webnovel

Nightmares

Ilang araw ang nakalipas, sa gitna ng kaguluhan at kawalan ng pag-asa. May mga grupo ng kabataan sina Jan, Geo, Ric, Dan, Angela, at May ang tumongo sa isang paliparan upang maka-alis at pumunta sa isang ligtas na lugar. Subalit ang hindi nila alam ay maraming naka-ambang na panganib sa kanilang pupuntahan na magiging sanhi ng matinding kapahamakan.

Jan: Takbo! Takbo Takbo! Bilis! Dali! sundan ninyo kami ni Geo. Pinag-aralan na namin kung saan makakadaan ng ligtas patungong runway.

Geo: Bilisan ninyo mga tol.

Ric: Mukhang kulang tayo ah?

Dan: Mga tol! Teka lng! Nawawala yung piloto!

Geo at Jan: Ano!?

Jan: (Galit na nagtatanong) Nasaan siya? Diba kasama ninyo siya sa likod?

Ric: (Hinihingal) Ewan ko, tumakbo na ako ng mabilis!

Dan: Nataranta yung loko at napatakbo sa ibang direksyon. Sinubukan ko tawagin at habulin pero biglang nawala.

Napahinto ang lahat sa pagtakbo at nagsimulang mataranta!

Angela at May: (Takot na takot) Paano na yan?

Geo: Naku patay! Paano na yan Jan?

Jan: Dan, Saan siya pumunta?

Dan: Doon siya pumunta sa bandang may restaurant nung hinabol ko siya.

Jan: Ganito! Geo, ikaw na bahala sa kanila. Dalhin mo sila sa eroplano mag-ingat kayo! Ako na ang bahalang maghanap sa piloto. Magkita nlng tayo doon.

Geo: Ok sige!

Angela: Ayoko! Gusto kong sumama sayo!

Jan: Angela? Hindi pwede! Masyadong mapanganib! Babagal lng tayo!.

May: Oo nga bes! Sumama ka nlng sa amin. Wag kang mag-alala babalik din siya!

Angela: Pasensya na kayo ayaw kong maging negatibo pero masama ang kutob ko! Atleast kung hindi ako makakaligtas ay kasama ko siya hanggang sa huli!

Jan: (Napangiti) Salamat at gusto mo akong makasama hanggang sa huli. Kaya lang masyadong mapanganib sa ating dalawa. Kaya sige na! Umalis na kayo! Babalik ako promise!

Angela: (Galit na naluluha) Ayoko nga! (sabay sampal at yakap kay Jan) Sige na! please! Payagan mo na ako!

Geo: Tsk2x! Pag-ibig nga naman! Sige na! kumilos na tayo! Sumunod kayo sa akin! Ikaw na ang bahala sa kanya Jan. Magkita nalng tayo doon!(Sabay biglang takbo)

Jan: Hoy! Teka lng! Haaaaaaaay! Sigurado ka ba Angela? Kung gayon ay kailangan na nating bilisan.

Angela: (Yumakap ng mahigpit sabay tingin kay Jan) Salamat! (Napangiti)

Agad hinanap ni Jan at Angela ang piloto. Maingat na tinungo nila ang lugar na posibleng daanan nito at bigo parin silang makita ang piloto. Hanggang sa may hindi inaasahang pangyayari sa kanilang dalawa.

Jan: (Napasigaw at nataranta) Angela! Hindiii! Wag! Waaaagg! Hindi! Angelaaaa!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ilang oras bago nagsimula ang kaguluhan! Nag-aayos si Jan dahil magkikita silang magkakabarkada ng may nag message sa kanya.

Ric: (txt msg) Tol! Nandito na kami sa bahay ni Marv! San na kayo?

Jan: (txt msg) Kumpleto na kayo? Papunta na ako diyan!

Agad na nagmadali si Jan at dali-daling bumaba sa hagdanan. Sa sobrang pagmamadali, hindi niya namalayan na may bakal na tubo na nakaharang sa kanyang dinadaanan. At yun nga'y may biglang kumalabog. Sa lakas ng kalabog tumalsik ang cellphone nya mula sa loob ng kanyang bulsa. Dali daling pumasok ang kanyang Tatay sa loob ng bahay upang malaman kung ano ang nangyari at nakita niya si Jan na nakataob sa sahig.

Tatay: Oh! Jan! anong nangyari? Anong ginagawa mo diyan sa sahig?

Jan: Argghhh! Ang sakit! Napa push-up po ako bigla! Sino ba naman ang hinayupak na naglagay ng tubo dito sa daanan?

Tatay: Ako! itinabi ko yan diyan! Baka naman hindi ka tumitingin sa mga dinadaanan mo ha? Oh sya! Ilagay mo yan diyan itabi mo gagamitin ko pa yan! Wag ninyo kasi ginagalaw ang mga gamit dito ng iwas tayo sa disgrasya!

