webnovel

Chapter 6

Chapter 6: Let Go of my Hand

Wenesday na ngayon at medyo good vibes ang pakiramadam ko dahil walang kalokohang ginawa si Oliver kahapon. Akala ko, pahihirapan na niya ako bilang alipin niya pero nagulat na lang ako na hindi niya ako pinansin. Thankful ako dahil doon, lumipas ang one day nang walang nangyayaring ikasasama ng loob ko. Sana tuloy-tuloy na iyon.

"Paraphrasing is rewriting a statement using your own words..." Kasalukuyan ako nakikinig kay Sir Will, nag-didiscuss kasi siya sa English. Siyempre, I have to listen to him because I know later on, magpapa-surprise quiz iyan.

"Get 1/4 sheet of paper," biglang utos ni Sir. Sabi na nga ba may quiz, eh. Kumuha agad ako ng papel at dahil aminado akong madamot ako, sa loob ng bag ako kumuha at isang piraso lang ang inilabas ko. Alam ko kasi maraming manghihingi, even in the first place, first week of school year pa lang. Students nowadays, nakakabili ng phone pero walang pambili ng papel.

"Psst. pahingi," bulong sa akin ng katabi ko. Nang-init agad ang ulo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Ayoko."

Tumingin din siya sa akin. "Ano bang araw ngayon, Ms. Aravello? Don't you remember that this is your second day of being my slave. Mabuti nga't nakalibre ka ng isang araw sa akin kahapon. Magpasalamat ka dahil masama ang pakiramdam ko pero ngayon na hindi na, lagot ka na sa akin."

"So?"

"You have to do whatever I want or whatever I'm going to say. And now, kailangan ko ng papel kaya you should give me one," pa-cool niyang utos at sumandal sa upuan niya.

"What if I don't want to?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Paano kapag ayaw ko rin ibalik 'yong panyo mo?" Hinuhuli niya talaga ang kahinaan ko, pwes, hindi siya nabigo doon. Palibhasa kasi may panakot.

"Ayan na! Isaksak mo sa baga mo!" Ibinato ko agad sa mukha niya ang isang pad ng papel ko. Sinamaan niya ako ng tingin pero ngumiti rin ito agad. Kung hindi lang dahil sa panyo ko, hindi ko talaga siya bibigyan ng papel.

"Salamat, Tigreng Babae," sabi niya sabay kindat sa kaliwang mata. Hobby niya talagang gawin iyon, eh. Kapag talaga nangdilim itong paningin ko, hindi ako magdadalawang isip ipalamon sa kanya 'yong mga papel ko. I rolled my eyes at him and turned my attention to our teacher.

Hindi naman sa pagiging madamot. Ang akin lang ay matutong 'wag sanayin ang sarili sa pagiging palahingi.

-

Nang pagkatunog ng bell ay agad kong inayos ang sarili ko. Lunch na at medyo kumikirot na ang sikmura ko dahil sa gutom. Magsisimula na sana ako maglakad but Oliver pulled my arm so it made me to stop. Ano bang kailangan nito?

Gulat akong lumingon sa kanya pero siya'y nagmamadaling inaayos ang mga gamit niya sa loob ng bag habang hawak ang braso ko. 'Yong isang kamay niya ay nakakapit sa akin and then, 'yong isa ay ginagamit niya sa pag-aayos. Weird.

"Pwede ba? bitawan mo nga 'ko!" singhal ko. Nakakainis.

"Sabay tayong mag-la-lunch." Did I hear it right? Maglalunch ako na kasama siya? Gosh.

"Ayoko nga!"

"At bakit?" Kumalas na siya sa pagkakahawak niya sa akin at tiningnan ako nang deretso, waiting for my answer.

"Famous ka. Baka ano pa ang isipin ng mga tao na kasama mo ako," palusot ko pero sa totoo lang ay ayaw ko talaga siyang makasabay kumain dahil mga kaibigan ko dapat ang kasama ko.

"Wala akong pake."

"No!"

"Ano pang magagawa ng pagtanggi mo kung gusto ko? Tara na!" Hindi ako nakaapila pa nang hawakan niya ang braso ko at nagsimula nang maglakad. Wala na akong magagawa kundi, magpatangay sa hila niya. Pambihira. Paano ba nakapasok sa sitwasyon na ganito?

-

Habang papalapit na kami sa hallway, nakikita ko na agad ang mga mata ng mga estudyante sa amin. Minsan talaga may disadvantage ang pagiging famous kasi they're so many people may stare at you, it's very distracting and very disrespect as well. Pero si Oliver? Parang walang pake sa kanila dahil deresto lang itong naglalakad. Samantalang ako ay hindi na alam kung anong gagawin. Hiyang-hiya na ako rito. Ang layo pa namin sa Cafeteria.

Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nang marinig ko pa ang mga bulungan ng mga estudyante.

