaklak.. kinuha ko ang payong at daan daan lumapit sa malaking kahoy at saka ito sinaksak sa gitna..

Nawala ang ilaw mula sa malaking kahoy senyales na nalupig ko ang maitim na mahika!! nakakatuwa!! ang sarap sa pakiramdam na may natulungan akong tao... hihi

"what the f*ck!! what the hell did you f*cking do woman!!!?? my t.v.!!!" sigaw niya at lumapit sa malaking kahoy.. inalis niya ang payong at tiningnan ako ng masama.. napatungo na lamang ako

"ginoong comissan, patawad sa aking nagawa ngunit iniligtas ko lamang ang mga taong nasa ilalim ng maitim na mahikang iyan!" turo ko sa malaking kahoy

-Ashtonn-

"ginoong comissan, patawad sa aking nagawa ngunit iniligtas ko lamang ang mga taong nasa ilalim ng maitim na mahikang iyan!" napapikit naman ako ng mariin sa sinabi niya at napahilot ng sintido ko..

Hindi ko alam ang gagawin ko! magagalit ba ako o matatawa sa paliwanag niya.. argh!! malalagot ako kay mom pag nalaman niyang nasira ang t.v. namin! hayst!

Huminga ako ng malalim at napatingin sa taong gubat nato "makinig ka okay?" tumango naman siya

"huwag na huwag kang mangingialam ng gamit dito please lang!! malalagot ako kay mom nito!! hayst!! kung gusto mo pang magtagal dito sundin mo ang iniuutos ko maliwanag?!!" tumango naman ulit siya.. binalik ko ulit ang payong duon sa flower may flower vase..

"yaya melinda!!"

"po sir?"

"ihatid mo 'tong taong gubat nato sa katapat ng kwarto ko at bantayan mo ng maigi.. wag kang lalabas hanggat hindi ko sinasabi" utos ko kay yaya melinda

"opo sir----ano pong nangyare sa t.v.?" napailing na lang ulit ako sa kabobohang ginawa ng taong gubat nato

"nasira nang taong gubat nayan.. huwag mo na lang sabihin kay mom.. papalitan ko ng katulad niyan" tumango ulit siya sa akin

"tara na miss" sabi ni yaya melinda kay taong gubat at inalalayan

"saglit lang po.. comissan, maaari bang ang itawag mo sa akin ay linhary? iyon ang aking pangalan" tiningnan ko siya ng masama

"itatawag ko ang gusto kong itawag sayo taong gubat.. umakyat na kayo" sabi ko at napaupo sa couch.. Tiningnan muna ako ng taong gubat bago sumunod kay yaya melinda

Hayst!! bwisit!! sakit sa ulo ng babaeng yon!! Hayst!!

Teka! ang cellphone ko nga pala??

Kinapa ko ang bulsa ko pero wala.. ang alam ko iniwan ko iyon dito sa couch??! Hinanap ko at kinapa kapa sa couch ang cellphone ko at tiningnan din sa ilalim baka nahulog.. Patayo na sana ako nang Biglang may nahagip ang mata ko malapit sa may t.v. naming sira na.

Lumapit ako doon at nakita ko ang cellphone ko na may ballpen na nakatarak...Awtomatikong nag-init ang ulo ko sa nakita ko...

"Tanginaaaaa!!!! TAONG GUBATTTTTT!!!!"

Nächstes Kapitel