webnovel

Last Chapter

Last Chapter

Wala akong pinagsabihan kahit kanino 'yong nakita ko si Oliver sa Mall. Mas pinili ko itong itago, pati na rin kay Prince. Sapagkat gusto ko itong ipansarili muna. Saka ko na lang ipapaalam sa kanila iyon kapag nakausap ko na si Oliver harap-harapan.

Sa trabaho, hindi ako mapatahimik ng konsensiya ko, he was running at my mind. Kapag gumigising ako tuwing umaga ay umaasa akong nasa labas na siya ng bahay para mag-usap na kami. Actually, naka-settled na ang plano ko kapag nakaharap ko na siya. Ayokong katulad noon na pinangunahan ko ang sarili dahil sa mga nalaman ko. This time, I'd let him to explain his side and after it, papatawarin ko na siya. 'Yon lang ang gusto kong mangyari at wala nang iba. Sapat na iyon.

Kakauwi ko lang galing trabaho at nandito ako sa balkonahe para lumanghap ng sariwang hangin, kinakabahan talaga ako sa tuwing iniisip na baka biglang sumulpot si Oliver sa kung saan, even I know to myself that I'm surely prepared if it will occur, though.

"Psst!" Napatingin ako sa may bandang kalsada, I suddenly smiled when I saw Prince holding a box of donuts. "Para sa iyo," sabi niya. Agad akong bumaba at pinunantahan siya sa labas ng bahay.

"Hindi ka talaga nauubusan ng pakulo, 'no?" sabi ko at kumuha ng isang pirasong donut sa loob ng kahon.

Mariin siyang tumawa. "Hindi-hindi talaga mauubusan," he said as he piched the tip of my nose. "Kahit hindi ako ganoon magarbong mangliligaw mo, katulad ni... ni Ano."

"Ano ka ba! Ang importante, napapasaya mo ako."

"Masaya ka ba talaga pagdating sa akin?" Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya.

"Ngayon ka pa ba magdududa?" tanong ko. "Alam mo, kumain ka na lang din ng donut." Agad kong isinubo sa kanya 'yong donut na hawak ko.

Naisipan naming maglakad-lakad sa kalsada kahit hindi namin alam kung saan kami pupunta. Nagpapahangin lang. Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa mga ganap ng buhay namin.

"Jamilla?"

"Ano iyon?" tanong ko sa kanya.

"I do have this chance to be with you forever?" Tumigil ako sa paglalakad at ganoon din siya. Out of nowhere, why did he ask me about that?

I took a deep breath before I focus my eyes to him. "Meron naman," sagot ko. Ngumiti siya sa akin ngunit ramdam kong may bahid ito ng lungkot.

"Siguro nga. Pero alam kong kapag nakita mo na siya, you'll still feel the same thing you felt for him before, mawawala rin ako sa iyo." He was about to continue walking when I held his hand, just to stop him.

"Ayan talaga ang iniisip mo? Paano kapag hindi ko na siya gusto?"

He shrugged his head. "Imposible iyon, kapag kayo talaga para sa isa't isa, kayo talaga."

"Bakit ka nagpapalamon sa negatibo?"

"Kaysa paasahin ko ang sarili kong meron talaga ako sa iyo. Ang tagal na ng pinagsamahan natin pero parang walang nangyayari. Habang tumatagal, mas sumasakit, habang napapangiti kita, mas humihirap."

"Prince, bakit ka ba ganyan ngayon?"

"Pagod na akong umasa. Pagod na rin akong ligawan ka."

"H-ha?" My tears pooled in the corners of my eyes.

"Alam kong kaibigan lang ang tingin mo sa akin, alam kong hindi ako 'yong tipo mo, alam kong wala ako kapag ikukumpara sa kanya. But I still choose to stay with you, ako 'yong laging nand'yan kapag nasa baba ka, ako 'yong umiintindi sa iyo, ako 'yong seryoso. Mahal kita, Jamilla at alam kong alam mo 'yon. When you thanked me last time because I stayed with you, another hopes came, pero alam kong hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo para sa akin, kaya pinili ko na lang huwag na lang palang umasa. You know what? Every night before I close my eyes for sleep, I kept asking myself: will I still choose to love you even if it's impossible to receive a same too?"

I was trying my best to fight back my tears ngunit kahit anong gawin ko, tuluyan na rin itong umagos. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Ito 'yong bagay na kinatatakutan kong mangyari sa amin dalawa, na baka sumuko na siya kakahintay.

"May pag-asa ka! Trust me, meron ka ng space rito sa puso ko. We were just have to wait a perfect time."