"OMG! Si Oliver 'yon, 'di ba?"

"May kahawakan na kamay!"

Bahagya akong napaismid. Gusto ko sanang isigaw sa kanya na hindi sa kamay ko nakahawak si Oliver, kundi sa braso lang. Ang bulag naman.

Bakit kasi hindi maiwasan ng mga taong huwag magbulungan? Puwede naman tingnan na lang kami. Kung naiinggit sila sa akin kasi kasama ko ang idol nila, sana sila na ang nandito at hindi ako.

Naisipan kong tanggalin na lang ang kamay niya sa braso ko pero hindi ko 'yong magawa dahil sa sobrang higpit ng hawak niya. Pilit ko pa rin tinatanggal pero napakunot ako ng noo nang makita kong binababa niya na 'yong kamay niya papunta sa kamay ko. Anong ginagawa niyang kalokohan?

"Let go of my hand," inis kong bulong sa kanya.

"No," pagmamatigas niya. Inirapan ko siya. Mariin akong napangiti when there's a something pop up to my mind. Kung ayaw niya akong bitawan, mas mabuting kurutin ko ulit siya.

"Aray!" Halos pumikit na siya nang kurutin ko ng tagiliran niya.

Hindi lang siya ang nagulat sa ginawa ko, kundi 'yong mga estudyante rin na nakatingin sa 'min. But I build myself just like what Oliver did, na walang pake sa kanila though sa loob-loob ko ay pinagsisihan ko 'yong ginawa ko. Masama na bang saktan ang favorite author nila?

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko papuntang cafeteria, ramdam ko rin naman nakasunod na lang sa akin si Oliver.

-

"Humanap ka na lang ng mauupuan natin at ako na ang bahalang bumili ng pagkain natin," utos niya at naglakad na patungong counter, sinunod ko naman iyon.

Nang makaupo na ako I decided to get out my phone to play online games while waiting him. Medyo nakakaramdam ako ng pagkayamot ng hindi ko malagpasan 'yong level na nilalaro ko.

"Jamilla!" tawag sa akin ni Oliver sa kung saan. Hindi ko siya pinansin kasi busy pa ako sa paglalaro. "Jamilla! Ano ba?!" inis niyang sambit sa harapan ko pero umakto pa rin ako na hindi ko siya naririnig, my eyes still concentrating to my phone.

Sinamaan ko siya nang tingin nang kunin niya bigla 'yong phone ko.

"Problema mo? Akin na 'yan phone ko!"

"Hindi puwede." Kukunin ko na sana iyon mula sa kanya pero napabagsak ako ng balikat when he put my phone on his pocket. Wala na akong nagawa kundi simangutan siya.

"Nakakainis ka!"

"'Yong pagkain mo po kasi ay kanina pa naghihintay sa counter. Kunin mo na po," magalang niyang pagkakasabi. Pansin kong hawak niya na 'yong tray ng mga pagkain niya. Napaka-ungentlemen naman nito, hindi pa isinabay 'yong akin.

Pagkarating ko sa counter ay napanganga na lamang ako nang makita 'yong laman ng tray ko. Hindi ako makapaniwala dahil halos lahat ng ulam na tinitinda ay nandoon.

"Akin lahat ito?" tanong ko sa kanya nang pagkabalik ko.

"Obviously, ayaw mo?"

"Nagulat lang ako," tiningnan ko siya at lumawak ang ngiti. Ngumiti rin siya kaya iniwas ko ang tingin ko. Napansin kong hindi pa siya nagsisimulang kumain. "Ba't hindi mo pa ginagalaw pagkain mo?"

"I'm just waiting for you, para sabay sana tayo mag p-pray?" nauutal niyang sambit. After he said that, I suddenly remember what happened when we first met. Bahagya akong napangiti sa kanya at ganoon din naman siya sa akin. Natuwa ako sa inaakto niya.

"Sige, pray na tayo," sabi ko at ipinikit na ng mga mata. Habang nagpra-pray ako may nararamdaman ako na parang may nakatingin sa kin. Pero isinawalang bahala ko na lang 'yon at ipinapatuloy ang pagdarasal.

Dahil hindi ko na talaga kaya at gusto ko nang makita kung sino 'yong kanina pang sumisilay sa 'kin, hindi pa 'ko tapos mag-pray ay iminulat ko na agad ang mga mata ko. Nagulat ako dahil tama nga ang hinala ko kasi deretsong siyang nakatingin sa akin. At naging dahilan 'yon ng pagtigil ko sa pagdarasal.

"M-May d-dumi ba 'ko sa m-mukha?"

"Oo! Ang laki ng muta mo!" Agad akong kumuha ng tissue at pinunasan 'yong ibaba ng mata ko dahil sa hiya. Bwiset.

-

Nächstes Kapitel