"What a great view." Bulong ko sa aking sarili habang nakahiga sa rooftop ng aking inuupahan na apartment. Malamig na simoy ng hangin ang dumadaan at dumadampi sa aking balat.
Habang tinitignan ang kalawakan na nasa ibabaw ng mga ulap, hindi ko maialis sa isip ko ang kagandahan ng buwan at mga bituin. Ilang minuto din ang lumipas bago ako magpasya na tumayo mula sa aking pagkaka-higa.
Nag-unat muna ako ng aking mga buto at dali-dali akong bumaba papunta sa aking unit. Pagdating ko sa hallway ng apartment, halos walang tao dahil luma na itong apartment na kung saan ako naninirahan. May mga sulat na sa pader na mga spray paint, mga drawing ng mga makukulit na bata.
Minsan ang ilaw pa ay kumukurap na talaga namang bibigyan ka ng takot sa iyong isipan. Hindi naman ako natatakot sa mga kababalaghan o multo pero may mga tao talaga na sadyang matatakutin.
Ang mga pintuan nama'y sobrang luma na talaga. Makikita mo sa bakas na meron ito na talagang matagal na panahon na nandito. Buti yung may-ari ng apartment na ito ay pinanatili parin itong pamahalaan gayo'y wala naman ng masyadong tao dito.
Lib-lib din ang pwesto ng aming apartment. Katabi lang nito ang creek na madumi at di na naaalagaan ng maayos. Masasabi mong nasa skwater area kami ng maunlad at magandang bayan ng "Ranila," ang capital city ng "Metro Pines."
Natunton ko din sa wakas ang aking unit. Pumasok ako agad at dali-dali akong naligo para makaabot ako sa aking trabaho sa isang fast-food chain na kilala ng marami, ang "Mg'ronalds."
Mag a-alas siete na ng gabi ng matapos ako sa aking pagligo pati na rin sa pagbihis ng uniporme, buti na lang at mabilis akong natapos kundi mala-late nanaman ako.
Bumaba na ako at kinuha ko ang aking bike sa labas. Tanging mga street lights lang ang makikita mo at sobrang gulo ng lugar na ito. Dito sa District 4 ng siyudad, dito nila tinipon ang lahat ng low-class na pamilya at indibidwal na tao upang hindi madumihan ang imahe ng capital city. Siguro para na rin matipon ang mga kriminal sa iisang lugar at para madali na din nila matunton ang mga ito.
Halos lahat ng kriminal na pinalabas sa publiko ay galing sa low-class na mamamayan. Makikita mo naman sa piligid ko pa lang. Mga tambay sa labas kahit gabi na. Mga lalaki at babaeng nagtitipon-tipon sa sulok habang naninigarilyo.
Mga batang nasa labas ng bahay at naghahabulan kahit gabi. Napakagulo, yan ang masasabi ko. Makaalis na nga at masimulan na magtrabaho.
Umangkas na ako sa aking bisikleta at lumarga na patungo sa trabaho. Ng makalagpas ako sa pang-apat na kanto ay lumiko ako pa-kaliwa na papasok sa isang eskinita. Tanaw ko ang gate na malapit doon palabas ng aming distrito, ngunit may mga anino na namumuo sa bandang unahan ng madilim at marikit ng eskinita na ito.
Ng makarating ako sa kinaroroonan nila, ay humarang sila sa akin. Apat sila na lalaki at pinalibutan nila ako. Agad ko namang napuna ang gusto nilang mangyari kaya bumaba ako sa aking bike at tumakbo pabalik.
Hinabol nila ako. Tumakbo din sila ng mabilis para maabutan ako. Habang ako ay naghahabol ng hininga ay di parin ako huminto sa pagkaripas para matakasan sila.
Rinig ko ang mga sigaw nila "Bumalik ka rito!" habang hinahabol nila ako. Makakalabas na sana ako ng eskinita ngunit may humablot sa aking kuwelyo! Nagulat ako kaya nama'y naglaban ako.
Pero sa kasamaang palad ay hindi ako nakawala dahil binigwasan ako sa dib-dib at hinila ako pabalik sa eskinita.
"Masyado kang mabilis bata ha! Hetong sayo!" Isang suntok sa mukha, agad akong natumba at nagdura ng dugo. Natanggal din ang dalawa sa aking ngipin.
"T-tama na po! Parang awa nyo na! Wala akong kapera-pera!" Pagmamakaawa ko.
"Ibigay mo na at ng hindi ka na masaktan!" Kung minamalas ka nga naman. Sa lahat ng araw na dumaan, eto ang pinakamahirap at pinaka-masakit na naranasan ko.
Kinapkapan nila ako at natagpuan nila ang aking wallet at ang kwintas na mahalaga sa akin. "I-ibalik nyo yan! Kahit yung kwintas na lang! Maawa kayo! Arghh... Ahh!"
"Ano ka? Hilo? Pwede na to para sa hampas lupa na kagaya mo! Oh heto! wallet mong bulok!" Ibinato nya ang wallet ko sa aking mukha at pinahabol pa ng isang tadyak sa mukha.
"Kung ibinigay mo na lang samin to nung una pa lang, hindi ka na sana hahantong sa ganitong sitwasyon bata!" Bumunot ng balisong ang isang lalaki at dahan-dahan siyang lumapit sakin.
"Arghh! Ahh-haaa!" Ramdam ko sa aking tiyan ang sak-sak ng balisong. Tumakbo na din sila tangay ang aking pera, ang kwintas na mahalaga sakin kasama ng aking bisikleta.
Habang nakahandusay dito sa putikan ay nararamdaman kong unti-unti ng dumidilim ang aking piningin.
May naririnig ako. Mga yapak na dumadagundong at bahagyang lumiwanag ang paligid. Hindi ko na namalayan kung sino siya at kung ano siya. Tuluyan ng nawalan ako ng malay.