He shrugged his head again. "Perfect time? Pitong taon na akong naghihintay, Jamilla, kaso hindi ka pa rin sigurado sa akin. Huwag ka nang magbitaw ng mga salitang nagbibigay motibo para magustuhan pa kita." He paused. "This time, huwag muna natin ipagpatuloy 'to. Kapag sigurado ka ng mahal mo ako, it would be the best thing I've receive from you, but if ever you're still in love with him, it would be the most painful one."

"Prince.."

"Sana kapag nagkita na ulit tayo, sana sigurado ka na sa nararamdaman mo para sa akin. Kasi ako, alam kong ikaw na. Ikaw na 'yong gusto kong makasamang bubuo ng pangarap ko, magkasama," ngumiti ulit ito nang pilit. "Bye."

-

Nang pag-uwi ko sa bahay, dumaretso agad ako sa kuwarto ko. Humarap ako sa salamin at pinanood kung paano nag-uunahan umagos ang mga luha sa mga mata ko.

"Ang tang* mo. Ang tang*-tang* mo. Sa tagal mong hinihintay 'yong gag*ng iyon, iyan ang napala mo." Umupo ako sa kama pero deretso pa rin ang tingin ko sa salamin. "Iniwan ka na naman, nasaktan ka na naman. 'Yong taong laging nand'yan para mapatawa ka, pinabayaan mo pa. 'Yong taong inaakala mong hindi susuko, sumuko na. Paano ka na ngayon?" Hinawakan ko ang dibdib ko dahil naramdaman kong sumikip ito, ganito 'yong solid na sakit na naramdaman ko kay Oliver, at ngayon ay bumalik muli dahil naman kay Prince.

"Punyeta ka kasi, Oliver. Kailan ka ba magpapakita sa akin? Gusto ko nang makasigurado. Gusto ko nang makalaya sa mga tanong: Mahal pa ba kita o hindi na? Mahal ko na ba si Prince?" I combed my hair by my finger. "Habang hindi pa tayo nagkikita, mas kumukumplikado 'yong tanong na kailangan nang masagot."

-

Simula no'ng nangyari, we didn't ever see each other. Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa next step na gagawin namin sa shop, which is the advertisement, para sa ganoon, nakakalimutan ko siya pero minsan ay hindi ko rin maiwasan mag-alala para sa kanya.

"Asaan na 'yong actress na kinuha niyo para maging endorser natin?" tanong ko sa mga kasamahan ko. Ngayon araw na namin sisimulan ang proyekto kaya close muna ang shop. Ako ang producer nito at kumuha rin kami ng mga tutulong din sa amin.

Meron na rin akong idea what kind of advertisement we will make that can encourage people to discover our shop. 60 seconds lang ang target ng advertisement at may kaunting dialogue lang ang sasabihin ng actress. Hindi ko pa kilala kung sino iyon but my helper told me that she's a girl.

"Malapit na raw po," sagot ni Alin. Hindi ko na siya tinanong ulit kung saan specific place na nandoon ang actress.

Tumungo ako sa kitchen dahil gusto kong panoorin kung paano inaayos nina Chef Raffy, Chef Elle and Chef RJ ang mga new flavors ng cake. Nilalagyan na nila ito ng palamuti.

"Ma'am, Jam. May bagong padala sa atin ng isang paiting na may quote na nakalagay. Perfect para sa wall natin," sabi ni Eka pagkapasok nito sa kusina.

"Ha? It came whom daw?"

Nagkibit-balikat ito sa akin. "Ewan po."

Napakunot ako ng noo. "Wala manlang sulat 'yong nagbigay? Or wala manlang sinabi 'yong nag-deliver kung kanino galing?"

"Wala po, eh. Basta na lang po namin ni-receive iyon."

"Asaan? Patingin nga ng painting." Lumabas kami ng kusina at tiningnan iyon. Natigilan ako when I read the quote. Bumilis ang tibok ng puso ko na hindi ko malaman kung bakit.

Choose people who

Choose you.

Sa isang sulok ng isip ko, siguro nga sign na ito. Sa dami-daming quote ang maaaring maisulat d'yan ay bakit 'yong quote na patama sa sitwasyon namin ni Prince ngayon? 'Yong tipong sinasabi sa akin ng universe na dapat ko nang piliin si Prince. Kaso hindi ko pa rin ito kayang sundin dahil hangga't hindi pa ako sigurado, ayaw ko pang sumugal.

"Ba't po?"

"Nothing," sagot ko. "Baka siguro isa sa customer natin ang nag-send niyan dito."

"Siguro nga po."

"Ma'am, Jam!" tawag sa akin ni Alin na papasok pa lang sa shop. "And'yan na po 'yong actress natin." Nang pagkasabi niya ay saktong bumukas ang pinto. Pumasok ang isang maputing babae na naka-pink dress. She's seems very familiar to me.

