webnovel

Secret Love

Sa takot na hadlangan ni Rain ang kanilang namumuong relasyon ay nagdesisyon si Jei ilihim muna ito. Hindi sa mahirap umintindi ang kanyang kuya, ayaw lang niyang mabigla ito at ang kanyang ama. Noong una ay hindi sang- ayon si Wonhi dito ngunit ng ipakita ni Jei na desidido siya sa kanyang pasya ay pumayag na din ito.

"Are you okay?" tanong ni Wonhi kay Jei ng puntahan niya ito sa kanyang kwarto ng hindi ito dumalo sa kanilang agahan.

Nakahiga sa fetal position si Jei palayo sa kanya kaya napilitan siyang yugyugin ito. "Hey?" tanong ni Wonhi na kunot ang noo ng hindi ito sumagot.

Binalot siya ng pag- aalala ng makitang nanginginig ito sa taas ng lagnat. "What the fuck! You're running a high fever!"

"M-my h-head~," nanginginig na saad ni Jei habang hawak ang kanyang ulo.

"Wait!" sabi ni Wonhi bago pumasok sa banyo para kumuha ng isang maliit na planggana na may lamang tubig at dalawang face towel.

Dagli niyang pununasan ang mukha at leeg ni Jei na namimilipit pa rin sa sakit saka binasa ang isang towel bago itapal sa noo ng dalaga.

Pero bigla siyang tumigil at huminga ng malalim ng mapagtantong kailangan niyang hubaran ang dalaga para punasan at palitan ang shirt nitong basa ng pawis. Sa ilang segundo ay naglaban ang kanyang utak at konsensiya.

"Ah... fuck it!" sabi niya habang nanginginig ang kamay habang mabilis ngunit maingat niyang tinanggal ang t- shirt ng dalaga.

"Jei... I'm sorry, but I have to do this," sabi ni Wonhi habang pinupunasan ang dalaga at palitan ang basang damit nito.

Nagpunas ng pawis ang binata kasabay ng pagbuga ng marahas ng sa wakas ay natapos din siya sa pagbabanyos sa dalaga at bumaba ang temperatura nito.

Saktong inaayos niya ang ginamit na planggana at tuwalya ng tumunog ang kanyang cellphone.

"Wae?" sagot niya kay Rain. Nasa labas ito kasama si Martina para mamasyal.

"Are you at home?" tanong ng kaibigan.

"Yep. Why?"

"Can you ask Jei if she wants any present? Martina and I are in a mall, right now. I tried to contact her, but she's not answering," saad ni Rain sa kaibigan.

"Jeineun apeuda. She's running a fever," sagot naman ni Wonhi.

"What? How is she?" puno ng pag- aalalang tanong ni Rain.

"Her fever went down, but she's still hot. I'm gonna go down and make some porridge for her to eat before giving her a pill," sabi naman ni Wonhi kaya napanatag ang kalooban ni Rain.

"Okay. Thanks, bro. We will be there soon," pasalamat ni Rain bago tapusin ang tawag.

Samantala, naging abala naman si Wonhi sa pagluluto ng lugaw. Nang makabalik siya sa kwarto ni Jei ay naabutan niya itong gising.

"How are you feeling?" tanong nito kay Jei na pinipit umupo.

"Hey... hey! Wait, let me help you," saad ng binata na agad ipinatong ang dalang pagkain sa sidetable para tulungan si Jei.

"Thanks," sabi ni Jei ng sumandal sa unan na inilagay ni Wonhi sa kanyang likuran.

"Eat up before you take your meds," saad ng binata. "A... open your mouth," dagdag nito habang hawak ang inihipan niyang lugaw.

"I can feed myself, kuya. I am feeling much better now," sa kabila ng sakit ay nagawa pang tumawa ni Jei. Agad sumimangot si Wonhi.

"I think, we have issues here but I'm gonna let them slide coz you need to eat," saad nito. "Open your mouth."