Jan: (Napabulong) taena ako pa may kasalanan.

Tatay: Ano yun? Oo nga pala, diba may pasok ka ngayon? Bakit wala kang dalang gamit?

Jan: October 31 po ngayon. Wala po akong pasok pero may lakad po ako! Kaya pahingi po ng isang daan!

Tatay: Hingi ka ng hingi. Mas mabuti pang tulungan mo na lng ako sa pag gawa ng bahay ng manok!

Jan: Eh litsonin na lng kaya natin yang manok na yan! Wala rin namang pakinabang yan.

Tatay: Ikaw ha! ano2x na nman yang naiisip mo! Umalis ka na nga lng dito baka ikaw pa ma litson ko!

Jan: Sige! Pamasahe nasan?

Tatay: Wala nga! Limang daan ito wala akong barya!

Jan: Sige, akin na! Papabarya ko! (Sabay ngiting aso)

Agad na umalis si Jan bitbit ang limang daang piso para makipagkita sa kanyang mga barkada. Sumakay ng jeep patungo sa kanyang pupuntahan ngunit agad niyang naisip na mali ang kanyang nagawa sa pagtangay ng limang daang piso ng kanyang Tatay. Mayat-mayay hindi na niya ito inisip at sa halip ay tumingin nlng sa mga tanawin. Makalipas ng ilang oras ay nakarating din si Jan sa bahay ng kanyang kaibigan na si Marv.

Tatay: Nasan na kaya yung batang yun! Ilang oras na ah! Naisahan na naman ako! Yung batang yun talaga o. Lagot siya sa akin mamaya.

Mga Barkada: O Jan! ang tagal mo ah! Kanina pa kami dito.

Jan: Pasensya na! Hindi ako late ah, maaga lng kayong dumating. Nasaan si Marv?

Mga Barkada: Ayon! Kukunin daw niya yung Movie Collections niya. Si Ric naman ay nagpresentang bumili ng litson manok at mga kakainin natin.

Jan: Naku! si Ric pa pinabili nyo!

Mga Barkada: Bakit hindi? nagpresenta eh!

Geo: Mga tol andyan na si Ric, dami dala foods.

Jan: O ayan! check nyo! Alam nyo nman tirador ng pagkain yan! Baka nga wala ng pak2x yang isang manok.

Ric: Oy grabe ka naman! Isang pak2x lng at isang siopao saka isang juice! Nagutom ako e! Ang layo ng nilakad ko!

Marv: So, are we complete now? Nakabalik na si Ric? This is all of my collections pili lng kayo! Movie Marathon tayo ngayon!

Jan: Wala ba mga magulang mo ngayon Marv?

Marv: Yeah! They're on the province right now! Mostly kasi ng relatives namin pupunta sa province tuwing November 1 and 2. Maybe they will arrive here on November 3. So, as for now you can all stay here. The problem is, My money is just enough for me.

Jan: Ah! sayang limitado rin pera namin.

Ric: Oo nga! Di ako pwede malipasan ng gutom, Baka makain ko kayo! Hahahaha!

Marv: So guys, ano papanoorin natin?

Carl: (Nakangiti) Wala ka bang porn dyan?

Geo: Grabe ka Carl pati ba naman dito? Wag dito! Baka babaha!

Dan: Yung Romeo and Juliet bro maganda! Yan na lng!

Geo: Naku si Loverboy! Di ka nga makaporma kay Nikki. Nauunahan ng katorpehan! Iba nlng!

Dan: Eh ano ba gusto mo panoorin? At saka wala akong gusto kay Nikki. Sila Jan, Marv, at Ric yung mga torpe.

Ric: Yo! ang daling nakapasa ah! Di ako torpe! Pagkain lng gusto ko.

Jan: O bat nadamay ako dyan! Nanahimik lng ako dito ah!

Dan: Bat di mo naman kasi niligawan si Angela. Alam naman nating lahat na may gusto yun sayo at saka ikaw din may gusto ka sa kanya! Napapansin nga namin tumitingin-tingin din yun sayo! Parang inaantay ka nga nya na kumilos. Sayang! Pagnapagod yun sa kaka-antay sayo baka maunahan ka! Dami din kasi manliligaw nun.

Marv: Yeah! He is right bro! You know what, kung ako ikaw liligawan ko na yun.

Jan: Teka! Pano nyo nalaman yang mga impormasyon na yan? At saka hindi naman kasi madali yan! Ilang beses ko nang sinusubukan kaso hindi talaga! Sa tuwing kaharap ko siya ay naninigas yung buong katawan ko na parang sinisemento, yung puso ko bumibilis ang tibok, kahit nga naka aircon pinapawisan ako, at hindi ako makapagsalita ng maayos. Ewan ko ba kung bakit ganyan! Sa ibang babae na wala akong gusto, hindi naman ako ganyan.