My forehead suddenly puckered when I finally recognize her. Nang mapatingin siya sa akin ay gulat din ito. Hindi ako nagkakamali, siya si Daenice. Hindi ko alam na artista na pala siya, palibhasa hindi ako madalas manood ng tungkol sa showbiz.

"J-jamilla?" Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "I'm sorry what I have done to you before. Nadala lang ako ng inggit. Pinagsisihan ko iyon. Sorry talaga."

"Daenice, okay lang sa akin iyon. Actually, kailangan ko pa ngang magpasalamat sa iyo dahil you wake me up to the truth from his lies to me. Siguro, the one thing that you did wrong is that ipinahiya mo ako sa maraming tao pero ayos lang iyon sa akin. Forget that." 

"I'm really sorry for that. Pakiramdam ko kasi, sinira ko relasyon niyo."

"No, sira na talaga 'yon bago pa lang kami nagsisimula. Ayos nga lang sa akin. Huwag kang mag-sorry."

"Ang bait mo talaga."

"Eh, ikaw? Kumusta na?" Lumuwag na ang pagkakayakap namin.

"Ito, sa pitong taon na lumipas, natauhan ako kung gaano pala kasama ng ugali ko. I changed myself for a better version. I tried to be nice one with others. No'ng una, mahirap pero kaya ko naman pala. Ngayon pinagpapatuloy ko na 'yon ganoon na attitude, kasi ang sarap pala sa pakiramdam na maging mabait at napapasaya ang mga magulang ko dahil sa magandang asal na ito. Thank you, Jamilla, you're the one who change me from my bad attitude."

"Totoo ba iyan?"

"Oo naman. Pero... Pinapatawad mo na ba ako?"

"Matagal ko na ngang limot 'yong nangyari. That means, matagal na rin kitang pinapatawad."

"Thank you!"

Hindi ko kokontrahin ang sinabi niya dahil sa nakikita ko sa kanya, totoong nagbago na nga siya. Makikita pa lang sa kung paano siya manamit. Sobrang simple na at hindi na siya ganoong maarte sa katawan. Nakakatuwa lang isipin na kayang magbago ng isang tao dahil sa mga panahon na lumilipas. Natatauhan ito mula sa mga bagay na hindi tamang gawin, and in her case, sinubukan niyang kayanin magbago. Sobrang hirap magbago, actually. Hindi mo matitiis na gawin 'yong mga bagay na iniiwasan mong mangyari o gawin. Pero kapag lumipas na ang panahon, mamamalayan mong may nagbago na pala sa iyo.

-

Natapos na namin i-shoot 'yong advertisement at kasalukuyan na itong in-eedit ngayon. Napapadalas ang pagdalaw ni Daenice sa shop upang dito kumain, nag-uusap naman kami kapag may free time ako. Ikinuwento niya sa akin kung paano ang naging journey niya sa showbiz industry and kinukuwento ko rin sa kanya 'yong naging buhay ko rin.

Nakaupo ako ngayon sa counter at kasalukuyan nakikipagkuwentuhan sa dalawa kong helper doon.

"Asaan na si Kuya Prince, ma'am?"

"Busy lang," pagsisinungaling sagot ko.

"Pa-order po." Naudlot ang pag-uusap namin dahil sa lalaking umo-order. Napatingin ako sa lalaki at napako na tuluyan rito ang atensiyon ko. Maging siya ay gulat na napatingin sa akin. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa biglang pagkikita namin. Hindi ko inaasahan. Sa daming place na puwede kaming magkita ay bakit dito pa sa shop ko? "Ah, sige, huwag na lang pala." He was about to take one step away when I called his name and immediately held his arm just to stop him.

"O-oliver." Lumingon ito sa akin. Pansin kong pinapanood na kami ng dalawa kong helper pero hindi ko na lang sila binibigyan pansin. "U-usap t-tayo?"

Tumagal pa ng ilan minuto before he spoke. "Kailangan ko nang umalis."

"Please?" 

-

"Kumusta ka na?" tanong ko. Nakaupo kami sa isang customer's table at nakapuwestong magkaharap ang mga upuan namin.

"Okay naman. Ikaw?" ramdam kong hindi siya kumportable dahil sa kung paano siya sumagot.

"Ayos din naman ako. Nakapangpundar na nitong maliit na shop."

"Good for you," sabi niya at uminom ng ice tea.

"Oliver?" Hindi ko na papalagpasin ang pagkakataon na ito para ma-klaro ang mga tanong na bumabagabag sa akin. "Bakit?"

"A-anong bakit?"

"Bakit ka biglang umalis?"

