webnovel

Chapter 11

IBA ang kutob ni Rafael sa text message na iyon sa kanya ni Eris. Binulabog niyon ang isipan niya. Part of him was telling him to be calm. Na walang masamang nangyari sa kapatid niya. Na nasa mabuting kalagayan lang ito. Pero mas malakas ang pagtibok ng puso niya at kaba.

Ilang beses niyang sinubukang tawagan ang kapatid, pero pinapatay nito ang tawag niya. Napailing na lamang siya at napahinga nang malalim. Inisip na lang ni Rafael na baka na-wrong sent lang si Eris.

Sinubukan niyang matulog pero hindi nakikipag-cooperate sa kanya ang katawan. Hindi siya mapirmi sa kama. Paiba-iba ng posisyon so Rafael at panaka-nakang napapakamot sa ilong at likod. Tumatalab na ang gamot na ininom niya para sa allergy pero nakakaramdam pa rin siya ng pangangati. 'Laking pasasalamat na lamang niya at hindi na iyon kasing-lala hindi tulad kanina.

"Argh," daing ni Rafael at bumangon na lamang. Inabot ng mga paa niya ang kanyang tsinelas sa ilalim ng kama at lumabas ng silid. Pumunta siya sa pool, sa may verandah, upang magpahangin. Para na rin makapag-isip.

Umupo siya sa gilid ng pool, malapit sa metal handle, at inilublob niya sa malamig at asul na tubig ang mga paa. The entire place was so calm and peaceful. Tanging ang mga kuliglig at paghampas ng malamig na hangin sa mini-garden ng kanyang ina ang nahahagip ng pandinig niya. The bright, yellowish, quarter moon reflected over the surface of the water from the pool.

Nilagyan ni Rafael ng red wine ang kalahati ng wine glass at sumipsip doon. Napahinga siya nang malalim at napatingala sa kalangitan. Tamang-tama ang gabing iyon para mag-star gazing dahil puno ng bituin ang itim na kalangitan. There were blue, red, white and yellowish stars. Iba't iba ang laki niyon. He could draw some constellation on the dark night.

"Amm... Sir Rafael..."

He looked over his shoulder. Nakita niya si Hannah sa kanyang likuran. Nakatungo ito nang bahagya pero pansin niya ang malungkot nitong mukha.

Saglit ay nag-angat ito ng tingin. Sumalubong sa kanya ang nangungusap na mga mata ni Hannah. "Do you need anything?"

"Ah, Sir, wala po." Nanginginig ang boses ni Hannah nang sabihin iyon. "Gusto ko po sanang humingi ng tawad sa nangyari kanina. Hindi ko po intensyon na ipahamak kayo. Hindi ko po kasi alam na allergic kayo sa seafoods."

Kumurba nang bahagya sa isang ngiti ang mga labi ni Rafael. "Kung ang Diyos nga nagpapatawad, who am I to not do the same thing?"

"P-Po?" May bahid ng pagkagulat at pagtataka sa tinig na iyon ni Hannah. "Hindi po ba kayo magagalit sa akin? Kahit ano po'ng parusa ang ibigay n'yo, gagawin ko po. Hindi po puwedeng hindi ko pagbayaran ang mga pula riyan sa katawan ninyo!"

Nakasalubong ang mga kilay na napatingin si Rafael sa kanyang balikat. Hindi niya napansing namumula iyon at may mga rushes. Muli siyang napatingin kay Hannah. "No worries. It can heal," nakangiting sabi niya. "And one more thing, hindi ako tulad ng tao na iniisip mo. Hindi mo naman sinasadyang gawin iyon, right? So you don't have to worry. But if you still insist, okay. I like that food. Puwede mo ba akong ipagluto ulit ng gano'n? Without shrimp, of course."

Sa sinabing iyon ni Rafael ay nagliwanag ang mukha ni Hannah. At hayun na naman siya at hindi alam kung bakit parang tumatalon sa tuwa ang puso niya. Napatikhim siya at muling nagseryoso.

"Sige po, Sir!" nagagalak na sabi ni Hannah. "Bukas na bukas din po ay ipagluluto kita ng ganoon. Salamat po! Pasensya po ulit. Aalis na po ako."

Tumango si Rafael at napasipsip ng wine sa glass nang muli na namang tumibok nang mabilis ang puso niya. Napakagat siya sa ibabang labi. Patalikod na sana si Hannah nang bigla siyang magsalita.

"Would you mind joining me here? Kahit ilang minuto lang?" Napakurap nang ilang beses si Rafael. Muli siyang napasipsip sa wine glass. Iniiwas din niya ang tingin kay Hannah —na blangko ang mukha— at nagkunwaring may tinitingnang iba. Nakita nga niya si Elena na palabas sa verandah. "Forget about it. Alam kong pagod ka na kaya puwede ka nang umalis."

"Sige po, Sir. Kayo rin po. Huwag po kayong magpupuyat."

Napahinga siya nang malalim at tinalikuran ng tingin si Hannah. Hindi na niya sinubaybayan ang paglayo nito. Narinig pa niya ang pagbati nito kay Elena.

"Tama ba itong nakikita ko, 'Nak?"

Pansin ni Rafael ang sigla sa mahinahong tinig ni Elena. Nilingon niya ito. "What do you mean po, 'Nay?"

Isang malawak na ngiti ang kumawala sa mga labi ng matanda. Sinundan niya ng tingin ang pag-upo nito sa damuhan, malapit sa gawing kanan ni Rafael. "Kilala ko ang alaga ko. Basang-basa ko ang mga mata mo, Rafael. Ilang araw na kitang pinagmamasdan at kapag nariyan si Hannah, nagliliwanag ang mga mata mo."