Geo: One word tol! TORPE! Dami mo kasi iniisip! Pag kaharap mo na wag ka nang mag-isip. Sabihin mo ng diretso "Gusto kita" pagkatapos nun bahala na si Batman!

Dan: Ganda nung advice, kaso na basted ka! Kahit nga si Batman di na kinaya!

Jan: Kaya nga, mahirap gawin! Pag mahal mo talaga yung tao mahirap talaga sabihin at saka nandyan din yung takot..... na baka ma basted ka!

Dan: Eh bat ka naman natatakot ma-basted? Diba gusto ka rin nya?

Geo: Mga punyeta! Puro kayo ka-TORPEHAN! Bat hindi nyo gayahin sina Supremo, Lapu-Lapu at Heneral Luna! Mga matatapang! Kahit nga si Pepe na pasulat-sulat lang nakarami na, kung baga sa ulam ay madami nang natikman. Tayo ay lahing Pilipino, lahing matatapang! Kaya ano pang hinihintay mo kapatid? Tayo na at maghimagsikan! REBOLUSYON!

Dan: Dami mong alam! Oo nga! matatapang! Kaya nga maagang na tigok, katulad mo binasted agad! Hahahaha!

Geo: Bahala na nga kayong mga TORPE kayo! Iba nlng pag-usapan natin! Yun mga action movies nalng piliin nyo! Katulad nito terminator o di kaya kahit ano! Basta barilan o espadahan!

Dan: Ang luma na yang terminator! 2028 Na ngayon, mga Romance na uso. At saka abs lng naman gusto mo makita kay Arnold! Hahaha!

Geo: TORPE! Sabihin ko nga kay Nikki na may gusto ka sa kanya!

Dan: Sige! Sabihin mo! Di naman yun maniniwala sayo!

Ric: Ang iingay nyo!

Jan: Horror na lng tayo! Yan zombie apocalypse maganda yan!

Marv: Yeah, Right! Horror nlng. Marami ako dito!

Geo: Yan okay din yan! May aksyon, wag yung romance nakakasuka!

Nagkasundo ang magkakabarkada na horror na lng ang panonoorin sa kanilang Movie Marathon at pumili sila ng pitong pelikula na gusto nilang panoorin. Inuna nilang panoorin ang Zombie Apocalypse at dun ay nagkaroon sila ng maliit at magandang kuwentuhan.

Jan: Grabe noh? Sa isang virus lng ay halos maging zombie na silang lahat. Pano kaya kung mangyari yan sa totoong buhay? Siguro yari tayong lahat!

Ric: Oo nga! Grabe, isipin mo nagkaka-ubusan na ng pagkain. Pano ka makakasurvive pag ganon? At saka yung iba nagpapatayan na para lng makasurvive.

Geo: Eh! Pagbabarilin natin yang mga zombie na yan at mag-iimbak tayo ng pagkain.

Dan: Nakakatakot kung mangyari yan. Balita ngayon sa TV na may kumakalat na namang virus at may isang nahawa dito sa bansa natin. Tapos nandyan pa yung bangayan ng dalawang bansa na Nachi at Merika na parang magkakagiyera na. Hay naku! Ang gulo!

Carl: Pabayaan nyo sila! As long as merong internet, ok na ako!

Marv: Yo! Carl, ano yang tinitignan mo sa phone mo? That girl is so hot! Can i see it?

Geo: Ah! Porn yan! Yan yung dinownload niya sa computer. Ang payat2x na nga nyan eh kaso ayaw paawat. Sa sobrang payat kahit nga zombie hindi yan papatosin. Pagsabihan nyo nga!

Carl: Atleast makakasurvive ako. Eh! ikaw? Sa laki ng ulo mo sigurado ikaw ang unang titirahin!

Dan at Marv: Hahahaha!

Ric: Mga pre kain kayo! Kung hindi ako titira nitong mga pagkain nyo!

Nagdaan ang ilang oras at patuloy pa rin sila sa panonood hanggang sa ikatlong pelikula!

Carl: Ang ganda nung vampira. Ang lalaki at lulusog ng papaya!

Dan: Sana kagatin nya yang lalakeng bida para may forever! Ayaw ko sa babaeng bida! Hindi sila bagay nung bidang lalake!

Geo: Pwehh! Forever daw! WALANG FOREVER!

Ric: Mag aalas-tres ng hapon na pala! Iidlip muna ako saglit!

Jan: Ako din iidlip muna! Ang bigat na ng mata ko! Gisingin nyo ako pag papanoorin nyo na yung huli ah! Gusto ko yang zombie2x na yan!

Ric: Ako din at saka tirhan nyo ako nyang litson manok.