Walang nagawa si Jei dahil kung matigas ang ulo niya, doble pa yata kay Wonhi. Pinilit niyang ubusin ang lugaw kahit naduduwal na siya saka siya uminom ng maligamgam na tubig. Pagkatapos ay uminom siya ng gamot.

"Take a rest now," sabi ni Wonhi sa dalaga.

"Are you leaving?" biglang tanong ni Jei.

Ngumiti si Wonhi saka bumaling sa kanya. "Never. Don't worry," sagot nito bago siya kumindat sa dalaga na agad pinamulahan ng mukha.

"Be right back," sigaw ng binata bago isara ang pinto.

Naiwan si Jei na sa kabila ng lagnat ay may kung anong saya na animo'y pumapawi sa sakit na kanyang dinarama.

Nang bumalik ang binata ay kasama nito sina Martina at Rain na may dalang fruit basket.

"Kumusta ka na?" tanong ng kanyang kuya sabay ng paglapag nito ng mga prutas sa side table.

"Mabuti- buti po," sagot ni Jei.

"We bought these for you," nakangiting sabi ni Martina habang ipinapakita ang hawak na shopping bags. "Check them out later."

"Wow! Thank you so much," mahinang saad ng dalaga.

Bumaling naman si Rain sa kaibigan saka nagpasalamat kasabay ng pagtapik nito sa kanyang balikat, "Thanks, bro!"

"No worries," sagot naman ni Wonhi sa kaibigan.

"Anyway, ain't you gonna go shopping for souveniers?" tanong ni Rain habang binabalatan ang isang orange para sa kapatid.

Napaisip si Wonhi saka nagkibit- balikat. "Na. Maybe, I'll just buy some at the airport," sagot nito na tinawanan lang nina Rain at Martina. Pasimpleng lumingon si Wonhi sa dako ni Jei ngunit di niya mawari ang emosyon ng dalaga dahil nakapikit ito.

"Hmmm... but I'm sure, you must have already bought something for Khamila. And I'm sure she misses you a lot," nakangiting saad ni Martina.

Bilang tumikhim si Wonhi sa di inaasahang sinabi ng dalaga. Si Jei naman ay dumilat at tumingin kay Martina.

"Ate, who is Khamila?" kaswal na tanong nito.

"She's a nobody," sagot ni Wonhi na pilit binabalewa ang pagkabalisang nararamdaman.

"I am not asking you, kuya!" sagot ni Jei sa kanya na may emphasis pang "kuya" kaya't agad tumiklop ang bibig ng binata at pinag-isang linya ang mga labi.

"She's Wonhi's first and last real girlfriend," sagot ni Rain.

"Uhm... can we move on now? She's not even an important topic to discuss on," saad ni Wonhi bago isubo ang dalawang piraso ng ubas.

"Hmmm.... I wanna know more about you, kuya? I feel so bad coz I thought I'm your biggest fan. It turns out that I don't know much about you," nang-aasar na sabi ni Jei.

"You're sick, yet still stubborn!" napapailing na sabi ni Wonhi habang nakasimangot na tumingin sa malayo si Jei.

Kinagabihan, pagkatapos nilang kumain ay nagchat si Wonhi kay Jei.

'Are you still awake? ♥'

'Nope.'

'Good. Be there in minute. ♥'

'K.'

Maya- maya ay nasa kwarto ni Jei ang binata na may dalang isang baso ng maligamgam na gatas.

"Drink," saad nito kay Jei na hindi kumikibo. Matapos ilapag sa mesa ang baso ay tumabi si Wonhi sa dalaga.

"Are you still upset about the 'Khamila thing'?" tanong ng binata pero tahimik lang si Jei.

"Hey... please, say something. How can we settle this if you're not saying anything? Look, Khamila is my past. Besides, she's already married, so she's not an important person in my life... but you are," paliwanag ni Wonhi.

Nächstes Kapitel