Isang mahinang tawa ang kaagad na kumawala sa bibig ni Rafael. "I don't know what to say... ganoon naman po ako sa lahat, right?"

"Kahit na ano pa man ang sabihin mo sa akin, 'Nak, alam kong may lihim kang pagtingin sa kanya," halos pabulong na sabi ni Elena.

Napaubo si Rafael nang sa ibang ugat dumaan ang sinipsip niyang alak. "Seriously?" nauubo pa rin niyang sabi pero may halong pagtawa. "'Nay, paano ako magkakagusto sa taong ilang linggo ko pa lang na nakakasama? Love at first sight? I'm not a fan to that arrangement. You know how focused I am on my job, right? Wala po akong panahon para sa pag-ibig na iyan. Wala pong rason para magkagusto ako sa kanya."

"Sa bagay na iyan ka nagkakamali, 'Nak. Kung sa akin ka lang sana nanggaling, walang problema kung magkagusto ka kay Hannah." May bahid ng sinseridad sa tinig ni Elena. Nakatingin pa rin ito sa kanya. "Sa ilang linggo kong nakasama ang dalagang iyon, masasabi kong mabait siyang tao. 'Kita mo ang dedikasyon niya sa trabaho. Masipag. At kahit na mahirap siya, may pangarap siya sa buhay. Naaalala ko nga sa kanya ang sarili ko noong kapanahunan ko pa. Bagay kayo para sa isa't isa, Rafael. Ngunit ang problema, isa lamang akong hamak na kasambahay. Kilala mo ang Papa at Mama mo. Hindi ang tulad niya ang nakikita nilang makakatuwang mo sa buhay."

Napaisip si Rafael. May punto roon si Elena. Bata pa lamang silang dalawa ni Eris ay panay ang hinaharap ang laging kuwento sa kanya ni Agnes sa tuwing matutulog sila sa gabi. Ang kapatid niya ay hinahangaan ng mga tao dahil sa mga foundations na bubuuin nito. Isa na rin sa mga nirerespetong business man. Siya naman, CEO na sa iiwanang kumpanya ng mga magulang at magkakaroon ng katuwang sa buhay na katulad ng kanyang ina. Mapagmahal at may kaya sa buhay upang mas lumawig pa ang negosyo nila. Kaya lang ay hindi na niya natupad ang una. At masaya niyang sasabihin na hindi niya pinagsisisihan ang desisyong iyon.

Hinawakan niya ang isang kamay ni Elena. "There's no reason to be worried, 'Nay. Kung ano man ang namamagitan sa amin ni Hannah, wala iyon. We're in good terms, but I'm not in love with her. I have my priority in life, and that is to serve my country."

Napansin niya ang malalim na hininga ng matanda. "Mahirap pigilin ang pusong umiibig, 'Nak, subalit mas pipiliin kong paniwalaan ka. Ngunit ito ang maipapayo ko sa iyo. Tumatanda ka na, Rafael. Alam kong seryoso ka sa pagpupulis mo. Pero kailangan mo ng makakatuwang sa buhay. Huwag mo akong gayahin. Tumandang dalaga. Wala akong mga anak na makakaalala sa akin kapag ako ay lumagay na sa tahimik."

Hindi alam ni Rafael kung ano ang sasabihin sa matanda. Wala naman sa plano niyang hindi mag-asawa. Pero hindi sa ngayon ang tamang panahon. Masyadong delikado lalo na at hindi pa rin nahuhuli ang mga Alphas. At hindi kay Hannah. Hindi isang pag-ibig ang nararamdaman niya para rito. Naaawa lang siya at ang problemang pilit na kumikiliti sa isip niya ay sa hindi niya malamang dahilan.

Nahahalata ni Rafael na may malaking problema si Hannah. Lagi itong nakangiti pero hindi iyon maitatago ng mga mata nito. At ang isa pang tanong na gumugulo sa isip niya, may koneksiyon ba iyon sa pagbisita nito sa istasyon nila?

"Sir! Sir! May kailangan po kayong malaman!"

Binasag ng sigaw na iyon ang katahimikang bumabalot sa paligid. Kilala ni Rafael kung kanino ang boses na iyon. Kay Hannah. Ang ipinagtataka niya ay para itong nakakita ng multo dahil humahangos itong tumatakbo palabas ng verandah at hindi matigil sa pagsigaw sa pangalan niya.

Napatingin din doon ang matanda. "Ano'ng problema, Hannah?" nananantyang tanong nito.

Nakakunot ang noo siyang tumayo at sinubaybayan ng tingin si Hannah. Pansin niya ang butil ng pawis nito sa noo at malalim ang bawat paghinga nito. "Are you okay? Bakit ka sumisigaw? Is there any problem?"

Huminto si Hannah sa harap niya. Nakapanlaki ang mga mata nito sa takot habang hinahabol ang hininga. "S-Sir, sina ma'am at sir!" nanginginig ang tinig nito. Napapikit pa ito at napaubo.

"Kumalma ka muna," maawtoridad na sabi niya. Hindi na rin niya maiwasang madala sa emosyong ipinapakita ni Hannah at maging siya ay nagsisimula na ring kabahan. Napansin niyang ganoon na rin ang matanda. "What about them? What about my parents?"

"Huminga ka muna nang malalim, Hannah," rinig niyang sabi ni Elena. Pinuno ng dalaga ng hangin ang baga nito, saka iyon inisang buga. "Mabuti. Ano'ng nangyari sa kanila?"

"May tumatawag po kanina sa telepono nang pumasok ako sa loob," nanginginig pa rin ang tinig ni Hannah. Pabalik-balik nitong tiningnan sina Rafael at Elena. "Ang sabi po... may um-ambush daw kina ma'am at sir!"

Nächstes Kapitel