Marv: Ok bro! no problem.

Tuloy-tuloy parin ang panonood ng magkakabarkada habang mahimbing na natutulog sina Jan at Ric. Makalipas ng ilang oras, biglang nagising si Jan at pinagpapawisan! Napansin niyang medyo mausok. Nakita niya ang dalawang kaibigan na nakatalikod at may ginagawa. Napansin din nyang nakapatay na yung flat-screen TV at wala na yung ibang kaibigan nya.

Jan: Marv bat ang usok dito? Malamok ba? At saka nasan na sina Geo, Ric, at Carl?

Marv: Umuwi na sila! Pasensya na, di kita nagising.

Jan: Ah ganon ba? Sayang di ko nakita yung huli napasarap yata yung tulog ko! Ano yang nilalaro nyo Dan?

Marv at Dan: (Nagtatawanan)

Jan: (Nagtataka) Ah! porn yan noh?

Marv: hindi tol naglalaro lng kami ng MOBA!

Jan: Ah! Sige! Sya nga pala anong oras na? Parang ang dilim na!

Dan: 10:39 PM na bro!

Jan: Naku! Gabi na pala! Dan dito ka matutulog?

Dan: I don't know bro! Tapusin ko muna itong game!

Jan: Sige! Uuwi nlng ako Marv baka hinahanap na ako sa amin. Bukas nlng ulit! Charge ninyo phone nyo ah! Tawagan ko kayo bukas!

At yun nga'y nagpasyang umuwi si Jan. Habang nakasakay nag-aalala si Jan na baka mapagalitan siya dahil sa limang daan na hindi niya agad binalik tapos dagdagan pa ng hindi niya pagpa-alam kung saan siya pupunta at hindi pag tawag dahil ngayon lng nya napansin na mukhang naiwala nya ang kanyang cellphone.

Makalipas ang mahaba-habang biyahe ay nakarating na rin siya sa kanyang bahay. Doon ay nakita niyang nakabukas ang pinto. Agad siyang pumasok at dahan-dahang isinara ang pinto na parang isang ninja. Lumingon siya sa kaliwa! Tapos kanan at doon sa kusina ay nakita nya ang kanyang Ama na nakatalikod at may ginagawa. Napansin niyang kulay pula ang kamay nito na hindi niya matukoy kung dugo ba yun o ketsup lang. Napansin din nyang may mga balhibo ng manok na nakakalat sa sahig at naisip niyang baka kinatay niya ang kanyang manok. Sa sobrang takot niya na mapagalitan ay napagpasyahan niya na bukas nalang niya haharapin ang kanyang tatay! Dali-dali siyang kumuha ng isang pirasong papel at sinulatan ng "Nakauwi na po ako! Matutulog na po ako bukas mo nalng po ako sesermonan. Ito nga po pala yung sukli sa limang daan. Pasensya na po!" Agad niya itong inilagay sa mesa at dali-daling tumungo sa hagdanan.

Dahan-dahang siyang umakyat sa hagdan. Binuksan ang pinto ng kuwarto niya, isinara, at nilock ng dahan-dahan na walang anumang ingay. Napansin nya na parang wala pang tao sa 2nd floor ng kanilang bahay at naisip niya na baka hindi pa naka-uwi ang kanyang ina at kapatid. Dahan-dahang niyang inayos ang kanyang tulugan, humiga at umidlip hanggang sa may napansin siyang malakas na ilaw sa labas ng bintana. Naisip niya na baka linagyan lng ng bagong ilaw yung poste sa tapat ng bahay nila kaya hindi na niya ito sinilip at pinansin at sa halip ay natulog na lng.

Bukas kina-umagahan ay nagising na rin si Jan. Napansin niyang medyo maingay sa labas na parang andaming tao na naglalakad sa harap ng bahay nila pero naisip niyang baka may aktibidad sa labas dahil ngayong araw ay unang araw ng nobyembre kaya hindi na niya ito sinilip sa bintana. Agad siyang nag-ayos at bumaba. Pagbaba niya sa hagdanan ay may nakita siyang kahindik-hindik at kagulat-gulat na pangyayari na mismo sa sarili niya ay hindi niya maipaliwanag. Hindi siya makapaniwala na posibleng mangyari ang mga bagay na iyon. Sa sobrang gulat niya ay hindi niya ito matanggap. Natahimik siya, hindi makapag-isip ng diretso, at dahan-dahang naglakad patungo sa tapat ng bintana. Sumilip siya sa labas at doon ay nakita niya ang kahindik-hindik at nakakasukang tanawin.

Jan: (Napabulong, Napamura, at Napa-Ingles) Holy Shit! This is nightmare!

------------------------------------------ End of Chapter 1 -------------------------------------------------

Nächstes Kapitel