"Ang sarap nitong cupcake mo—"

"Please, don't change the topic. Gusto ko nang makalaya sa iyo, gusto ko nang maklaro na wala na talaga akong nararamdaman para sa iyo." Hindi siya makatingin nang deretso sa akin. "Ngayon, kung hindi pa tayo nagkita, hindi pa natin siguro masisimulan ayusin ito. Asaan ka?"

"May plano naman akong ayusin ito."

"Hanggang kailan? Kapag nasira na ako? Kapag nawala na 'yong mga taong nand'yan para sa akin?"

"Hindi kita maintindihan."

"Punyeta. Hindi mo ba naiitindihan that I've been waiting for you to come back for so long because I want to ensure my feelings for you. Gusto ko munang makasigurado bago sumabak sa isang pag-ibig muli. Ayaw ko kasi na kapag bumalik ka, heto ako, mahal pa pala kita."

"Nandito na ako. Mahal mo pa nga ba ako?"

"Answer my questions first," sagot ko. "Bakit ka tumakas sa sitwasyon natin noon? Bakit ang tagal mong bumalik?"

"Nabasa mo na ba 'yong libro?"

"A thousand times. Kaso habang paulit-ulit kong binabasa, nawawala na rin 'yong sakit."

"Mahirap sa parte ko na bigla kang iwan nang hindi pa naaayos ang problema natin, but I really have to. Na-stroke ni Papa at kailangan niya ako, kaya umalis agad ako nang walang paalam sa iyo. Sorry, Jamilla."

"Akala ko, sumuko ka na kasi hindi kita hinahayaang magpaliwanag. You left me without even saying goodbye, pero ngayon ka lang bumalik? Kasi may anak ka na?"

"H-ha?" This time, dumaretso ang tingin niya sa akin nang ilan segundo pero yumuko rin agad. "Oo."

"B-bakit?"

Confirmed, tama nga hinala kong anak niya iyong nakita ko. Dismaya ang nangingibabaw sa akin ngayon. Walang sakit ang nararamdaman ng dibdib ko.

"Aksidente 'yong nangyari. Niyaya ako ng mga kaibigan kong mag-inuman at hindi ko namamalayan na may balak pala silang masama sa akin. Kaya ayun, Nakabuntis ako."

"Siguro nga," komento ko.

"Siguro ngang ano?" itinunghay na nito ng ulo niya pero hindi sa akin nakatingin.

"Siguro nga, hindi tayo ang para sa isa't isa. People change, Oliver. Dati, iniisip ko na siguro pinaghiwalay tayo ni tandha dahil kailangan natin mag-grow individually, kaso hindi nag-work. Ang daming nangyari sa iyo at sa akin din. May taong pinatunayan na mahal niya ako at ngayon, sa kanya na umiikot ang mundo ko. I'll reapet, people change, Oliver. Pati siguro 'yong feelings ko para sa iyo nadamay, wala na." 

"W-wala na?"

"Ngayon na bumalik ka na, naklaro kong wala na pala talaga akong nararamdaman para sa iyo. Kung ano man ang nangyari sa atin noon, doon na lang siguro iyon."

Yumuko at nakita kong pumapatak na ng mga luha niya. "I'm sorry." sabi niya. "Sa pagkakamali ko. Deserve ko ito."

"Mahal mo ba talaga ako o minahal mo ba talaga ako?" tanong ko.

"Before, I tried to love you. Kasi lahat ng tipo ko sa babae, nasaiyo na pero naka-stuck pa rin ako that time kay Angel. Nang nasa ibang bansa ako, araw-araw kong pinagsisihan 'yong nagawa ko. Kung kailan huli na, saka ko lang na-realize na mahalaga ka pala sa akin. Sorry kung iniisip mong pinaglaruan kita."

A ten seconds awkward moment of silence came before I spoke. Hindi ko alm kung anong i-rereply ko sa kanya. "Okay lang sa akin. Matagal na iyon. Kalimutan mo na. Learn from your mistakes. And also, thank you for being honest to me throught the book which you gave to me. I appreciate it. Pero paano ka na ngayon?"

Ngumiti ito sa akin. "Sa anak ko na lang iikot ang mundo ko. 'Yon na lang ang gagawin ko," sabi niya. Naawa ako sa kanya. "Piliin mo si Prince. Deserve mong piliin kung sino 'yong mahal mo," dagdag niya pa.

"Paano mong nalaman na si Prince iyon?"

"Halata naman, eh."

"So? Ano na tayo? Friends?"

"Kahit mahirap tanggapin, sige. Friends." Pareho kaming ngumiti sa isa't isa at nakipagkamay. Behind his smile, I still seek the sadness.

Nächstes Kapitel